Adonis’ point of view
Sabado ngayon at nandito kami ng aking buong pamilya sa isang theme park upang magbonding. Celebration na rin ito dahil sa pagclose namin sa business partnership with King Villarin at pati na rin sa nalalapit namin na contract signing.
Karga karga ko si Addy habang hawak ko naman ang kamay ng aking asawang si Magdalena. Kasama rin namin ang yaya ni Addy na si Veronica na nasa likod lamang namin at sumusunod saan man kami pumunta. May bitbit itong isang shoulder bag kung saan nakalagay ang mga gamit ni Addy at ilang bottled water para sa aming lahat.
“Dada! Dada! Ayth Cweammmmm!!” ani Addy habang tinuturo ang tindahan ng ice cream dito sa loob ng theme park.
“All right, li’l princess! Dada will buy you ice cream. But you can only eat one scoop so you won’t have sore throat, okay?” tumango naman si Addy.
Lumapit kami sa tindahan ng ice cream upang tingnan ang mga available flavors. Kita ang pagkatakam sa itsura ni Addy dahil favorite niya ang ice cream.
“Which flavor do you want?” tanong ko.
“Chowlate Dada!” excited na sagot ng bata.
Tumingin ako sa asawa ko at tinanong ito. “Do you want ice cream, babe?” umiling lamang ito at ngumiti. “How about you, Veronica? You want ice cream?”
“Ah-eh, Sir? Nakakahiya naman po. Okay lang po ako” anito.
“No! I insist! Anong flavor ang gusto mo?” tanong ko.
“Ah, avocado na lang po, Sir” sagot nito.
“Great! Mukhang masarap nga ang avocado. I would like to get one for myself too” ani ko. “How about you, babe? Are you sure you don’t wanna get one?” muli kong tanong sa asawa ko pero nakita ko na panay ang tingin niyo sa paligid at tila may bumabagabag sa kanya.
“I’m fine, babe. I can just share na lang with you para matikman ko rin” sagot nito at ngumiti.
Sinabi ko sa staff ang aming mga orders at matapos ang ilang minuto ay isa isa nitong inabot ang aming mga ice cream. Tuwang tuwa naman ang aking anak at mabilis na dinilaan ang kanyang chocolate ice cream. Kumalat ito sa palibot ng kanyang bibig kaya natawa na lang kami ni Magdalena.
“Don’t be too excited, Addy. Just eat it slowly para hindi mag spill sa dress mo” ani Magdalena.
“Oway, Mama. I’m sowwwy”
“It’s okay, baby. Mama is not angry” sagot ng asawa ko at hinalikan sa pisngi si Addy.
Napahagikhik sa tawa ang bata dahil sa kiliti.
Habang nakain ng ice cream ay nag ikot ikot kami at tiningnan ang ibat ibang rides dito sa loob. Gustuhin ko mang sumakay sa mga extreme rides ngunit hindi pwede dahil may kasama kaming bata at takot rin si Magdalena sa heights.
Naalala ko na ilang beses ko siyang niyaya at pinilit na sumakay ng extreme rides noong nagdedate pa kami ngunit ayaw talaga niya. Laging bakas ang takot sa kanyang itsura sa tuwing niyaya ko siya kaya naman hindi ko na pinilit. Simula noon ay hindi na rin ako sumakay sa mga extreme rides.
Patuloy lamang kami sa pagiikot hanggang sa makarating kami sa isang carousel.
At dahil pwede ang bata roon ay walang pagaatubili kong niyaya ang aking mag-ina. Pumayag naman si Magdalena kaya iniwan muna namin si Veronica upang sumakay sa carousel.
Habang nakapila ay nagkaroon ako ng pagkakataon na tanungin ang aking asawa kung ayos lang siya. Simula kasi noong gabing bumalik ako mula sa catch up meeting kasama ang mga investors namin ay napansin kong may bumabagabag sa kanya.
“Babe, are you okay?” tanong ko kay Magdalena.
“Yes, babe. I’m fine” anito.
“You sure? Kanina ka pa kasi patingin tingin sa paligid na parang may hinahanap ka. Tell me, is something bothering you?”
Ngumiti ito at umiling.
“I’m sorry if napag-alala kita, babe. But I swear it’s nothing. Siguro masyado lang maraming tao dito sa theme park and I’m not into crowded places now” paliwanag nito. “But don’t worry kasi naeenjoy ko ang family bonding natin ngayon and I’m happy kasi masaya itong princess natin” hinimas nito ang ulo ni Addy.
“Are you excited to ride the carousel, huh?” tanong nito sa aming anak.
“Yeeeeeeettthhhhh!!!” sigaw ni Addy habang nakataas ang kamay.
Ilang sandali pa ang aming hinantay sa pila hanggang sa nakasakay na kami sa carousel. Pinili naming mag-asawa ang isang horse kung saan doon namin isasakay si Addy. Kami naman ang nagsilbing alalay nito habang umiikot ang rides.
Kinuha ko ang aking cellphone at kinuhanan ng video magandang memory na ito. Nag-take din ako ng mga pictures upang ilagay ito sa digital album naming pamilya.
Tuwang tuwa ang aming anak at halatang nag eenjoy ito.
Pagkatapos naming sumakay ng carousel ay nag ikot ikot muli kami upang maghanap ng ibang rides na pwedeng masakyan.
Habang naglalakad ay napunta kami sa harap ng pinaka pinupuntahan na extreme rides dito sa theme park, ang Space Shuttle. Habang karga karga ko ang aking anak ay hindi ko napigilan ang excitement na nararamdaman ko, dahil gusto kong muling masubukan na sumakay dito.
Naramdaman kong hinipo ni Addy ang pisngi ko.
“Dada! Dada! Leth wide deh!” ani to sa akin habang tinuturo ang Space Shuttle. “I wanna wide deh!” excited na dagdag nito.
“Oh baby, you are not allowed there”
“But Dada want wide deh” sagot nito.
“Naku, babe. Mukhang nakita ni Addy na gusto mong sumakay diyan. Sige na pagbigyan mo na itong anak mo. If you want to ride that thing, go ahead! Papanoorin ka na lang namin Addy” ani Magdalena.
“But babe, mas gusto kong kasama kita kapag sasakay ako ng extreme rides”
“Naku babe, hindi mo ako mapapasakay sa ganyan. You know naman na sobrang takot ako sa heights”
“Edi hindi na lang din ako sasakay. It’s fine”
“Okay lang, babe. Tsaka utos din naman nitong prinsesa natin na sumakay ka diyan. I think she felt your excitement kaya pagbigyan mo na. Tsaka alam ko rin na miss mo na sumakay ng extreme rides so take this opportunity ride that one” turo nito sa Space Shuttle.
“Pe-pe-pero”
“Wag nang mag pero, pumila ka na diyan!”
Ngumiti ako at tumango.
“Ah-eh, Sir Adonis, Maam Magdalena… kung okay lang po sa inyo pwede rin po ba ako sumakay diyan? Matagal ko na po kasi naririnig sa mga kaibigan ko sa probinsya na masarap daw po sumakay diyan eh. Kaso wala naman po ako pamasahe at pang entrance kaya ngayon lang po ang unang beses na makapasok ako dito” ani Veronica.
Kitang kita sa kanyang itsura ang pinaghalong excitement at pakiusap.
Tiningnan ko ang asawa ko at inaantay ang kanyang isasagot.
“Of course! Kailangan mo ring i-enjoy itong araw na ito. Ako muna ang bahala dito sa anak ko at sumakay na kayo diyan ni Adonis” sagot nito.
“Talaga po, Maam?” excited na tanong ni Veronica.
“Oo! May mauupuan naman kami dun sa may food court kaya dun niyo na lang kami puntahan pagkatapos niyo”
“Naku, Maam Magdalena, maraming salamat po. Sobrang salamat po” ani Veronica at napahawak sa kamay ng asawa ko.
Natawa na lamang kami sa kanyang reaksyon.
Sinamahan muna namin ang aking asawa upang makaupo sa foodcourt tapat ng Space Shuttle. Nang makitang komportable na sila ay nagpaalam na kami ni Veronica at pumila sa rides. At dahil hindi ganoon kahaba ang pila ay mabilis kaming nakasakay. Magkatabi kami nito at kasalukuyang tinutulungan ng staff na ikabit ang safety harness.
“Sir Adonis, wag po kayong susuka o mahihimatay ah” ani Veronica na tila nang-aasar.
“Aba baka ikaw ang sumuka diyan. Sanay kaya akong sumakay sa extreme rides dati noong college ako”
“Ako din kaya, Sir. Dati sa perya sa bayan namin ay halos lahat ng rides doon ay nasakyan ko na. Naranasan ko pa nga yung nasiraan habang nakatiwarik sa ere eh. Ganun pala ang pakiramdam kapag nakalambitin sa himpapawid, parang si Darna” ani to.
Natawa naman ako sa kanyang kwento.
“Seryoso nasiraan ka ng rides noon?”
“Opo, Sir! Grabe yung takot ko noon kasi pakiramdam ko mamamatay na ako. Buti na lang gumana uli yung rides at naibaba kaming lahat” sagot nito. “Doon siguro nawala yung takot ko sa mga ganitong rides”
Hindi na namin natapos ang kwentuhan dahil tumunog na ang bell at unti unti na kaming tinataas sa ere. Narinig kong sumisigaw si Veronica at itinaas ang kanyang kamay.
Kitang kita ang excitement sa kanyang mukha.
Ginaya ko ito at itinaas ko rin ang aking kamay upang damhin ang unti unti paghila sa amin pataas. Ilang sandali pa ay huminto kami tanda ng naabot na namin ang dulo ng railing.
Ilang segundo kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa binalot ng sigaw ang paligid dahil sa pagdausdos namin pababa at pagikot sa loop.
Napasigaw ako dahil sa thrill na nadarama. Rinig ko rin ang sigaw at tawa ni Veronica na animo’y isang bata na enjoy na enjoy sa kanyang nararanasan.
Sa ikalawang pagkakataon ay nasa itaas uli kami ng railing ngunit patalikod naman ang aming posisyon. Nagkaroon kami ng pagkakataon na makahinga saglit hanggang sa bigla kaming hinigop pababa at pumaikot ikot muli sa loop. Ang thrill sa ikalawang ikot na ito ay hindi na namin alam kung nasaan na kami dahil nga nakatalikod kami sa railing.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa pinaghalo halong excitement, nerbyos, at tuwa. Pero isa lang ang sigurado, namiss kong sumakay sa Space Shuttle!
Ang sarap!
Nang matapos ang rides ay gusto pa sana naming mag Round 2 ni Veronica ngunit nagdesisyon akong wag nang ituloy dahil ayokong iwan ng matagal ang aking mag ina.
Naglakad kami patungo sa kinaroroonan nina Magdalena ngunit wala sila sa kanilang upuan. Naglakbay ang mga mata ko sa paligid at sa mga nakaupo sa foodcourt ngunit hindi ko makita ang asawa at anak ko.
Si Veronica ay naglakad naman sa paligid upang maghanap.
Kinuha ko ang aking cellphone upang tawagan si Magdalena, ngunit hindi nito sinasagot ang tawag ko.
“Sir Adonis, wala po sila dito. Icheck ko lang po sa CR kung andun sila. Baka po kasi naihi lang si Maam Magdalena” ani Veronica at tumango ako.
Lumipas ang mahigit limang minuto ay bumalik si Veronica.
“Sir wala po sila sa CR” anito.
Muli kong tinawagan si Magdalena at sa ikalawang pagkakataon ay hindi nito sinagot ang tawag ko. Sinabihan ko si Veronica na maghiwalay kami at hanapin ang aking mag-ina.
Dito ako unti unting nakaramdam ng kaba.
===
Magdalena’s Point of View
Nang makitang papalayo na sina Adonis at Veronica ay inupo ko muna si Addy sa table. Kinuha ko ang isang bimpo mula sa bag at ipinunas iyon sa ulo at likod ng aking anak.
“Grabe basang basa ka na ng pawis” ani ko habang patuloy siyang pinupunasan.
“Mama! I wanna wide deh!” patuloy ang pagturo niya sa Space Shuttle.
“You are not yet allowed to ride there because you are still a baby” sagot ko at sumimangot naman ito. “But when you grow up, you and Dada can ride there! Okay? You like it?”
“Yeeeettthhh! I like ittttt! I like itttttt” sigaw ni Addy.
“But how awout you Mama? Leth ride deh!”
“Mama doesn’t like those kinds of rides because mama is afraid of heights”
“Haythhs?” tanong nito na tila naguluhan sa sinabi ko.
“Yes! Mama is afraid of those kinds of rides” sagot ko naman.
“Why?” taking tanong ni Addy.
“I don’t know. I am just scared”
“Me not scared! Me is strong like Dada” pagmamalaking sambit nito at nagpose na tila pinapakita ang muscle sa braso.
Natawa ako sa kanyang tinuran.
Mukhang may kayabangan itong anak ko ah.
“Yes! You are strong… like Dada and you are also beautiful like Mama!” ani ko sabay kiniliti ang aking anak.
Napuno kami ng tawanan ang hagikhikan.
Narinig ko ang pagtunog ng bell mula sa Space Shuttle at nakitang unti unting inaangat ang mga taong sakay ng train roon. Inaninag ko kung saan nakapwesto sina Adonis at Magdalena ngunit hindi ko sila makita.
Ihinarap ko ang pwesto ni Addy sa Space Shuttle upang makita niya ang rides na sinakyan ng kanyang ama.
Maya maya pa ay narinig namin ang sigawan mula sa mga nakasakay doon dahil dumausdos pababa ang train at umikot ng ilang beses sa loop.
Pinapanood ko pa lang ito ay halos mabasa na ng pawis ang aking palad dahil sa kaba at takot. Tiningnan ko aking anak at kita ang pagkamangha sa kanyang itsura.
Habang patuloy na nakatuon ang atensyon ko sa Space Shuttle ay naramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Nilibot ko ang aking paningin at nahuling may isang pamilyar na babae ang nakatingin deretso sa akin.
…