Balasik (Ending)

Author’s Note: Another Happy Halloween greetings to all. I would like to take this opportunity to once again announce that after Ben 12, I will have to put the whole Baldeverse on hiatus until next year. This in part of my everyday struggles to balance the time that I do. I won’t stop writing though. Of course I will still send stories here and there but it will be more focused on erotica for a while. You know, those mind numbing hot fuck fest. There are several stories I am thinking about and some I am already starting to work on.

I tell you, if I have two bodies I could do much more lol. I envy Naruto for that. That is it for now. Enjoy the story.

Huling Kabanata
Kabayaran ng Pagnanasa
By: Balderic

Dumating sa police station ang grupo nina Percy. Tanging si Sabrina at Eunice lang ang hinde na sumama pa dahil hinde ito nakatulog ng maayos at napuyat. Papasok sila nang makasalubong nila si Eduardo Pigafetta.

Sir Ed!” tawag ni Mara.

“Oh Mara?”

“Anong ginagawa ninyo dito?” tanong ni Mara.

“ah pinatawag kasi ako ng lead investigator kanina. May isang gamit silang natagpuan sa crime scene. Nandito ba kayo para sa updates?”

“Opo sir. Ano pong gamit?” tanong muli ni Mara. Huminto din sandali si Henry at Percy para pakinggan si Eduardo.

“may isang pana o palaso na nakitang nakatuhog sa isang puno. Wala naman kasing gumagamit ng pana sa panahon ngayon unless sa sports at wala din ganun dito. Expert naman ako sa mga lumang sandata kaya pinatawag ako para e examine yun pana.”

“ano hong natuklasan ninyo?”

“Well na surpresa ako. Ang pana ay mukhang ginawa sya in a traditional manner. Yung ulo nya ay gawa sa bato. May mga fragments na nakita ang mga pulis sa paligid. Nung unang panahon kasi, ang arrowhead ay gawa sa bato na madaling mabasag. Kasi kapag tinamaan ka nun, kakalat ang fragments nya sa katawan mo at magdudulot ng malaking sugat. Eh syempre sa panahong yun mahirap maghanap ng magandang gamot di ba? Kaya kapag magpa infection ka dahil sa sugat, eh siguradong patay ka. Yun kahoy naman na ginamit sa body ay mukhang matibay na klase. Manipis pero matibay. Malakas din ang taong gumamit ng busog (Bow). Most likely lalake. Only this time nangangamot ng ulo ang mga pulis kasi walang tao dito na marunong gumamit ng sandatang ganun.”

“Pero ano sa tingin mo Eduardo? Bakit may ganun nakita sa crime scene?” tanong ni Percy. Napa iling lang si Eduardo at napa kamot ng ulo.

“Hinde ko alam. It’s a complete mystery. Kung iisipin mo, marami nang nangyaring krimen dito pero ngayon lang ang ganito. From what I’ve learned, the only time na may nangyaring ganitong klase ng patayan ay noong panahon pa ng kastila. Yung panahon ng pagbuo ng bayan ng San Policarpio. You know what’s interesting here? Bago binuo ang bayang ito, may sinunog dito na buhay. Isang mangkukulam o babaylan. After that, nang nabuo na ang bayan, pinangalanan itong San Policarpio at si Santo Policarpio o Saint Polycarp ay isang kristyanong martyr na namatay matapos itong sunugin din ng buhay na nakatali sa kahoy. Just like that witch doctor. Ang pinagkaiba lang nila ay hinde kristyano ang sinunog dito. Naniniwala ang mga misyonaryo na kailangang basbasan ang lugar at ilayo sa paganong paniniwala kaya tinugma nila kay Saint Polycarp ang pangalan ng bayan.”

“Naalala ko sa kwento ng lola ko noon, na isang mabagsik na mandirigma ang pumatay sa mga kastila dito. Sya ang nilalang na tinawag daw ng babaylan upang ipaghigante sya sa ginawa sa kanya at sinabayan nya din ito ng isang sumpa.” Sagot naman ni Percy.

“You know your history. Ang pangalan ng nilalang na iyon ay si Balasik.” Dagdag ni Eduardo.

“um sino po yang Balasik?” tanong ni Mara. Ngumiti si Eduardo.

“Isa syang imortal na nilalang mula sa mundo ng mga espiritu at mga lamang lupa. Gagawa ng isang ritwal ang isang taga tawag para ilabas sya. Kailangan lang nito ng sapat na alay, tamang orasyon at ang wastong kaisipan. And presto! May isa ka nang nilalang na gagawin kung ano ang iyong kahilingan base na rin sa naibigay mong alay.”

“Masyado naman sigurong imposible na totoo yang Balasik na yan sir Ed.”

“Hehe tama ka Mara. It’s impossible. But if you think about it, ang history natin ay puno ng mga bagay na imposible. Dahil sa moderno nating pamumuhay, nawalan na tayo ng paniniwala sa kanila, pero hinde ibig sabihin na nawala na sila. Based sa nabasa kong scripture mula sa isang ancient sumerian text, ang mga Diyos daw ay nawawalan ng kapangyarihan kapag wala nang naniniwala sa kanila. If so, kaya siguro di na nagpakita pa si Balasik dahil nakalimutan na ito ng mga tao dahil sa kristyanismo.”

“So you’re saying meron pang taong natitira ngayon na naniniwala sa Balasik na yun? At ginamit nya yun para pumatay?” sabat ni Henry.

“Um that’s not what I meant. Like Mara said imposible nga di ba? Pero ayoko din naman sarhan ang kaisipan ko sa posibilidad. Marami pa tayong dapat malaman sa mundo at yan ay sigurado ako.”

“Sige Eduardo, didiretso na kami sa loob. Nice talking to you.” Wika ni Percy. Tumango si Eduardo.

“Okay, mag iingat kayo Mr Perez. Mara same to you din.”

“okay po sir Ed. Ingat din po.”

———-
By: Balderic

Sa loob naman ng Hacienda ay naka upo si Sabrina sa tabi ng bintana sa kwarto ni Percy. Pumasok si Eunice para kausapin ito. Halatang puyat ang dalaga at namumugto ang mga mata. Si Eunice naman ay medyo pagod din. Binigyan nito ng baso na may juice si Sabrina.

“Salamat.”

“okay ka lang ba?”

“Ate natatakot ako. Paano kung bumalik yung taong pumatay kay Olivia? Anong gagawin natin?”

“Alam na ng mga pulis ang nangyari. I’m sure may magroronda sa bayan. Tsaka nandito naman kami eh. Marami tayo dito.”

“Sa tingin mo sino kaya ang taong yun? Ano bang atraso natin?”

Dito naalala ni Eunice ang tanong ni Henry nung gabi. Tinanong nito kung sino si Aleng Miranda. Kilala ito ni Eunice. Alam nya kung bakit galit si Aling Miranda.

“Wala din akong idea Sab. Basta ang masasabi ko lang na mag iingat na tayo. Alam na ba ng parents ni Olivia ang nangyari?”

“Hinde pa eh. Di ko alam number ng parents nya tsaka may password din ang phone nya na naiwan nya sa kotse. Kahit si Calvin di din alam ang password.”

“In any case, I think kailangan din malaman ng parents nila ito or we could be in serious trouble as it is.”

Tumayo si Sabrina.

“san ka pupunta?”

“I need some air.”

“Ha? Eh teka sasamahan kita.”

Sinundan ni Eunice si Sabrina at lumabas sila ng hacienda. Naglakad-lakad ang dalawa at nakapunta sila sa dulo ng bayan. Sa ilang kakahuyan.

Sab let’s go na. I don’t think safe tayo dito.” Wika ni Eunice na medyo natatakot.

“anong ginagawa ninyo dito?” nagulat ang dalawa nang makita si Eduardo.

“Oh God, ginulat mo naman kami sir Ed. Ate si Eduardo nga pala. Isang historian. Sir Ed si ate Eunice, kapatid ni sir Percy.”

“Hi.” Ngiti ni Eduardo habang nakatingin sa magandang si Eunice. Ngumiti din si Eunice at nakipag kamay ito.

“Anong ginagawa ninyo dito? Mag gagabi na.”

“Um wala. Gusto ko lang lumabas.” Sagot ni Sabrina.

“Well delikado na ang bayan ngayon. You know at large pa ang killer right? He could be anywhere.”

“He? Pano mo nasiguradong lalake ang killer Ed?” tanong ni Eunice.

“Galing ako sa police station kanina. Evidence says lalake ang killer. Oo nga pala, na meet ko din sina Percy doon kanina.”

“Ganun ba. Eh ikaw ano pala ginagawa mo dito?”

“Bibisitahin ko lang sana si aleng Miranda. I’m sure dito malapit yung bahay nya.”

“S..si Miranda?” medyo kinakabahang boses ni Eunice. Napansin ito ni Sabrina at Eduardo.

“Kilala mo din sya?” tanong ni Ed.

“Oo naman. Dati syang nagtatrabaho sa hacienda.”

“I see.”

“Bakit mo sya gustong puntahan?”

“She’s a local faith healer. Baka may alam sya tungkol sa legend ng Balasik.”

“Well mag iingat ka Ed. Malapit na mag gabi at masukal ang gubat. Uuwi na muna kami ni Sab.”

“Okay then. Ingat kayo.”

Tumalikod ang dalawa pero tinitignan sila ni Eduardo hanggang makalayo na ang mga ito.

———-
By: Balderic

10 pm
Tahimik sa loob ng hacienda. Ang dating masayang grupo, ngayon ay napalitan ng kalungkutan at katahimikan. Naglasing si Percy kasama ang dalawang binatang si Calvin at Henry. Nasa balcony ang tatlo at dahil malinaw na ang madilim na kalangitan, tanging ang lamig ng gabi ang nag bibigay kaginhawaan sa mga lalake.

Lumapit si Eunice sa grupo. Tinignan nito ang namumungay na mga mata ng mga lalake.

“magaling. Ang tanging kalalakihan na pwedeng prumotekta sa atin kapag bumalik ang killer ay panay lasing. Paano kayo makaka kilos ng maayos nyan?”

“Come on Eunice. Nakikiramay lang ako sa group. One of us just lost her life. I think we deserve to mourn her loss.” Sagot naman ni Percy.

“naiintindihan kita kuya pero isipin mo na din na kapag magkaroon ng emergency, kayo lang ang maaasahan dito.”

Tumayo si Calvin at pumasok ito sa hacienda.

“Thanks sa pagsira ng mood Eunice.” Wika ni Percy at tumayo ito habang hawak ang isang bote ng beer. Inubos nya ang natitirang laman nito at tinapon ito ng malayo. Dinig nila ang pagkabasag ng bote sa may hardin. Pumasok na din ito habang naiwan naman sa balcony si Henry.

Sa ibaba naman ng hacienda sa loob ng banyo, naliligo si Sabrina. Lingid sa kaalaman nya ay may butas ang pader na gawa sa plywood at naninilip dito si Mang Alberto. Lihim na may pagnanasa ito kay Sabrina at Mara sa ngayon ay nag eenjoy makita ang hubad na katawan ni Sabrina. Tigas na tigas na ang ari ng matanda at halos e memorize nalang nito ang bawat detalye ng katawan ni Sabrina para imaginin nya kapag magjajakol na ito sa loob ng kwarto nya.

Natapos maligo si Sabrina at lumabas na ito. Madilim sa may kusina kaya nagmamadaling umakyat sa second floor ang dalaga dahil natatakot ito lalo pa at lumang bahay ang hacienda. Sa pagmamadali nya ay bigla syang natalisod at natumba. Nasa may sala na ito.

“Aray..ano ba yan.” Tumayo si Sabrina at tinignan ang paligid. Madilim at limitado lang ang nakikita ng kanyang mga mata. Liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ng ilaw sa loob. Tinignan nya ang paligid at napahinto sya nang makakita sya ng isang imahe sa may corner ng sala. Para itong katawan ng tao.

Tumayo ang mga balahibo ni Sabrina sa takot. Hinde sya sigurado kung tao ba ito o kung ano.

“Ma..may tao ba dyan? Sino po sila?”ginamit na ni Sabrina ang naipong lakas ng loob para makapagsalita. Pero walang sumagot. Dahan dahan nalang syang naglakad papunta sa may hagdanan. Gusto nyang magmadali pero natatakot sya gumawa ng ingay. Inisip nalang nyang baka kagamitan lang na nagkorteng tao ang anino nito sa dilim ang kanyang nakikita sa corner ng sala.

Naka akyat na sya sa gitna ng hagdan nang lumingon sya sa ibaba. Halos tumakas ang kanyang kaluluwa sa sindak nang makitang may babaeng nakatayo sa paanan ng hagdan at wala itong ulo.

Hinde makasigaw si Sabrina at hinde sya maka galaw. Nakatayo lang ang babaeng pugot at hinde din ito gumagalaw. Animo’y huminto ang oras dahil sa pangyayari.

“Sab?” boses ni Eunice ang narinig ni Sabrina at tinignan nya ang itaas. Nakatayo si Eunice sa may bungad ng second floor at binuksan nito ang ilaw sa ikalawang sala ng hacienda. Nagkaroon ng sense of security si Sabrina dahil sa ilaw at nang tignan nya ang paanan ng hagdan ay nawala na ang aparisyon.

Lumapit si Eunice kay Sabrina.

Sab are you okay? Bakit para kang nakakita ng multo?”

“ha? Ah eh wala ito.” Pumasok si Sabrina sa kwartong para sa kanila ni Mara. Pagpasok nya ay tulog na si Mara. Nag bihis si Sabrina at sinubukang matulog. Natatakot man, binisita parin ito ng antok at agad nakatulog.

Samantala, lumabas ng hacienda si Henry. Ito ang pinaka lasing sa tatlong nag inuman dahil sya din ang pinaka huling natapos. Nagyosi ito sa gilid ng isang malaking kahoy sa likod ng hacienda. Ilang minuto pa at may napansin sya sa itaas ng bahay sa bintana kung nasaan ang kwarto nina Mara at Sabrina. May taong nakatayo at nakadungaw. Natatakpan ang ulo nito ng kurtina.

“tingnan mo tong si Sabrina, gabing gabi na kung ano ano pang ginagawa.” Wika ni Henry at medyo natatawa. Walang kamalay-malay sa papalapit sa kanya sa likod.

Sa kwarto naman ng dalawang dalaga, nagising si Mara dahil sa lamig. Nakita nyang nakabukas ang bintana na nakaharap sa likod ng hacienda. Tumayo sya at hinawakan ang kurtina para itakip sa bintana. Napatingin sya sa ibaba at may napansin syang parang may gumagalaw sa gilid ng malalaking puno. Pero dahil madilim ay hinde nya ito maaninag. Tinakpan nalang nya ng kurtina ang bintana.

Nakarinig si Mara ng mahinang yapak sa labas ng kwarto. Madaling araw na at alam nyang tulog na ang mga tao. Tinignan nya si Sabrina at mahimbing itong natutulog. Lumapit sya sa pinto at binuksan ito ng dahan-dahan. Dumungaw sya pero wala syang nakikitang tao.

Naghintay pa sya ng ilang segundo at may naririnig naman syang parang may nag uusap. Lumabas sya ng kwarto at maingat na naglakad papunta sa living room ng second floor. Sa may balcony ay nakita nyang nag uusap si Percy at Eunice. Dahil sa curiosity ay lumapit sya para pakinggan ang pinag uusapan ng dalawa. Nagtago sya sa likod ng pinto palabas sa balcony.

“Hanggang kelan mo ito itatago kuya? Alam mo naman ang nangyari di ba? Hihintayin mo pa bang magkaroon ulit ng gulo dito sa San Policarpio?”

“Tama na Eunice. Ang nakaraan ay nakaraan. Leave it be.”

“One of your students is dead kuya. I think the group deserve to know the truth.”

“Nasisiraan ka na ba ng ulo? Gusto mong malaman nila ang nangyari? Akala ko ba umiiwas ka sa gulo. And you’re inviting one. Just shut up okay. Babalik na tayo ng maynila after ko maka usap ang mga pulis kung pwede na tayong umalis.”

“and what about Olivia? Ano sasabihin mo sa parents nya?”

“She’s from a broken family Eunice. I will deal with them. I’ll think of something.”

Tumalikod si Eunice at akmang papasok na sa hacienda. Nag panic si Mara at napa lakad ito pababa ng hagdan dahil siguradong makikita sya kapag dumiretso sya sa kwarto. Pagka baba nya ay narinig nya ang mga yabag ng mga paa ni Eunice sa itaas na tila pababa ito ng hagdan. Nagtago muli si Mara at napili nya ang gilid ng malaking banga na nasa sala. Nakita nyang papunta sa basement si Eunice. Sinundan ito ni Mara.

Bumukas ang ilaw sa basement kaya hinde naka baba si Mara sa hagdan papunta sa basement. Naghintay nalang ito na bumalik si Eunice pero ilang minuto na at hinde parin ito umaakyat. Dahan-dahan namang bumaba si Mara at sumilip ito. Nagulat syang makita si Eunice na nakatuwad na pala ito na nakaharap sa mga sako ng bigas at sa likod nya ay kinakantot ito ng matandang driver si Mang Alberto.

“What the fuck?” bulong ni Mara. Na shock ito sa nakikita. Nanatili itong nakatutok sa ginagawang pagpapa kantot ni Eunice sa driver.

“Mukhang stressed ka masyado mam hehe. Wag ka mag alala, titi ko lang sulosyon nyan.”

“Sige pa po..umhh..tirahin nyo lang po ako ng tirahin…”

“Tang inaaa ang sarap mo talaga…kanina pinag jakolan ko naman si Sabrina. Ang sexy pala ng katawan nya talaga lalo pa at hubad.”

“Ha? Paano mo nakitang hubad si Sabrina?”

“hehehe syempre sinilipan ko kanina. Ang sarap pasukin at kantotin. Lalo na yun si Mara. Sana matikman ko din pekpek nun. Ipaparamdam ko talaga sa kanya ang hinahanap nya hehehe.”

Napalunok ng laway si Mara sa narinig. Matinde ang pagnanasa sa kanya ni Mang Alberto. Nakaramdam ng libog si Mara. Pero ayaw nito magpatira sa driver kaya naisip nitong puntahan nalang si Percy.

Tinahak nya ang hagdan nang manlaki ang mga mata nya nang makakita sya ng isang duguang babaeng nakalutang sa ere at bulwak ang tiyan.

“AAAAAAHHHHH!!!!” Nagising ang buong hacienda sa malakas na sigaw ni Mara.

“Mara!? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Percy nang makababa ito at binuksan ang ilaw. Sumunod din sina Eunice at Mang Alberto.

“anong nangyari?” tanong ni Eunice.

“ma..may babae…duguan…at wasak ang tiyan!” napa iyak nalang si Mara sa takot. Niyakap sya ni Percy. Bumaba din si Calvin at Sabrina dahil sa ingay. Napansin ni Sabrina na niyayakap ni Percy si Mara at sumimangot ito.

Nagkatinginan naman si Eunice at Percy dahil sa sinabi ni Mara.

“Ano bang nangyayari dito? Bakit puno ng kababalaghan ang lugar na ito? Sir Percy ano? Tatahimik nalang ba kayo? Namatay na ang syota ko. Ni hinde mo sinagot si Henry nung tinanong ka kung may kinalaman ba ito sa babaeng galit sa palengke.” Tanong ni Calvin. Natahimik parin si Percy. Galit na lumapit si Calvin at kinuwelyuhan si Percy.

“Goddamit mag salita ka! Namatay si Olivia nang walang dahilan! Mag salita ka!”

Na..narinig ko kayo kanina nag uusap ni ate Eunice. Sir Percy alam ko may alam kayo sa mga nangyayari. Please umamin na kayo.”

Gulat sina Percy at Eunice. Dito biglang may napansin si Eunice na isang kulang sa grupo.

“Teka, asan si Henry?” tanong ni Eunice.

“Hanapin muna natin si Henry. After that sasabihin ko sa inyo ang lahat.” Wika ni Percy.

Hinanap ng grupo sa hacienda si Henry. Nagimbal silang makita itong isa nang bangkay. Pugot ang ulo nito at warat ang tiyan.

“Oh my God!” hinde makapaniwala sina Mara. Isa nanaman sa grupo nila ang pinatay.

———-
By: Balderic

10 am

Inimbestigahan ng mga pulis ang krimen. Tila mas lumakas ang usap usapan sa nangyari. Kinausap ng mga pulis ang grupo at blanko parin ang mga ito kung sino ang killer.

Dumating si Eduardo at tila mabigat ang dinadala nito.

“Sir Ed.”

“Sab…ikinalulungkot ko ang nangyari dito.”

Tinitigan ni Eduardo si Percy pero hinde nagkibuan ang dalawa. Napa buntong hininga nalang si Eduardo.

“Isa itong sumpa.” Bulalas ng isang pulis.

“Tumahimik ka nga dyan. Hinde ka nakaka tulong sa imbestigasyon PO1.” Sabat ng detective.

“pero paano po natin maipaliwanag ang mga nangyari? Wala tayong suspect. At tatlo na ang patay.”

“Tatlo?” pagtataka ni Sabrina.

“Natagpuan kong patay na si Aleng Miranda.” Sagot ni Eduardo.

“Ha? Yung babaeng nagalit kina Olivia? Pinatay din sya?”

“Nope. Self inflicted ang sugat nya. Ito ang kinakatakot ko eh.”

“Bakit po sir Ed?”

“Her wounds, at ang lugar. It looks like may nangyaring isang ritual sa bahay.”

“Ano pong ritual?”

“Well, based sa mga pagsasaliksik ko, I think isang pagtawag ang ginawa ni Aleng Miranda.”

“ano pong ibig nyong sabihin? Pagtawag?”

“A summoning Sab. Sinakrepisyo ni aleng Miranda ang buhay nya para sa isang ritwal para mag summon ng isang nilalang. And I have an idea kung ano ang tinawag nya.”

“ang Balasik.” Sabat ni Mara at lumapit ito kay Eduardo. Kasunod naman nya sina Eunice, Percy at Calvin.

Tinignan ni Eduardo si Percy.

“Meron ba tayong dapat malaman sir Percy?” tanong ni Eduardo.

“Wag dito. Doon tayo sa hacienda mag usap.” Wika ni Percy.

Sa living room ng second floor ng hacienda ay nagtipon ang grupo kasama na si Eduardo Pigafetta.

Almost 15 years ago na din ito nangyari. That time nasa highschool pa ako. Dito na ako lumaki kasama ang mga kasambahay ng lolo ko noon. Isa sa mga katiwala ng hacienda ay si aleng Miranda.”

Dumating si manang Trinidad at may dalang mga juice at pagkain para sa mga bisita. Tahimik itong pumunta sa sulok ng living room para makinig.

“May anak na dalaga si aleng Miranda noon. Si Maricel. Naging malapit kami ni Maricel. Hanggang sa naging kami na. By that time patapos na ako sa highschool at si Maricel naman ay mag fo-fourth year na next school year. May nangyari sa amin at nabuntis ko sya. Hinde pa ako handa that time. Hinde ko alam ano gagawin ko kaya sinabi ko ito sa lolo ko. Hinde nag aksaya ng oras si lolo at pinaglayo kami agad. Pina alis sina aleng Miranda sa hacienda. Ako naman ay pina punta na nang manila. Pina hinto ako at doon na ako nag transfer. Nawalan ako ng koneksyon kay Maricel. Nalaman ko nalang na nagpakamatay daw sya dahil sa kalungkutan.” Malungkot na paliwanag ni Percy.

“Pero hinde dyan nagtatapos ang lahat. Hinde basta basta nagpakamatay si Maricel. Dahil sa sobrang kalungkutan, galit at paghihirap nya, nawala daw sya sa katinuan. Kabuwanan nya na noon nang….” Hinde makapagsalita si Percy at nanginginig ito.

“nang?” tanong ni Sabrina. Umiling si Percy.

“…gumamit ng kutsilyo si Maricel at pinunit nya ang tyan nya at dinukot ang hinde pa sinisilang nyang anak at kinain nya ito habang tumatawa sya at lumuluha.” Pagpatuloy bigla ni Eduardo. Napatingin sa kanya ang lahat.

“..fuck…” wika ni Calvin at napa iling ito.

“…namatay si Maricel from blood loss. And by that point, sinumpa ni Aleng Miranda ang pamilya ni sir Percy.” Dagdag pa ni Eduardo.

“Bakit mo alam ang kwento sir Ed?” tanong ni Mara.

“Historian ako remember?”

“Now alam nyo na kung bakit ganun nalang ang galit ni aleng Miranda sa amin. Alam nyo na kung bakit ngayon lang ulit bumalik dito si kuya.” Paliwanag ni Eunice.

“So anong kinalaman nito sa mga nangyayaring patayan?” tanong ni Calvin.

“ang Balasik.” Sagot ni Sabrina.

“Jesus christ…naniniwala ba talaga kayo sa mga hocus pocus na yan? What if may hinire yang Miranda na yan na isang pusakal at nadamay lang si Olivia at Henry?”

“Maniwala ka man sa hinde, ang ginawa kina Olivia ay hinde normal. Hinde normal na tao.” Sagot ni Sabrina.

“Okay ipagpalagay na nating totoo ngang may supernatural occurrence dito. Now what? Paano natin mapipigilan ang Balasik na yan?”

“Ang pagtawag ng nilalang ay parang isang kontrata. Matatapos lang ang lahat sa dalawang bagay. Una ay ang pag kumpleto ng hiling ng taga tawag. Ikalawa, ay ang direktang pag pigil sa nilalang.” Sagot ni Eduardo.

Okay so the only option we have is the second what am I right? Ano nang gagawin natin?” tanong pa ulit ni Calvin.

“Malakas ang ritwal dahil buhay ang sinakrepisyo. Mahirap ito lalo na at isang mandirigmang nilalang ang tinawag. Hinde hihinto ang Balasik hanggang hinde napapatay si sir Percy.” Wika nI Eduardo.

“Edi labanan natin sya. Humingi tayo ng tulong sa mga pulis. They can gun that asshole down.” Sagot ni Calvin.

“Hinde pisikal na tao ang Balasik. Nanggagaling sya sa ibang mundo kaya ang rules ng reality natin ay hinde nag aapply sa kanya.”

“So ano na gagawin natin?”

“May isa akong nakilalang self proclaimed master of the Mystical arts and spirits. Back then nasa Northern europe kami. Nag aaral ako ng gothic history habang naroon daw sya para sa isang exorcism. Hinde ko na masyado pinansin kung ano talaga ginagawa nya but basically he was there to help someone spiritually. Na mention nya ang about sa mga curses at mga rituals nang magkaroon kami ng drinking session. Sabi nya, para derekta mong mapigilan ang isang sumpa o ritual, kailangan mo itong tapatan ng mas mataas na ritual o di kaya ay panalangin. Pero sa puntong ito, I doubt may magagawa tayo lalo na at sariling buhay ng taga tawag ang ginawa nyang alay. Ang maipapayo ko nalang ay maghanap tayo ng sanctuary.” Paliwanag pa ni Eduardo. Mabigat ang narinig ng grupo. Hinde ito isang normal na sitwasyon at ramdam nilang lahat ang takot at pangamba para sa mga buhay nila.

“Makakatulong ba talaga yan? Look, kung yang sinasabi mong Balasik ay kayang pumatay, that means kailangan nyang magkaroon ng physical form para gumawa ng hakbang right? So it could mean pwede din natin syang saktan physically.” Sagot pa ni Calvin.

“May punto si Calvin sir Ed.” Sabat naman ni Sabrina.

“Okay, doon muna kami sa simbahan pero paghahandaan natin sya. Gabi namatay ang mga kasama natin so it’s highly likely na gabi lang sya lumalabas. And also, pumapatay lang sya kung mag isa ang biktima nya. Abangan natin sya sa gabi.” Paliwanag naman ni Percy.

“Sounds like a plan.” Sagot naman ni Eduardo.

Lumapit ang grupo sa pari ng simbahan at ipinaliwanag nila ang sitwasyon dito. Sumang-ayon naman ito kaagad kaya nagdala ng mga gamit ang grupo pang tulog at iba pang personal na bagay. Sa isang guests hall sila pinatuloy ng pari.

Nireport din nina Eduardo at Percy sa mga pulis ang plano nila. Humingi ang mga ito ng tulong. Pero dahil masyadong imposible ang kanilang totoong dahilan, gumawa sila ng kwento para maka kuha sila ng tulong sa mga parak. Ipinain ng grupo si Percy para lumabas ang Balasik.

Sa labas ng simbahan ay nakatayo si Percy habang nagtago naman ang mga pulis sa paligid. Nag mamatyag naman ang iba pa sa loob ng simbahan.

Alas otso na ng gabi at madilim na. Wala nang tao sa labas. Tahimik at nagsimulang pumatak ang ulan. Kumuha ng payong si Percy at naghintay pa ito.

“Mukhang walang lalabas ah.” Natatawang wika ni Calvin. Nakasilip sya sa bintana kasama sina Sabrina at Mara.

“Sshh wag ka maingay.” Bulong ni Sabrina.

“Sabi sa inyo eh. Kalokohan lang yang Balasik na yan eh.” Sagot agad ni Calvin.

Mag a alas onse na ng gabi. Lumakas na ng tuluyan ang ulan at may halo na itong hangin. Napilitan si Percy na lumapit sa pinto ng simbahan.

“wala, bulilyaso ang plano.” Wika ni Calvin. Tumalikod ito nang biglang may pumasok na palaso at tumagos ito mula sa likod ng ulo nya at lumabas sa kanang eye socket nya.

EEEEEEEEHHH!!!” Sigaw nina Mara at Sabrina. Napatayo ang grupo sa loob at nagsimulang mag abang ang mga pulis.

Si Percy naman na nasa labas ay hinde malaman ang gagawin. Tinignan nya ang paligid pero wala itong makita.

“shit..fuck..ano ba ito? Tang ina…” nangangatog na bulong ni Percy sa sarili.

“Saan nanggaling ang pana!?” tanong ng pulis mula sa loob.

“Oh my God! Oh my God! Patay na si Calvin!” nanginginig si Sabrina nang makita ang duguang ulo ni Calvin.

“Manalangin tayo!” sigaw ng pari. Lumuhod ito at kasama sina Eunice, mang Alberto at ilang sakristan.

Sa labas ay patuloy sa pag aabang si Percy. Dito may na aninag silang paparating.

“Ayun!” sigaw ni Percy at tinuro nito ang nakikita. Bumukas ang dalawang search lights na mula sa mga pulis at lumiwanag ang paligid. Dito nila nasilayan ang isang mandirigmang nilalang. May hawak itong isang matalas na Kampilan at sa likod nya ay nakasabit ang malaking Kalasag. Namumula ang mga mata nito at nanlilisik.

“Ang Balasik! T..totoo nga!” sigaw ng isang pulis. Lumipad sa kanya ang isang Balaraw at tinamaan ito sa ulo.

“Paputukan nyo! Bilis!” utos ng tinyente. Lumabas ang mga pulis at pinagbabaril ang Balasik. Subalit sumugod ito palapit kay Percy. Agad binuksan ni Eduardo ang malaking pinto ng simbahan at pinapasok si Percy. Hinagis ng Balasik ang isang Kali at nakapasok ito sa simbahan bago pa maisara ang pinto. Hinde tinamaan si Percy dahil hinila ito agad ni Eduardo.

“Shit!” sigaw ni Percy nang makitang tinamaan sa dibdib ang tinyente ng mga pulis.

Patuloy na pinagbabaril si Balasik pero animo’y hinde ito tinatablan ng bala. Ginamit nyang pansalag ang kanyang Kalasag at isa isang sinugod ang mga pulis.

Nagsipulasan ang mga ito at nagpanic. Isang nilalang na ubod ng bilis at walang kasing lakas ang kanilang nakaharap. Sa sobrang talim ng hawak nitong Kampilan ay nahati ang isang M-16 rifle ng pulis.

“Anong gagawin natin? Hinde sya mamatay-matay!” pag panic ni Sabrina.

“Wag kayong matakot, nasa tahanan tayo ng Diyos. Hindeng hinde makakapasok ang mga kampon ng demonyo sa lugar na ito.” Pagmamalaki ng pari.

Ilang minuto pa at napansin nilang wala nang ingay sa labas. Sumilip si Eduardo sa may bintana at natanaw nito ang mga nakahandusay na mga pulis sa paligid at wala na roon si Balasik.

“Naglaho sya. Nawala si Balasik.” Wika nito. Nagyakapan si Mara at Sabrina. Niyakap sila ni Percy.

“kung ito man ang huling gabi ko sa mundo, nagpapasalamat ako at nakilala ko kayo.”

“wag kang magsalita ng ganyan sir.” Wika ni Mara. Nag ngitian ang dalawa na sya namang hinde nagustuhan ni Sabrina.

Biglang nabasag ang isang malaking bintana sa gilid ng simbahan at tumalon papasok si Balasik. Napa krus ang pari at mga sakristan.

“I..imposible! Paano ka nakapasok dito!? Bahay ito ng diyos! Sa ngalan ng ama at ng anak at ng espiritu..uurrggh!!!” hinde natapos ng pari ang kanyang dasal nang tumarak ang isang Balaraw sa lalamunan nya. Tumakbo ang mga sakristan at iniwan ang grupo.

“Oh God ano na!?” pinagpapawisan sa takot si Mara. Nasa likod nya si Percy at sa gilid naman si Sabrina. Nakita ni Balasik si Percy. Inilabas nito ang duguang Kampilan at napalunok ng laway ang mga babae sa takot. Biglang tumalon ng ubod ng taas si Balasik at itinutok ang dulo ng Kampilan kay Percy.

Tinulak ni Sabrina si Mara.

“UULLLKKKKHHHH!!!” Bumaon ang Kampilan mula sa bibig ni Mara papunta sa katawan nya at nang tanggalin ni Balasik ang sandata ay sumirit ang dugo ni Mara at nahati ang katawan nya.

“MARAAAAA!! TANG INA SABRINA ANONG GINAWA MO!?” Sigaw ni Percy at hinde ito makapaniwala sa ginawa ni Sabrina.

“Dapat lang yan sa malalandi! At ikaw naman! Kasalanan mo ang lahat ng ito. Dinamay mo pa kami! Ikaw ang kailangan ng halimaw na yan kaya bahala ka na sa buhay mo!” tumakbo palayo si Sabrina pero nahablot ito ni Percy.

“SAAN KA PUPUNTA!?” Sigaw ni Percy at bigla syang sinampal ni Sabrina.

Nakalapit si Balasik at itinaas ang Kampilan nya saka tinaga si Percy subalit tumilapon ang sandata nang bigla itong barilin ni Eduardo.

“TAKBO!!!” Sigaw ni Eduardo at nakabukas na ang pinto. Agad tumakas si Percy at Sabrina. Si Eunice at Mang Alberto naman ay dumaan sa ibang pinto. Nagharap si Eduardo at Balasik.

“Wala kang sasaktan sa mga kasama ko! Hinde mo ito mundo! Umalis ka na dito!” sigaw ni Eduardo. Alam nyang hinde nya mapapatay ang nilalang kaya umaasa nalang ito sa pag depensa sa sarili.

Lingid sa kaalaman ng lahat, may background sa military si Eduardo dahil isa ito sa mga survival skills nya bilang isang archeologist adventurer. Subalit alam nyang kulang ang kanyang kakayahan upang mapigilan ang isang nilalang na galing sa ibang mundo.

Mabilis inilabas ni Balasik ang pana nya at inasinta nito si Eduardo. Naka ilag ang lalake at nakipagpalitan ito ng putok. Ilang palaso ang tumama sa mga kahoy na upuan ng simbahan habang panay tago si Eduardo. Pinuntirya nito ang pang pana at nang tamaan ito ay nabale ito dahil yari lamang ito sa kahoy.

Tila nagalit naman ang Balasik at binuhat ang mahabang upuan at hinagis papunta kay Eduardo. Gumapang ang lalake papunta sa sulok ng simbahan.

Tumalon si Balasik at may hawak itong Balaraw. Inatake si Eduardo pero umilag ang binata. Ilang beses nadaplisan si Eduardo ng matalim na kutsilyo. Alam ni Eduardo na posibleng may lason ang talim ng patalim kaya tinangka nitong hinde masugatan.

Binaril nya sa mata si Balasik at natigilan ito. Agad tumakbo palayo si Eduardo at lumabas ng simbahan. Hinde nya alam kung saan nagtungo sina Percy kaya minabuti nyang ikutin ang simbahan.

Sa bandang likod na malapit sa resting house ng pari ay nasa loob ng kotse sina Eunice at Mang Alberto. Nakita ni Eduardo si Balasik na nasa bubong ng simbahan.

“LUMABAS KAYO SA KOTSE!!!” Sigaw ni Eduardo pero pina andar ni Mang Alberto ang sasakyan at mabilis itong umarangkada. Tumalon muna sa bubong si Balasik at lumapag ito sa ibabaw ng kotse. Basag ang mga bintana ng kotse at nayupi ang bubong nito. Bumulwak din ang napakaraming dugo mula sa dalawang sakay ng sasakyan.

“shit shit shit!!!” umalis si Eduardo. Wala na itong magagawa pa. Naglaho sa kadiliman si Balasik.

Dalawang kilometro na ang tinakbo ni Percy at Sabrina. Parehong pagod na pagod na ang dalawa. Walang taong tumutulong sa kanila. Bawat bahay na pinagkakatokan nila ng pinto ay hinde nagbubukas. Sa halip ay pinapatay ng mga ito ang mga ilaw nila.

Mangiyak-ngiyak si Sabrina at sising-sisi. Hinde ito ang magandang holiday na ine expect nya. Isang bangungot ang kanyang nalasap sa bayan ng San Policarpio.

“Kailang nating bumalik. Iniwan natin si Eunice.” Wika ni Percy.

“Gusto mong mamatay? Sige bumalik ka. Ako aalis na ako.”

“Sabrina what the hell. Pinatay mo si Mara! Tapos iiwan mo lang ako? Akala ko ba mahal mo ako?”

“Mahal? Binibigay mo lang sakin ang gusto ko at binibigay ko lang ang gusto mo. Walang tayo. Pasalamat ka nga at hinde kita iniwan sa unang paglabas palang ng halimaw eh. Hinde naman ako ang pakay nun kundi ikaw.”

“Hayop ka!” lumapit si Percy at sinabunutan si Sabrina.

“Aray! Binatawa mo ako!” Angal ng dalaga. Sinampal-sampal nito si Percy pero sadyang malakas ang lalake. Bago pa may magawa si Percy kay Sabrina ay nakita nito si Balasik na papalapit sa kanila. Binitawan nito si Sabrina at tumakbo.

Lumitaw ang pam pana ni Balasik sa kamay nya at inasinta nito si Percy. Isang palaso ang tumama sa hita ng lalake.

“AAAAAHHHH!!!!” Natumba si Percy at hawak ang hita nyang may naka baon na palaso. Nakita nyang naglalakad palapit si Balasik. Napansin naman nya si Sabrina na tila nakangiti ito.

“Animal ka! Natutuwa ka pang puta ka!”

“Bakit ako hinde matutuwa? Kapag napatay ka na ng halimaw, maliligtas na ako.”

“Wala kang utang na loob! Hayop ka!”

Nakalapit si Balasik kay Percy. Inilabas nya ang Kampilan at akmang tatagain sa leeg si Percy. Lumitaw mula sa kadiliman si Eduardo at may hawak itong isang gulok at tinaga sa ulo si Balasik. Nasalag ito ng Kalasag.

“Umalis ka na Percy!”

“Salamat Ed! Maraming salamat!” sinubukan ni Percy tumayo pero di nya na magawa. Pagapang itong tumakas.

“anong ginagawa mo Sir Ed!? Hayaan mo na kunin nya si Percy!” sigaw ni Sabrina.

“Nasisiraan na ng ulo ang babaeng yan!” sabat ni Percy.

Nagtagisan ng eskrima si Balasik at Eduardo. Kumakalansing ang mga sandata nilang gawa sa asero. Nag banggaan ang kanilang mga sandata at sa isang mabilis na pagpa ikot ni Eduardo sa hawak nyang gulok ay nabitawan ni Balasik ang Kampilan. Sinaksak nya agad si Balasik sa dibdib pero hinde nya na tantya ang pagsabay ni Balasik at gamit ang isang Balaraw at sinaksak nito sa tagiliran si Eduardo.

“Aaarrggh…” napaluhod ang lalake. Bago pa ito mapatay ni Balasik ay narinig nito ang sigaw ni Sabrina. Niyakap ni Sabrina ang nanghihinang si Percy at pinatihaya ito habang nasa likod sya ng lalake.

“Andito na sya! Pugutan mo na ng ulo!! Sigeee!!! Lumapit ka!” sigaw ni Sabrina.

“Bitawan mo ako…bitawan mo akoooo!!!” nagpupumiglas si Percy pero sinipa ni Sabrina ang naka labas na palaso at nabali ito pero nagdulot ito ng mas malaking ng sugat.

“AAAAERRGGH!!!!” Sigaw ni Percy.

Nakalapit si Balasik at tinutok ang Kampilan kay Percy. Naka ngiti si Sabrina at biglang sinaksak ni Balasik sa tiyan si Percy.

“UURRRGGGHH….” Sabay naglabasan ang dugo sa bibig ni Percy at Sabrina dahil pareho silang tinuhog ng Kampilan.

Hinugot ito at tinaga sa tiyan si Percy. Bumulwak ang lamang loob nito.

“AAAAAARRRGGHHHHHKKK!!!” Dinukot palabas ang mga lamang loob ni Percy sa tiyan at sinubsob ang mga ito sa bibig ni Percy.

Matapos ito ay tinaga ang ulo ni Percy at gumiling ng ito sa lupa. Nagilitan naman ng leeg si Sabrina at nalunod ito sa sariling dugo.

“Shit….unggh…shit…” pinilit ni Eduardo tumayo pero nanghihina ito dahil sa lason.

Tumingin sa kanya si Balasik at naging abo ang katawan nito at naglaho sa ere. Nawalan naman ng malay si Eduardo.

———-

By: Balderic

Nagising si Eduardo sa loob ng ospital. Tatlong araw na itong tulog at nang magising ay may benda ang katawan. Mabigat ang pakiramdam nya at medyo nahihilo pa ito. Sinubukan nyang umupo pero pinigilan sya.

“Ser ser dahan dahan lang po.”

“wait..kaya ko naman…sandali unghh..” naka upo ito sa gilid ng higaan. May ilang kasamang pasyente sya sa kwarto.

“sino nag dala sakin dito?”

“dinala kayo ng mga pulis sir. Nandito kayo ngayon sa bayan ng Calukban.”

“Ganun ba. Salamat.”

“Ser mawalang galang na ho. Um pwede po babg magtanong?”

“ano yun?”

“Um totoo po ba yung mga kwento na may masamang nilalang na umatake sa San Policarpio?”

Hinde sumagot si Eduardo. Alam nyang mahirap paniwalaan ang lahat. Umiling lang ito at nagsabing masakit ang ulo nya. Nagpahinga muna ito.

Napa isip si Eduardo sa mga pangyayari. Hinde nya inaasahang isang mundo na hinde pa napapatunayan ang kanyang nasaksihan. Isang mundo ng kababalaghan at misteryo. Isang mundo na syang pupukaw ng kanyang kaisipan sa makabagong pananaw sa mundo at ang kalawakan.

Wakas