Magdalena’s Point of View
Nagising ako dahil sa maingay na tunog na nagmumula sa labas ng aming bahay. Pinakinggan kong maigi ang tunog at mukhang galing ito sa sasakyan ng mga pulis.
Tumingin ako sa aking tabi at nakitang wala ang aking asawa.
Agad akong bumangon at sumilip sa bintana upang tingnan kung ano ang nangyayari.
Tama nga ang aking hinala dahil nakita kong maraming pulis ang nakatambay sa labas ng aming bahay na tila may malaking krimen ang naganap.
Krimen? Dito sa loob ng bahay namin?
Kumabog ang dibdib ko at tumakbo palabas ng kwarto upang magtungo sa kwarto ni Addy. Ngunit bago pa man ako makalabas ay bumukas na ang pinto at pumasok ang dalawang pulis.
“Inaaresto ka namin sa salang pagpatay kay Lola Tessa at sa pagtatangka sa buhay ng kanyang apo na si Sophia” anito at biglang pinosasan ang aking kamay.
“Teka! Teka! Anong sinasabi ninyo? Wala akong alam sa mga binibintang ninyo!” mataas kong boses.
“May mga ibedensya kami laban sayo at umamin na rin ang Tatay Tatayan mo na si Tyago na inutusan mo siya na dukutin si Sophia. Ikaw rin ang utak sa pagpapagahasa sa kanya.” ani ng pulis.
Nanlaki ang aking mga mata at hindi makapaniwala sa narinig.
Hindi ko akalain na ganito kabilis darating ang kinakatakutan ko. Parang kahapon lang ay masaya kami ni Adonis dahil naclose namin ang partnership deal kay King, at tinanggal ko na rin sa utak at damdamin ko ang pag-aalala sa maaring pagbabalik ni Tatay Tyago.
Pero anong nangyari?! Bakit ganito kabilis?! Wala akong ibang naiisip ngayon kundi ang magmakaawa at magsinungaling na wala akong kinalaman sa mga sinasabi ng mga pulis na ito.
“Sandali lang! Nagsisinungaling si Tatay Tyago! Siya ang may pakana ng lahat ng ito at dinadamay niya lang ako. Siya ang may gustong dukutin si Sophia at siya rin ang pumatay kay Lola Tessa!” sigaw ko habang hinihila nila ako pababa ng hagdan.
“Kung ako sa inyo ay wag na po kayong magsalita pa at sa prisinto na lang magpaliwanag. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman.Ikaw ay mayroon ding karapatang kumuha ng tagapagtanggol na iyong pinili at kung wala kang kakayahan, ito ay ipagkakaloob sa iyo ng pamahalaan” ani ng pulis at mas binilisan pa ang paghatak sa akin.
“Teka lang naman ho, maawa naman ho kayo sa akin. Pupuntahan ko lang ang asawa ko. Adonis!!! Tulungan mo ako!!!” sigaw ko ngunit parang walang tao sa loob ng bahay.
Patuloy lang sila sa paghila sa aking pababa ng hagdan.
Nagsimulang bumuhos ang luha ko dahil sa sobrang takot.
“Adonisssss!!! Tulungan mo akooooo!!! Tita Olivia!!! Tito Romanooooooo!!!” sigaw ko ngunit hindi sila nagpakita.
Patuloy lang ang dalawang pulis sa paghila sa akin at ng makalabas kami ng bahay ay halos masilaw ako dahil sa ilaw na nagmumula sa sasakyan ng mga pulis. Nakakabingi rin tunog na nanggagaling sa kanilang mga sasakyan.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Adonis na nasa labas ng bahay at karga si Addy. Pero mas ikinagulat ko ng katabi niya si Sophia habang nakatingin sa akin, nakangisi.
Nasa likod rin nila sina Tita Olivia at Tito Romano.
“Adonis! Tulungan mo ako! Wala akong ginagawang masama! Parang awa mo na tulungan mo ako!!!” pagmamakaawa ko sa aking asawa.
“Ang bobo ko dahil naniwala ako sayo Magdalena. Ilang taon mong pinaikot ang ulo namin at ginawang tanga. Mas masahol ka pa sa hayop dahil nagawa mong patayin si Lola Tessa at ipadukot si Sophia para lang diyan sa kakatihan mo. Wala kang kasing sama! Lahat kami niloko mo! Pwes ngayon, lumabas na ang katotohanan kaya mabubulok ka sa bilanguan. At ako na mismo ang sisiguro na lahat ng preso doon ang kakamot diyan sa kakatihan mo. Sisiguraduhin ko rin na hinding hindi mo na makikita si Addy dahil hindi ko maatim na makasama niya ang nanay niyang mamamatay tao! Kaya tandaan mo ito, Magdalena, magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo kay Sophia! Magbabayad ka!” galit na sambit nito. “Sige! Dalhin niyo na yan sa presinto at ikulong niyo na siya doon!” utos ni Adonis na siyang ginawa ng dalawang pulis na humahawak sa akin.
“Adonisssss!!! Maniwala ka sa akin! Wala akong ginagawang masama!!! Pinapaikot lang tayo ni Tatay Tyago! Siya ang may kasalanan ng lahat ng nangyari! Malinis ang kunsensya ko, Adonissss naman oh maniwala ka sa akin! Adooonisssssssss!” pagsusumamo ko upang paniwalaan ako ng asawa ko.
Bago ako tuluyang maisakay sa sasakyan ng pulis ay lumapit sa akin si Sophia.
“Enjoy the miserable rest of your life.” bulong nito at ngumisi.
Tinulak na ako ng pulis sa loob ng sasakyan at malakas na ibinagsak ang pinto upang isara.
Nang biglang…
“Maam Magdalena! Gumising po kayo! Binabangungot po kayo! Gising po Maam” napabalikwas ako sa kama at agad na nilibot ang aking tingin upang hanapin kung may mga pulis ba sa paligid.
Nakita ko ang katulong namin na si Veronica na nakatayo sa gilid ng kama at nagaalalang nakatingin sa akin.
Napahawak ako sa aking dibdib upang ikalma ang aking sarili mula sa bangungot na iyon. Ramdam ko rin na tumutulo ang pawis mula sa aking noo at napahawak ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng aking paghinga.
“Okay lang po kayo, Maam Magdalena?” tanong ni Veronica. “Eto po ang tubig, uminom po muna kayo Maam para mahimasmasan po kayo” inabot nito sa akin ang isang baso ng tubig at agad ko naman iyon ininom.
“Sa-sa-salamat” ani ko at binalik sa kanya ang baso. “Nasaan si Adonis? Nasaan si Addy?”
“Si Sir Adonis po ay nakaalis na papunta sa trabaho. Hindi na daw po niya kayo ginising dahil sobrang himbing daw po ng tulog niyo. Si Addy naman po ay nasa baba kasama po sina Maam Olivia at Sir Romano” sagot nito.
Napahinga ako ng maluwag dahil sa narinig.
Parang totoo yung naging panaginip ko. Akala ko talaga ay natuklasan na nilang lahat ang aking ginawa at tuluyan ng nasira ang aking pamilya.
“Mukhang masama po ang naging panaginip ninyo, Maam Magdalena ah. Kung anuman po iyon ay wag niyo na po isipin dahil panaginip lang naman iyon. Mas maigi pong kumain na muna kayo ng almusal, dinalhan ko po kayo dito” ani Veronica at tinuro ang pagkain na nakapatong sa tabi ng kama.
Tumingin ako dito at tipid na ngumiti.
“Salamat, Veronica” ani ko. “Sige iwan mo na muna ako, medyo masama lang ang panaginip ko kaya gusto kong mapag isa” utos ko.
Tumango ito at nagpaalam.
Pagkalabas nito ay kinuha ko ang pagkain sa aking tabi at sinimulang kumain. Mabilis ang aking pag nguya at paglunok at hindi ko na alintana kung mabilaukan ako basta mapunan ang gutom na nadarama ko.
Ininom ko rin ang isang juice na kasama sa mga inihanda ni Veronica.
Patuloy lamang ako sa pagkain ng mapansin kong hindi nakasarang maigi ang pintuan ng aming kwarto at nakasilip si Veronica mula roon.
Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka ngunit tumungo lamang ito at ngumiti bago tuluyang isinara ang pinto at umalis.
Hindi ko na ito pinansin dahil baka tinitingnan niya lamang kung kumakain na ako ng almusal at baka muli akong atakahin ng kaba dahil sa aking panaginip.
Nagpatuloy ako sa pagkain at ng matapos ay naligo na at nagbihis upang pumasok sa opisina.
===
Nang makarating sa aming building ay nagtungo ako agad sa opisina ni Adonis.
“Bakit hindi mo ako ginising? Na-late tuloy ako ng pasok” reklamo ko sa aking asawa.
“Ang sarap kasi ng tulog ng asawa ko eh. Mukhang sobrang napagod dahil sa ginawa namin kagabi” namula ako sa kanyang sagot. Totoo naman rin ang kanyang sinabi dahil halos walang tigil niya akong pinagsawaan.
Buti na lamang ay mahimbing ang tulog ni Addy sa kanyang sariling kwarto at hindi kami hinanap. Paminsan minsan kasi ay umiiyak ito at gusto kaming katabi matulog.
Natawa naman si Adonis dahil sa aking itsura.
“Nga pala, babe. Some of our investors invited me for a game of golf mamayang hapon. And for sure magkakayaan na rin yan ng dinner and some drinks, so … can I join them? Minsan na lang daw kasi sila mag visit dito sa Philippines kaya they want to have a catch up with me” tanong ng asawa ko. “Pero it’s okay if you won’t allow me. Mas enjoy ko na makasama kayo ni Addy sa bahay, at mas gusto ko na ikaw ang hapunan ko.hehe”
Napairap ako at napangiti.
“Of course I will allow you! Investors ng kumpanya natin ang mga kasama mo so you better continue building good relationship with them. Tsaka anong akala mo sa akin? Selosong misis? Hell no! Kung magloloko ka, it’s your lost not mine!” pagmamayabang ko.
Nagulat naman ni Adonis sa aking sinabi sabay tumawa.
“Golf and dinner lang ang pinaguusapan natin bakit parang ang layo na agad ng narating ng imagination mo babe?” natatawang tanong nito.
“Sinasabi ko lang sayo na kung balak mo akong pagtaksilan sa kung sino mang makati o haliparot na babae na lalapit sayo mamamaya, eh siguraduhin mong hindi kita mahuhuli dahil pagsisihan mo talaga yan, Adonis Miguel. Sinasabi ko sayo!” ani ko.
Napangisi si Adonis dahil sa aking sinabi.
“Hmmmmmmmm. Paano kaya iyon babe kung may lalapit sa akin na sexy at magandang waitress tapos aakitin ako? O di kaya may staff na makikipagkilala sa akin at magpapakita ng motibo?” mapang-asar at malokong tanong nito.
Tila nainis naman ako dahil bakit niya pa kailangan tanungin ang mga bagay na iyon? Hindi ba obvious na dapat niya itong tanggihan o layuan dahil may asawa na siya?
Hindi ko maiwasang ma-inis sa kanyang pang-aasar.
“Ayaw mo bang ishare sa iba ang gwapo at matipuno mong asawa?” dagdag na tanong nito habang nakangisi.
Naiinis man ngunit pinilit kong ikalma ang aking sarili at sakyan…