Babawiin Ko Ang Lahat (Part 6)

*** Warning: Violence, Rape & Manipulation ahead. Feel free to skip the entire series if you’re not into this kind of theme.

Sophia’s point of view

Pagpasok ko sa loob ng ballroom hall kung saan dinaraos ang contract signing nina King at Adonis ay agad kong nakuha ang atensyon ng lahat.

Sunod sunod na lumingon sa aking direksyon ang mga bisita at kita ang pagkagulat at paghanga sa kanilang mga reaksyon na tila ba nakakita sila ng isang anghel.

Aaminin ko, na-eenjoy ko ang biglaang pagbaling ng atensyon ng mga tao sa akin. Ganito ko kasi pinlano ang aking muling pagbabalik. Gusto kong makita ako ng lahat, lalong lalo na nina Adonis at Magdalena. Gusto kong maramdaman nila ang aking presensya sa aking muling pagpasok sa kanilang mga buhay.

Marahan akong naglakad papalapit kay King, kung saan bumaba siya ng stage upang antayin ako roon.

Habang marahang naglalakad ay nilibot ko ang aking paningin. Nakita ko si Veronica na nakangisi habang kalong ang anak nina Adonis at Magdalena. Katabi nito ang mga magulang ni Adonis na halos hindi maipinta ang mukha dahil sa pagkagulat.

Nakita ko rin ang private investigator ni Adonis na si Simon at ang mga shareholders ng kumpanya nila at ni King. Nakikita ko rin ang ilang mga pamilyar na mukha na hindi alam nina Adonis na kakampi ko pala. Lahat sila ay nakangisi at tila naka – game face on.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad at ng makarating sa hilera nina Tita Olivia at Tito Romano ay nilingon ko ang dalawa. Binigyan ko sila ng isang blankong ekspresyon pero tila hindi nila ito nagustuhan dahil biglang kumunot ang kanilang noo.

Ilang hakbang pa ay nakarating na ako sa harap ni King.

“Hi” ani ko at naglabas ng isang matamis na ngiti.

“You’re here” ngumiti rin ito pabalik at hinalikan ako sa aking pisngi.

Bumaba sina Adonis at Magdalena mula sa stage at lumapit sa amin. “So I would like to introduce to you, Sophia, she will be my substitute while I’m out of town. She will be directly coordinating with you for all the communications and transactions regarding our future plans” ani King sa dalawa.

“Uh-Uh I’m sorry. A-a-anong ginagawa niya sa kumpanya mo? I mean do you know her? Si-si-since when?” utal na tanong ni Adonis na tila hindi makapaniwala sa nakikita.

“Sophia’s been working for me since three years ago. She used to be our marketing staff but eventually got promoted as the company’s Officer-In-Charge. Sophia’s been nothing but a great contributor to us so I’m excited that she will be working with your team.” sagot ni King.

“I-I-I don’t understand” naguguluhang sambit ni Adonis.

“I’m sorry but ano ang hindi mo naiintindihan, Mr. Salvacion?” ani King.

Tiningnan ko si Magdalena at hindi ito makapagsalita dahil sa gulat at pangamba. Bumaba ang tingin ko sa kanilang kamay na magkahawak ng mahigpit.

Nasilayan ko rin ang kanilang wedding ring.

“Maybe it’s time for me to tell you this, King” sabat ko. “We actually know each other. We used to be really good … hmmm … friends. But something happened that’s why I needed to leave them. But it’s all in the past already so there would be no problem working with them again. Right?” tanong ko at ngumiti kayna Adonis at Magdalena.

Naramdaman ko na lang na may sumagi sa aking balikat at nakitang binangga ako ni Tita Olivia. Tumabi siya kayna Adonis at sumunod rin si Tito Romano.

“And what are you doing here? Who invited your here?” galit na tanong ni Tita Olivia. “Umalis ka ritong babae ka, kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga gwardya” dagdag nito.

Napangisi ako.

“Excuse me? With all due respect, Sophia is working with me and I am the one who invited her here. And as far as I can remember, I am your biggest business partner and no one has the right to disrespect the people working for me” mahinahon pero maawtoridad na sambit ni King.

“I’m sorry Mr. Villarin. But did you background check this woman? Do you know that she’s a bitch? My god! Baka hindi mo alam na pineperahan ka lang niyan kagaya ng …”

“Enough!” ani King. “As I said, no one has the right to disrespect the people working for me. I don’t need to explain anything. And based on what’s happening now, I understand that you guys have a past. But since we are here for business, can we just set aside those personal things and focus on what we signed for today? Unless you want to breach the contract now?” tanong ni King.

Natahimik si Tita Olivia.

“King, I think I am ruining this important day. I can leave now if you want, I won’t mind”

“I would. So you’re going to stay here with me.” mariing sagot ni King.

“Okay, okay. I’m sorry King for this. There are a lot of questions going on in our heads right now because we didn’t expect to see an old friend. But you’re right, the past is past and we are here to do business. It is unprofessional if we will dwell on something that we should’ve forgotten a long time ago. So is it okay that we go to our table now so we could proceed to the next part of this event? I think the next would be dinner” tanong nito.

“No worries, I fully understand.” sagot ni King. “Of course, we can proceed to the dinner. Nagugutom na rin ako eh.hehe” biro ni King at hinimas ang kanyang tyan.

Muling nagtungo si Adonis sa stage at inannounce na magsisimula na ang hapunan.

Inassist kami agad ng mga staff kung saan kami mauupo.

Magkakasama kaming lahat sa isang round table; ako, si King, Adonis, Magdalena, Tita Olivia, Tito Romano. Hindi namin kasama si Addy dahil mukhang pinaalis muna sila ni Magdalena at pinabalik sa kanilang executive suite.

Nagsimulang ihain ang pagkain sa aming harapan kaya naman sinimulan na namin ang aming dinner. Habang kumakain ay walang nagsasalita. Tila ba si King lamang ang komportable na nandito ako ngayon.

“King, I’ll just go to the restroom” paalam ko.

Pagkatango ni King ay tumayo ako at nagtungo sa restroom sa labas ng ballroom hall. Habang naglalakad palabas ay may mga bisitang ngumingiti sa akin at nginingitian ko rin sila pabalik.

Nang makapasok ako sa loob ng restroom ay iniwan kong nakabukas ang pinto at inaantay ang taong susunod sa akin. Nararamdaman kong may taong pupunta rin dito upang komprontahin ako.

At hindi nga ako nagkamali.

Bumukas ang pinto pumasok si… Adonis.

“I think you’re in the wrong restroom?” patay malisya kong tanong.

“I think you’re in the wrong place” seryoso at malamig nitong sagot.

“Didn’t King tell you earlier? I will be his substitute so I’m 100% sure that I am in the right place”

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking braso.

“Hindi ka na talaga nahiya ano? After three years bumalik ka pa? Para saan? Ano ang gusto mong patunayan? Wag mong sabihin sa akin na ikaw talaga yung nakita ng asawa ko sa theme park noong nakaraan? Pinlano mo ba iyon para manakot?” sunod sunod na tanong nito.

Tumingin ako sa kanyang kamay na nakahawak sa aking braso at matapang iyong tinanggal. Binalik ko ang aking tingin kay Adonis at ngumisi.

“Unang una sa lahat, wala kang karapatang hawakan ako. Tsaka ano naman sa inyo kung bumalik ako? Where is that fear coming from?” tanong ko. “Kung alam niyong wala kayong ginagawang masama ay ano ang kinakatakot ninyo? Unless… unless may konting porsyento diyan sa puso mo na pinapaniwalaan ang sinabi ko noon. Na pinagahasa ako ni Magdalena sa Tatay Tatayan niya at pati sa mga kumpare niya. Na siya ang may pakana ng lahat ng kasinungalingang pinapaniwalaan mo ngayon tungkol sa akin” ani ko.

Hindi nakasagot si Adonis at galit na nakatingin sa akin.

“Ano, Adonis? You believe me, don’t you?”

Huminga ito ng malalim. “Hanggang kailan mo ba babaluktutin ang katotohanan?” tanong nito. “Hanggang kailan mo iisipin na si Magdalena ang may kagagawan ng mga nangyari sayo? Sino ba ang nasa video na nakikipag sex sa matatandang lalake na tila gustong gusto niya yung nangyayari sa kanya? Sino ba yung nasa video na nagsabing pinapaubaya na niya ako at inaming hindi na pala niya ako gusto? Diba ikaw? Kaya wag mong sisihin ang asawa ko dahil ikaw ang may gawa ng mga nangyari sayo”

Napalunok ako sa kanyang sinabi pero pinakita ko na hindi ako naapektuhan. Kahit na narinig ko na ang litanyang ito noon at tila may epekto pa rin ito sa akin ngayon.

“Tapos ngayon si King naman ang ginagamit mo? Ano nagpaawa ka sa kanya para tulungan ka niya?” tanong nito at natawa. “Nakakaawa ka! Hindi ka pa rin maka move-on at gumagamit ka ng ibang tao para ipagpatuloy yung kasinungalingan at kabaliwan mo”

Pinigilan ko ang aking sarili sa kanyang mga sinabi. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata sabay ngumisi.

“Adonis what happened to you? Kinasal ka lang kay Magdalena naging duwag ka na?” pasimula ko. “Nasaan na yung dating Adonis na kilala ko? Yung walang takot at hindi basta basta nasisindak? You sound so different now. Para kang isang asong nababahag ang buntot” malumanay kong pang-aasar.

“Tell me? Anong pinakain sayo ng ex-bestfriend ko at humaling na humaling ka sa kanya? Mukha nga yatang ander de saya ka eh. Na kung anong iutos at sabihin ng asawa mo, susundin at paniniwalaan mo. You’ve changed a lot, Adonis. Just not to what I’ve expected” dagdag ko.

Kita ang pagkuyom ng palad ni Adonis at ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa aking sinabi.

“But don’t worry, you still look good and I’ll give you that. Pero ang asawa mo? Wow! Ibang iba na sa kung sino siya noon. She looks so… pampered.” ani ko. “Kaya naman hindi nakakapagtaka na kung ano anong kababuyan at kasinungalingan ang ginawa niya para mapunta sa kinalalagyan niya ngayon”

Halos sumabog ang mukha ni Adonis dahil sa galit.

“So, can you just please leave me alone? I need to use the restroom privately. Unless you still need anything from me? Hmmmm. Lemme guess, do you wanna know what lipstick and perfume I’m wearing? Or who made my dress? Ganda noh? I’m sure babagay din ito sa asawa mo. For sure she’ll look more beautiful wearing the same brand as mine” sarkastiko kong banat habang nakangisi.

Lumapit si Adonis aking sa mukha.

“You’re pathetic. Sana hindi ka na bumalik at nagpakasasa ka na lang dun sa mga matatandang kinalantari mo noon.” mariing insulto nito. “I am warning you, don’t you ever try to harm my family, lalong lalo na ang asawa ko, dahil siguradong sa kulungan ang bagsak mo.” banta nito at lumabas ng restroom.

Pagkalabas nito ay agad kong nilock ang pinto at kinalma ang aking sarili. Halos mapuno ng galit ang puso ko dahil sa mga sinabi ni Adonis.

Ang buong akala ko ay hindi na ako maaapektuhan sa anumang pwede nilang sabihin sa akin pero masakit pa rin pala kapag alam mong tunay ang ipinaglalaban mo pero mga kasinungalinan pa rin ang pinipili nilang paniwalaan.

Pumikit ako at patuloy na kinakalma ang aking sarili.

Nang alam kong maayos na ang aking pakiramdam ay lumabas na ako at bumalik sa venue. Pagdating ko doon ay wala na sila Adonis at tanging si King na lamang ang naabutan ko.

Sabi ni King ay kailangan nang umalis nina Adonis dahil biglang sumama ang pakiramdam ni Magdalena. Sinabihan na lang nila ang mga bisita in ienjoy ang pagkain at ang natitirang orasa venue.

Hindi na rin kami nagtagal at umalis na rin kasama ang aming mga shareholders.

Sumakay ako sa sasakyan ni King upang bumalik sa kanyang resthouse para kunin ang aking mga gamit at tapusin ang ilang mga dapat tapusin. Habang nasa byahe ay dito kami nagkaroon ng pagkakataon na makapagusap tungkol sa nangyari ngayong araw.

“Ano ang sabi ni Adonis sayo sa CR kanina?” tanong nito.

“Nothing that I already know. Lahat ng sinabi niya sa akin ay ang mga kasinungalingang patuloy niya pa ding pinapaniwalaan at ipinaglalaban” sagot ko.

“Tell me, are you okay after your confrontation with him?” hindi ako nakasagot agad sa kanyang tanong.

“Of course. Katulad ng pinangako ko sa sarili ko ay hindi na ako magpapaapekto pa sa nakaraan ko. At kabilang doon ang kung anumang iniisip nina Adonis sa akin.” ani ko.

“Mmmmmmmmmm” tipid na sambit ni King na tila pinilit lamang na paniwalaan ako.

“Thank you nga pala, King. Gusto ko ulit magpasalamat sayo sa lahat ng mga ginawa mo para sa akin. Hindi ako makakabalik ng San Alcantara kung hindi mo ako tinulungan. Utang na loob ko sayo ang lahat ng ito”

“Tsaka mo na ako pasalamatan kapag tapos na lahat ng plano mo” sagot ni King at ngumiti. “By the way, I will be gone for a few months kasi marami akong kailangang asikasuhin sa ibang bansa. Are you sure kaya mo na makipagdeal dun sa mga mokong na iyon? Grabe yung nanay ni Adonis ano, ang wild!” natatawang sambit nito.

Hindi ko rin maiwasang matawa ng maalala ang eksena ni Tita Olivia kanina.

“Nakita mo ba yung itsura nilang lahat kanina? Epic! Pakiramdam ko nawala yung mga kaluluwa nila nung makita ka. Kulang na lang pasukin ng lamok ang mga bibig nila dahil naka-nganga sila dahil sa pagkabigla.” dagdag nito kaya mas lalo kaming natawa.

Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga paandar ni King. Alam na alam na talaga ni King kung kailan pagagaanin ang loob ko.

“Yes! I can handle all of them.” sagot ko sa tanong nito. “This is my turn now and I’m going to be unstoppable and unapologetic.” ani ko.

“This war is going to be personal, tiring, and brutal. Pero isa lang ang sinisigurado ko, ako ang mananalo sa gyerang ito” dagdag ko.

“And I will always behind you all the time” ani King at muling napangiti. “Tsaka wala man ako dito sa Pinas, makakasama mo ang mga tauhan ko. They will protect you and will be with you wherever you are. Minsan nga lang mga abnoy yung mga iyon pero they are trusthworthy and handa silang sumalo ng bala para sayo. Parang ako.” napatingin ako kay King dahil sa kanyang sinabi at nakita ang kanyang seryosong ekspresyon.

May namutawing katahimikan sa pagitan naming dalawa.

“King…” ani ko.

“I know.” agad na sagot nito na tila alam na aking aking susunod na sasabihin. “Nirerespeto at naiintindihan ko na hindi ka pa handang buksan ang puso mo para panibagong pag-ibig dahil sa ngayon ay focus ka muna sa mga plano mo. Pero ito ang gusto kong sabihin sayo, pagkatapos ng lahat ng ito ay pormal na kitang liligawan. Liligawan at susuyuin kita hanggang sa maging akin ka. At hindi ako papayag na mapunta ko sa kahit na sinong lalake kundi sa akin lang” seryosong sambit nito.

Halos mag init ang puso ko dahil sa narinig. Tila ba binalot ng kung anong saya ang puso ko dahil sa sinabi ni King. Pero sa kabila ng saya ay nakaramdam din ako ng kunsensya dahil sa ngayon ay hindi ko muna masusuklian ang kabutihan niya. Alam kong nahuhulog na ang kanyang loob sa akin at aaminin ko na special na rin si King sa puso ko.

Sadyang hindi pa din talaga ako handa sa ngayon.

Gusto ko munang tapusin ang mga plano ko at siguraduhing handa na talaga ako bago ako tuluyang pumasok sa panibagong relasyon. At sa ngayon, ang lalaking nakikita ko at nasa puso ko ay si King. Hindi lang dahil siya ang tumutulong sa akin, dahil iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko ay ligtas ako at … kumpleto.

“You don’t need to say something.” ani King. “Ang gusto ko lang malaman mo na special ka sa akin at hinding hindi na kita pakakawalan pa. Kaya ngayon pa lang ay sinasabi ko na sayo, Sophia, iyo lang ako at … akin ka lang.” pagkasabi niya noon ay pinaharurot niya ang kotse at tahimik na lang kami buong byahe.

===

Magdalena’s point of view

“Paanong nangyari ito?!!!” sigaw ni Tita Olivia na halos magpadagundong sa aming executive suite.

Nandito kaming lahat sa dining table at pinoproseso ang hindi inaasahang pagbabalik ni Sophia.

“I don’t know, Mom. Wala akong ideya na nasa poder pala ni King ang babaeng iyon. Maybe that is the reason kung bakit walang anumang impormasyong makalap si Simon about her. Kasi malaki ang pader na kanyang pinagtataguan” ani Adonis.

“So what are you implying? Na kasabwat ni Sophia si Mr. Villarin? Paano? Don’t tell us na kaya nakipag business partner si Mr. Villarin sa atin para tulungan si Sophia kung anuman ang kanyang mga binabalak?” tanong ni Tito Romano.

“I don’t know. Ang alam ko lang ay mabigat ang mga susunod na mangyayari dahil sa muli niyang pagbabalik. She is now playing us. Hindi na tayo pwede ng magback out sa partnership natin with King dahil it will create issues para sa kumpanya and they might sue us for breach of contract. That would be a very hard blow para sa atin.” Sagot ng asawa ko.

“Bullshit!” ani Tita Olivia.

Inayos ko ang aking isipan upang subukang magbigay ng suhestyon. Kahit na naguguluhan at natatakot ay kailangan kong ikalma ang aking sarili upang makapag isip ng maayos.

“Tingin ko po ay wala na tayong magagawa sa nangyari. Hindi natin alam kung ikinwento na ba ni Sophia kay King ang nakaraan niya. Pero kung magkaganon ay siguradong nagpaawa siya at binaliktad na naman ang kwento para siya ang magmukhang kaawaawa.” ani ko. “Kaya ang kailangan nating gawin ay kausapin si King at kumbinsihin siya na alisin sa kumpanya niya si Sophia. Pwede tayong gumawa ng mga eskandalo o di kaya mga issue laban kay Sophia na sisira sa kanyang reputasyon. Sa paraan na iyon ay may posibilidad alisin ni King si Sophia sa kanyang kumpanya.” dagdag ko.

Napatingin ang lahat sa akin.

“Napaalis na natin siya noon dito sa San Alcantara, magagawa natin iyon uli ngayon. Kailangan lang nating paghandaan ang susunod nating mga hakbang” mariin kong sambit.

Sa kabila ng katapangan na aking pinapakita ay takot at pangamba ang totoong aking nararamdaman. Ngayon ay sigurado akong siya ang nagpadala ng mga pictures nina Mang Gado, Mang Berto, at Mang Fred. At siya rin ang nakita ko sa theme park.

Masyadong makapangyarihan si Sophia ngayon at wala akong ideya sa kung ano ang kaya niyang gawin lalo na’t kasama niya si Mr. Villarin. Maaring may mga galamay na siya sa paligid na hindi namin nalalaman.

Nagsimula akong maparanoid at biglang naalala ang aking panaginip. Paano kung malaman nila ang katotohanan? Ano na ang mangyayari sa akin? Hindi ako pwedeng makulong. Hindi ako pwedeng malayo kay Adonis at sa anak ko.

Naramdaman kong hinawakan ni Adonis ang aking kamay at pinisil ito.

“I know you’re scared. But I want to assure you that everything is going to be okay. Wala akong ibang paniniwalaan kundi ikaw. Asawa kita at nasayo ang loyalty at tiwala ko”

“I love you” ani ko. “I love you too” sagot nito.

Natapos ang aming paguusap kaya naman nagpasya na kaming magpahinga bago ayusin ang aming mga gamit para umuwi. Nagpaiwan muna ako sa dining table upang makapag isip.

Habang nakatingin sa malayo ay narinig kong lumapit sa akin si Veronica.

“Good evening po, Maam Magdalena. Nagdala po ako ng juice at konting makakain para sa inyo.” anito ay may bitbit na isang baso ng iced tea.

“Thank you, Veronica. Sige iwan mo muna sa table. Gusto kong mapag-isa” utos ko.

“Sige po, Maam. Narinig ko po kasi ang sigaw ni Tita Olivia kanina kaya nag-alala po ako baka may nangyaring hindi maganda. Buti na lang po ay tulog si Addy kaya wala siyang narinig kanina”

“Yes, medyo madami lang nangyari ngayong araw pero walang dapat ikabahala”

“Maam, sino yung magandang babae kanina? Grabe ang ganda niya para siyang isang anghel. Ngayon lang ako nakakita ng ganung –” natigil ang kanyang sinasabi dahil bigla kong napalo ang lamesa.

Kita ang pagkagulat sa itsura ni Veronica.

“I’m sorry. Can you just please leave me alone. Gusto ko lang talaga munag mapag-isa. Puntahan mo na lang si Addy at bantayan mo siya. Ihanda mo na rin ang mga gamit niya kasi mamaya ay uuwi na rin tayo” ani ko. Humingi ng paumanhin is Veronica bago umalis.

Ininom ko ang iced tea at muling tumingin sa may bintana upang mag-isip.

I need to be on top of Sophia. Ang pagpapakita niya sa amin ngayon ay hudyat ng gyerang sinimulan niya. At sa gyerang ito, wala akong pakielam kung dadanak ng dugo basta kailangang ako ang manalo.

===

Pagbalik namin sa aming bahay ay naging normal ang lahat. Nagdesisyon kaming huwag na munang isipin si Sophia at ienjoy ang weekend.

Kaya kinabukasan ay naisip ni Adonis na mag boodle fight. Tamang tama naman dahil matagal tagal na rin naming hindi naeexperience ang kumain sa dahon ng saging habang nagkakamay. At gusto rin naming ma-experience ito ng aming anak.

Nang sabihin namin sa aming mga kasambahay ang tungkol dito ay natuwa sila at naexcite. Mabilis nilang inihanda ang ihawan sa may garden area at naghanda ng dalawang mahahabang lamesa.

Namili rin sila ng mga pagkain na iihaw katulad ng liempo, chicken, barbeque, squid, tilapia, hotdog, tahong, at marami pang iba. At syempre pinaalala namin ang dahon ng saging.

Nang maiset-up na ang lahat sa garden area ay nagsimula na kaming mag ihaw. Tila ba may mini outing dito dahil si Addy ay naglalaro pool kasama si Veronica, Tito Romano, at Tita Olivia. Habang kami ni Adonis ay tumutulong sa pag-iihaw kasama ang ibang mga kasambahay.

At ng mailuto na ang lahat ay nilatag na namin ang pagkain sa dahon ng saging kasama ang mainit at buhaghag na kanin.

Tinawag namin ang lahat at nagtungo sa kanikanilang table. Ang isang table ay sa aming pamilya at ang isang table ay para sa mga kasambahay.

“Are you ready?” tanong ni Adonis. “Let the boodle fight begin!” pagkasabi niya nito ay sabay sabay kaming dumakot ng pagkain.

Pinaghimay ko ng hotdog si Addy at ilang mga soft foods at iyon ang kanyang kinain. “Mommy, delicious!” ani Addy.

“Are you enjoying eating with your hands?” tanong ko.

“Yethhh! I wanna eat with my hands” sagot nito. At ipinagpatuloy ang pagkain.

“Congratulations pala, iha, for being the new COO of the company” bati ni Tita Olivia.

Bigla kong narealize na oo nga pala, nakalimutan kong magpasalamat sa kanila tungkol doon.

“Thank you so much po, Tita Oliv- este Mom” sagot ko. “And thank you din po, Dad” dagdag ko.

“It wasn’t our idea. It was Adonis'” ani Tito Romano.

Tumingin ako kay Adonis at nakita ko itong patuloy lang sa pagkain pero nakangiti. “Thank you, babe for that! Hindi ko talaga inexpect ang sorpresa mong iyon” malambing kong sambit.

“You deserve it, babe! Sa lahat ng ginawa mo para sa kumpanya at sa pamilyang ito, deserve mo ang position na iyon” sagot ng asawa ko. “And by the way, hindi ka namin nilagay as COO para mapressure, okay? Of course you have staff who will do some work for you. All you need to do is spearhead some project and monitor all the stages of it and your staff will do the work.”

Napangiti ako.

“Pero hindi ibig sabihin non ay hindi ko na gagawin ang best ko. Being in that position requires me to deliver more lalo pa ngayon na kasama na natin ang Villarin Enterprises Holdings, Inc. Pero kahit na may pressure, I will make sure na hindi pa din magbabago ang performance ko and idedeliver ko pa din ang best sa lahat ng projects ng kumpanya”

“Basta wag mong pababayaan ang sarili mo at syempre kami ni Addy. That’s all I want to ask for” ngumiti ako at tumango.

Muli naming pinagpatuloy ang pagkain.

Nang matapos kami ay nagkaroon ng palaro si Adonis dito sa garden. Tuwang tuwa naman ang mga kasambahay dahil malaki ang mga papremyo sa palaro. Maging si Addy ay sumali rin sa games.

Napuno ng tawanan at sigawan ang aming garden dahil sa mga activities. Sobrang na-enjoy naming lahat ang magbonding ngayong araw at sinabi namin na madaming beses pa namin gagawin ito para maging bonding rin ng lahat dito sa aming bahay.

Lumipas ang mga oras at sumapit na ang gabi.

Si Adonis ay mahimbing nang natutulog ngunit ako ay mulat pa at hindi dinadalaw ng antok. Patuloy pa rin tumatakbo sa isip ko si Sophia.

Nasaan siya? Saan siya nagtatago? Ano kaya ang kanyang mga plano ? Papahirapan rin kaya niya ako katulad ng ginawa niya kayna Mang Berto, Mang Fred, at Mang Gado?

Balak kaya niyang sirain ang pamilya ko? Parte ba ng kanyang pagbabalik ang pagbawi kay Adonis?

At dahil hindi ako makatulog ay marahan akong tumayo sa higaan. Kinuha ko ang aking cellphone at lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa may garden area at nagpahangin.

Habang dinarama ang malamig na simoy ng hangin ay tumunog ang aking cellphone at nakitang may email notification. Wala sana akong balak pansinin ito pero nakuha ang aking atensyon sa salitang “Confidential.”

Napakunot ang noo ko.

Binuksan ko ang email at nakitang may video attachment.

Pinindot ko ang video at pinlay.

Biglang lumabas sa screen ang dalawang drum na puno ng tubig kung saan may dalawang tao sa loob. Inaaninag ko kung sino ang dalawang taong ito at nanlaki ang aking mga mata ng makitang sina Mang Fred at Mang Berto ang nasa loob ng drum.

Wala akong marinig na tunog mula sa video dahil naka disable ang sound nito. Pero base sa aking napapanood ay tila may sinasabi sila – tila ba parang nagmamakaawa.

Biglang may dalawang lalaking nakatakip ang mukha na pumasok sa frame ng video at naglagay ng tig dalawang makapal na wire sa drum.

Kumabog ang dibdib ko dahil mukhang may ideya na ako sa susunod na mga mangyayari.

Nakita ko sa video na tila nagpumiglas sina Mang Fred at Mang Berto habang sumisigaw.

At ilang sandali pa.

Ilang sandali pa ay nangisay ang dalawa at umusok ang tubig sa loob ng drum.

Agad kong cinlose ang video at patakbong bumalik sa kwarto namin ni Adonis. Gusto kong ipakita sa kanya ang video na napanood ko ngunit nagdadawalang isip ako. Kapag kasi ginawa ko iyon ay baka magtanong siya kung sino ang mga lalaking nandun at bakit sa akin sinend ang video.

Natatakot akong mapagkonekonekta niyang lahat ang istorya at malamang kumpare ni Tatay Tyago ang mga lalake sa video at sila ang gumahasa kay Sophia. Kapag nangyari iyon ay maaaring malaman ni Adonis ang buong katotohanan.

Nakagat ko ang aking labi upang pigilan ang luhang gustong lumabas dahil sa takot at pangamba.

Bumalik ako sa pagkakahiga kahit na balot ng takot ang puso ko. Kailangan kong mag isip ng paraan upang pigilan si Sophia. Kailangang mapatahimik ko siya.

Oo! Tama! Kailangang tuluyan na siyang manahimik dahil iyon lang ang paraan upang lubayan niya kami.

Itutuloy …

P.S. Happy Birthday to me. 🙂 And thank you for reading this update!