Babawiin Ko Ang Lahat (Teaser #1)

Nagsimula ang lahat sa inggit.

==

“…akala mo ba hindi ko makikita yung litrato ng lalaki sa kabinet mo? Tigilan mo na yang pagpapantasya mo Magdalena kasi walang kahit na sinong lalake ang magkakagusto sayo! Tingnan mo nga yang sarili mo? Mukha kang puta! Isang kang puta kaya walang lalake ang magkakagusto o mamahalin ka!” ani Tatay Tyago. Pagkatapos ng kanyang litanya ay hinatak niya ako patayo at kinuha ang aking bag. Hinila niya ako palabas ng aming bahay at tsaka pinaalis.

==

Inggit na sinamahan ng isang pusong sawi.

==

“Kilala kita Magdalena, alam kong mabuti kang tao at napamahal ka na din sa akin. Matagal na kayong magkaibigan ng apo ko at lagi ka rin niyang naiimbitahan dito sa bahay” ani Lola Tessa.

“Pero sige palalagpasin ko ang nangyari kagabi, pero… pero… makinig ka Magdalena, sa oras na ulitin mo iyon o saktan mo ang apo ko, ay hinding hindi kita mapapatawad. Ibabalik kita sa tatay tatayan mo at hahayaang pagbayaran ang pananakit kay Sophia” para itong tigre sa sinabi niya. Maamo ang mukha ng lolo ni Sophia at akala mo hindi makabasag pinggan, pero ngayon ay akala mo makikipag gyera ito dahil sa tapang. “Maaring matanda na ako, pero kaya kong makipag patayan para sa apo ko. At hindi ako natatakot kahit na sa tatay tatayan mo” dagdag ni Lola Tessa at ngumisi ito.

==

“And let’s call on to the stage, Maria Sophia Trajano, the Summa Cum Laude of this batch” rinig ang palakpakan at hiyawan ng mga sumusuporta kay Sophia. Maging si Adonis at ang mga kasama nito sa basketball ay walang tigil ang paghiway.

Habang ako ay pinipilit na maging masaya para sa aking matalik na kaibigan dahil akala ko na ako ang magiging Summa Cum Laude. Muli na naman akong naungusan ni Sophia.

==

“At ngayon…” lumuhod si Adonis at naglabas ng isang maliit na box. “At ngayon ay gusto ko ng tapusin ang pagiintay at sabihin sa mundo na akin ka na… Maria Sophia Trajano… Will you marry me?” halos dumagundong ang venue dahil sa sigawan ng mga tao. Lahat ay kinikilig at natutuwa sa sorpresang nasaksihan.

Hindi makapagsalita si Sophia at hatalang pinipigilan ang pag-iyak. Talagang hindi nito inasahan ang pagpopropose ni Adonis ngayong araw. Tiningnan ko si Lola Tessa at kita rin ang pagkabigla sa kanyang itsura.

Kinuha nito ang mic mula kay Adonis at nagsalita…

“Yes tinataggap ko Adonis. Gusto ko maging asawa mo!” at doon mas lalong nag hiyawan ang mga tao. Isinuot ni Adonis ang singsing sa daliri ni Sophia at mabilis na hinalikan sa labi.

Tumayo ako mula sa aking kinauupan at tumakbo palabas ng venue. Kahit na hindi ko alam kung saan pupunta ay pinili kong lumayo upang hindi na masaksihan kung gaano kasaya sina Sophia at Adonis.

Paglabas ko ng venue ay hindi ko na napigilan ang aking sarili at humagulgo ng iyak. Hawak hawak ko ang aking dibdib na naninikip at halos hindi ako makahinga. Habang suot suot ang toga ay napaluhod ako sa sahig at parang baliw na napasigaw dahil sa sakit na nararamdaman.

==

Inggit na binalot ng sobrang galit.

==

“Parang awa niyo na Tatay Tyago, gagawin ko ang lahat basta tulungan niyo lang ako. Kung gusto niyo akong babuyin ngayon ay papayagako basta tulungan niyo lang ako. Kung gusto niyo akong ipagamit sa mga kaibigan mo ay gawin mo na Tatay Tyago basta parang awa mo na, tulungan mo ako” pagmamakaawa ko.

“At ano naman ang mahihita ko sayo kapag tutulungan kita? Bukod diyan sa putang ina mong katawan?” napahinto ako at nag isip.

“Kapag tinulungan niyo ako ay tutulungan ko kayong makaahon sa hirap. Hindi niyo na kailangan pang maghanap ng pera pangsugal dahik ako ang tutulong sa inyo. At bukod dun, magkakaroon pa kayo ng pagkakataon na laspagin ang bestfriend ko.” ani ko.

Tila ba kumislap ang mga mata nito at ang kaninang inis ay napalitan ng pagkasabik.

Isinara nito ang pintuan ng bahay at pinapasok na ako sa loob.

==

Pumasok ako sa loob ng bahay ni Sophia na nakalimutan niyang ilock at pinuntahan ko ang kwarto ni Lola Tessa na kasalukuyang natutulog. Marahan ko siyang tinapik at ginising, at pagmulat niya ng mata ay isang malakas na sampal ang ginawad ko sa kanya.

“Arraaaaaaay!” napasigaw ito. “Anong ginagawa mo dito? Nasaan si Sophia?” gulat na tanong nito ng makita ako.

Sapo sapo niya ng pisngi kung saan ko siya sinampal.

“Wala na siya Lola Tessa. Kinuha na siya ni Tatay Tyago at hinding hindi mo na siya makikita pa uli” nanlaki ang kanyang mga mata at bumilis ang kanyang paghinga. Kita ang galit sa kanyang itsura.

“Hayooop kaaa Magdalena, anong ginawa mo sa apo ko?” sigaw nito at nagsimulang mahirapan sa paghinga.

“Gusto mong malaman Lola Tessa? Ipapagahasa ko siya kay Tatay Tyago, tapos ipapagahasa ko din siya sa mga kumpare nito. Sisiguraduhin ko na malalaspag siya at pandidirihan ni Adonis kung magkikita sila uli. Iyon ay kung … magkikita pa sila!” natawa ako sa tinuran ko.

Napahawak si Lola Tessa sa kanyang dibdib at hingal na hingal.

“Walang hiya ka Magdalena! Wa-wa-walang utang na loob” anito.

“Oo Lola Tessa, wala akong utang na loob lalo na sayo na humadlang sa pagkagusto ko kay Adonis. Ngayon ay wala na si Sophia, at sisiguraduhin kong hindi ka na rin sisinagan ng araw matanda ka” pangaasar ko sa kanya at muling ginawaran ng malakas na sampal.

Kita ko ang pagbilis ng paghingal ni Lola Tessa at unti unti itong nanghihinga. Pilit itong nagsasalita pero hindi na nito nagawa at napahiga sa kanyang kama.

“Paalam Lola Tessa. Salamat sa lahat lahat” bulong ko bago ito tuluyang pumikit. Unti unting bumabagal ang paghinga nito hanggang sa tuluyan ng tumigil. Kinapa ko ang kanyang pulso at wala na itong buhay.

Napangiti ako dahil pakiramdam ko ay nakaganti na ako sa paghadlang niya sa akin.

==

“Ibaba niyo ako dito Tatay Tyago. Parang awa niyo na, pababain niyo ako ng sasakyan”

“Tsk! Tsk! Tsk! Huli na ang lahat iha, kalimutan mo na ang buhay mo dito kasi magsisimula na ang bago mong buhay sa pupuntahan natin. At iyon ay ang maging isang PUTA” binalot ng mas nakakahindik na takot ang puso ko kaya sinubukan kong buksan ang pinto upang lumabas pero agad namang nailock ng driver ang pinto.

Sinubukan ko din sumigaw at kumuha ng atensyon pero nakatanggap ako ng isang malakas na suntok sa aking sikmura.

“Wag ka ng manlaban kasi hindi ka na makakatakas sa akin. Magiging puta ka na simula ngayon hanggang sa buong buhay mo.hehehe. Wag ka mag-alala, masasarapan ka din naman sa gagawin namin sayo kaya wag ka ng magreklamo”

Unti unting nanghina ang aking katawan dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa akin at maya maya pa ay nawalan na ako ng malay.

==

Inggit na pinaigting ng matinding selos.

==

“Sinungaleng!”pagkasabi nito ay marahas niyang hinawakan ang aking braso at kinaladkad palabas ng kanyang kwarto.

“Adonis ano ba, nasasaktan ako! Wala akong kasalanan sa mga ibinibintang mo, maniwala ka!”patuloy lamang ito sa pagkaladkad sa akin pababa ng hagdan. Parang mababali ang balikat ko sa higpit ng kanyang pagkakawak.

“Eto ang gusto kong sabihin sayo Magdalena, kahit kailan ay hinding hindi kita magugustuhan! Hinding hindi ako magkaka interes sa babaeng katulad mo! Ang layo mo kay Sophia, at kahit kailan hinding hindi mo siya mauungusan sa anumang bagay at hinding hindi mo lalo mapupunan ang espasyong iniwan niya dito sa puso ko! Wala kang binatbat sa kanya!”sigaw nito. “At kung tingin mo titigil na ako sa paghahanap, nagkakamali ka! Hahanapin ko si Sophia at sa oras na malaman ko na may kinalaman kayo ni Tatay Tyago sa pagkawala niya at sinaktan niyo siya? Magtago na kayo dahil hinding hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko sa inyo” banta nito at itinulak ako palabas ng pintuan ng bahay.

Tinawag nito ang mga katulong.

“Wag na wag niyo ng pababalikin ang babaeng iyan dito! Ayaw kong makikita ang anino at ni katiting na hibla ng buhok niya dito sa bahay ko”sigaw nito at isinara ang pintuan.

Naiyak ako sa takot at pagkabigla dahil hindi ko inaasahan ang nangyari ngayong araw. Pero ang pinaka mas namutawi sa puso ko ay ang galit. Galit kay Sophia dahil hanggang ngayon ay tinik pa din siya sa lalamunan ko. Kahit wala na siya ay binibigyan niya pa din ako ng problema.

==

Inggit na binulag ng kasinungalingan …. at kapangyarihan.

==

“Adonis…”marahan kong hinimas ang kanyang likuran. “Wala kang ginawang masama… wala kang ginawang mali sa relasyon niyo ni Sophia. Saksi ako sa kung paano mo siya mahalin at sa kung paano mo ibigay ang lahat sa kanya; yung oras mo at pati yung buong puso mo. Pero hindi na sayo ang problema, na kay Sophia na. Siya itong hindi ipinaglaban ang pagmamahal mo. Siya itong hindi sinuklian ang lahat ng mga ginawa mo para sa kanya. At siya itong naglihim sayo at pinagmukha kang … tanga.” ani ko.

“Hindi ko maintindihan Magdalena. Hindi ko maintindihan ang ginawa niya sa akin! Ang sakit sakit!!! Bakit niya ginawa to sakin?!!!”reklamo nito.

Hinawakan ko ang kanyang hita at marahang hinimas.

“Hindi ko rin inaasahan na mangyayari ang lahat ng ito. Hindi ko lubos maisip kung paano nagawa ni Sophia ito sayo at maging sa akin… lalo na kay Lola Tessa. Namatay ang lola niya ng wala siyang kaalam alam at ni hindi man lang niya kinamusta o dinalaw. Kaya masakit man pero eto na marahil ang oras para simulang mamuhay ng wala siya”ani ko.

Napatingin sa akin ang nasasaktang si Adonis.

“Kung gusto mong muling magkulong dito sa kwarto mo at magpakalulong muli sa alak ay sige go gawin mo. Kung iyan ang paraan para makalimot ka sa sakit at mamanhid ang puso mo, sige gawin mo. At kapag manhid ka na sa sakit, sana ay ayusin mong muli ang sarili mo at ipakita mo kay Sophia kung sino ang sinayang niya. Bumangon ka at buuin mo ang sarili mo at hayaan mong pagsisihan ni Sophia kung sino ang pinakawalan at iniwan niya.”tila ba natauhan ito sa aking sinabi.

“Sige Adonis, maiwan na muna kita para hayaan kang mag isip. Tawagan mo na lang ako kung kailangan mo ng tulong o kailangan mo ng kausap dahil pupunta ako agad. Hindi kita iiwan at hindi kita sasaktan… hindi katulad ng ginawa ni Sophia”paalam ko. Pero akmang aalis na ako ng bigla akong hatakin ni Adonis at ikinandong sa kanyang hita.

Hinawakan niya ang aking ulo sabay sinibasib ako ng halik.

Nagulat ako sa kanyang ginawa pero gumanti ako ng halik at hinawakan ang kanyang dibdib upang hindi ako mawalan ng balanse. Nakipaglabanan ako ng dila kay Adonis at ipinalasap sa kanya ang tamis ng aking halik.

==

“Sophia, naagaw ko na sayo ang lahat. Ngayon ay isa ka na lamang alaala na ibabaon namin sa limot”ani ko. “Parte ka na lamang ng nakaraan namin Adonis at anumang meron kayo noon ay sisiguraduhin kong lalagpasan ko pa. Ipapalasap ko sa kanya ang sarap ng kaya kong ibigay hanggang makalimutan ka niya at ni hibla ng buhok mo ay hindi na niya maalala”

“Paalam Sophia. Paalam aking matalik na kaibigan”

“Enjoy the miserable rest of your life”

At tumawa ako ng malakas.

==

Ngunit lahat ng kasamaan ay may hangganan.

Bawat kasinungalingan ay unti unting matatabunan ng katotoohanan.

Pinagsamantahalan, pinagtabuyan at hindi pinaniwalaan; yan ang nangyari kay Sophia.

Ngunit sa kanyang pagbabalik, lintik lamang ang walang ganti.

Abangan ang ikalawang libro ng istoryang kinainisan, pinanggigilan at tinutukan ng marami.

Babawiin Ko Ang Lahat.

Ngayong Oktubre na!