Bagong Buhay 3: Bagong Talim Na Espada

Sa loob ng aking kwarto at kasalukuyan kong nililinis ang aking sugat ng biglang bumukas ang aking pintuan.

” Sinasabi ko na eh, di sabit sa yero yan” ang sabi ni Manang sa akin.

” Manang, huwag na lang po kayo maingay” ang sabi ko dito.

” Magsabi ka ng totoo iho” ang pakiusap nito sa akin.

” napaenkwentro po ulit kami” ang sabi ko dito.

” akin na at para malinis ng maayos” ang sabi nito at sabay kuha sa bulak.

” Manang,pwede po ba ako magtanong?” ang sabi ko dito.

” Ano yun iho?” ang tanong nito sa akin.

” Asan po ang tatay ni Via?” ang tanong ko sa kanya.

” Iho, ayaw ko na kasi balikan pa yan, sana maintindihan mo” ang sabi ni Manang sa akin.

” Salamat po talaga manang, wag niyo na lang sasabihin kay Jen na alam niyo na ang nangyari” ang pakiusap ko kay Manang.

” Makakaasa ka iho” ang sabi nito sa akin.

Tumayo na ito at lumabas ng tuluyan sa aking kwarto.

******************************

Wala masyado appointment si Jen kaya madalas ay nasa bahay lamang kami. Mabilis naman na gumaling ang tama ko sa balikat.

Todo tulong sa akin si Manang sa paglinis ng sugat ko. Lagi nitong sinasabi na ito lamang daw ang kaya niya gawin para pasalamatan ako sa pagligtas ko kay Jen.

Dahil na rin sa sinabi ng police tungkol sa asawa ni Jen ay naisipan ko na puntahan ang dati kong mga kasamahan.

Kaya heto ako ngayon sa isang maliit na barong barong sa may tondo.

Kausap ko ang kumpare kong si Berto.

” Juan, musta na? Bigtime na ah” ang sabi nito sa akin habang nasa labas kami ng kanyang barong barong. Nakaparada sa amin harapan ang sasakyan ko.

” Sa amo ko yan Pre” ang sabi ko dito.

” Pre, ako na lang ang natira sa grupo mula ng makulong ka” ang sabi nito sa akin.

” Bakit, asan na sila?” ang tanong ko dito.

” Si totoy Icepick, ayun nagripuhan dyan sa kabila”

” Si Mandong Mandurugas, sinalvage diyan sa ilog pasig”

” At si Tatay Delpin, ayun pinagtataga ng mga bagong usbong diyan” ang sabi nito sa akin.

” Kaya tama yan pare, nagbago ka na” ang sabi nito sa akin.

” Pare, may pakiusap ako sa iyo ” ang sabi ko dito.

” Basta ikaw pare, alam mo naman na malaki utang na loob ko sa inyo ni Tatay Delpin” ang sabi ni Juan sa akin.

” Pare, may gamit ka ba diyan?” ang tanong ko dito.

” Kala ko ba nagbago ka na?” ang tanong nito sa akin.

” Pare, para ito sa pamilya na sinasamahan ko” ang sabi ko dito.

” Mukhang importante sila sa iyo pare ah” ang sabi nito sa akin.

” Oo, pare. Tinanggap nila ako kahit ganito ako” ang sabi ko dito.

” Teka pare, mayroon ako diyan” ang sabi nito sa akin at pumasok ito sa akin kwarto.

Biglang tumunog ang telepono ko. Si Jen.

” Hello Jen” ang bati ko dito

” Saan ka na?” ang tanong nito sa akin dahil ang paalam ko dito ay papatune up ko lang sasakyan.

” Patapos na sa tune up, sunduin ko na si Manang at Via katapos” ang sagot ko dito dahil nasa grocery ang dalawa at may binibili.

” Osige, ingat ka” ang sabi nito sa akin at binaba ko na ang telepono ko. Sakto naman na lumabas si Pareng berto na may dalang paper bag.

Inabut nito sa akin ang paper bag at sinilip ko ang laman. Isang Micro uzi at ilang magazine.

” Pare salamat” ang sabi ko dito at sumakay na ako sa sasakyan.

Sinuksok ko ang uzi sa ilalim ng driver seat.

At tsaka na ako pumunta sa grocery para sunduin ang dalawa.

***********************

Pumarada lamang ako sa tapat ng Isetann dahil sa mahirap parking dito.

Mabilis ko naman sinalubong si Manang at Via na palapit sa akin hinituan.

” Broooooooommmmm” isang mahabang rebolusyon ng makina at nakita ko na lamang sa akin mata ang isang itim na kotse na mabilis ang takbo at mukhang lasing pa ata ang driver.

Kaya dali dali ko tinakbo ang dalawa dahil sa may kalsada sila naglalakad. Andami kasi nakaharang sa sidewalk.

Mabilis kong hinablot si Via at si Manang naman ay nakaiwas ng isang malakas na hangin ang humampas sa aming gilid at humarurot na palayo ang kotse.

” Gago”

” Tarantado”

” Mabanga ka sana animal ka” ang sunod sunod na sigaw ng mga tao sa paligid namin na muntikan din maaksidente ng kotse.

Kaagad ko naman sinuri ang dalawang kasama ko.

” Ayos ka lang Via?” ang tanong ko dito.

” Ayos lang po ako kuya Juan” ang sabi nito sa akin.

” Manang, kayo po?” ang tanong ko sa matanda.

” Ayos lang ako iho” ang sabi nito sa akin.

” Tara na po” ang aya ko at sumukay na kami sa sasakyan.

********************

Sa loob ng Condo.

” Mommy, alam mo. Niligtas ako ni kuya Juan.” ang sabi ni Via sa kanyang mommy habang kumakain kami ng hapunan.

” Ano? Manang ano po sinasabi ni Via?” ang tanong ni Jen kay Manang habang napatinigin din ito sa akin.

” Iha, may kotse kasi na humaharurot” ang sabi ni Manang

” Tapos muntikan masagi ang mga tao sa daan”

” Buti at andyan si Juan” ang sabi ni Manang kay Jen.

” Salamat Juan, I guess. Niligtas mo na naman kami” ang sabi nito sa akin at sabay hawak sa akin kamay. Nakaramdam naman ako ng kuryente sa paghawak nito.

” Walang ano man Jen, kahit buhay ko. Handa ko itaya para sa inyo” ang sabi ko dito.

” Salamat talaga” ang sabi nito sa akin.

” Siya nga pala, May lakad tayo bukas. May gusto tumingin doon sa beach house na binebenta ko sa subic” ang sabi ni Jen sa akin.

” Yehey, dagat” ang sabi ni Via na may ngiti sa kanyang mga labi.

” Sorry baby, di pwede sumama eh” ang sabi ni Jen sa anak niya. Nalungkot naman ito.

” Babawi na lang kami Via” ang sabi ko sa bata at ngumiti naman ito.

” Sigurado yan kuya Juan Ah” ang sabi nito sa akin.

” Promise” ang sabi ko dito.

*****************************

Nasa biyahe na kami ni Jen tungo sa subic.

Naka beach dress lamang ito si Jen na puti at sandals. Habang ako naman ay isang polo shirt na blue at white shorts at rubber shoes na puti.

Si Jen ang pumili ng aking susuotin at ito ang binigay niya sa akin.

Hanggang sa naabot namin ang isang resthouse sa kahabaan ng Baloy Beach Road.

Tumigil kami dito at namangha ako sa ganda.

Two storey ito at over looking ang beach front.

” Wow, ang ganda. Sana magka ganito din akong bahay” ang sabi ko.

” Magtiyaga ka lang” ang sabi ni Jen sa akin at hinawakan ako sa balikat at pumasok na kami sa loob ng bahay.

Mas lalo kang mamangha dahil sa ganda ng disensyo sa loob ng bahay. Sinilip ni Jen isa isa ang…