Bagong Buhay 1: Paninimula

Episode 1

Ang istoryang ito ay bunga lamang ng malikot na imahinasyon. Kung mayroon man pagkakatulad sa tunay na tao, pangyayari o lugar ay di sinasadya.

magbigay sana kayo ng suggestion para sa mga susunod na chapter.

**********************

Sa dami man daw ng nagawa mong tama sa mundo, ang laging tatatak sa iyo ay ang isang pagkakamali na mahirap mong ibura.

Pero sabi nga, habang may buhay may pagasa.

**********************
Sa may front desk ng New Bilibid Prison compound.

” Santos, ayaw na kita makita dito sa kulungan ah” ang sabi sa akin ng isang Jail Officer.

” Yes, tata. Pero pwede ko naman po kayo dalawin dito di ba?” ang tanong ko dito.

” Pwede naman iho” sabay abot sa akin ng release papers. Tinapik naman ako nito sa balikat.

Lumakad na ako papalabas ng compound para simula ang aking mahaba habang paglalakbay para bumangon sa mapait kong kahapon.

” Wait” ang sigaw ng isang lalaki na palabas ng mga bakal na gate. Napalingon naman ako dito.

Nakauniforme ito at humahangos na lumapit sa akin.

” Santos, pinapabigay ni Hepe” sabay abot nito sa akin ng isang brown envelope.

” Salamat tata” ang sabi ko dito.

” Ingat sa biyahe” ang sabi nito sa akin.

Ako nga pala si Juan Miguel Santos, o mas kilala sa tawag na Juan.

Sa edad kung bente Tres ay nakulong na ako ng mahigit apat na taon pero nais ko na kalimutan kung ano man mapait na sinapit ko.

Lumabas na ako at sumilong muna ako sa isang malaking puno sa gilid. Sinilip ko ang laman ng envelope at kaagad ko ito nilagay sa dala dala kong maliit na duffel bag.

Nilabas ko naman ang aking wallet. May laman ito na halos sampong libo piso.

Kinita ko ito sa pagsali sa livelihood program sa loob. Gumagawa kami ng mga handicrafts doon na kung saan ay binebenta ito. At ang pinagbentahan ay binigay sa amin.

Sumakay ako ng tricycle sa may labasan at nagpahatid ako sa bayan.

Tinanong ko ang tsuper kung anong oras na , at nag sinabi nito na mag tatanghali na ay naghanap muna ako ng karenderya para kumain bago ako maghanap ng trabaho.

” Miss magkano ang isang order ng ampalaya?” ang tanong ko dito.

” 25 po ang isa” ang sagot nito sa akin.

” Isa nga tas dalawang kanin. Isang softdrinks na din” ang sabi ko dito.

Nilagay naman niya sa tray ang aking order at pumwesto ako sa sulok para makakain ako ng tahimik.

Dahil sa gutom ay halos sampong minuto lang ay ubos ko na ang aking inorder.

” Miss, hiring ba kayo? Kahit janitor, taga hugas ng plato. Kahit ano” ang tanong ko sa isang serbidora na nagligpit ng aking pinagkainan.

” Oo, hiring kami. Saglit tawagin ko ang boss namin” ang sabi nito sa akin.

Isang malaking lalaki na may malaking tiyan ang lumapit sa akin.

” Ikaw ba yun nag aapply ?” ang tanong nito sa akin.

” Opo” ang sagot ko dito.
Naging maganda ang usapan namin dahil assistant cook daw ang pwesto ko. Dahil assistant din naman ng cook sa loob ang trabaho ko.

Tatanggapin na sana nya ako ng hingan nya ako ng resume. Wala ako maipakita dahil sa sinabi ko na kalalaya ko lamang.

Pinaalis na ako ng may ari at sinabing di sya tumatanggap ng mga Kriminal.

Sumunod akong nag apply sa isang gasolinahan.

Napabilib muli ang manager sa akin dahil sa sipag at lakas ng pangangatawan ko.Pero katulad ng kanina.

Hinapan ako nito ng resume at sinabi ko muli na dati akong preso ay pinaalis ako nito na parang may nakakahawang sakit.

Nakita ko naman ang nag vulcanize sa di kalayuan. Katulad ng dalawang inaaplyan ko. Wala silang tanong sa akin kasipagan at galing.

Pero parang isang malaking karayom na tumutusok sa akin lobo ng pangarap ang bakas ng aking mapait na kahapon.

Inabot na ako ng gabi sa daan sa kakahanap ng matutuluyan, dahil sa katulad ng mga pinagtanungan ko ng trabaho

ganun din ang trato sa akin ng mga boarding house, apartment at mga motel na pinag tanungan ko.

Isang dumi sa lipunan na kahit anong ligo ay di na mawawala sa katawan mo.

Tandang tanda ko pa ang mga pang aalipusta nila sa akin.

Mga pangungutya at pandidiri ng mga mapag malinis na lipunan.

Mga taong walang ginawang mali sa buong buhay nila.

Kung ang tingin ay nakakamatay lang, kanina pa ako nakalibing sa ilalim ng lupa.

Halos mawalan na ako ng pag asa at tumutulo na ang luha ko sa aking mga mata.

Andito ako ngayon nakasandal sa isang malaking puno sa gilid ng daan.

Nasa madilim na bahagi ako ng kalsada. Tanging ilaw lamang ng buwan ang nagbibigay ilaw sa akin.

Ayaw kong makita pa ako ng mga taong sinasabi nilang mga edukado pero walang alam sa dinanas ng mga katulad ko.

Mga mayayaman na hirap na hirap umitindi sa aming mga pilit nagbabago.

Mga taong malinis pero walang kasing dumi ang mga puso.

” Boom!” ang isang malakas na pagsabog ang aking narinig.

At nakita ko ang isang fortuner na nasabugan ata ng gulong dahil umaalog ang takbo nito kasabay ang tunog ng rim ng gulong nito na sumasayad sa daan.

” Blag! Blag ! Blag ! Blag! Blag!” ang tunog nito habang huminto ito sa gilid ng daan.

Kaagad ko nilapitan ang sasakyan.

” Ayos lang po ba kayo?” ang tanong ko sa driver side.

Binaba naman niya ang bintana. Napako ang tingin sa driver ng sasakyan.

Isang napaka gandang binibini. Mahaba ang blonde nitong buhok. May maliliit din itong nunal sa mukha na kasing laki lang ng pores mo.

” Naflatan ako kuya. Kaso di ako marunong magpalit ng gulong” ang sabi sa akin ng babae.

” May gamit po ba kayo?” ang tanong ko dito.

” Teka teka, asa likod” at binuksan nito ang pintuan niya.

Naka white shirt lang ang babae at maikling maong shorts na above the k…