Babawiin Ko Ang Lahat (Part 2)

*** Warning: Violence, Rape & Manipulation ahead. Feel free to skip the entire series if you’re not into this kind of theme.

Adonis Point of View

“And that ends my presentation, Mr. Villarin. Do you have any questions?” ani ko.

Nandito kami sa loob ng conference room kasama ang mga board members ng kumpanya.

“That is a good presentation, Mr. Salvacion. I am impressed because you showed me in full detail the complete work plan for your expansion and how our companies will benefit from it” ani Mr. Villarin.

Napakuyom ako ng palad dahil sa excitement.

I knew it! I knew I will get this partnership! Matagal kong pinaghandaan ang presentation na ito at maging ang pagkikita namin that’s why a surprise visit like what he did earlier won’t let my guard down.

“But I want you to understand that business is business. I own a very large company and hindi ako pasensyoso kapag nararamdaman kong madedehado ako. Kaya before we close the deal, gusto kong malaman kung…”

Nakatingin ako sa kanya at inaabangan ang kanyang susunod sa sasabihin. Medyo kinakabahan ako pero kailangan kong ipakita na handa ako sa mga itatanong niya at confident ako na masasagot ko ang mga ito.

“Gusto kong malaman, Mr. Salvacion, kung naglalaro ka pa rin ng basketball?” tanong nito.

“I-I-I’m sorry?” gulat at taka kong tanong.

“Gusto kong malaman kung naglalaro ka pa rin ba ng basketball?” ulit nitong tanong.

Napatingin ako sa mga kasama ko at maging sila ay nagtataka.

“I-I-I just practice at home whenever I have time but matagal na akong hindi nakakapaglaro with a team.”

“Good!” masaya at excited sagot nito. “Is there any court around the area na pwedeng paglaruan?” tanong nito. Ang kaninang seryoso at intimidating na itsura nito ay napalitan ng pagiging isip bata.

“There is a court sa rooftop ng building na ito. We allow all the staff to play kapag tapos na ang shift nila or even before their shift, para makapag exercise sila and connect with everyone. Part ng work-life balance for them as well”

“If that’s the case, can we play now? Matagal tagal na rin akong hindi nakapaglaro ng basketball and I want to play with San Alcantara’s Most Valuable Player nung nag-aaral pa siya” nagulat ako sa kanyang sinabi pero hindi na ako nagtaka dahil siguradong nag research na rin siya tungkol sa akin.

Ano po kaya ang mga nalaman niya? Siguro naman hindi niya panghihimasukan ang personal na buhay ko. Though he doesn’t look like he cares for other things other than business.

“Are you sure? Aren’t we going to discuss more about the presentation? Don’t you have questions or anything?” tanong ko.

“Of course we’re not done yet. Matatapos lang tayo kapag naglaro tayo ng basketball nang tayong dalawa lang. Lalake sa lalake. Then maybe after that I already have a decision” nakangising sagot nito.

Napalunok ako at tiningnan ang iba kong kasama.

“Alright then!” tumango ako bilang pagsang-ayon. “Board members, the meeting is adjourned. Please wait for my further instruction and announcement. And Mr. Villarin, please follow me” utos ko.

===

Katanghaliang tapat at nandito kami ngayon ni Mr.Villarin sa rooftop upang maglaro ng basketball. Magkatapatan kami sa gitna ng court at ako ang hinayaan niyang maghawak ng bola. Parehas kaming walang saplot pantaas kaya kita ang pangingintab ng aming mga katawan dahil pawis.

“Before we start, Mr. Salvacion, I want you to know that I like your presentation and I have no further questions regarding it. But here’s the deal, kapag natalo mo ako dito sa laro natin, you may call your secretary immediately and prepare the contract for our partnership. Pero kapag natalo kita, I’m sorry but all your preparations will go down the drain” anito.

“Isn’t that unfair, Mr. Villarin?” tanong ko.

“How many years have you been in business, Mr. Salvacion?”

“Almost four years”

“Still a kid! But in those four years, you should’ve already learned that there is no such thing as fairness in business. You should always make sure that you have the upper hand. And you may find this game unfair, but it’s not. It is actually a gift from me that you just need to work on more before you get it. Besides, you are an MVP, right? If you are confident enough, then you can defeat me”

“I don’t need to be confident to defeat you, Mr. Villarin. You are in my playground so consider yourself a looser” sagot ko ang pinakita ang mayabang kong ngiti.

Aaminin ko na ginanahan ako sa mga sinabi nito. Totoo naman na ang apat na taon ay hindi pa sapat upang matutunan ang lahat ng pasikot sikot sa negosyon. Hanggang ngayon ay marami pa rin akong natutunan sa mga nagiging business partners ko noon at maging sa mga nakakatanda sa kumpanya.

Pero sa lahat ng mga narinig ko, etong kay Mr. Villarin ang pinaka nagustuhan ko.

“Okay then. The first to get 20 points will be the winner” tumango ako.

“Ready? Let’s begin!” at hinagis ko ang bola pataas.

Agad akong tumalon at nakuha ko ang bola. Mabilis akong nakapwesto sa 3-point shot at naishoot ang bola.

“That’s a quick one!” anito.

“I told you, you are in my playground” maangas kong sagot.

Ngayon ay nasa kanya naman ang bola. Agad ko itong hinarangan bago pa ito makatakbo sa ring. Mabilis naman itong kumilos at nagawang makalusot sa akin. At akmang ishoot na niya ang bola para mag three points ay tumakbo ako papalapit sa ring upang abangan kung papasok ang bola.

Sa kasamaang palad ay hindi, kaya napangisi ako at agad na tumalon upang mag rebound.

Panibagong puntos para sa akin.

“Are you sure gusto mo pang ituloy ito?” pang-aasar ko.

“4 points ka pa lang so don’t be overly confident”

“Sabi mo eh” muli kong pang-aasar.

Ipinagpatuloy naming ang paglalaro at muli akong nakakuha ng sunod sunod na mga puntos. Kahit hindi na ako nakakapag laro ay masasabi kong mahusay pa rin ako. Hindi rin naman kasi ganoon kagaling ang aking kalaban kaya madali lang para sa akin ang manalo.

Sa ngayon ay nakaka 17 points na ako habang si Mr. Villarin ay 8 points pa lang. Mukhang hindi na ito makakahabol pa at isang 3-point shot na lang ay tapos na ang laban.

“Now let’s bring it on” rinig kong bulong ni Mr. Villarin at biglang naging seryoso ang kanyang mukha.

Ngayon ay nasa kanya ang bola. Tumakbo ito at pumwesto upang mag 3-point shot ngunit hinarangan ko siya upang pigilan. Nakalusot naman ito at tumakbo palapit sa ring, at akmang ishoshoot na niya ang bola kaya hinarangan ko ito.

Nugnit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi niya tinuloy ang pagshoot at muling tumakbo papunta sa 3-point shot at doon shinoot ang bola.

Pumasok ito!

Hindi ko inasahan ang kanyang ginawa. Mukhang may ibubuga din itong si Mr. Villarin sa basketball.

Muli kaming naglaro at patuloy itong nakakapuntos. Sunod sunod ang kanyang three points at nagsisimula na rin akong kabahan at mainis dahil sa malapit na niyang maabutan ang score ko.

Muling itong nakashoot ng bola kaya ngayon ay parehas na kami ng score.

“Paano ba yan, Mr. Salvacion, nahabol na kita” nakangising sambit ni Mr. Villarin. Hindi ako sumagot at sinimulan ang mag dribble.

Naging mahigpit ang pagbabantay niya sa akin at talagang pinahirapan niya ako. Mabilis nitong nakuha ang bola at siya naman ang tumakbo papalapit sa ring.

At dahil ayokong magpatalo ay gumamit na ako ng pwersa upang agawin ang bola sa kanya. Ngunit sadyang maliksi itong si Mr. Villarin kaya mabilis siyang nakakapagpalit ng pwesto.

Pumwesto ito sa 3-point shot at ngumisi sa akin bago hinagis ang bola upang ishoot.

Napakunot ang aking noo at tinanggap na ang pagkatalo ko.

===

Magdalena’s Point of View

Nakaupo ako ngayon sa loob ng aking opisina habang naghihintay ng update tungkol kay Adonis at Mr. Villarin. Sinabihan ako ng secretary ni Adonis na kasalukuyan silang nasa rooftop at naglalaro ng basketball dahil iyon ang request ni Mr. Villarin.

Hindi na ako nagtaka ng marinig iyon, dahil base sa mga na-experience ko mula sa dati kong kumpanya ay may mga businessman na sa laro dinadaan ang kanilang mga magiging desisyon; minsan ay sa chess, sa race car o ang pinaka karaniwan sa lahat ay sa golf.

At kahit na alam kong walang tatalo kay Adonis pagdating sa basketball ay hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala. Importante kasi para sa aking asawa ang deal na ito, dahil hindi lamang nito masesecure ang kinabukasan ng kumpanya kundi mas mapapatunayan niya pa sa kanyang mga magulang na tama ang desisyon na sa kanya ipagkatiwala ang kumpanya.

Tumingin ako sa orasan at nakitang mag-aalauna na.

Gusto kong umakyat ng rooftop upang silipin ang mga nangyayari ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil ayokong makaramdam ng pressure si Adonis.

Ilang sandali pa ang aking pinaghihintay nang biglang tumunog ang aking cellphone at nagtext ang aking asawa.

Bad news. To my office now.

Agad akong tumayo at patakbong lumabas ng aking opisina. Hindi ko na napansin ang mga taong nakakasalubong ko at bumabati sa akin.

Nagmamadali akong sumakay ng elevator at nang makarating sa opisina ni Adonis ay pumasok ako at naabutan siyang nakaupo at sapo sapo ang ulo.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

“Babe are you okay? Anong nangyari? Where is Mr. Villarin?” tanong ko.

“He already left. May out of town pa daw kasi siya kaya he immediately left after our game. I also asked him for a lunch out so that I can introduce you to him kaso he was in a hurry kaya wala na rin ako nagawa” malungkot sagot nito.

“That’s fine, babe. What happened sa meeting niyo? Sino na nanalo sa laro niyo?”

Bumagsak ang balikat ni Adonis.

“I-I-I’m sorry” mahinang sagot nito na tila nagpapahiwatig ng masamang balita. “I did my best. I really did.” dagdag nito.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kanyang braso.

“I know, babe. I know you did your best para makuha ang partnership deal with Mr. Villarin. But maybe hindi pa ito ang tamang panahon para maging business partners kayo. There are a lot of companies out there na pwede natin maging kasosyo sa business, and for sure makakakita ka ng tatapat sa kung anong kayang ibigay ng kumpanya ni Mr. Villarin. At kung nag-aalala ka sa iisipin ng parents mo, I guess we just need to deal with it and tell them that we will continue to persuade Mr. Villarin hanggang sa maging business partner na natin siya. For sure they will understand because hindi lang naman siguro isang beses nangyari ang ganitong sitwasyon noon, for sure marami rin silang mga unsuccessful business deals noon. So you have nothing to worry about” mahaba kong pagpapalubag loob sa aking asawa.

Hindi ito sumagot at tumingin sa aking mga mata.

Namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang hindi inaalis ang tingin sa bawat isa.

Biglang ngumisi si Adonis.

“Who said I didn’t get the partnership?” napakunot ang noo ko at nagtaka tinuran ni Adonis.

“I-I-I don’t understand. I thought you di-didn’t…”

“What I was telling you is I did my best to close the partnership with Mr.Villarin, and I did!” panimiula nito. “And what I was apologizing for is that I can’t wait for another hour para hindi kunin ang prize ko for getting that partnership. Remember what you said this morning na once ma-close ko ang deal with Mr.Villarin is I can fuck you whenever, wherever, and however I want. So tamang tama since Mr. Villarin already left and gutom na gutom na rin ako, ay sisimulan ko ng kainin ang aking pinakapaboritong putahe, my very beautiful, lovely, and supportive wife” agad ako nitong hinatak paupo sa kanyang kandungan sabay siil ng halik.

Agad naman akong kumalas ng halik.

“So you were just messing with me? Huh? Ang haba haba ng litanya ko kanina just to make you feel that everything is going to be fine, tapos na-close mo naman pala yung partnership deal mo with him?” inis kong tanong.

Ngumisi lang ito ng mayabang.

“Wag ka nang magtampo, babe. I was just messing with you kasi bigla kong namiss na asarin ka. Ang cute cute mo kasi kapag naasar at nagtatampo” pang-aasar nito.

“Pwes! Bahala ka! Kumain ka mag-isa mo at hindi hindi kita kakausapin sa buong maghapon. That is your punishment! Nag-aalala pa ako kanina kung ano na ang nangyari sa meeting mo with Mr. Villarin tapos ganito ang gagawin mo sa akin” inis kong sambit.

Napanguso si Adonis na akala mo isang bata na natauhan dahil sa ginawa.

“Okay I’m sorry babe. I didn’t intend to offend you”

Tumayo ako mula sa kandungan ni Adonis at dumeretso papunta sa pintuan.

“C’mon babe, I’m sorry. I just thought it was a good idea to surprise you na naclose ko ang deal with Mr. Villarin without you knowing it. I’m sorry!” rinig kong pakiusap nito.

Nang makarating ko sa harap ng pintuan ay tumigil ako at niloc…