Magdalena’s Point of View
Nagising ako dahil sa maingay na tunog na nagmumula sa labas ng aming bahay. Pinakinggan kong maigi ang tunog at mukhang galing ito sa sasakyan ng mga pulis.
Tumingin ako sa aking tabi at nakitang wala ang aking asawa.
Agad akong bumangon at sumilip sa bintana upang tingnan kung ano ang nangyayari.
Tama nga ang aking hinala dahil nakita kong maraming pulis ang nakatambay sa labas ng aming bahay na tila may malaking krimen ang naganap.
Krimen? Dito sa loob ng bahay namin?
Kumabog ang dibdib ko at tumakbo palabas ng kwarto upang magtungo sa kwarto ni Addy. Ngunit bago pa man ako makalabas ay bumukas na ang pinto at pumasok ang dalawang pulis.
“Inaaresto ka namin sa salang pagpatay kay Lola Tessa at sa pagtatangka sa buhay ng kanyang apo na si Sophia” anito at biglang pinosasan ang aking kamay.
“Teka! Teka! Anong sinasabi ninyo? Wala akong alam sa mga binibintang ninyo!” mataas kong boses.
“May mga ibedensya kami laban sayo at umamin na rin ang Tatay Tatayan mo na si Tyago na inutusan mo siya na dukutin si Sophia. Ikaw rin ang utak sa pagpapagahasa sa kanya.” ani ng pulis.
Nanlaki ang aking mga mata at hindi makapaniwala sa narinig.
Hindi ko akalain na ganito kabilis darating ang kinakatakutan ko. Parang kahapon lang ay masaya kami ni Adonis dahil naclose namin ang partnership deal kay King, at tinanggal ko na rin sa utak at damdamin ko ang pag-aalala sa maaring pagbabalik ni Tatay Tyago.
Pero anong nangyari?! Bakit ganito kabilis?! Wala akong ibang naiisip ngayon kundi ang magmakaawa at magsinungaling na wala akong kinalaman sa mga sinasabi ng mga pulis na ito.
“Sandali lang! Nagsisinungaling si Tatay Tyago! Siya ang may pakana ng lahat ng ito at dinadamay niya lang ako. Siya ang may gustong dukutin si Sophia at siya rin ang pumatay kay Lola Tessa!” sigaw ko habang hinihila nila ako pababa ng hagdan.
“Kung ako sa inyo ay wag na po kayong magsalita pa at sa prisinto na lang magpaliwanag. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman.Ikaw ay mayroon ding karapatang kumuha ng tagapagtanggol na iyong pinili at kung wala kang kakayahan, ito ay ipagkakaloob sa iyo ng pamahalaan” ani ng pulis at mas binilisan pa ang paghatak sa akin.
“Teka lang naman ho, maawa naman ho kayo sa akin. Pupuntahan ko lang ang asawa ko. Adonis!!! Tulungan mo ako!!!” sigaw ko ngunit parang walang tao sa loob ng bahay.
Patuloy lang sila sa paghila sa aking pababa ng hagdan.
Nagsimulang bumuhos ang luha ko dahil sa sobrang takot.
“Adonisssss!!! Tulungan mo akooooo!!! Tita Olivia!!! Tito Romanooooooo!!!” sigaw ko ngunit hindi sila nagpakita.
Patuloy lang ang dalawang pulis sa paghila sa akin at ng makalabas kami ng bahay ay halos masilaw ako dahil sa ilaw na nagmumula sa sasakyan ng mga pulis. Nakakabingi rin tunog na nanggagaling sa kanilang mga sasakyan.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Adonis na nasa labas ng bahay at karga si Addy. Pero mas ikinagulat ko ng katabi niya si Sophia habang nakatingin sa akin, nakangisi.
Nasa likod rin nila sina Tita Olivia at Tito Romano.
“Adonis! Tulungan mo ako! Wala akong ginagawang masama! Parang awa mo na tulungan mo ako!!!” pagmamakaawa ko sa aking asawa.
“Ang bobo ko dahil naniwala ako sayo Magdalena. Ilang taon mong pinaikot ang ulo namin at ginawang tanga. Mas masahol ka pa sa hayop dahil nagawa mong patayin si Lola Tessa at ipadukot si Sophia para lang diyan sa kakatihan mo. Wala kang kasing sama! Lahat kami niloko mo! Pwes ngayon, lumabas na ang katotohanan kaya mabubulok ka sa bilanguan. At ako na mismo ang sisiguro na lahat ng preso doon ang kakamot diyan sa kakatihan mo. Sisiguraduhin ko rin na hinding hindi mo na makikita si Addy dahil hindi ko maatim na makasama niya ang nanay niyang mamamatay tao! Kaya tandaan mo ito, Magdalena, magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo kay Sophia! Magbabayad ka!” galit na sambit nito. “Sige! Dalhin niyo na yan sa presinto at ikulong niyo na siya doon!” utos ni Adonis na siyang ginawa ng dalawang pulis na humahawak sa akin.
“Adonisssss!!! Maniwala ka sa akin! Wala akong ginagawang masama!!! Pinapaikot lang tayo ni Tatay Tyago! Siya ang may kasalanan ng lahat ng nangyari! Malinis ang kunsensya ko, Adonissss naman oh maniwala ka sa akin! Adooonisssssssss!” pagsusumamo ko upang paniwalaan ako ng asawa ko.
Bago ako tuluyang maisakay sa sasakyan ng pulis ay lumapit sa akin si Sophia.
“Enjoy the miserable rest of your life.” bulong nito at ngumisi.
Tinulak na ako ng pulis sa loob ng sasakyan at malakas na ibinagsak ang pinto upang isara.
Nang biglang…
“Maam Magdalena! Gumising po kayo! Binabangungot po kayo! Gising po Maam” napabalikwas ako sa kama at agad na nilibot ang aking tingin upang hanapin kung may mga pulis ba sa paligid.
Nakita ko ang katulong namin na si Veronica na nakatayo sa gilid ng kama at nagaalalang nakatingin sa akin.
Napahawak ako sa aking dibdib upang ikalma ang aking sarili mula sa bangungot na iyon. Ramdam ko rin na tumutulo ang pawis mula sa aking noo at napahawak ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng aking paghinga.
“Okay lang po kayo, Maam Magdalena?” tanong ni Veronica. “Eto po ang tubig, uminom po muna kayo Maam para mahimasmasan po kayo” inabot nito sa akin ang isang baso ng tubig at agad ko naman iyon ininom.
“Sa-sa-salamat” ani ko at binalik sa kanya ang baso. “Nasaan si Adonis? Nasaan si Addy?”
“Si Sir Adonis po ay nakaalis na papunta sa trabaho. Hindi na daw po niya kayo ginising dahil sobrang himbing daw po ng tulog niyo. Si Addy naman po ay nasa baba kasama po sina Maam Olivia at Sir Romano” sagot nito.
Napahinga ako ng maluwag dahil sa narinig.
Parang totoo yung naging panaginip ko. Akala ko talaga ay natuklasan na nilang lahat ang aking ginawa at tuluyan ng nasira ang aking pamilya.
“Mukhang masama po ang naging panaginip ninyo, Maam Magdalena ah. Kung anuman po iyon ay wag niyo na po isipin dahil panaginip lang naman iyon. Mas maigi pong kumain na muna kayo ng almusal, dinalhan ko po kayo dito” ani Veronica at tinuro ang pagkain na nakapatong sa tabi ng kama.
Tumingin ako dito at tipid na ngumiti.
“Salamat, Veronica” ani ko. “Sige iwan mo na muna ako, medyo masama lang ang panaginip ko kaya gusto kong mapag isa” utos ko.
Tumango ito at nagpaalam.
Pagkalabas nito ay kinuha ko ang pagkain sa aking tabi at sinimulang kumain. Mabilis ang aking pag nguya at paglunok at hindi ko na alintana kung mabilaukan ako basta mapunan ang gutom na nadarama ko.
Ininom ko rin ang isang juice na kasama sa mga inihanda ni Veronica.
Patuloy lamang ako sa pagkain ng mapansin kong hindi nakasarang maigi ang pintuan ng aming kwarto at nakasilip si Veronica mula roon.
Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka ngunit tumungo lamang ito at ngumiti bago tuluyang isinara ang pinto at umalis.
Hindi ko na ito pinansin dahil baka tinitingnan niya lamang kung kumakain na ako ng almusal at baka muli akong atakahin ng kaba dahil sa aking panaginip.
Nagpatuloy ako sa pagkain at ng matapos ay naligo na at nagbihis upang pumasok sa opisina.
===
Nang makarating sa aming building ay nagtungo ako agad sa opisina ni Adonis.
“Bakit hindi mo ako ginising? Na-late tuloy ako ng pasok” reklamo ko sa aking asawa.
“Ang sarap kasi ng tulog ng asawa ko eh. Mukhang sobrang napagod dahil sa ginawa namin kagabi” namula ako sa kanyang sagot. Totoo naman rin ang kanyang sinabi dahil halos walang tigil niya akong pinagsawaan.
Buti na lamang ay mahimbing ang tulog ni Addy sa kanyang sariling kwarto at hindi kami hinanap. Paminsan minsan kasi ay umiiyak ito at gusto kaming katabi matulog.
Natawa naman si Adonis dahil sa aking itsura.
“Nga pala, babe. Some of our investors invited me for a game of golf mamayang hapon. And for sure magkakayaan na rin yan ng dinner and some drinks, so … can I join them? Minsan na lang daw kasi sila mag visit dito sa Philippines kaya they want to have a catch up with me” tanong ng asawa ko. “Pero it’s okay if you won’t allow me. Mas enjoy ko na makasama kayo ni Addy sa bahay, at mas gusto ko na ikaw ang hapunan ko.hehe”
Napairap ako at napangiti.
“Of course I will allow you! Investors ng kumpanya natin ang mga kasama mo so you better continue building good relationship with them. Tsaka anong akala mo sa akin? Selosong misis? Hell no! Kung magloloko ka, it’s your lost not mine!” pagmamayabang ko.
Nagulat naman ni Adonis sa aking sinabi sabay tumawa.
“Golf and dinner lang ang pinaguusapan natin bakit parang ang layo na agad ng narating ng imagination mo babe?” natatawang tanong nito.
“Sinasabi ko lang sayo na kung balak mo akong pagtaksilan sa kung sino mang makati o haliparot na babae na lalapit sayo mamamaya, eh siguraduhin mong hindi kita mahuhuli dahil pagsisihan mo talaga yan, Adonis Miguel. Sinasabi ko sayo!” ani ko.
Napangisi si Adonis dahil sa aking sinabi.
“Hmmmmmmmm. Paano kaya iyon babe kung may lalapit sa akin na sexy at magandang waitress tapos aakitin ako? O di kaya may staff na makikipagkilala sa akin at magpapakita ng motibo?” mapang-asar at malokong tanong nito.
Tila nainis naman ako dahil bakit niya pa kailangan tanungin ang mga bagay na iyon? Hindi ba obvious na dapat niya itong tanggihan o layuan dahil may asawa na siya?
Hindi ko maiwasang ma-inis sa kanyang pang-aasar.
“Ayaw mo bang ishare sa iba ang gwapo at matipuno mong asawa?” dagdag na tanong nito habang nakangisi.
Naiinis man ngunit pinilit kong ikalma ang aking sarili at sakyan ang kanyang pang-aasar.
Lumapit ako kay Adonis at gamit ang aking kaliwang kamay ay marahan kong hinawakan ang kanyang dibdib.
“Ikaw ba, babe? Paano kung isa sa mga investors mo ang magpapakita ng motibo sa akin? Yung tipong titingnan niya ako ng nakakaakit. Pinagmamasdan niya ang dibdib ko tapos itong pwet ko. Ano ang gusto mong gawin ko, babe? Sasakyan ko ba ang motibo niya? Hmmmm?” tanong ko habang bumaba ang aking kamay sa kanyang tyan pababa sa pagitan ng kanyang hita.
Napalunok si Adonis na tila naapektuhan sa aking ginagawa. Hindi ito makapagsalita dahil halatang nagpipigil sa sensasyong nararamdaman.
“Syempre babe handa akong gawin ang anuman para sa ikauunlad ng kumpanya natin. Kahit na ibigay ko ang aking sa sarili sa mga investors natin para lang mas maging maganda ng relasyon natin sa kanila. Anything for the company, babe” ani ko sabay himas sa kanyang naninigas na alaga.
Napaungol si Adonis habang nakakunot ang noo. Bakas ang inis sa kanyang itsura habang nalilibugan dahil sa aking ginagawa.
Sobrang hot niyang tingnan sa ganoong reaksyon!
Pero nagulat ako nang mariin niyang hinawakan ang aking kamay.
“Tang ina! Sinong investor yang tinutukoy mo ha?” malutong na mura nito. “Putang ina, babe! May nagpaparamdam na pala sayo tapos hindi mo man lang sinasabi sa akin? Sino yang putang inang investor natin na yan? Ha?!” galit na tanong nito.
Sa mahigit tatlong taon na pagsasama naming ay ngayon ko lang siyang narinig na magmura at nagalit ng ganito. Pero imbis na matakot ay hindi ako nagpatinag at pinagpatuloy lang ang pang-aasar ko. Kung akala niya magpapatalo ako sa kanya, pwes nagkakamali siya.
“Bakit ko sasabihin, babe? Siguradong kasama mo siya mamaya sa laro ninyo. Ikaw na lang bahalang makiramdam dahil siguradong pinapakiramdaman ka na na rin niya para maagaw ako sayo” kalmado at malambing kong sagot.
“Tang ina, Magdalena! Wag mo akong ginagalit ha! Sabihin mo sa akin, niloloko mo ba ako? Kailan niyo po ako niloloko ng putang inang investor na sinasabi mo?” tanong nito.
Dito ako humalakhak ng tawa.
“Binibiro lang kita, babe! Hindi ako nangangaliwa at hinding hindi kita kayang lokohin! Mahal na mahal kita kaya anuman ang mangyari ay hinding hindi kita magagawang pagtaksilan” ani ko habang natawa. “Tsaka ikaw itong unang nang-asar tapos nang pinatulan kita ikaw rin yung unang napikon”
“Hindi magandang biro yan, babe ah. Akala ko seryoso na eh. Hindi hindi ko hahayaan na may umagaw sayong iba! Akin ka lang, Magdalena. Walang ibang lalake ang pwedeng mag may-ari sayo kundi ako lang! Ako lang ang pwedeng tumitig sa anumang parte ng katawan mo dahil asawa kita at akin ka! Yan ang tatandaan mo” deretso at ma-awtoridad na sambit nito sabay halik sa aking labi.
Ramdam na ramdam ko ang pagiging possessive ng kanyang halik at ginantihan ko naman ito upang mabigyan siya ng assurance.
Tumagal ang halik namin ng ilang minuto bago ito bumitaw.
“At eto rin ang tatandaan mo, babe. Hinding hindi rin kita magagawang lokohin. Kahit na si Marian Rivera o Bea Alonzo pa yang iharap nila sa akin ay hinding hindi kita ipagpapalit dahil sa puso ko ay ikaw ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. At wala ng ibang babae ang tinitibok ng puso ko kundi ang pangalan mo lang” ani to.
Ngumiti ako at tumango.
Nagpaalam na kami sa isat isa at nagtungo na ako sa aking opisina upang simulan ang aking trabaho.
Naging busy ako sa pagaayos ng kontrata para sa gagawing contract signing namin with Mr. Villarin sa susunod na Linggo. Ako kasi ang in-charge sa lahat ng preparation para dito. Simula sa pagdraft ng kontrata hanggang sa venue na pagdadausan ng contract signing ay ako ang namamahala.
Habang nagtatrabaho ay pumunta si Adonis sa aking opisina upang magpaalam na aalis na siya upang puntahan ang mga investors namin. Kumain muna kami ng lunch sa loob ng aking opisina bago ito tuluyang umalis.
Bumalik akong muli sa aking trabaho at pinagpatuloy ang aking ginagawa.
Tok! Tok! Tok!
“Come in!” sigaw ko at pumasok ang isa sa mga staff ko.
“Good afternoon, Maam Magdalena. May delivery po for you” anito at may bitbit na isang envelope.
“Wala naman akong ineexpect na delivery for today. Kanino galing yan?” tanong ko.
“Ahm, inabot lang daw po ito ng isang messenger sa may reception. Importante daw po and for your eyes only lang daw po” sagot nito.
Nagtaka ako sa aking narinig.
“Next time pakisabi na kapag tatanggap sila ng any package or document ay tanungin nila kung kanino o saan galing. We don’t know if ano ang laman niyan” sermon ko.
“Noted po, Maam. Sasabihan ko po yung mga staff natin. Ano po ang gusto niyong gawin sa document na ito, Maam? Ididispose na lang po ba natin?”
“No! Just leave it here on my table, baka importante yan” utos ko at ginawa naman nito.
Nang makalabas ang aking staff ay kinuha ko ang envelope upang tingnan kung kanino galing. Walang nakalagay na pangalan o address man lang. Kinapa ko kung ano ang laman at tingin ko ay mga cards ito o di kaya litrato.
Binuksan ko ang envelope at tama nga ang aking hinala dahil mga litrato ang laman nito. Isa isa ko itong tiningnan at nakita ang ibat ibang lalakeng sugatan at tila pinapahirapan.
Nagtaka ako kung bakit may nagpadala sa akin ng ganitong mga larawan dahil hindi ko naman kilala ang mga lalaking ito.
Patuloy kong pinagmasdan ang mga larawan hanggang sa unti unting nagiging pamilyar ang kanilang mga itsura.
Dito ako nanigas sa aking kinauupuan.
Ang unang litrato ay si Mang Gado na nakaratay at may mga saksak na kung ano anong aparatos sa katawan. Hindi na ito halos makilala dahil sa dami ng sugat sa kanyang katawan.
Ang sumunod na larawan ay si Mang Berto na puno ng latay ang katawan habang nakasabit ang kanyang kamay pataas at nakasuot ng bra at panty na kulay pula.
Ang ikatlong larawan ay si Mang Fred. Nasa loob ito ng kulungan ng aso at may nakapasak na malaking bagay sa kanyang bibig at pwet na parang isang …. dildo. Puno rin ng mapupulang sugat ang kanyang katawan na parang pinaso ng mainit na tubig.
Tiningnan ko ang likod ng mga larawan at nagbabakasakaling may impormasyon doon na pwede kong makita.
Hindi nga ako nagkamali dahil may nakasulat sa likod ng larawan ni Mang Gado.
Congratulations sa successful business deal ninyo. Wala ka nang dapat ipag-alala sa mga taong ito dahil ako na ang bahala sa kanila.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tila sa ilang segundo ay nawala ako sa aking sarili dahil sa pagkabigla.
Napatingin ako sa malayo at iniisip ko sino ang pwedeng nagpadala nito. At isa lang ang pumapasok sa isipan ko.
“Sophia” bulong ko.
===
Kasalukuyan akong nagdadrive papunta sa lugar kung saan dinala ni Tatay Tyago si Sophia. Habang nagdadrive ay napapatingin ako sa mga larawan nina Mang Gado, Mang Fred, at Mang Berto na pinatong ko sa passenger’s seat.
Simula nang makita ko ang mga larawan nila ay hindi na ako mapakali. Hindi na rin ako makapag focus sa trabaho dahil sa pangambang bumalot sa puso ko.
Gustuhin ko mang tawagan si Adonis upang sabihin ang tungkol sa mga litratong natanggap ko ay hindi ko muna ginawa. Maaari kasing mag ugat ito sa maraming katanungan at suspetsa kaya mas maiging ako muna ang nakakaalam ng tungkol dito.
Tsaka kung tama nga ang hinala kong si Sophia nga ang nagpadala nito ay maaring may pinaplano na siya laban sa akin.
O di kaya…
O di kaya… nakabalik na siya ng San Alcantara at minamanmanan ang mga kilos ko.
Napahigpit ang hawak ko sa manibela.
Ilang oras akong nagdadrive dahil sa sobrang layo ng aking pupuntahan, at ng makarating sa aking destinansyon ay agad akong bumaba ng sasakyan.
Napakunot ang noo ko ng makita ang tila kakatapos lang na sunog sa lugar na ito. Ang dating warehouse na naririto ay naupos na ng apoy at maging ang paligid nito ay puro abo na.
Anong nangyari dito?
Bakit nasunog ang lugar na ito?
Sino ang gumawa nito?
Lumingon ako sa paligid upang tingnan kung may tao. At ng makitang ako lamang mag-isa ay naglakad ako papalapit sa nasunog na warehouse.
Habang ang isang palad ko ay nakatakip sa aking ilong ay patuloy ang aking paglalakad habang pinagmamasdan ang mga gamit na natupok ng apoy.
Biglang bumigat ang aking pakiramdam at mas binalot ng pangamba ang aking puso.
Eto na ba ang kinakatakutan ko?
Bumalik na ba si Sophia?
Siya ba ang nagpasunog ng lugar na ito?
Kung nandito na siya, nasaan siya?
Saan nagtatago ang babaeng iyon?
Napalingon ako sa aking likod ng marinig kong parang may tumakbo di kalayuan sa aking pwesto. Muli kong nilibot ang aking paningin ngunit wala akong nakitang tao sa paligid.
Biglang lumakas ang ihip ng hangin at nagsiingayan ang kaluskos ng mga dahon at puno.
Nakaramdam ako ng takot kaya agad akong bumalik sa aking sasakyan.
Pagpasok sa loob ay patuloy pa rin ang aking pagmamasid sa paligid dahil pakiramdam ko ay may nagmamatyag sa akin.
Napatingin ako sa passenger’s seat at nakitang wala na roon ang mga pinatong kong larawan. Mabilis kong binuksan ang compartment ng sasakyan ngunit wala roon ang mga litrato. Tinignan ko din ang backseat ngunit wala rin akong nakita.
Gustuhin ko mang lumabas upang tingnan kung nahulog ba ang mga ito, ngunit pinili kong wag na lamang dahil sa takot na nararamdaman ko.
Ttttuuuuugggggggggg!!!!!
Napasigaw ako dahil sa malakas na lagabog.
Tila ba may bumato sa aking sasakyan.
Nanginginig kong binuksan ang makina ng kotse at pinaharurot paalis. Patuloy ang pagtingin ko sa side mirror upang tingnan kung may sumusunod ba sa akin.
Dahil sa takot ay mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo at wala na akong pakielam kung may masagasaan ako basta makalayo lamang sa lugar na ito.
Itutuloy…