Lumipas ang mga araw…
Malapit na mag UNDAS..
Masaya naman kahit papaano ang buhay ko..
Pero boring na rin ang paulit ulit na routine.. Gusto ko sana mag-aral..
Pero may katwiran sila Inay na baka mapabayaan ko ang shop pag nagpumilit pa ako na pumasok…
Nuong pumapasok ako, halos hilahin ko ang mga araw para sumapit ang bakasyon at makatambay.. Pero ngayon naman na halos tambay lang ako, parang naglalaway naman ako na mag aral..
Parang ang gulo nga eh..
Inggit na rin ako minsan sa mga nakikita kong mga estudyante na dumadaan sa harap ng Computer Shop…Nakakamiss din pala yung mga oras na nagkukumahog kang mag bihis sa umaga dahil sa takot na mabulyawan ka ng prof mo sa pagiging late..Napapangiti na lang ako dahil late comer talaga ako..Naalala ko tuloy yung mga dati kong kaklase..
Malamang na graduate na rin sila..
Tsk..
Pati yung dati mga ex gf ko..
Hayz…
Nasa kasarapan ako ng pag mumuni muni ng bumaba sila Inay at Itay na nakapang lakad..
Isa pa tong mga to..
LAgi na lang umaalis.. Kaya lalong nagiging boring ang buhay ko lately..
“Oh iho..Aalis na muna kame… May pupuntahan lang kame ha?..Be a good boy..” sabi ni Itay sabay kindat..
“As Always Tay.. Good to-its..” sabi ko naman..
“May pagkain na para sa tanghalian sa kusina.. Kasya na siguro sayo hanggang hapunan yon..” sabi ni Inay
“Ha?.. Aabutin na naman kayo ng gabi?.. Hanep ah.. Mukhang napapadalas ang date nyo ah?.. Baka naman may kapatid na ako nyan pag uwi nyo?..” tatawa tawa kong sabi..
Umani ako ng isang malakas na batok kay Inay..
Tatawa tawa lang si Itay habang inabutan ako ng isang daang piso..
“Oh ayan.. Pang miryenda.. Wag kang mag da-drugs ha?..” biro ni Itay..
“Kulang to Tay kung sa Drugs.. Ahaha….” sakay ko kay Itay..
“Eh di mag rugby ka…Solved ka dun anak.. Yeah!” naki high five pa ako kay Itay..
Sinabunutan kami ni Inay na lalong ikinatawa naming dalawa..
Masaya silang nagpaalam na.. Maswerte talga ako sa pamilya ko..
MAbabait at masayahin ang mga magulang ko..
Mahal pa nila ang isat isa..
Pinagmamalaki ko talaga sila..
Nabalik ang tahimik na atmospera ng umalis na sila Inay…
Maaga pa naman para mananghalian..
Wala akong customer man lang kaya lalo kong nadama ang pagkabagot ko..
Mukang nagkakaisa ang mga tao na manatili na lang sa loob ng bahay dahil wala akong nakikitang nag lalakad man lang sa labas..
Mga asong ulol lang ang nakikita kong nag sisigawan sa labas..
Hays..
.
Nagbukas ang ng Facebook Account ko..
Medyo na excite ako ng makita kong may 2 akong unread messages..
Dali dali ko itong sinilip..
Nakita kong nag message si Ate..
Pinagmamalaki nya na may Facebook na sya..
“Para yan lang eh”.. sagot ko sa message nya..
Binuksan ko ang isang message..
Medyo curious ako sa isang ito dahil di ko matandaan ang name nya..
“Bhouxsh Chixckahzs.. Putangnang pangalan yan..JEJEMON!..” sa isip isip ko..
Nakakatawa talaga ang mga ganitong uri ng kabataan ngayon..
NApakagastos sa letra.. Pwede namang isulat sa simpleng paraan .. , bakit hahabaan pa?.. parehas din naman ang meaning?..
Tangna talaga..
Binasa ko pa rin ang message..
MEdyo nag taka ako dahil nangungumusta ito..
Napaisip ako at sinilip ang picture nya..
May itsura naman pero napakabata pa nito para maging isa sa kaibigan ko o kaya kababata…
Halos kaedad lang ito ni Chichi eh..
Nagreply ako sa message nya…
Tinanong ko kung sino sya at wag sana syang magagalit kung di ko mabasa ang name nya..
Pagtapos kong isend ang message ay nagisip kong maglaro na lang ng Tetris..
Maraming nahihilig sa larong ito kaya walang mawawala kung maging isa ako sa kanila..
Lumipas ang ilang oras at di ko namalayan na ala una na pala…
Gusto ko sanang tawanan ang sarili ko dahil yung larong kinaiinisan ko dahil pambata eh sya palang makapagpapatawid sa mga boring na oras ko..
Naisipan kong itigil na ang paglalaro kahit gusto ko pa.. Nagmumura na ang sikmura ko at wala na rin akong energy..
Di na ako makalaro..
Sinara ko ang shop at naghalungkat sa kusina..
Hmmm.. Ok din naman pala..
Adobong manok ang iniwan ni Inay..
Eksperto sya pagdating dito kaya alam kong champion ang lasa nito..
Naparami ang kain ko..
The best talaga ang adobo ni Inay..
Naghuhugas na ako ng makarinig ng kalabog sa pinto..
“Sandali!..” sabi ko at nagpunas na ako ng kamay..
Naulit pa ang nakakaasar na pagkatok kaya lalo akong nabwusit..
“Tangnang to.. ” bulong ko at marahas na binuksan ang pinto..
Ang nakangiting mukha ni Chichi ang nakita ko.. Nakaamba pa itong kakatakot sana pero nabuksan ko na ang pinto.. Kaya imbes na sa pinto ay sa noo ko nya ito kinatok..
“Tok tok.. ” maluwang ang ngiti ni Chichi..
Medyo nabawasan ang inis ko dahil si bunso pala ang nangungulit..
Hinuli ko ang kamay nya at kinagat ito..
Tatawa tawa sya habang hinihila ang kamay nya..
“Aahaha… Aray kuya..Haha.” bungisngis nya..
Sa gigil ko dinamba ko si Chichi at hinatak papasok..
Kiniliti ko sya at ang lakas ng hiyaw nya..
Wala akong customer kaya sya na lang ang ginawa kong libangan..
“Anung nakain mo at nangungulit ka na naman dito?.. Ate mo?..” tanong ko ng sumuko na sya..
Hinihingal si Chichi ng sumagot.. NAkanguso pa sya..
“Si Ate na naman.. Andun sa bahay.. May ginagawang assignment ata o nag rereview.. Babagsak din naman…Ahaha..” sabi nya..
“Buti pa ATe mo masipag mag aral.. Ikaw eto ka at nanggugulo sa tahimik na buhay ko..” komento at umupo ako sa server..
“Hoy!.. Kamo ako ang naging kulay ng buhay nyo ni Ate..” sumunod si Chichi at umupo sa tabi ko..
“Eh kung matulog ka ng lumaki ka pa?..” sabi ko
“Ngeekk… Ang init init eh.. Dito na lang kesa sa bahay.. Tahimik dun eh..
Di na ako sumagot .. Mabuti na rin at tumambay ang isang ito.. At least nagkaroon ako ng kausap..
Tumunog ang cellphone ko at hinablot ito ni Chichi..
“Aha..!.. Nagtataksil ka kay Ate.!..” sabi nya sabay basa ng text sa akin..
Nagsimangot sya at binalik ang phone..
“Oh baket?..” sabi ko at nagtaka ako dahil tumayo sya at mukhang umuwi pa..
Binasa ko ang text at galing pala kay Dhea ito..
Hinahanap si Chichi..
NAtawa ako sa reaksyon ni Chichi..
Nag bukas ulit ako ng facebook..
Tiningnan ko kung may energy na akong naipon sa tetris…
MEdyo nanlumo ako dahil konti pa lang ang naiipon..
Naisipan kong ipunin na lang ito at mamaya na gamitin..
Nagtingin tingin ulit ako ng pics ng mapansin ko na may message na naman ako..
Agad ko itong binasa at yung JEJEMON na namang name ang nag message sa akin..
JEJEMON: Hey its me..Sam..Samantha Chan..
Classmate mo dati..
ME: Oh.!.. Sam!.. musta ?.. bakit naman kasi ganyan name mo?..
JEJEMON: Im fine really.. Actually sa sister ko itong FB.. Have no FB kc kaya naki message lang ako..Musta ka na?.. Anu nga ulit number mo?..
ME: Okay na okay ako..
Sagot ko at binigay ko ang number ko sa kanya.. Agad nya akong tinawagan..
“Uy… Musta?..” tuwang sabi ko dahil si Sam ay isa sa mga naging fling ko sa sku…