Bangungot, Kantot, At Kilabot Ikalawa

Copyright © 2021 by Heavyarms1986

All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

Disclaimer:

Lahat ng tauhan o lugar na nabanggit sa istoryang ito ay likha lamang ng imahinasyon ng inyong abang lingkod. Anumang pagkakahawig sa mga tao (patay man o buhay) o lugar na umiiral sa tunay na buhay ay nagkataon lamang. Lubos po ninyong pang-unawa ay tinatanggap

Copyright © 2021 by Heavyarms1986

Pinagkatitigan ni Nilo ang mannequin na iyon matapos itong lapitan. “Teka, parang may kamukha ka ah”, sabi ni Nilo. Napaisip si Nilo. “Si Kesha kaya? Medyo makapal kilay noon eh. Si Elijah kaya? Hindi rin siguro. Coca cola body ang meron ka samantalang siya ay chubby nang kaunti. Para akong sira na kumausap sa isang mannequin na hindi naman sasagot sa akin”, sabi niya. Maya-maya pa, nakarinig siya ng mahinang tawa. Lumabas siya ng kuwarto niya upang tingnan kung may tao ba sa pasilyo. Wala namang siyang nakita. Luminga siya sa kabilang panig at wala din siyang nakita. Imposible namang naroon na ang mga kapwa niya nangungupahan. Ang alam niya’y takipsilim o pagabi na dumarating ang mga ito. Naisip niyang tumingin sa bintana. May nadungawan siyang grupo ng mga bata na nagtatawanan. “Ah marahil mga bata lang ang narinig ko”, pilit nyang pinaniwala ang sarili.

Samantala, limang taon na mula nang mamatay ang bunsong anak na babae, hindi pa din nakakabangon ang mga Saavedra sa nangyari. Nariyang halos dalhin na sa pagamutan ng mga baliw ang ina ng tahanan na si Carmela pagkat madalas diumanong nauulinigan ng mga kasambahay na parang may kausap ito gayong wala naman itong nakakasama. Minsan, naman nakatingin sa isang lugar na parang may nginingitian kahit wala namang tao sa direksyon kung saan ito nakatingin. Marahil, nahirapan siyang makapagpatuloy sapagkat nawalan siya ng anak. Kahit sino naman hindi ba? Sa kahilingan ni Carmela, ipinaghahanda pa rin ng mga kasambahay ng pagkain si Eunice sa puwesto nito sa lamesa na parang naroon pa din ito. Ipinalilinis pa din nila ang kuwarto nito, pinapalitan ng mga kubre kama ang higaan nito,ipinaglalaba ng mga damit na tila ba isang araw, babalik siya na buhay at masigla. “Anak, maigi naman at dinalaw mo akong muli. Pakiabot mo nga sa akin ang hairbrush at ipagsusuklay kita ng buhok. Alam mo bang ang tingin sa akin ng mga tao dito sa bahay ay isa akong lukaret. Hindi man nila sabihin o hindi ko man marinig, nababasa ko sa kanilang mga mata ang panghuhusga nila. Masisisi mo ba ako kung hindi madali sa aking tanggapin ang lahat? Isang araw, alam kong isang araw, gigising akong tanggap ko na lahat. Pero sa ngayon, hayaan mo munang gawin ko sa iyo ang mga bagay na ginagawa ng isang ina”, sabi ni Carmela sa isang pigura o kasing katawan ng pumanaw na anak. Ang nasabing pigura ay hindi niya talaga anak bagamat taglay nito ang mukha ng dalaga. Isa itong kampon ng dilim, base sa itim na liwanag na bumabalot dito. Malamlam at itim ang mga mata. Maputla ang kulay ng balat at wala na sa ayos ang buhok. Bagama’t walang boses, mababasa sa mga labi nito ang mga katagang “Andyan na siya! Andyan na siya”. Biglang pipilipit ang leeg nito at may impit na : Krieek! Kek! Kek! Pagkatapos, saka ito yuyuko. Ang tagpong ito ay hindi nakikita ni Carmela pagkat nakatalikod siya sa nilalang na paniwala niya ay kanyang anak. Diyata’t ang isang inosenteng nilalang ay mahuhulog sa kapahamakan dulot ng pananabik niya sa kanyang anak?

Kinaumagahan, sa darating si Conrado, ang ama ng tahanan ng mga Saavedra. Siya’y galing sa mahabang biyahe galing ng Cebu. Mula nang mamatay ang anak, ginawa niyang abala ang sarili sa trabaho o anumang magagawa niya, huwag lamang mapirmi sa bahay na iyon. Sa bahay kung saan, magpapa-alala sa kanya sa kanyang bunso. Bago siya mag-agahan, pumanhik siya sa kuwarto nilang mag-asawa upang kamustahin ang kabiyak. Nais niyang alamin sa mga kinikilos nito kung talaga bang nagawa na niyang tanggapin ang sinapit ng kanilang anak. Ginising niya ang asawa. Anong gulat niya nang makita ang mga itim na marka sa mga kamay at braso ng asawa! Pagtingin niya sa isang sulok ng kuwarto, may kung anong itim na pigura ang naglaho mula doon. Pilit niyang iwinaksi ang anumang paranormal na bagay. Baka naman kasi nang naghalaman ang asawa’y naglagay ito ng mga uling sa mga bonsai na karaniwan nang ginagawa nito. At naisip niyang sa sobrang pagod ay hindi na nakapaglinis. Niyaya na niya itong kumain. Siya’y natulog maghapon at sa gabi’y muling aalis upang asikasuhin ang kanilang negosyo.

Si Asmodeus, isang demonyong malapit sa mga incubus ay nasa kanyang balwarte. Gaano nga ba siyang naliligayahang bihagin ang mga dalagang nagiging biktima ng panggagahasa? Gagamitin niya ang wangis ng mga ito upang ibulid sa Impiyerno hindi lamang ang mga humalay sa mga biktima, maging mga malalapit na kamag-anak o kakilala ng mga ito. Ang kanyang huling biktima ay ang kaluluwa ng dalagang ini-ugnay niya sa mannequin na pagmamay-ari mismo nito. Dangan kasi, ito ang nakakahigop ng negatibong enerhiya mula sa dalaga. Sa kan…