Babawiin Ko Ang Lahat (Part 2)

*** Warning: Violence, Rape & Manipulation ahead. Feel free to skip the entire series if you’re not into this kind of theme.

Adonis Point of View

“And that ends my presentation, Mr. Villarin. Do you have any questions?” ani ko.

Nandito kami sa loob ng conference room kasama ang mga board members ng kumpanya.

“That is a good presentation, Mr. Salvacion. I am impressed because you showed me in full detail the complete work plan for your expansion and how our companies will benefit from it” ani Mr. Villarin.

Napakuyom ako ng palad dahil sa excitement.

I knew it! I knew I will get this partnership! Matagal kong pinaghandaan ang presentation na ito at maging ang pagkikita namin that’s why a surprise visit like what he did earlier won’t let my guard down.

“But I want you to understand that business is business. I own a very large company and hindi ako pasensyoso kapag nararamdaman kong madedehado ako. Kaya before we close the deal, gusto kong malaman kung…”

Nakatingin ako sa kanya at inaabangan ang kanyang susunod sa sasabihin. Medyo kinakabahan ako pero kailangan kong ipakita na handa ako sa mga itatanong niya at confident ako na masasagot ko ang mga ito.

“Gusto kong malaman, Mr. Salvacion, kung naglalaro ka pa rin ng basketball?” tanong nito.

“I-I-I’m sorry?” gulat at taka kong tanong.

“Gusto kong malaman kung naglalaro ka pa rin ba ng basketball?” ulit nitong tanong.

Napatingin ako sa mga kasama ko at maging sila ay nagtataka.

“I-I-I just practice at home whenever I have time but matagal na akong hindi nakakapaglaro with a team.”

“Good!” masaya at excited sagot nito. “Is there any court around the area na pwedeng paglaruan?” tanong nito. Ang kaninang seryoso at intimidating na itsura nito ay napalitan ng pagiging isip bata.

“There is a court sa rooftop ng building na ito. We allow all the staff to play kapag tapos na ang shift nila or even before their shift, para makapag exercise sila and connect with everyone. Part ng work-life balance for them as well”

“If that’s the case, can we play now? Matagal tagal na rin akong hindi nakapaglaro ng basketball and I want to play with San Alcantara’s Most Valuable Player nung nag-aaral pa siya” nagulat ako sa kanyang sinabi pero hindi na ako nagtaka dahil siguradong nag research na rin siya tungkol sa akin.

Ano po kaya ang mga nalaman niya? Siguro naman hindi niya panghihimasukan ang personal na buhay ko. Though he doesn’t look like he cares for other things other than business.

“Are you sure? Aren’t we going to discuss more about the presentation? Don’t you have questions or anything?” tanong ko.

“Of course we’re not done yet. Matatapos lang tayo kapag naglaro tayo ng basketball nang tayong dalawa lang. Lalake sa lalake. Then maybe after that I already have a decision” nakangising sagot nito.

Napalunok ako at tiningnan ang iba kong kasama.

“Alright then!” tumango ako bilang pagsang-ayon. “Board members, the meeting is adjourned. Please wait for my further instruction and announcement. And Mr. Villarin, please follow me” utos ko.

===

Katanghaliang tapat at nandito kami ngayon ni Mr.Villarin sa rooftop upang maglaro ng basketball. Magkatapatan kami sa gitna ng court at ako ang hinayaan niyang maghawak ng bola. Parehas kaming walang saplot pantaas kaya kita ang pangingintab ng aming mga katawan dahil pawis.

“Before we start, Mr. Salvacion, I want you to know that I like your presentation and I have no further questions regarding it. But here’s the deal, kapag natalo mo ako dito sa laro natin, you may call your secretary immediately and prepare the contract for our partnership. Pero kapag natalo kita, I’m sorry but all your preparations will go down the drain” anito.

“Isn’t that unfair, Mr. Villarin?” tanong ko.

“How many years have you been in business, Mr. Salvacion?”

“Almost four years”

“Still a kid! But in those four years, you should’ve already learned that there is no such thing as fairness in business. You should always make sure that you have the upper hand. And you may find this game unfair, but it’s not. It is actually a gift from me that you just need to work on more before you get it. Besides, you are an MVP, right? If you are confident enough, then you can defeat me”

“I don’t need to be confident to defeat you, Mr. Villarin. You are in my playground so consider yourself a looser” sagot ko ang pinakita ang mayabang kong ngiti.

Aaminin ko na ginanahan ako sa mga sinabi nito. Totoo naman na ang apat na taon ay hindi pa sapat upang matutunan ang lahat ng pasikot sikot sa negosyon. Hanggang ngayon ay marami pa rin akong natutunan sa mga nagiging business partners ko noon at maging sa mga nakakatanda sa kumpanya.

Pero sa lahat ng mga narinig ko, etong kay Mr. Villarin ang pinaka nagustuhan ko.

“Okay then. The first to get 20 points will be the winner” tumango ako.

“Ready? Let’s begin!” at hinagis ko ang bola pataas.

Agad akong tumalon at nakuha ko ang bola. Mabilis akong nakapwesto sa 3-point shot at naishoot ang bola.

“That’s a quick one!” anito.

“I told you, you are in my playground” maangas kong sagot.

Ngayon ay nasa kanya naman ang bola. Agad ko itong hinarangan bago pa ito makatakbo sa ring. Mabilis naman itong kumilos at nagawang makalusot sa akin. At akmang ishoot na niya ang bola para mag three points ay tumakbo ako papalapit sa ring upang abangan kung papasok ang bola.

Sa kasamaang palad ay hindi, kaya napangisi ako at agad na tumalon upang mag rebound.

Panibagong puntos para sa akin.

“Are you sure gusto mo pang ituloy ito?” pang-aasar ko.

“4 points ka pa lang so don’t be overly confident”

“Sabi mo eh” muli kong pang-aasar.

Ipinagpatuloy naming ang paglalaro at muli akong nakakuha ng sunod sunod na mga puntos. Kahit hindi na ako nakakapag laro ay masasabi kong mahusay pa rin ako. Hindi rin naman kasi ganoon kagaling ang aking kalaban kaya madali lang para sa akin ang manalo.

Sa ngayon ay nakaka 17 points na ako habang si Mr. Villarin ay 8 points pa lang. Mukhang hindi na ito makakahabol pa at isang 3-point shot na lang ay tapos na ang laban.

“Now let’s bring it on” rinig kong bulong ni Mr. Villarin at biglang naging seryoso ang kanyang mukha.

Ngayon ay nasa kanya ang bola. Tumakbo ito at pumwesto upang mag 3-point shot ngunit hinarangan ko siya upang pigilan. Nakalusot naman ito at tumakbo palapit sa ring, at akmang ishoshoot na niya ang bola kaya hinarangan ko ito.

Nugnit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi niya tinuloy ang pagshoot at muling tumakbo papunta sa 3-point shot at doon shinoot ang bola.

Pumasok ito!

Hindi ko inasahan ang kanyang ginawa. Mukhang may ibubuga din itong si Mr. Villarin sa basketball.

Muli kaming naglaro at patuloy itong nakakapuntos. Sunod sunod ang kanyang three points at nagsisimula na rin akong kabahan at mainis dahil sa malapit na niyang maabutan ang score ko.

Muling itong nakashoot ng bola kaya ngayon ay parehas na kami ng score.

“Paano ba yan, Mr. Salvacion, nahabol na kita” nakangising sambit ni Mr. Villarin. Hindi ako sumagot at sinimulan ang mag dribble.

Naging mahigpit ang pagbabantay niya sa akin at talagang pinahirapan niya ako. Mabilis nitong nakuha ang bola at siya naman ang tumakbo papalapit sa ring.

At dahil ayokong magpatalo ay gumamit na ako ng pwersa upang agawin ang bola sa kanya. Ngunit sadyang maliksi itong si Mr. Villarin kaya mabilis siyang nakakapagpalit ng pwesto.

Pumwesto ito sa 3-point shot at ngumisi sa akin bago hinagis ang bola upang ishoot.

Napakunot ang aking noo at tinanggap na ang pagkatalo ko.

===

Magdalena’s Point of View

Nakaupo ako ngayon sa loob ng aking opisina habang naghihintay ng update tungkol kay Adonis at Mr. Villarin. Sinabihan ako ng secretary ni Adonis na kasalukuyan silang nasa rooftop at naglalaro ng basketball dahil iyon ang request ni Mr. Villarin.

Hindi na ako nagtaka ng marinig iyon, dahil base sa mga na-experience ko mula sa dati kong kumpanya ay may mga businessman na sa laro dinadaan ang kanilang mga magiging desisyon; minsan ay sa chess, sa race car o ang pinaka karaniwan sa lahat ay sa golf.

At kahit na alam kong walang tatalo kay Adonis pagdating sa basketball ay hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala. Importante kasi para sa aking asawa ang deal na ito, dahil hindi lamang nito masesecure ang kinabukasan ng kumpanya kundi mas mapapatunayan niya pa sa kanyang mga magulang na tama ang desisyon na sa kanya ipagkatiwala ang kumpanya.

Tumingin ako sa orasan at nakitang mag-aalauna na.

Gusto kong umakyat ng rooftop upang silipin ang mga nangyayari ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil ayokong makaramdam ng pressure si Adonis.

Ilang sandali pa ang aking pinaghihintay nang biglang tumunog ang aking cellphone at nagtext ang aking asawa.

Bad news. To my office now.

Agad akong tumayo at patakbong lumabas ng aking opisina. Hindi ko na napansin ang mga taong nakakasalubong ko at bumabati sa akin.

Nagmamadali akong sumakay ng elevator at nang makarating sa opisina ni Adonis ay pumasok ako at naabutan siyang nakaupo at sapo sapo ang ulo.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

“Babe are you okay? Anong nangyari? Where is Mr. Villarin?” tanong ko.

“He already left. May out of town pa daw kasi siya kaya he immediately left after our game. I also asked him for a lunch out so that I can introduce you to him kaso he was in a hurry kaya wala na rin ako nagawa” malungkot sagot nito.

“That’s fine, babe. What happened sa meeting niyo? Sino na nanalo sa laro niyo?”

Bumagsak ang balikat ni Adonis.

“I-I-I’m sorry” mahinang sagot nito na tila nagpapahiwatig ng masamang balita. “I did my best. I really did.” dagdag nito.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kanyang braso.

“I know, babe. I know you did your best para makuha ang partnership deal with Mr. Villarin. But maybe hindi pa ito ang tamang panahon para maging business partners kayo. There are a lot of companies out there na pwede natin maging kasosyo sa business, and for sure makakakita ka ng tatapat sa kung anong kayang ibigay ng kumpanya ni Mr. Villarin. At kung nag-aalala ka sa iisipin ng parents mo, I guess we just need to deal with it and tell them that we will continue to persuade Mr. Villarin hanggang sa maging business partner na natin siya. For sure they will understand because hindi lang naman siguro isang beses nangyari ang ganitong sitwasyon noon, for sure marami rin silang mga unsuccessful business deals noon. So you have nothing to worry about” mahaba kong pagpapalubag loob sa aking asawa.

Hindi ito sumagot at tumingin sa aking mga mata.

Namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang hindi inaalis ang tingin sa bawat isa.

Biglang ngumisi si Adonis.

“Who said I didn’t get the partnership?” napakunot ang noo ko at nagtaka tinuran ni Adonis.

“I-I-I don’t understand. I thought you di-didn’t…”

“What I was telling you is I did my best to close the partnership with Mr.Villarin, and I did!” panimiula nito. “And what I was apologizing for is that I can’t wait for another hour para hindi kunin ang prize ko for getting that partnership. Remember what you said this morning na once ma-close ko ang deal with Mr.Villarin is I can fuck you whenever, wherever, and however I want. So tamang tama since Mr. Villarin already left and gutom na gutom na rin ako, ay sisimulan ko ng kainin ang aking pinakapaboritong putahe, my very beautiful, lovely, and supportive wife” agad ako nitong hinatak paupo sa kanyang kandungan sabay siil ng halik.

Agad naman akong kumalas ng halik.

“So you were just messing with me? Huh? Ang haba haba ng litanya ko kanina just to make you feel that everything is going to be fine, tapos na-close mo naman pala yung partnership deal mo with him?” inis kong tanong.

Ngumisi lang ito ng mayabang.

“Wag ka nang magtampo, babe. I was just messing with you kasi bigla kong namiss na asarin ka. Ang cute cute mo kasi kapag naasar at nagtatampo” pang-aasar nito.

“Pwes! Bahala ka! Kumain ka mag-isa mo at hindi hindi kita kakausapin sa buong maghapon. That is your punishment! Nag-aalala pa ako kanina kung ano na ang nangyari sa meeting mo with Mr. Villarin tapos ganito ang gagawin mo sa akin” inis kong sambit.

Napanguso si Adonis na akala mo isang bata na natauhan dahil sa ginawa.

“Okay I’m sorry babe. I didn’t intend to offend you”

Tumayo ako mula sa kandungan ni Adonis at dumeretso papunta sa pintuan.

“C’mon babe, I’m sorry. I just thought it was a good idea to surprise you na naclose ko ang deal with Mr. Villarin without you knowing it. I’m sorry!” rinig kong pakiusap nito.

Nang makarating ko sa harap ng pintuan ay tumigil ako at nilock ito. Humarap ako kay Adonis at ngumisi.

Mapang-akit kong hinubad ang aking suot na blazer at puting blouse at hinayaang tumambad kay Adonis ang aking malulusog na dibdib na natatakpan ng bra.

Sunod kong hinubad ang aking mini skirt at iniwan suot ang aking panty.

Kitang kita ang pinaghalong pagkagulat at pananabik sa itsura ni Adonis.

“Apology accepted, babe. Tsaka hindi naman kita matitiis kasi mahal na mahal kita. And as for your prize, here I am. You can do anything you want with me. I’m all yours now.” mapangakit kong sambit at hinawakan ang aking dibdib at lagusan upang mas akitin pa ito.

Agad na tumayo si Adonis sa kanyang kinauupuan at siniil ako ng halik. Binuhat niya ako papunta sa ibabaw ng kanyang desk habang hindi kumakalakas ang aming mga labi sa isa’t isa.

Ramdam ko ang pagkasabik at panggigigil sa halik ni Adonis. Tila isa itong lion na sabik na sabik himurin ang laman na nasa kanyang harapan.

Bumaba ang kanyang labi sa aking leeg pababa sa aking dibdib. Siya na mismo ang nagtanggal ng aking bra sabay sipsip ng aking kaliwang utong. Habang abala sa pagsipsip ay pinipisil naman niya ang kanan kong dibdib.

Para itong isang sanggol na dumedede sa kanyang ina.

Habang patuloy na nilalasap ang aking dibdib ay naramdaman kong gumapang ang kanyang kamay pababa sa aking lagusan at marahan itong nilaro.

Napasinghap ako dahil sa sensasyon dulot ng kanyang labi.

Biglang bumaba ang kanyang halik sa aking tyan at dinampian ito ng mabibilis na halik. Hanggang sa tuluyan na siyang nasa harap ng aking lagusan.

Hinawakan niya ang aking panty sabay ibinaba at hinubad. Ibinuka niya ang aking magkabilang hita at muling humarap sa aking pagkababae.

“Best lunch ever. Congratulations to us!” bulong nito sabay kinain ang putaheng nasa kanyang harapan.

===

Sophia’s Point of View

Nakahiga ako ngayon sa aking kama at nanginginig dahil sa aking ginawa kay Mang Berto. Kung hindi ako napigilan ng mga tauhan ni King ay baka napatay ko ito dahil sa sobrang galit.

Nakapatong ang aking dalawang kamay sa magkabila kong tenga dahil kahit malayo na ako sa kwarto nina Mang Berto at Mang Fred ay tila naririnig ko pa din ang sigaw at pagmamakaawa ng dalawa.

Hindi ko napigilan ang maluha dahil sa takot at kunsensya.

Pumikit ako at pinilit na makatulog upang magbakasakaling pag gising ko ay maayos na ang aking pakiramdam. Ngunit biglang may kamay na tumapik sa aking braso kaya bigla akong napaupo at hinanap kung kaninong kamay iyon.

Napahinga ako ng maluwag ng makita si King na nakaupo sa gilid ng kama. Pormal ang suot nito at mukhang kababalik lang mula sa meeting niya kay Adonis.

“Na-na-nandito ka na pala” gulat kong sambit.

“Did I scare you? Sorry hindi mo siguro narinig yung pagkatok ko kanina” sagot nito. “Nabanggit sa akin ng mga tauhan ko yung nangyari, kamusta naman si Wonder Woman?” pang-aasar nito.

Hindi ako nakasagot at tumingin sa ibang direksyon.

“Natakot daw sayo yung mga tauhan ko kanina. Pakiramdam daw nila ay bigla kang sinapian ni Wonder Woman dahil bigla kang naging amazona. Buti hindi mo napatay yung Berto? Sayang naman yung mga plano mo sa kanya kung natuluyan mo siya agad” casual na biro nito.

“Kamusta ang meeting mo with Adonis?” pag-iiba ko ng usapan.

“Maayos naman. Magaling pala talagang magbasketball ang mokong na iyon ano? At medyo mayabang din.hehe” natawa ako sa kanyang sinabi. Tinupad pala talaga niya ang kanyang planong makipaglaro kay Adonis.

“So natalo ka niya?” mapang-asar kong tanong.

Napakunot naman ang noo ni King at napanguso na akala mo bata.

“Nagpatalo ako” sagot nito.

“Talaga? Ang sabihin mo baka sumablay ang mga tira mo. Kunwari ka pa nagpatalo. Tsk! Tsk!”

“Nagpatalo nga kasi talaga ako”

“Natalo ka lang talaga” sagot ko.

Biglang sumeryoso ang mukha ni King at tumingin sa akin. Tila naman nakaramdam na ako na napipikon na siya kaya tumigil na ako sa pang-aasar.

“Oo na sige na. Nagpatalo ka na! Alam kong mas magaling ka kaysa sa kanya at lahat ng ito ay parte ng plano” ani ko at hindi napigilang mapangisi.

“Good!” seryosong sagot nito. “So since nagpatalo nga ako sa basketball namin ni Adonis ay tuloy na tuloy na ang business partnership naming dalawa. And it means na kakailanganin mo nang bumalik ng San Alcantara soon para simulan ang mga plano mo para sa kanila. Handa ka na ba?”

Muli akong hindi ako nakasagot sa kanyang tanong.

Naalala ko ang ginawa ko kay Mang Berto kanina at sa kunsesyang bigla kong naramdaman. Ngayon ay hindi na ako sigurado kung hanggang saan ko kayang ituloy ang aking paghihiganti.

“Hindi ko alam, King” panimula ko. “Pakiramdam ko ay unti unti na akong nilalamon ng pagiging mahina ko. Binabalot na ng kunsensya ang puso ko dahil hindi naman talaga ako masamang tao. Hindi ko kayang makapanakit ng kapwa kahit alam kong matindi ang kasalanan ginawa nila sa akin. Hindi ako ganun, King. Hindi ako masamang tao.” dagdag ko.

Huminga ng malalim si King.

“Hindi ka masamang tao, Sophia. Ang sabi mo nga diba, mata sa mata at ngipin sa ngipin. Ipinaparanas mo lang sa kanila ang lahat ng ipinaranas nila sayo. Kung hindi ka nakatakas mula dun sa lugar kung saan ka dinala ni Tyago, tingin mo ba buhay ka pa ngayon? Tingin mo mapupuntahan mo pa ang puntod ng Lola mo? Tingin mo ba ay may natira pa sa pagkatao mo?” tanong nito sabay iling tanda ng kanyang sagot sa sariling tanong. “Mabuti kang tao, Sophia, at hindi magiging kabawasan ng pagiging mabuting tao mo ang paghihiganting gagawin mo. Inagaw nila ang lahat sayo, babawiin mo lang ang lahat ng iyon”

Hindi ko napigilang mapaluha dahil sa aking narinig. Lumapit ako kay King at yumakap sa kanya ng mahigpit.

“Bakit kailangan sa akin pa mangyari ito? Bakit ako pa?” parang bata kong tanong habang patuloy na umiiyak. Naramdaman kong hinimas ni King ang aking likod upang pagaanin ang aking loob.

“Dahil salungat sa sinabi mo kanina, you are a strong woman. You won’t be able to stand up again if you’re not. You won’t be able to build yourself again kung mahina ka. Etong nangyari sayo ay patunay that you are strong and indestructible. Wonder Woman nga diba?hehe”

Napahigpit ang pagkakayakap ko kay Adonis at patuloy na umiyak. Ilang minuto rin kami sa ganung posisyon ng makaisip ako ng ideya.

Kumalas ako sa aking pagkakayakap at tumingin sa kanya.

“Pwede mo ba ako samahan?” tanong ko.

Tumingin si King sa kanyang relo.

“Of course! It’s still four in the afternoon. Saan mo gusto magpunta?”

Huminga ako ng malalim.

“Ayoko ng maramdaman uli ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko ng tuldukan ang kahinaan na bumabalot sa puso ko dahil baka ito ang maging dahilan para hindi matuloy ang aking mga plano”

Nagtaka si King na tila hindi niya naiintindihan ang aking sinabi. Nagkibit balikat ito at tumayo.

“Wherever you wanna go, sasamahan kita” anito.

===

Naging mahaba ang byahe namin ni King bago kami makarating dito sa lugar kung saan ako dinala ni Tatay Tyago. Nasa loob pa lamang kami ng sasakyan ngunit unti unti nang bumalik sa aking isipan ang alaala ng mga nangyari sa lugar na ito.

Kahit tatlong taon na ang nakalipas ay parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Lumabas ako ng sasakyan at naglakad palapit sa lumang warehouse sa aking harapan. Bawat hakbang ay may kakaibang bigat na hatid sa aking puso ngunit tinatagan ko ang aking loob dahil katulad ng sinabi ko ay kailangan ko ng tapusin ang kahinaan na nararamdaman ko.

Nang tuluyang makapalapit sa warehouse ay pumasok ako sa loob.

Dahil gabi na at tanging ilaw mula sa buwan ang nagsisilbing liwanag ay hinanap ko ang switch ng ilaw upang buksan ito. Buti na lamang ay may kuryente pa at bumukas ang ilaw.

Bumungad sa akin ang napakaruming paligid.

Nilibot ko ang aking mga mata at agad na nakita ang kulungan ng aso kung saan ako kinulong. Nakita ko rin ang mga bote ng alak at mga damit na nagkalat kung saan saan.

Tila hindi na ito nabalikan pa simula noong nakatakas ako dito.

Lumakad pa ako papasok at nagtungo sa loob ng maliit na kwarto kung saan ako pinagtulungan at binaboy nina Tatay Tyago. Dito rin ako pinaikot at niloko ni Magdalena.

Marahan kong tinulak ang pinto at binuksan rin ang ilaw. Napalunok ako upang pigilan ang aking luha. Tila naririnig ko sa aking isipan ang walang tigil kong pagmamakaawa kayna Tatay Tyago. Naririnig ko rin ang boses nilang lahat kung paano nila ako babuyin, pagtawanan, at kutyain.

Tinatagan ko ang aking loob at pinaalala sa aking sarili ang sinabi ko kanina, tatapusin ko na ang kahinaang nararamdaman ko.

Muli kong nilibot ang aking mata sa paligid ng kwarto at nakita ko ang damit na suot ko noong dinukot ako at dinala rito. Sira na ito at punit punit.

Ngunit may isang bagay ang kumuha ng atensyon ko. Tila may nakita akong isang kumikinang na bagay hindi kalayuan sa kama.

Nilapitan ko ito at nagulat sa nakita.

And wedding ring na ibinigay sa akin ni Adonis noong nagpropose siya noong graduation day namin. Dahan dahan ko itong pinulot at tinitigan.

Parang sa isang iglap ay dinala ako ng aking alaala sa nakaraan.

===

“Congratulations sa babaeng pinakamamahal ko” panimula ni Adonis. “At dahil hindi na ako makapag hintay ay gusto ko ng sabihin sayo na mahal na mahal kita. Ikaw ang gusto kong makita sa bawat pagmulat ng mata ko sa umaga, at ikaw din ang gusto kong makatabi bago matulog. Gusto kong magkaroon ng pamilya kasama ka, at hindi ko nakikita ang sarili ko sa ibang babae kundi sayo lang” kabadong litanya ni Adonis.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng oras na iyon. Pero isa lang ang sigurado, punong puno ng pagmamahal ang puso ko para sa lalaking pinakamamahal ko. Madami mang tao dito sa graduation venue ngunit ang mata ko ay tanging si Adonis lamang ang nakikita.

“At ngayon…” lumuhod si Adonis at naglabas ng isang maliit na box. “At ngayon ay gusto ko ng tapusin ang pagiintay at sabihin sa mundo na akin ka na… Maria Sophia Trajano… Will you marry me?” pagkatanong ni Adonis nito ay halos dumagundong ang venue dahil sa sigawan ng mga tao.

Katulad ng pagdagundong ng venue ay siyang pagdagundong ng aking puso dahil sa kaba. Hindi ako makapagsalita dahil pinipigilan ko ang aking luha.

Napalingon ako sa kinaroroonan ni Lola Tessa at nakita ko siyang nakangiti. Napalingon din ako sa kinaroroonan ni Magdalena at nakita ko ang gulat na reaksyon ng kanyang mukha.

Gulat na may kasamang lungkot at sakit.

Ngunit katulad ng sinabi ko sa kanya ay ipaglalaban ko si Adonis kahit na kanino, kahit na sa kanya, kaya naman sa utak ko ay humingi ako ng tawad sa aking pinakamatalik na kaibigan. Alam kong masasaktan siya ngunit hindi ko na palalagpasin pa ang pagkakataon na makasama ang lalaking pinakamamahal ko.

Kinuha ko ang mic mula kay Adonis at nagsalita…

“Yes tinatanggap ko Adonis. Gusto ko maging asawa mo!” at doon mas lalong nag hiyawan ang mga tao. Isinuot ni Adonis ang singsing sa aking daliri at mabilis akong hinalikan sa labi.

===

Dito tuluyang bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Napaluhod ako sa sahig habang hawak ang wedding ring. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Para akong bata na hindi magkandamayaw sa pag-iyak.

Sumigaw ako ng malakas upang ilabas ang bigat sa aking puso.

Isinigaw ko ito ng sobrang lakas.

Iyak.

Sigaw.

Paulit ulit kong ginawa iyan hanggang sa mailabas ko lahat ng nararamdaman ko.

At ng mahimasmasan ay tumayo ako at lumabas upang puntahan si King. Naabutan ko siya na nasa labas ng kotse at nakahanda na sa damuhan ang dalawang galon ng gasolina.

Kinuha ko ito at binuksan sabay binuhos sa loob ng lumang warehouse. Ang isang galon naman ay binuhos ko sa paligid nito upang siguraduin na masusunog ng maigi ang lugar na ito.

Inabot sa akin ni King ang posporo.

“Eto na ang huling araw na iiyak ako dahil sa mga ginawa niyo sa akin. Eto na rin ang huling araw na magiging mahina ako. Ang mga taong katulad niyo ay hindi dapat pinaglalaanan ng katiting na kunsensya at awa. Mata sa mata, ngipin sa ngipin. Inagaw niyo ang lahat sa akin, kaya panahon na para bawiin ko ang lahat sa inyo. Ihanda niyo na ang mga sarili ninyo, dahil malapit ng dumating ang delubyong maniningil sa lahat ng kasalanan niyo” ani ko at sinindihan ang posporo.

Hinagis ko ito kung saan ako nag buhos ng gasolina kaya naman nagsimula nang magningas ang apoy. Mabilis itong kumalat sa ibat ibang parte ng warehouse kaya ilang saglit pa ay lumalaki na ang apoy.

Kinuha ko mula sa aking bulsa ang wedding ring ni Adonis. Tiningnan ko ito ng maigi sabay inihagis sa apoy.

Seryoso kong tiningnan ang nagniningas na apoy na kumakalas sa ibat ibang parte ng warehouse.

Simula na ng gyera.

Simula na ng paghihiganti ko.

Itutuloy…

P.S. Stay safe everyone!