Bangungot, Kantot At Kilabot

Copyright © 2021 by Heavyarms1986

All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

Disclaimer:

Lahat ng tauhan o lugar na nabanggit sa istoryang ito ay likha lamang ng imahinasyon ng inyong abang lingkod. Anumang pagkakahawig sa mga tao (patay man o buhay) o lugar na umiiral sa tunay na buhay ay nagkataon lamang. Lubos po ninyong pang-unawa ay tinatanggap

Copyright © 2021 by Heavyarms1986

“Akin na ngayon ang kaluluwa mo! BWAHAHAHAHAHA! “, anang tinig ng isang nilalang ng dilim. “Hindi ako papayag! Hindi mo ako makukuha!”, tinig naman na nagmula sa isang tao. Maya-maya, may isang hubad na babae ang tumabi sa kampon ng dilim. Ito’y may kargang isang sanggol. “Ano, nagmamatigas ba ang aking bagong biktima?”, anang babae. “Oo, ngunit tulad ng mga nauna sa kanya, wala din namang patutunguhan ang pagtakas niya. Ang lagay ba eh, pag nasasarapan sila saka isasanla sa akin ang kanilang kaluluwa at pag oras na ng singilan ay saka tatanggi sila? “, sabi ng nilalang ng dilim habang naghihinuli at pagdaka’y hinipan ang hinliliit na ginamit sa kanyang tainga. Pagkarinig niyon ay sumagi sa balintataw ng di-kilalang lalaki ang tagpong nabanggit ng demonyo. Nais niyang tumakas sa lugar na iyon, sa kuwartong iyon kung saan siya naroroon. Hindi siya makakasigaw pagkat walang makakarinig sa kanya. Sound-proof ang kuwartong iyon. Kanina pa siya tumatakbo patungo sa pintuan palabas ngunit tila ba may kung anong puwersang humihigop sa kanya para hindi siya makalayo kahit isang hakbang.

“Magpaalam ka na! “, iyon lang at humiwalay ang kaluluwa ng lalaki sa kanyang katawan. Naiwan ang katawan ng lalaki na wala nang buhay at malamlam ang mga mata. Ito’y naging isang hungkag na lalagyan ng kaluluwang lumisan sa katawan nito. Ilang oras bago ang pangyayari ay masigla siyang bumabayo sa ibabaw ng babaeng kaniig niya. Sa mga nagdaang araw, siya’y nagpapasasa sa kandungan ng babaeng noo’y sa panaginip niya lang nakikita. Ngunit ngayo’y nilisan niya ang mundo na ang tanging saksi ay ang kuwartong iyon. Malayo sa mga kaibigan at higit na malayo sa kanyang pamilya. “O alam mo na ang gagawin sa kalat na iyan, tulad ng dati. Bilisan mong kumilos bago ka bumalik sa dati mong anyo pagsapit ng umaga”, anang tinig ng demonyo sa babae. “Masusunod po amo”, anang babae sabay halik sa labi ng nilalang ng dilim. Binalot na ng karimlan ang kuwartong iyon at hindi na nakita ang dalawa, maging ang walang buhay na katawan ng lalaki.

Kinaumagahan, binabagtas ng isang dyip ang isang kakalsadahan sa Valenzuela. Isa sa mga sakay nito’y si Nilo Bustamante, isang pulis probinsya na nadestino sa Maynila upang siyasatin ang biglaang pagkawala ng anim na binata, na pawang kanyang kabarkada bago siya bumalik sa probinsya upang doon ay maging magaling at malinis na pulis. “Hindi kaya may kinalaman ang pagkawala nila sa nangyari noon?”, sabi niya sa sarili. “Huwag parang awa n’yo na. Pawalan n’yo na ako at hindi ko kayo isusuplong sa mga may kapangyarihan”, anang tinig ng babae na hindi niya magunita ang mukha. Ang nasabing babae ay napagtripan nila nang dumaan ito habang sila’y nag-iinuman. Ang mga sumunod na nangyari ay… “Iho, iho! “, tinig ng isang matandang babae habang siya’y niyuyugyog nito. “Bakit po?”, tanong ni Nilo sa matandang babae. “Kanina ka pa tinatanong ng tsuper kung saan ka bababa. Hindi ka kasi kumikibo kaya’t niyugyog na kita”, ganting sagot naman ng kausap. Lumingon sa paligid ang binatang pulis at nang makumpirma niyang naroon na siya sa lugar kung saan diumano nakita ang isa sa mga kaibigan, ipinapara na niya ang dyip at nagbayad ng kaukulang halaga ng pamasahe.

Pagbaba niya’y naglakad siya patugpa sa natanaw na tindahan upang magtanong habang ipinapakita ang wallet size na larawan ng kaibigan. Ang sabi sa kanya doon sa tindahan ay nakikita ang kaibigan niyang napapadaan doon. Itinuro siya sa isang malaking bahay paupahan na di-kalayuan sa lugar na iyon. Hindi naman siya nabigo at nahanap ang sinasabing paupahan. At anong palad niya! Doon daw nangupahan ang kaibigan mga ilang linggo na ang nakaraan. Ang sabi sa kanya ng kahera ay bigla na lang daw itong nawala kaninang umaga pero hindi na nakapag-alsa balutan pa. Hindi na nito nagawa pang bayaran ang obligasyon sa upa. Ang sabi naman ng mga awtoridad ng siyudad na nag-iimbestiga, baka ito daw ay may tinatakasan at tumalilis na ng nagdaang gabi pa lamang. Hindi na nagawang sinupin ang mga gamit pagkat nagmamadali at parang may kinatatakutan. Nagpakilala si Nilo bilang pulis probinsya na nalipat doon at kaibigan ng lalaking marahil nga’y kagabi pa umalis o nawawala. Ang mga imbestigador pala ang kanyang mga bagong makakasama doon sa lilipatan niya.

Naisip ni Nilo na marahil makakatulong kung siya’y kukuha ng upahang kuwarto malapit sa lugar upang matutukan ang kaso ng kaibigan. Kailangan niya munang pumunta ng presinto upang ipabatid ang pagdating niya. At doon ay mainit na pagtanggap ang sumalubong sa kanya. Pinagpahinga muna siya ng araw na iyon upang makahanap siya ng mauupahan. Inikot niya ang blokeng iyon upang sa pag-asa’y makahanap ng kuwartong abot-kaya niya. Kung anong palad ang sinapit niya kanina, siya namang ilap nito sa paghahanap ng mauupahan. Kalahating araw na ang nagagasta niya. Minabuti na lamang niyang kumain sa turo-turo at ituloy ang paghahanap. Naino niyang malapit siya sa dating inuupahan ng kabarkada kaya naisip niyang doon sumubok ng palad niya. Kinausap niya ang kahera sa labas ng paupahan upang alamin kung may bakante pang kuwarto para sa kanya. Ang sabi naman ng kahera ay sa kanya na lang pauupahan ang kuwartong iniwan ng kanyang kaibigan. Sa pagdaan ng unang gabi niya sa pagtulog doon ay naging maayos naman ang lahat. Inumpisahan na niya ang pagtatanong tungkol sa nangyari sa kanyang mga kaibigan na napag-alaman niyang nang upahan din sa kuwartong kasalukuyan niyang inuupahan. Ayon sa mga napagtanungan niyang nakatira malapit doon sa lugar ay wala naman silang napansing kakaiba kina Mike, Cesar, Lucas, Jon, Benj at Kiko noong na paisa-isang umuupa ng kwartong gamit ngayon ni Nilo. Palaisipan lang kung bakit sa limang araw na itinatagal ng mga ito sa inuupahang kwarto ay bigla silang nawawala sa dapat sana’y ika-anim na araw na pananatili nila doon. Maging ang mga kapwa nangungupahan ay hindi rin nakarinig ng pagpapaalam o kahit mga yabag na tanda ng paglisan ng mga ito sa paupahang kwartong iyon. Wala din naman silang alam na ibang tao na maaaring kumuha sa mga lalaking ito.

Tumawag din si Nilo sa kanilang probinsya kung saan sila naninirahan dati ng kanyang mga kaibigan. Naisip niyang marahil palihim na nagbalik ang mga ito doon. Nabigo siya pagkat ang sagot sa kanya ng bawat matawagan niya ay hindi nagagawa sa probinsya ang mga kaibigan niya. Naisip na rin niya ang posibilidad na ipinatumba ang kanyang mga kaibigan ng pamilya ng babaeng pinagsamantalahan ng mga ito noon pero naisip niyang malabong mangyari iyon pagkat walang iniwang bakas ang mga ito sa krimen at tanging si Nilo lamang ang saksi sa mga naganap kahit na hindi siya kasama sa mga humalay at bumaboy sa babaeng iyon. “Tulungan mo ako”, ang boses ng pagmamakaawa na naririnig niya sa kanyang isip. Noon ay sumisimsim siya ng alak sa inuupahang kuwarto upang nakatulog siya. Sa kanyang saglit na pagpikit, dumaloy sa kanyang diwa ang mga tila nalimutan nang mga gunita.

“Hey Miss Beautiful! Saan ka pupunta? “, tanong ni Mike doon sa kolehiyalang napadaan noon sa umpukan nilang magkakaibigan. Kaeskuwela nila ito at noo’y freshman sa eskuwelahang kapwa nila pinapasukan. “Baka naman gusto mo kaming samahan muna? Pampaantok lang”, sabi ni Lucas bagamat magaalas-singko pa lang naman ng hapon. Sinipat naman ni Jon ang I.D. na suot ng dalaga. “Eunice Saavedra! Tingnan mo nga naman, it girl pala itong nakasalamuha natin! Suwerte nga naman! “, ani Cesar. “Siya ba yung natitipuhan kamo ni Nilo noong sumimple tayo sa library para matulog? “, sabi naman ni Benj sabay tingin nito kay Nilo. Noo’y pilit na iniiwasan ng dalaga ang grupo nila.ilo pagkat pauwi na ito at hinihintay ng sundo. Siya namang pagharang ng kamay ni Kiko, ang tumatayong pinuno ng grupo at may tama din sa dalaga.”Hep! Hep! Hep! Sagutin mo yung tanong ng katsokaran ko. Saan ka nga ba pupunta? Maaga pa naman, samahan mo muna kami”, ani Kiko. Hindi na talaga komportable ang dalaga. Tumitig pa siya kay Nilo na mistulang nagpapasaklolo sa binata. “Ayaw mong sumagot ha! Mga bata, dalhin sa clubhouse yan. Ipararanas natin sa kanya ang langit. Ikaw Nilo, sumunod ka! “, sabi ni Kiko matapos sampalin ang dalaga. Habang dinadala nila sa clubhouse ang dalaga, nalaglag ang I. D. nito. Ang pamilya ng dalaga ay malaki ang impluwensya doon sa probinsyang iyon. Nahahanap ang pamilyang ito sa mga kilalang doktor, abogado, at pulitiko. Hindi ba’t sila pa nga ang tumutulong sa eskuwelahang kinaroroonan nilang lahat. Ang nasabing clubhouse ay di kalayuan sa auditorium ng kanilang pinapasukan. Ito’y isang dating bodega na ginawang clubhouse sa tulong na rin ng impluwensiyang taglay nila Kiko doon kaya nga siya tumayong pinuno ng grupo. Ito din ay malayo sa kabihasnan kaya walang mag-aakalang gumambala sa kanila. Pag-iinumin lang ang ginagawa nila doon at ni minsa’y hindi sila tumikim ng ipinagbabawal na gamot. Pagdating nila doon, umiiyak na nagmamakaawa ang dalaga habang nagpupumiglas sa abot ng kanyang makakaya. Itinali nina Cesar at Lucas ang mga kamay nito habang si Mike naman ang na…