Matuling lumipas ang mga araw.
Sumapit na naman ang enrollment for second semester sa school namin.
Napagpasyahan kong kumuha ng kahit ilang subjects lang sa computer para kahit papaano may pagkaabalahan naman akong kakaiba.
Linggo ng tanghali..
Habang nagtatanghalian kaming mag anak.. Binuksan ko ang paksa tungkol sa pagbalik eskwela ko.
“Ahm .. Tay.. Nay.. Balak ko po sana mag enroll this coming second sem.. Kukuha lng ako ng kahit ilang units lang.. Para naman kahit papaano umuusad yung mga subjects ko.. Boring na rin kasi minsan dito.. Paulit ulit na lang..” panimula ko.
Natigil sa pagsubo si Itay.. Nagkatinginan sila ni Inay..
“Wala naman problema iho. Eh paano itong shop?.. Sayang naman ang kita pag di ka nagbukas kahit kalahating araw lang.. Alam mo namang kokonti lang ang computer shops dito sa lugar natin eh.. Tanungin mo muna sa Nanay mo..” sabi ni Itay..
“Eh ganun nga anak… Baka mapabayaan natin tong negosyo na binigay ng Ate mo.. Alam mo namang wala kaming alam dyan ng Tatay mo..Magbukas nga lang nyan eh nalilito na ako.. ” sabi naman ni Inay..
Napakamot ako ng ulo…
Problema nga ..
Maski ako nanghihinayang sa maaring kitain ng computer shop o di kaya ay di ko na masyadong maasikaso ang pagpapalakad nito..Pero boring na talaga dito..
“Ganun po ba?.. Sige po.. Hayaan nyo na.. ” tinuloy ko na lang ang kinakain ko na medyo masama ang loob dahil ngayon lang ako humiling at nabokya pa..
Nagkatinginan na lang ang magasawa..
Pagtapos ng tanghalian ay balik computer shop ako..
As usual ..
Maalinsangan na naman sa loob..
Sa susunod nga na tawag ni Ate ay hihilingin kong gawing aircon na ang shop para naman maginhawa na rin..
Wala pa rin akong customer..
Naiinip na naman ako kaya naisipan kong itxt si Dhea..
Wala ring reply kaya lalo lang itong nakadagdag ng bagot ko..
Sa mga ganitong pagkakataon ay talagang nakakamiss ang makulit na si Chichi..
Speaking of Chichi..
Nitong mga nakaraang araw ay talagang todo effort ang batang yun sa pagiwas sa akin..
Talagang nahihiwagaan na ako sa mga ikinikilos nya.. Napapaisip ako minsan kung ano ba ang nagawa kong mali sa kanya para layuan nya ako..
Hmm..
Nasa malalim akong pag mumuni muni ng makita ko si Chichi na naglalakad ng nakapayong sa labas..
May hawak itong isang litro ng Coke at dirediretsong naglalakad sa daan..
Bumalikwas ako sa pagkakaupo ko sa server at dali daling lumabas..
“PSsst!!.. Penge!..” sigaw ko..
Tumingin sa akin si Chichi at sumimangot lang..
Dirediretsong naglakad ito papunta sa gate nila..
Supalpal na naman ako..
Talagang nakakarami ng ang batang ito ah!..Lugo lugo akong nagbalik sa loob ng shop…
Lalong tumamlay ang araw ko sa malamig na pakikitungo sa akin ng batang yon..
Hayzz..
Nagbukas na lang ako ng internet at nanuod ng kung ano ano para malibang..
Lumipas ang ilang oras, isa isang dumating ang apat na poging…
Dirediretso itong nagbukas ng computer at nag asaran..
“Tangna.. Ako pa rin hitter.. Sino ba kalaban natin?..Taga san daw ba?..” bungad ni Romeo.
“Ewan ko nga eh.. Sabi ni Makmak taga kabila daw… mga taga kamagong daw..” sabi ni Aldrin..
“May kalaban kayo?..” tanong ko..
“Yeah..” sabi ni Darius..
“DOTA?.” muli kong tanong…
“Hinde Facebook.. 4v4 facebook…paramihan ng friends..” asar ni Rhoi sa akin..
Nagtawanan ang tatlo.. Tangna.. Sana matalo ang mga kumag na toh..
Maya maya, mas marami pang kabataan ang dumating ..
Halos mapuno na ang shop at di ko na makita ang mga naglalaro sa hinde..
“Oh toss coin na … ” sabi ni Darius sabay hagis ng piso..
“Heads..” sabi nung isang pangit na kalaban ata nila..
Maski ako napasilip kung anong lumabas sa piso..
Ibon ang lumabas..
Panalo sila sa toss coin.. Medyo alam ko na ang kalakaran ng ganito…
Sila ang mamimili ng kung saan sila..
“Rom panalo tayo sa toss coin.. Anu tayo?..” sabi ni Darius..
“Side kami.. Upo na para makauwi na rin kayo ng mabilisan …” sabi ni Romeo sabay tawa..
Tumahimik ang laro..
Seryoso na ang lahat.. Maraming tao sa kanya kanyang panig..
Maski ako nakikinood sa malapit na player sa tabi ko..
Di ko maintindihan kung sino na ang nakakalamang..Maya maya nagtayuan na ang lahat..Tapos na ata..
Bumalik agad ako sa pwesto ko..
“Oopsss.. Before anything else..Pay after play.. 15 pesos each…. ” sabi ko sa mga naglaro..
“Thank you for your donations guys.. Sa uulitin!..” sabi ni Romeo..
Nagtawanan ang apat na parang mga demonyo…
Napailing na lang ako..
Talagang malalakas mang asar ang apat na sira ulong to..
Nakita kong malulungkot ang mga dumayo..
Mukhang nanalo ang apat na kumag..
Maswesrte ba talaga sila o sadyang magagaling lang?..
Hmmm..
Unti unting naubos ang mga tao ..
Mukang lahat sila eh kampi sa mga dumayo..
Tatawa tawa ang apat at nagbibilang ng pera..
Nakita kong malaki laki din ang napanalunan nila..
Maya maya may pumasok na lalaki.. Nakahubadito at maitim.. Kilala ko na ito.. Mabait naman ito pero kung di mo talaga sya kilala.. Iisipin mong holdaper sya..
“Oy.. Nickson.. Bili ka daw miryenda.. ” sabi ni Rhoi..
“Yun.. Sakto pala ang datingan ko.. Akina pera..” sabi ni Nickson.
Inabot na nila ang pera..
Mabilis na kumilos si Nickson at mabilis ding nakabalik dala ang miryenda…
Hati hati kami sa napanalunan ng apat..
Hmm..
Buti na lang nanalo sila..
Ahaha..
Masaya kaming nagkwentuhan..
Gusto ko na rin matuto ng Dota..
Mukhang magandang business ito eh..
Haha..
Sumapit na ang dilim..
Alas otso y medya na ..
May apat pa akong customers..
Dalawang bakla., 1 matrona at isang payat na lalaki na nasa dulong computer..
Medyo duda ako sa isang ito..
Nakatagilid ang monitor nya at mukhang may kung anong pinapanuod..
Di ko inaalis ang tingin ko sa lalaking nasa dulo..
Baka mamaya may gawin itong di maganda..
Maya maya nakarinig ako ng tawag..
Lumingon ako sa labas at nakita ko sina Dhea at si Chichi na naghihilahan..
Mukhang papunta sila dito..
Nagtaka ako kaya napalabas ako at binalewala ko na ang lalaki..
Nakalapit na silang dalawa..
Agad akong hinalikan ni Dhea sa labi..
Masarap talaga ang labi ng mahal ko..
Napansin ko si Chichi na napaismid.
Talagang nagtataka ako sa kilos ng batang to..
“Musta mahal?.. Mukhang may problema na naman kayo ng kapatid mo ah?..” sabi ko sabay yakap kay Dhea..
“Eh eto kasing batang toh.. Sinabi ko na nga na wag na mahiya sayo kasi para ka na nyang kuya eh..” sabi ni Dhea..
“Oo nga naman Chi.. Anu ba kasi yon?..” sabi ko sabay lingon kay Dhea..
“Eh.. kasi itong batang to.. May program sila sa school.. May dadating na bisita ata at yung section nila ang nautusang mag accomodate.. Highest section kasi sila kaya sila talaga ang nakatoka pag may dumadating na bisita.. “. paliwanag ni Dhea..
“Oh eh anong problema?..” tanong ko.
“So yun nga.. Eh aalis kasi si Mom tomorrow. May Exams naman ako sa second subject ko..
Walang aattend ng meeting nya..
So kaya nga kami andito kasi papakiusapan sana kita na umattend on our behalf..
…