Adonis’ point of view
Sabado ngayon at nandito kami ng aking buong pamilya sa isang theme park upang magbonding. Celebration na rin ito dahil sa pagclose namin sa business partnership with King Villarin at pati na rin sa nalalapit namin na contract signing.
Karga karga ko si Addy habang hawak ko naman ang kamay ng aking asawang si Magdalena. Kasama rin namin ang yaya ni Addy na si Veronica na nasa likod lamang namin at sumusunod saan man kami pumunta. May bitbit itong isang shoulder bag kung saan nakalagay ang mga gamit ni Addy at ilang bottled water para sa aming lahat.
“Dada! Dada! Ayth Cweammmmm!!” ani Addy habang tinuturo ang tindahan ng ice cream dito sa loob ng theme park.
“All right, li’l princess! Dada will buy you ice cream. But you can only eat one scoop so you won’t have sore throat, okay?” tumango naman si Addy.
Lumapit kami sa tindahan ng ice cream upang tingnan ang mga available flavors. Kita ang pagkatakam sa itsura ni Addy dahil favorite niya ang ice cream.
“Which flavor do you want?” tanong ko.
“Chowlate Dada!” excited na sagot ng bata.
Tumingin ako sa asawa ko at tinanong ito. “Do you want ice cream, babe?” umiling lamang ito at ngumiti. “How about you, Veronica? You want ice cream?”
“Ah-eh, Sir? Nakakahiya naman po. Okay lang po ako” anito.
“No! I insist! Anong flavor ang gusto mo?” tanong ko.
“Ah, avocado na lang po, Sir” sagot nito.
“Great! Mukhang masarap nga ang avocado. I would like to get one for myself too” ani ko. “How about you, babe? Are you sure you don’t wanna get one?” muli kong tanong sa asawa ko pero nakita ko na panay ang tingin niyo sa paligid at tila may bumabagabag sa kanya.
“I’m fine, babe. I can just share na lang with you para matikman ko rin” sagot nito at ngumiti.
Sinabi ko sa staff ang aming mga orders at matapos ang ilang minuto ay isa isa nitong inabot ang aming mga ice cream. Tuwang tuwa naman ang aking anak at mabilis na dinilaan ang kanyang chocolate ice cream. Kumalat ito sa palibot ng kanyang bibig kaya natawa na lang kami ni Magdalena.
“Don’t be too excited, Addy. Just eat it slowly para hindi mag spill sa dress mo” ani Magdalena.
“Oway, Mama. I’m sowwwy”
“It’s okay, baby. Mama is not angry” sagot ng asawa ko at hinalikan sa pisngi si Addy.
Napahagikhik sa tawa ang bata dahil sa kiliti.
Habang nakain ng ice cream ay nag ikot ikot kami at tiningnan ang ibat ibang rides dito sa loob. Gustuhin ko mang sumakay sa mga extreme rides ngunit hindi pwede dahil may kasama kaming bata at takot rin si Magdalena sa heights.
Naalala ko na ilang beses ko siyang niyaya at pinilit na sumakay ng extreme rides noong nagdedate pa kami ngunit ayaw talaga niya. Laging bakas ang takot sa kanyang itsura sa tuwing niyaya ko siya kaya naman hindi ko na pinilit. Simula noon ay hindi na rin ako sumakay sa mga extreme rides.
Patuloy lamang kami sa pagiikot hanggang sa makarating kami sa isang carousel.
At dahil pwede ang bata roon ay walang pagaatubili kong niyaya ang aking mag-ina. Pumayag naman si Magdalena kaya iniwan muna namin si Veronica upang sumakay sa carousel.
Habang nakapila ay nagkaroon ako ng pagkakataon na tanungin ang aking asawa kung ayos lang siya. Simula kasi noong gabing bumalik ako mula sa catch up meeting kasama ang mga investors namin ay napansin kong may bumabagabag sa kanya.
“Babe, are you okay?” tanong ko kay Magdalena.
“Yes, babe. I’m fine” anito.
“You sure? Kanina ka pa kasi patingin tingin sa paligid na parang may hinahanap ka. Tell me, is something bothering you?”
Ngumiti ito at umiling.
“I’m sorry if napag-alala kita, babe. But I swear it’s nothing. Siguro masyado lang maraming tao dito sa theme park and I’m not into crowded places now” paliwanag nito. “But don’t worry kasi naeenjoy ko ang family bonding natin ngayon and I’m happy kasi masaya itong princess natin” hinimas nito ang ulo ni Addy.
“Are you excited to ride the carousel, huh?” tanong nito sa aming anak.
“Yeeeeeeettthhhhh!!!” sigaw ni Addy habang nakataas ang kamay.
Ilang sandali pa ang aming hinantay sa pila hanggang sa nakasakay na kami sa carousel. Pinili naming mag-asawa ang isang horse kung saan doon namin isasakay si Addy. Kami naman ang nagsilbing alalay nito habang umiikot ang rides.
Kinuha ko ang aking cellphone at kinuhanan ng video magandang memory na ito. Nag-take din ako ng mga pictures upang ilagay ito sa digital album naming pamilya.
Tuwang tuwa ang aming anak at halatang nag eenjoy ito.
Pagkatapos naming sumakay ng carousel ay nag ikot ikot muli kami upang maghanap ng ibang rides na pwedeng masakyan.
Habang naglalakad ay napunta kami sa harap ng pinaka pinupuntahan na extreme rides dito sa theme park, ang Space Shuttle. Habang karga karga ko ang aking anak ay hindi ko napigilan ang excitement na nararamdaman ko, dahil gusto kong muling masubukan na sumakay dito.
Naramdaman kong hinipo ni Addy ang pisngi ko.
“Dada! Dada! Leth wide deh!” ani to sa akin habang tinuturo ang Space Shuttle. “I wanna wide deh!” excited na dagdag nito.
“Oh baby, you are not allowed there”
“But Dada want wide deh” sagot nito.
“Naku, babe. Mukhang nakita ni Addy na gusto mong sumakay diyan. Sige na pagbigyan mo na itong anak mo. If you want to ride that thing, go ahead! Papanoorin ka na lang namin Addy” ani Magdalena.
“But babe, mas gusto kong kasama kita kapag sasakay ako ng extreme rides”
“Naku babe, hindi mo ako mapapasakay sa ganyan. You know naman na sobrang takot ako sa heights”
“Edi hindi na lang din ako sasakay. It’s fine”
“Okay lang, babe. Tsaka utos din naman nitong prinsesa natin na sumakay ka diyan. I think she felt your excitement kaya pagbigyan mo na. Tsaka alam ko rin na miss mo na sumakay ng extreme rides so take this opportunity ride that one” turo nito sa Space Shuttle.
“Pe-pe-pero”
“Wag nang mag pero, pumila ka na diyan!”
Ngumiti ako at tumango.
“Ah-eh, Sir Adonis, Maam Magdalena… kung okay lang po sa inyo pwede rin po ba ako sumakay diyan? Matagal ko na po kasi naririnig sa mga kaibigan ko sa probinsya na masarap daw po sumakay diyan eh. Kaso wala naman po ako pamasahe at pang entrance kaya ngayon lang po ang unang beses na makapasok ako dito” ani Veronica.
Kitang kita sa kanyang itsura ang pinaghalong excitement at pakiusap.
Tiningnan ko ang asawa ko at inaantay ang kanyang isasagot.
“Of course! Kailangan mo ring i-enjoy itong araw na ito. Ako muna ang bahala dito sa anak ko at sumakay na kayo diyan ni Adonis” sagot nito.
“Talaga po, Maam?” excited na tanong ni Veronica.
“Oo! May mauupuan naman kami dun sa may food court kaya dun niyo na lang kami puntahan pagkatapos niyo”
“Naku, Maam Magdalena, maraming salamat po. Sobrang salamat po” ani Veronica at napahawak sa kamay ng asawa ko.
Natawa na lamang kami sa kanyang reaksyon.
Sinamahan muna namin ang aking asawa upang makaupo sa foodcourt tapat ng Space Shuttle. Nang makitang komportable na sila ay nagpaalam na kami ni Veronica at pumila sa rides. At dahil hindi ganoon kahaba ang pila ay mabilis kaming nakasakay. Magkatabi kami nito at kasalukuyang tinutulungan ng staff na ikabit ang safety harness.
“Sir Adonis, wag po kayong susuka o mahihimatay ah” ani Veronica na tila nang-aasar.
“Aba baka ikaw ang sumuka diyan. Sanay kaya akong sumakay sa extreme rides dati noong college ako”
“Ako din kaya, Sir. Dati sa perya sa bayan namin ay halos lahat ng rides doon ay nasakyan ko na. Naranasan ko pa nga yung nasiraan habang nakatiwarik sa ere eh. Ganun pala ang pakiramdam kapag nakalambitin sa himpapawid, parang si Darna” ani to.
Natawa naman ako sa kanyang kwento.
“Seryoso nasiraan ka ng rides noon?”
“Opo, Sir! Grabe yung takot ko noon kasi pakiramdam ko mamamatay na ako. Buti na lang gumana uli yung rides at naibaba kaming lahat” sagot nito. “Doon siguro nawala yung takot ko sa mga ganitong rides”
Hindi na namin natapos ang kwentuhan dahil tumunog na ang bell at unti unti na kaming tinataas sa ere. Narinig kong sumisigaw si Veronica at itinaas ang kanyang kamay.
Kitang kita ang excitement sa kanyang mukha.
Ginaya ko ito at itinaas ko rin ang aking kamay upang damhin ang unti unti paghila sa amin pataas. Ilang sandali pa ay huminto kami tanda ng naabot na namin ang dulo ng railing.
Ilang segundo kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa binalot ng sigaw ang paligid dahil sa pagdausdos namin pababa at pagikot sa loop.
Napasigaw ako dahil sa thrill na nadarama. Rinig ko rin ang sigaw at tawa ni Veronica na animo’y isang bata na enjoy na enjoy sa kanyang nararanasan.
Sa ikalawang pagkakataon ay nasa itaas uli kami ng railing ngunit patalikod naman ang aming posisyon. Nagkaroon kami ng pagkakataon na makahinga saglit hanggang sa bigla kaming hinigop pababa at pumaikot ikot muli sa loop. Ang thrill sa ikalawang ikot na ito ay hindi na namin alam kung nasaan na kami dahil nga nakatalikod kami sa railing.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa pinaghalo halong excitement, nerbyos, at tuwa. Pero isa lang ang sigurado, namiss kong sumakay sa Space Shuttle!
Ang sarap!
Nang matapos ang rides ay gusto pa sana naming mag Round 2 ni Veronica ngunit nagdesisyon akong wag nang ituloy dahil ayokong iwan ng matagal ang aking mag ina.
Naglakad kami patungo sa kinaroroonan nina Magdalena ngunit wala sila sa kanilang upuan. Naglakbay ang mga mata ko sa paligid at sa mga nakaupo sa foodcourt ngunit hindi ko makita ang asawa at anak ko.
Si Veronica ay naglakad naman sa paligid upang maghanap.
Kinuha ko ang aking cellphone upang tawagan si Magdalena, ngunit hindi nito sinasagot ang tawag ko.
“Sir Adonis, wala po sila dito. Icheck ko lang po sa CR kung andun sila. Baka po kasi naihi lang si Maam Magdalena” ani Veronica at tumango ako.
Lumipas ang mahigit limang minuto ay bumalik si Veronica.
“Sir wala po sila sa CR” anito.
Muli kong tinawagan si Magdalena at sa ikalawang pagkakataon ay hindi nito sinagot ang tawag ko. Sinabihan ko si Veronica na maghiwalay kami at hanapin ang aking mag-ina.
Dito ako unti unting nakaramdam ng kaba.
===
Magdalena’s Point of View
Nang makitang papalayo na sina Adonis at Veronica ay inupo ko muna si Addy sa table. Kinuha ko ang isang bimpo mula sa bag at ipinunas iyon sa ulo at likod ng aking anak.
“Grabe basang basa ka na ng pawis” ani ko habang patuloy siyang pinupunasan.
“Mama! I wanna wide deh!” patuloy ang pagturo niya sa Space Shuttle.
“You are not yet allowed to ride there because you are still a baby” sagot ko at sumimangot naman ito. “But when you grow up, you and Dada can ride there! Okay? You like it?”
“Yeeeettthhh! I like ittttt! I like itttttt” sigaw ni Addy.
“But how awout you Mama? Leth ride deh!”
“Mama doesn’t like those kinds of rides because mama is afraid of heights”
“Haythhs?” tanong nito na tila naguluhan sa sinabi ko.
“Yes! Mama is afraid of those kinds of rides” sagot ko naman.
“Why?” taking tanong ni Addy.
“I don’t know. I am just scared”
“Me not scared! Me is strong like Dada” pagmamalaking sambit nito at nagpose na tila pinapakita ang muscle sa braso.
Natawa ako sa kanyang tinuran.
Mukhang may kayabangan itong anak ko ah.
“Yes! You are strong… like Dada and you are also beautiful like Mama!” ani ko sabay kiniliti ang aking anak.
Napuno kami ng tawanan ang hagikhikan.
Narinig ko ang pagtunog ng bell mula sa Space Shuttle at nakitang unti unting inaangat ang mga taong sakay ng train roon. Inaninag ko kung saan nakapwesto sina Adonis at Magdalena ngunit hindi ko sila makita.
Ihinarap ko ang pwesto ni Addy sa Space Shuttle upang makita niya ang rides na sinakyan ng kanyang ama.
Maya maya pa ay narinig namin ang sigawan mula sa mga nakasakay doon dahil dumausdos pababa ang train at umikot ng ilang beses sa loop.
Pinapanood ko pa lang ito ay halos mabasa na ng pawis ang aking palad dahil sa kaba at takot. Tiningnan ko aking anak at kita ang pagkamangha sa kanyang itsura.
Habang patuloy na nakatuon ang atensyon ko sa Space Shuttle ay naramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Nilibot ko ang aking paningin at nahuling may isang pamilyar na babae ang nakatingin deretso sa akin.
Nakapwesto ito di kalayuan sa may entrance ng Space Shuttle at nakatayo lamang doon habang hindi inaalis ang kanyang mata sa akin. Sinubukan kong aninagin kung kilala ko ba itong babaeng ito ngunit dahil sa layo ng kanyang distansya ay hindi ko siya makilala.
Nakasuot ito ng isang pink na shirt dress, nakalugay ang mahaba niyang buhok, at nakakasilaw rin ang kanyang balat dahil sa kinis at kaputian. Muli kong ananinag ang kanyang itsura at nanlaki ang mga mata ko ng makitang kahawig siya ni … Sophia.
Teka! Hindi kahawig!
Malakas ang kutob kong si Sophia ang nakikita ko ngayon sa malayo.
Bigla itong umiwas ng tingin sabay mabilis na naglakad papalayo.
Agad kong kinarga si Addy at binitbit ang shoulder bag upang habulin si Sophia. Binilisan ko ang paglakad na halos parang patakbo na.
“Mama, where we woing?” tanong ng anak ko pero hindi ko siya pinansin bagkus ay tuluyan na akong tumakbo para maabutan ang mabilis na lakad ni Sophia.
Halos makaramdam na ako ng hingal dahil karga ko ang aking anak habang natakbo. Hindi ko naman na ito alintana dahil mas importanteng makaharap ko ngayon si Sophia.
Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa konting distansya na lamang ang namamagitan sa aming dalawa.
“Sophia!” tawag ko ngunit hindi ako nito nilingon.
“Sophia!!!” muli kong tawag ngunit patuloy lamang ito sa paglalakad.
Nang makaabot ako sa kanya ay hinawakan ko ang kanyang braso at iniharap siya sa akin. “Ano ba tinatawag kita, Sophia!!!” inis kong sambit.
Paglingon nito sa akin ay hindi siya ang babaeng inaasahan ko kundi kamukha lamang pala.
Ngunit hindi maganda ang kutob ko sa kanya.
“Excuse me? Who’s Sophia?” takang tanong nito.
“Sino ka? Ha?! Bakit mo ako tinitingnan kanina? Padala ka ba ni Sophia?” medyo mataas na boses kong tanong.
“I don’t know what you are talking about! Who’s Sophia? And I’m sorry pero hindi kita tinitingnan kanina. Why would I bother stare at you?” ani ng babae.
“Sinungaling ka. Huling huli kitang nakatingin sa akin! Magsabi ka ng totoo, sino ang nagpadala sayo dito? Si Sophia ba? Inutusan ka ba niyang manmanan kami? Siya ba yung nagpadala ng mga pictures sa akin? Sabihin mo yung totoo!” muli kong tanong.
Napansin kong may mga taong nakatingin na sa amin. At naririnig kong nagsisimula na ring umiyak si Addy.
Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko, tila ba masyadong agresibo ang aking katawan at hindi ko ito mapigilan. Tila ba masyado akong nacocontrol ng aking emosyon ngayon.
Marahil ay masyado lamang akong napaparanoid dahil sa natanggap kong mga larawan nina Mang Gado, Mang Fred, at Mang Berto.
“Pictures? Anong pinagsasasabi mo? I’m sorry but I have no time for this. Please leave me alone!” mayabang na sambit nito sabay talikod.
Pipigilan ko pa sana ito ngunit bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Namanhid ang aking buong katawan at nawalan ako ng kontrol sa aking balanse.
Hinawakan ko ng mahigpit ang umiiyak na si Addy hanggang sa mawalan ako ng malay.
Naramdaman ko na lamang na may sumalo sa akin bago tuluyang lamunin ng dilim ang aking paningin.
===
Pagmulat ko ng mata ay wala na ako sa theme park. Nilibot ko ang aking tingin at nakitang nasa loob ako ng isang kwarto at may dextrose na nakasaksak sa aking kaliwang pulsuhan.
Tumingin ako sa aking kanan at nandun si Adonis. Nakaupo ito at nakadantay ang ulo sa aking hinihigaan habang natutulog.
“Babe… Adonis” nanghihina kong tawag ngunit hindi ito nagising. “Babe” muli kong tawag at ginawaran siya ng mahinang tapik.
Agad naman itong nagising at hinawakan ang aking kamay.
“Babe are you alright? Ano ang pakiramdam mo ngayon?” agad na tanong nito.
“Where is Addy? Nasaan ang anak natin?” nag-aalala kong tanong.
“Addy is alright. Nasa bahay na siya ngayon with Mom and Dad. We are all worried sick about you. Ano ba ang nangyari? Buti na lang nakita ko kayo agad kanina at nasalo kita before you fell off the ground”
Napalingon ako sa ibang direksyon at hindi alam kung ikekwento ko ba ang nangyari kanina. Siguro ay mas maiging sabihin ko sa kanya ang bumabagabag sa akin.
Huminga ako ng malalim at sinimulan magkwentol
“There was this woman staring at me earlier sa food court. She looked like Sophia kaya nag-alala at natakot ako. She suddenly walked away kaya sinundan ko siya to confirm if si Sophia ba talaga iyon. Unfortunately, I was wrong because the woman just looked like her” kwento ko. “Then bigla na lang akong nanghina at nawalan ng balanse kaya hinawakan ko ng mahigpit si Addy before ako mawalan ng malay” dagdag ko.
Lumapit sa akin si Adonis at hinalikan ang aking labi. Ramdam ko ang seguridad at pagmamahal sa kanyang halik.
“Babe what if Sophia is back? Natatakot ako na guguluhin niya tayo” nagaalala kong sambit sa asawa ko.
“The nerve she came back after what she did to us” galit na sambit nito. “Kung sakaling bumalik siya ay hinding hindi ko hahayaan na magulo niya ang pamilya natin. Kung kailangan ko siyang ipakulong ay gagawin ko para lang wala siyang gawing hindi maganda sa atin.”
Hinawakan ko ang kamay ni Adonis at hinalikan ito.
“Thank you, babe! Please don’t leave me kung sakaling bumalik si Sophia. I don’t want you to leave me”
“Why would I leave you? I will never leave my wife and the mother of my child. You are the love of my life kaya please remove that idea in you mind, okay? Hinding hindi kita ipagpapalit sa kahit na kanino at hinding hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita, Magdalena, kaya I will do everything para maging masaya ang pamilya natin. Para maging masaya ka.” sinserong sambit ni Adonis at muli akong hinalikan sa labi.
Tumugon ako ng halik upang iparamdam na mahal na mahal ko rin siya. Tumagal ang aming halikan ng ilang segundo bago ito humiwalay.
“Sabi ng doctor you were just dehydrated kaya nahimatay ka kanina. Siguro kasi sobrang init sa theme park and you were also carrying Addy while you were chasing that woman you’re talking about. Kaya magpahinga ka na muna ngayon and I will be here beside you hanggang sa makapagpahinga ka ng maayos”
Nahiga ito sa aking tabi at inakbayan ako. Idinantay ko ang aking ulo sa kanyang braso niyakap ang kanyang dibdib.
“Dito lang ako sa tabi mo. I won’t leave your side kaya you rest well. Kapag okay na pakiramdam mo ay uuwi na tayo and gagawa tayo ng kapatid ni Addy.hehe” pinalo ko ito ng mahina sa dibdib sabay tawa.
“Hindi pa pwede babe, focus muna tayo kay Addy diba?” paalala ko sa kanya.
“Baka lang naman makalusot, babe. Gusto ko kasi ng baby boy eh.hehe” malambing na sagot nito.
Muli ko itong niyakap sabay pikit ng aking mga mata para magpahingang muli. Ngunit unti unting bumabalik sa utak ko ang nangyari kanina.
Malakas ang kutob kong si Sophia ang nakita ko.
Kung hindi man, may kinalaman ang babaeng iyon dito.
===
Sophia’s point of view
Nandito ako ngayon sa isang silid kung saan pinapahirapan ng mga tauhan ni King sina Mang Fred at Mang Berto.
Nakatali ang dalawang kamay ng dalawa sa kanilang likuran, wala pa rin saplot, at kasalukuyan nilulunod ang ulo sa dalawang drum ng tubig sa kanilang harapan.
“Ganito pre, sabay nating lunurin itong dalawang matanda tapos tingnan natin kung sino ang unang malalagutan ng hininga.hehe” ani ng isang tauhan ni King.
“Sige pre, magbibilang na ako ah… 1…2…3…. GO!” sagot ng isa pang tauhan ni King at sabay nga nilang nilublob sa tubig ang ulo ng dalawang matanda.
Kita ang hirap sa kanilang katawan dahil nakatali ang kanilang mga kamay at wala silang makapitan. Halos magpumiglas sina Mang Fred at Mang Berto dahil sa pagpapahirap na ginagawa sa kanila.
Ilang segundo ang lumipas at nangisay si Mang Berto na ibig sabihin ay nauubusan na siya ng hininga. Hindi naman iyon inintindi ng mga tauhan ni King bagkus ay mas idiniin pa ang ulo sa tubig.
Unti unting nanghina ang pangingisay ni Mang Berto hanggang sa wala ng reaksyon na nagmumula sa kanyang katawan.
Agad na hinila ang ulo nito sa tubig at inihiga sa sahig.
“Mukhang panalo ka pre ah. Ang hina nitong sa akin eh, tumba agad.hehe” pagkasabi nito ay agad nilang nirevive si Mang Berto. Tinakpan ang ilong ng matanda, nagbuga ng hangin sa bibig at nag perform ng CPR.
Paulit ulit nilang ginawa ito hanggang sa muling bumalik ang ulirat ng matanda.
“Oh ayan buhay na uli. Sige itayo na yan at ilublob uli sa tubig” itinayo nila ang nanghihinang si Mang Berto at muling itinapat ang ulo sa drum sabay lublob uli sa tubig.
Nakita ni Mang Fred ang nangyari kaya naman muli itong nagmakaawa sa akin. “Sophia tigilan mo na kami! Pangako wala kaming pagsasabihan ng mga ginawa mo sa amin basta palayain mo na kami! Parang awa mo naman na oh!” anito.
Ngumisi ako.
“Ano mahirap ba? Alam niyo na ba ang pakiramdam ng walang laban at walang magawa?” tanong ko.
“Patawarin mo na kami, Sophia. Pinagsisihan na namin ang mga ginawa namin sayo noon” umiling ako.
“Hindi Mang Fred. Walang kapatawaran yung mga ginawa niyo sa akin. At kailan man ay hinding hindi ako maawa sa inyo kaya tanggapin mo nang hindi na kayo makakalabas sa lugar na ito. Dito na kayo mamamatay! Eto na ang magiging preso ninyo habang buhay” sagot ko.
“Hayop ka, Sophia!!!! Hayopppppp kaaaaaa!!!” sigaw nito. “Kung alam ko lang na makakatakas ka at ganito ang gagawin mo sa amin ay sana noon pa lang ay ginilitan na kita ng leeg! Sana noon pa lang ay pinatay na kitang puta kaaaaa!”
“Hmmmmmmm parang sa pagkakatanda ko ay nagmakaawa nga rin ako sa inyo na patayin niyo na ako diba? Pero hindi kayo nakinig sa akin. Bagkus pinahirapan at nagpakasasa pa rin kayo sa katawan ko. Kaya sisihin ninyo ang mga sarili ninyo kasi kayo ang may gawa ng mga nararanansan niyo ngayon”
“Hayop ka!!!!!”
“Demonyo kaaaaaaaaaa!” sigaw kong pabalik.
“Puta kaaaaa!!!!”
“Oo! Putang papatay sayo!!!” ani ko at lumapit kay Mang Fred. Hinawakan ko ito sa buhok at ako mismo ang naglublob ng kanyang ulo sa drum.
Idiniin ko ito ng maigi sa tubig na halos umangat na ang paa nito mula sa sahig. Ramdam na ramdam ko ang pagpupumiglas nito pero hindi ko iyon pinansin at mas idiniin pa ang ulo sa tubig.
Hindi ko na namalayan kung ilang segundo o minuto na ang nakalipas ngunit naramdaman ko na lamang na unti unting tumitigil ang kanyang pagpupumigilas at nanghihina rin ang kanyang katawan.
Katulad ni Mang Berto kanina, mukhang nalunod na rin ito dahil wala na akong maramdamang anumang reaksyon sa kanyang katawan.
Sa tulong ng mga tauhan ni King ay inihiga nila si Mang Fred sa sahig at nirevive. Inabot ng ilang minuto ang pagrevive sa kanya hanggang sa nagluwa ito ng tubig sa kanyang bibig at bumalik sa kanyang ulirat.
Nakahinga ako ng maluwag.
Hindi pa siya pwedeng mamatay!
Kulang pa! Kulang pa ang nararanasan nila!
“Ipagpatuloy niyo lang ang pagpapahirap sa kanila! Kapag nalagutan ng hininga ay irevive niyo lang sila uli tapos lunurin niyo nanaman! Wag niyong tigilan hanggang gusto ninyo basta kailangang mahirapan ang mga demonyong yan!” utos ko sa mga tauhan ni King.
“Masusunod po Wonder Woman… este Maam Sophia” rinig kong sagot nila. “Wag po kayo mag-alala dahil papahirapan namin ng husto itong dalawang ito. May inihanda pa kaming dildo para habang nilulunod namin sila ay papasakanan namin ng dildo sa pwet.hehe. Sige na mga pare, simulan na uli natin ang saya!hehe”
Ng marinig ko ito ay lumabas na ako ng silid at nagpunta sa kwarto ko. Dumeretso ako sa CR at hinubad ang aking suot na pink na shirt dress. Binuksan ko ang hot shower at doon binabad ang aking katawan upang marelax ang aking pakiramdam.
Mahaba ang aking naging araw ngayon, pero masaya ako dahil pagkatapos ng tatlong taon ay muli kong nakita ang mga taong tumaboy at nanakit sa akin.
Sina Adonis at Magdalena.
Hindi lang iyon! Dahil nagawa ko rin magpakita kay Magdalena kanina sa theme park.
Oo! Ako ang nakita ni Magdalena kanina sa theme park.
Pero dahil pinaghandaan ko ang araw na ito ay nagawa ko siyang linlangin. Akala ba niya ay basta basta lang akong mahuhuli? Nagkakamali siya! Mababaliw lang siya kakaisip at kakahanap sa akin.
Pero wag siyang mag-alala dahil konting tiis na lang, konting tiis na lang dahil malapit na akong bumalik ng San Alcantara.
Malapit na malapit na.
At sana nasa matino pa siyang pag-iisip kapag nangyari iyon.
Napangisi ako at pinagpatuloy ang paliligo.
Itutuloy…
P.S. Please extend your patience, ubos na po ang update ko. 🙁 But will find time to write this weekend and hopefully I can finish at least two chapters. Ingat kayo guys and always protect your mental health. #warmhugs