Babawiin Ko Ang Lahat (Part 7)

*** Warning: Violence, Rape & Manipulation ahead. Feel free to skip the entire series if you’re not into this kind of theme.

Sophia’s point of view

“Dalawang lalake ang natagpuang wala ng buhay sa isang bakanteng lote sa San Alcantara. Hindi makilala ang dalawang biktima dahil sunog na sunog ang kanilang buong katawan. Hinihinalang electrocution o pagkakuryente ang dahilan ng kanilang pagkamatay. Sariwa pa ang kanilang mga sugat nang maabutan ng mga awtoridad kaya naman umaalingasaw ang masangsang na amoy sa bakanteng lote na kanilang kinalalagyan. Bukod roon ay may nakita ring karatula na nakasabit sa kanilang leeg na nagsasabing ‘Rapist. Huwag tularan.’ ani ng reporter sa radyo.

Mukhang natagpuan na sina Mang Fred at Mang Berto… bulong ko sa aking isip habang nagluluto ng umagahan. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Magdalena sa oras na marinig ang balitang ito? Kung kagabi ay napanood niya kung paano pahirapan ang dalawang matanda, ngayon naman ay mababalitaan niyang wala na silang mga buhay.

Napangisi ako.

“Ang tanong ngayon ng mga awtoridad …sino ang gumawa ng karumaldumal na krimen na nito? Ito ba ay gawa ng isang sindikato? O di kaya ng isang taong naghihiganti dahil sa karahasang natamo niya sa mga lalaking ito? O hindi kaya sila ay mga inosenteng biktima lamang ng karahasang patuloy na lumalaganap sa ating bansa? Sabay sabay nating tutukan ang susunod na mga update para sa balitang ito. Ako ang inyong lingkod na naghahatid sa inyo ng mainit at totoong balita saan mang sulok ng bansa.”

Pagkatapos ng balitang iyon ay kasunod na pinagusapan sa radyo ang mga kababaihang naging biktima ng karahasanan, lalong lalo na ang mga bata at menor de edad na pinagsamantalahan ng kanilang mga sariling kamag-anak na lulong sa bisyo at droga.

Napahigpit ang hawak ko sa sanse habang nagluluto.

Alam na alam ko ang pakiramdam ng mga kababaihan nasa ganoong sitwasyon. Alam na alam ko ang pakiramdam ng pinagsamantalahan habang walang magawa.

“Ayyyy!” bigla akong napaigtad ng may pumitik sa noo ko.

“Salubong na salubong ang kilay ah. Sino kaaway natin diyan?” ani King na hindi ko namamalayang nasa tabi ko na pala.

“Ha?” kunot noo at masungit kong tanong habang hinihimas ang noo ko.

“Hatdog!” pang-aasar nito. Napairap na lang ako dahil sa kanyang sagot. Hindi naman napigilan ni King na matawa dahil sa aking reaksyon.

“Hatdog mo mukha mo!” pang-aasar ko pabalik.

Mukhang galing sparring si King dahil tanging boxing shorts at rubber shoes lang ang kanyang suot. Kita ang pangingintab ng kanyang buhok at katawan dahil sa pawis, habang nagtatanggal ang bandage sa kamay.

“Ang sarap naman niyang niluluto mo! Mukhang mapaparami ang kain ko ngayong umaga ah” anito sabay silip sa aking niluluto. “Wow! Beef tapa!” excited na sambit nito habang nangniningning ang mga mata. Kinuha niya ang pinakamalapit ng kutsara at akmang dadakot ito ng ulam nang paluin ko ang kanyang kamay.

“Mamaya na! Hindi pa ako tapos” saway ko.

“Tsk! Gutom na ako eh” simangot na sagot nito at kumamot ng ulo.

Natawa naman ako sa kanyang tinuran. Ang inis na nararamdaman ko kanina mula sa balitang narinig ay napalitan na ng tuwa dahil sa ikinikilos ni King.

“Maghintay! This is worth the wait. After ko lutuin itong beef tapa ay isasangag ko naman yung kanin dito sa pinaglutuan para ma-absorb ng kanin yung oil ng beef” kita ang pagkatakam sa itsura ni King. “Maligo ka muna! Siguradong pagkatapos mo ay luto na ito. Tsaka tawagin mo na din yung mga tauhan mo at sabay sabay na tayong kakain sa lamesa” utos ko.

“Yoko! Baka ubusan pa nila ako ng beef tapa” supladong sagot nito. Ibinalik niya ang hawak na kutsara sa kanyang pinagkuhanan sabay alis ng kusina.

Muli akong natawa sa kanyang kinilos.

Parang bata.

Pinagpatuloy ko ang aking pagluluto at ng matapos ay inihanda ko na ang lamesa. Inilapag ko na roon ang beef tapa, itlog, fried rice, ketchup, at ang fresh mango juice na aking ginawa.

Naghanda rin ako ng pagkain sa may kitchen island para mabilis makakuha ang mga tauhan ni King.

Pagkatapos ay nagtungo ako sa kwarto ni King upang sabihan itong ready na ang pagkain, ngunit mukhang naliligo pa ito dahil rinig ko ang lagaslas ng tubig.

Nakita ko sa tabi ng kanyang higaan ang dalawang maleta at dokumento. Bigla kong naalala na Linggo nga pala ngayon at ngayong araw din ang alis niya papuntang ibang bansa.

Tinapos niya nga lang pala ang contract signing nila ni Adonis.

Napabuntong hininga ako.

Kahit na matagal na niyang nasabi sa akin ang tungkol sa kanyang pag-alis ay iba pa rin sa pakiramdam na ngayon na siya mawawala. Hindi ko naman siya pwedeng pigilan dahil negosyo ang kanyang pakay.

Tinanong ko ito kung kailan siya babalik ngunit hindi niya ako masagot. Magiging depende daw kasi iyon sa kalalabasan ng kanyang pagbisita sa bansang pupuntahan. Sinubukan ko ring usisain kung ano ba ang kanyang aasikasuhin ngunit palagi itong umiiling at sinasabing wala akong dapat ikabahala.

May parte sa puso ko na naniniwalang hindi lang ito basta tungkol sa negosyo. Pero pipiliin ko na lamang na paniwalaan siya dahil malaki ang tiwala ko sa kanya.

Isinara ko ang pinto ng kwarto at umalis.

Nagtungo ako sa kinaroroonan ng mga tauhan ni King upang sabihan na handa na ang almusal. Naghiyawan naman sila at halata ang excitement dahil gutom na gutom na daw sila. Kanina pa raw kasi nila naamoy ang niluluto ko kaya takam na takam na sila. At masyado rin daw silang pinagod ni King kanina sa sparring.

Bumalik ako sa dining area at doon sila lahat inantay.

“Hello! Hello! Hello! Good morniiiinnngggg! Long time no seeeeeee! Sa wakas! Nakadalaw uli ako ditoooooo! Rest day is reeeeaaaallll!” mataas na tonong boses ng isang pamilyar na babae. Rinig ko ang tawanan at kantyawan ng mga tauhan ni King sa labas dahil siguradong namiss din nila ang babaeng ito. “Nasaan na ang reyna? Kailangan kong magbigay pugay!” dagdag na sigaw nito.

Sumibol ang tuwa at excitement sa puso ko.

It’s been a while bago kami personal na makapagusap.

Lalabas na dapat ako ng dining area ng bigla itong pumasok. Nang makita niya ako ay para siyang prinsesa na nagbigay pugay sa reyna.

Natawa ako sa kanyang kinilos.

“Kamusta? It’s so nice to see you again. We didn’t get the chance to talk dun sa contract signing” nakangiti kong tanong kay Veronica.

“Naku, Maam Sophia. Ikaw ang kamusta? Grabe ang return of the comeback mo! Pasavvoogguuee!” anito. “Hindi ko alam kung nakakita ba ng multo o anghel yung mga amo ko nung nakita ka nila. Pero in peyrnessss, kabog ang beauty mo doon Maam Sophia. Ikaw ang pinakamaganda dun sa event. Walang panaman sayo si Maam Magdalena… chaka!!! Di ko nga alam bakit na-inlove dun si Sir Adonis eh” napailing ako habang natatawa.

“Hindi ka ba nasundan dito? Baka mamaya pinapamatyagan ka na nila. Kailangan nating mag ingat lalong lalo ka na.”

“Naku, Maam Sophia. Wala po kayo dapat ikabahala dahil wala namang nakasunod sa akin. Tsaka sinundo naman ako ng mga tauhan ni Sir King malayo dun sa bahay nina Sir Adonis kaya sigurado akong walang nakakita sa akin” sagot nito.

“Good. Anyways, I know marami tayong paguusapan but let’s wait for King so we can talk about it during breakfast. I prepared a simple meal for all of us kaya sabay sabay tayong kakain ngayon. Antayin lang natin si King pati yung mga tao niya then we can start eating.” ani ko. “Tsaka wag mo na akong tawagin na Maam, okay? Sophia na lang ang itawag mo sa akin. Hindi naman din tayo nagkakalayo ng edad.hehe” utos ko.

Kita ang pag-aalinlangan at hiya sa kanyang itsura ngunit nakumbinse ko naman siya.

Ilang saglit pa ay sabay sabay na dumating sina King at ang mga tauhan nito.

Binati silang lahat ni Veronica at nagkaroon pa ng konting asaran dahil sobra talaga nilang namiss ang kaingayan at kakwelahan nito.

Simula kasi nang iligtas namin si Veronica mula sa kamay ni Tatay Tyago ay dito na rin siya tumuloy sa rest house kasama ko.

Hindi tulad ko ay agad naging close si Veronica sa mga tauhan ni King dahil sa masaya at maingay na ugali nito. Kaya naman masaya ang lahat ngayon dahil matapos ang ilang taon ay muling bumisita si Veronica.

Nagsimula na kaming kumain.

Malaki ang kusina kaya nagkasya kaming lahat. Kasama ko sa lamesa sina King, Veronica, at ilang mga tauhan nito. Ang ilan naman ay nasa kitchen island at doon masayang nagkekwetuhan.

Ang sarap pagmasdan na para kaming isang malaking pamilya ngayon.

Noong una ay sobra akong takot sa mga tauhan ni King dahil sa traumang natamo ko mula sa aking mga pinagdaanan, dahil sa kanilang brusko at nakakatakot na itsura ay pakiramdam ko noon ay pwede nilang gawin sa akin ang ginawa nina Tatay Tyago.

Pero nagkamali ako, you really cannot judge the book by its cover, dahil mababait at mapagkakatiwalaan silang lahat. Hindi nila pinaramdam sa akin na dapat silang katakutan, bagkus ay tinulungan nila akong mapalapit sa kanila.

“Maam Sophia! Ang sarap mo talaga magluto! Tiyak kong maswerte ang magiging asawa mo niyan.hehe” ani ng isang tauhan ni King.

“Ewan ko ba naman kasi dito sa boss natin, kung anong itinapang sa negosyo ay siyang ikinaduwag sa babae. Napaka torpe!” pang-aasar ng isa.

“Alam mo Boss King, bagay na bagay kayo ni Maam Sophia. Manligaw ka na kasi, halatang halata naman na type na type mo itong si Maam Sophia eh. Iba kasi ang ngiti mo kapag kasama natin siya eh, akala mo matinee idol!” ani naman ng isa.

Nagtawanan ang lahat at si King naman ay napangisi lang.

“Magsikain na lang kayo at wag ng dumaldal diyan. Baka gusto niyong magsparring tayo uli at makatikim kayo” ani King.

“Ay biro lang, Mr. Torpe… este boss!” sagot nila.

“Nga pala, Maam Sophia. Ikaw na po ba ang maghahatid kay Boss King sa airport mamaya? Medyo busy po kasi kami ngayon eh kaya baka hindi namin siya mahahatid kung sakali” tanong muli ng isang tauhan ni King.

“Anong busy? Baka gusto niyong pektusan ko kayo sa isa isa? Linggo ngayon at walang gagawin. Busyhin niyo mukha niyo!” ani King.

“Boss hindi mo kasi kami pinapatapos… busy sa pagpapahinga. Syempre katulad nitong si chikabebe Veronica ay rest day din namin ngayon” sagot ng mga tauhan ni King.

Natawa ako. “Wag kayong mag-alala, magpahinga kayo ng buong araw at ako ang maghahatid dito kay King sa airport mamaya” sagot ko.

Agad na naghiyawan ang lahat na tila kinikilig. Maging si Veronica ay nakikihiyaw din.

Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena kaya alam ko ang kanilang ipinaparating. Wala rin namang problema sa akin kung inaasar kaming dalawa.

“Ayieeeeeeee! Ano ba yan boss, babae pa ang nanliligaw sayo! Mahiya ka naman!” pang-aasar ng mga ito.

“Hindi niyo talaga ako titigilan ha?” pabirong banta ni King.

Napuno ng tawanan ang dining area.

Nagpatuloy kami sa pagkain at dumako sa ibang usapan.

“Veronica, kamusta ka sa poder nina Adonis?” tanong ni King. “Mukhang galit na galit yung nanay ni Adonis ah. Warfreak yung isang iyon” natatawang dagdag nito.

“Naku, Sir King. Sinabi mo pa! Halos gumuho yung buong kwarto na tinutuluyan namin nung bumalik kami pagkatapos ng contract signing. Ganito ang eksena…’Paanong nangyari ito?!!!!!'” tila sinadula nito ang kanyang kwento. “Tapos halatang aligaga din si Maam Magdalena nung araw na yon. Kitang kita talaga yung takot at pag-aalala niya. Akala niya siguro makakatakas siya sa mga kasalanang ginawa niya dito kay Maam Soph – este Sophia pala” dagdag nito.

“Tsaka nakita ko si Maam Magdalena kagabi sa garden area. Takot na takot… mukhang napanood niya yung pinadala niyong video na pinapahirapan sina Mang Fred at Mang Berto. Kaya siguro bago ako umalis kanina ay masama ang pakiramdam niya. Mukhang umeepekto na yung gamot na pinapainom natin at pati yung pananakot na ginagawa natin sa kanya. Unti unti na siyang mawawala sa katinuan. Lalo pa kapag nabalitaan niyang patay na yung hayop na dalawang matandang iyon”

Napangisi ako dahil nasusunod ang aking mga plano.

“Nga pala, may balita na kayo kay Tatay Tyago?” tanong nito.

Napatingin ako kay King at umiling ito.

“Wala pa. Mukhang magaling magtago yung isang iyon” sagot ko. “Pero wag ka mag-alala, patuloy pa rin namin siyang hinahanap. At kapag nakita namin siya ay sasabihan kita agad. Alam kong gusto mong makaganti sa lahat ng mga kasamaang ginawa niya sayo”

“Talaga! Gusto kong ako ang puputol sa titi ng matandang yan. Hayop siya!” gigil na sambit ni Veronica.

Nagkatitigan naman kaming lahat at ang ilang tauhan ni King ay nagpipigil ng tawa. Kahit kasi seryoso si Veronica ay tila may nakakatawa pa din sa kung paano niya ito sinabi.

Oh siya, ipagpatuloy na natin ang pagkain and let us just enjoy the breakfast. Kumuha pa kayo ng kanin at ulam, marami akong niluto for us. Meron pang mango juice sa ref if gusto niyo mag-refill” ako.

Pagkatapos kumain ay nagpresinta ang mga tauhan ni King na maghugas ng mga pinagkainan. Si King ay nagpaiwan rin sa dining area dahil kakausapin niya ang kanyang mga tauhan.

Kami ni Veronica ay nagtungo sa sala upang doon mag-usap.

===

“Veronica, salamat! Maraming salamat kasi tinutulungan mo ako sa paghihiganti ko. Siguradong hindi ko masisimulan ang mga plano ko kung hindi rin dahil sa iyo” hinawakan ko ang mga kamay ni Veronica at nagpasalamat.

“Maam So-so-sophia, este So-sophia, kung meron pong dapat magpasalamat sa ating dalawa ay ako yun. Ako itong binalikan mo dun sa impyernong pinanggalingan natin. Kung hindi mo ako binalikan at tinulungan ay baka patay na ako ngayon dahil sa kahayupan ni Tatay Tyago” sagot nito. “Kung ano man po itong ginagawa ko para sayo ay hindi pa sapat bilang pasasalamat sa pagliligtas mo sa akin. Kaya salamat… maraming salamat”

Tiningnan ko siya sa mata at ngumiti.

“Pwede po ba akong magtanong?” anito.

“Sure go ahead. Ano iyon?”

“Bakit kailangan mo pa pong patagalin ang paghihiganti mo? Bakit hindi mo na lang ipadukot si Maam Magdalena tapos ikulong mo at pahirapan habang buhay? Tapos pabagsakin mo na lang agad ang kumpanya ni Sir Adonis. Madali mo lahat magagawa iyon sa tulong ni Sir King… pero bakit inuunti unti mo pa po? Hindi ka ba nahihirapan?”

Muli akong napatingin sa mata ni Veronica. Hindi ko inaasahan ang kanyang tanong pero alam ko kung ano ang isasagot ko rito.

“It’s not that easy” panimula ko. “Sa ating dalawa ay ako ang unang binaboy nina Tatay Tyago. Ilang buwan nila akong pinagsamantalahan at lahat ng klaseng kahayupan ay ginawa nila sa akin. Lahat ng iyon, si Magdalena ang may gawa. Lahat ng iyon hindi pinaniwalaan ni Adonis- ang kaisaisang taong inasahan kong maniniwala sa akin. At hindi pa doon natatapos, dahil pinatay pa ni Magdalena ang Lola Tessa ko. Do you think it’s fair kung mabilis silang maghihirap?”

Kita ang lungkot sa mukha ni Veronica. Kahit na sinabi ko na ito sa kanya noon ay tila naapektuhan pa rin siya.

“Those are the reasons kung bakit gusto kong unti unti nilang maramdaman ang paghihiganti ko. Gusto kong maramdaman nila mula ulo hanggang paa ang takot dahil sa muli kong pagbabalik. Gusto ko na bawat ugat sa katawan nila ay magsisisi sa mga ginawa nila sa akin”paliwanag ko.

“Pasensya na kung natanong ko iyon. Wala akong intensyon na magalit ka o manumbalik sayo ang nakaraan. Gusto ko lang talagang maintindihan kung bakit kailangan mo silang unti untiin” ani Veronica. “Pero wag po kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat para maisakatuparan ang lahat ng plano mo. Hindi ko lulubayan ang pamilya nina Sir Adonis hanggat hindi natin sila nasisira. At sisiguraduhin kong mababaliw si Maam Magdalena dahil sa gamot na pinapainom natin sa kanya. Kasama mo ako sa laban na ito at kailanman ay nasa iyo ang aking katapatan”

Ngumiti ako at nagpasalamat.

Kinuha ni Veronica ang kanyang cellphone sa bag. “Gusto ko rin po pala ipakita sa inyo ito. Pwede nating gawing bala ito laban sa kanilang pamilya” inabot nito ang kanyang cellphone at may ipinakitang video.

Makikita rito si Tito Romano na nakaupo sasakyan habang hawak ang ulo ni Veronica na itinataas baba sa kanyang pagkalalake. Maririnig sa video ang ungol ni Tito Romano at mga dirty talk na kanyang sinasabi kay Veronica. Maririnig rin dito ang pangungutya niya sa kay Tita Olivia habang sarap na sarap sa nararamdaman.

Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa gulat.

“Paano mo nagawa ito? Buti hindi ka nahuli”

“Kuha yan sa sasakyan ni Sir Romano noong contract signing ninyo. Noong naiwan kami upang magbibit ng mga gamit ni Maam Olivia ay biglang niyaya ako ni Sir Romano na gawin iyan… kaya naisipan kong videohan. Buti na lang ay hindi niya napansin ang aking cellphone dahil sarap na sarap siya sa aking ginagawa. Magaling naman kasi talaga ako.hehe” anito. “Tsaka hindi yan ang unang beses na may nangyari sa amin. Simula kasi noong pumasok ako bilang yaya ni Addy ay napapansin ko ang mga malalagkit na tingin nito sa akin. Kaya isang araw noong wala si Maam Olivia at nasa trabaho sina Sir Adonis at Maam Magdalena ay h