Barely Legal

This is a work of fiction. Names, characters, places, brands and incidents are purely product of my imagination and used fictitiously. Any resemblence is entirely coincidental 🙂


PUPUNGAS- PUNGAS na dumulog ako sa maliit na bilugang dining table. “Good morning po, Inay.” Bati niya.

Tahimik na nagkakape si inay kasama si tiya. Nilagay ko sa bakanteng upuan ang aking shoulder bag.

“Milagro! Ang tagal mong nagising, anak,” nagtatakang puna ni inay. Nagkibit balikat lang ako saka humalik sa pisngi nito.

Lumingon si inay kay tiya Andrea. “Hindi naman siya ganitong oras gumising. Alas-singko pa lang ng umaga ay gising na ang pamangkin mo, Andrea.”

Si inay talaga napaka makwento. Iling iling na tumalikod ako at kumuha ng tasa. Magtitimpla ako ng paborito kong gatas.

“Baka naman dahil sa napagod lang si Red, Lydia. Disyembre na kasi ngayon kaya abala siya sa gawain sa school.” Dipensa ni tiya. “Balita ko’y president ng student body organization itong si Red.”

Oo, tama si tiya Andrea. Ako ang president ng student body sa paaralan na aking pinapasukan. Sa katunayan ay pangalawang termino ko na ito. Noong nasa third year highschool ako unang nahalal. Bukod sa pagiging president ay kandidata rin ako sa pagiging class valedictorian.

Napahinga ako nang malalim. Hindi dahil sa abala ako sa mga activities sa school kaya ako laging pagod at late nang nagigising. Ang totoo niyan ay may bumabagabag sa akin.

Paano ako nagigising nang ganoon kaaga? Nitong nakalipas na mga araw ay hindi na ako nakakatulog nang maayos. Tuwing pinipikit ko ang aking mga mata ay parang may humahaplos sa aking katawan at isang bulto ng isang malaking lalaki ang nabubungaran ko. Paulit ulit pa nitong sinasabi ang pangalan ko.

Red… Red.. Haist! Sumasakit na ang ulo ko. Parang mabibiyak!

“Mabuting bata talaga itong si Red, Lydia. Matalino, mabait at ubod ng ganda!” Papuri ni tiya.

Tahimik na umupo ako sa tabi ni Inay. Kung ano ano ang pinag-uusapan nila tungkol sa akin. Isa na roon ang kukunin kung kurso sa college.

“BS Education ang kukunin ni Red, Andrea. Hindi man ako naging guro noon ay gusto ko si Red ang susunod sa na udlot kong pangarap. Hindi ba anak?” Nakangiti si ina.

Matipid akong ngumiti. “Ahh..oo po.” Napatingin lang ako sa umuusok na gatas. Wala na akong choice. Sila inay kasi ang dapat masunod sila kasi yung magbabayad sa matrikula ko sa college.

Pero nakakalungkot lang talaga.

Sa totoo lang ay pangarap kong maging engineer. Gusto ko yung Civil engineering nagdedeals kasi sa design at construction. Sa pagkakaalam ko ay sila ang mga gumagawa ng roads, bridges, canals, dams, and buildings. Hindi naman problema sa akin ang subject na Mathematics kasi magaling ako doon. Hindi sa nagmamayabang ako ha? Pero gusto ko yung Math at gusto rin naman ako ng Math. Nagkaka unawaan kasi kami.

“At saan naman siya mag-eenroll? Walang Education na kurso sa Mahayahay College, Lydia. Sa Peñalosa meron ata.” Sabi ni tiya.

Nakayuko ako habang sumisimsim ng gatas. Peñalosa? Napakalayo nun. Mga lima o pitong oras siguro ang biyahe mula Mahayahay hanggang sa Peñalosa.

“Talaga? Naku paano yan!” Dismayadong wika ni inay.

Tumayo na ako kahit hindi pa ubos yung gatas. “Inay aalis na po ako.” Sinulyapan ko si tiya. “Tiya, paalam ho.” Paalam ko. Nagmano muna ako sa kanilang dalawa at humalik sa pisngi.

Kinuha ko ang aking shoulder bag.

“Teka, Red.” Tumayo si inay at lumapit siya sakin. Nagulat na lang ako nang bigyan ako ni inay ng one hundred pesos.

Pinanlakihan ko ng mata ang pera na nasa palad ko. “Para saan po, inay?”

“Dagdag baon mo Red at saka wag kanang maglakad patungo sa school. Sumakay ka ng tricycle para hindi ka ma late.” Paliwanag ni inay habang inaayos ang nagusot kong uniform.

Hay salamat at hindi na ako maglalakad ngayon. Mahahaba kasi ang lakaran at sigurado akong malalate sa school pag hindi sumakay ng tricycle.

Niyakap ko si inay at nagpasalamat dito.

“Ano pang hinihintay mo, anak? Umalis ka na Red at nang hindi ka malate sa pagpasok.” Pinisil ni inay ang baba ko.

Natatawang tumango ako at kumaway kay tiya at kay inay.

HAIST! Bakit ba ngayon pa umulan? Kung kailan pa nakalimutan kong dalhin ang payong! Hindi ako pwedeng sumugod at mabasa ng ulan kasi dala ko yung final reports namin sa physics. Maayos na itong naka bind at ready to pass na.

Sana naman tumila na ito kanina pa kasi ako nakatayo sa waiting shed ng school namin. Ang lamig lamig na.

Kukunti na rin ang estudyante na nag aabang. Hindi ko naman akalain na kakanselahin ang mga klase dahil sa bagyo. Kung alam ko lang na magkakaganito edi sa bahay na lang ako nagmukmok.

Patuloy ang malakas ba pag-ulan, may kasama pang kulog at kidlat saka hangin.

Humigpit ang hawak ko sa aking shoulder bag. Naman! Pauwiin mo muna ako bagyo.

“Red? Red ikaw nga iha.” Biglang huminto sa harapan ko ang isang tricycle.

Kumunot naman ang noo ko.

Natigilan ako. Teka- ito yung kapitbahay namin at driver nang sinakyan kong tricycle kanina. Si Manong Dikto!

“Iha, pinapasundo ka ng inay Lydia mo. Nag-alala na siya sa’yo.”

Si inay?

“Totoo po?” Naniniguradong tanong ko.

“Oo nga, hali ka na.”

Lalong lumakas ang ulan. Haist!

Kagat labing tumango ako, “S-Sige ho.”

Tumakbo ako patungo sa tricycle ni Manong Dikto, agad akong sumakay.

Napakapit ako sa upuan nang pinaharurot nito ang tricycle. Napalunok ako. Naisip kong hindi magandang ideya na sumakay ako. Kakaiba kasi ang kinikilos ni Manong Dikto.

Laging nakangisi.

Noon ko lang napansin na hindi nagpapasakay ng ibang estudyante si Manong Dikto. Nagtaka ako. Marami kasi ang kumakaway na pasahero pero hindi siya tumigil sa pagdrive.

Nagsimulang salakayin ng kaba ang dibdib ko, “M-Manong Dikto.. Saan po tayo pupunta? Eh hindi naman po ito ang daan pa uwi samin.” Base sa mga dinaraanang road signs at directional arrows ay nababatid kong papalayo na kami sa bayan ng Mahayahay.

“Ahh naghahanap tayo kasi ng ibang daan. Alam mo na, sa lakas ng ulan lubog na sa baha ang ilang daan dito sa Mahayahay.”

Tumango ako, kahit nalilito sa kinikilos nito.

Nilibang ko na lang ang aking sarili sa pagtanaw sa paligid. Pamilyar ang tinatahak namin. Nakarating na ako rito noong bata pa ako. Sa pagkaka alam ko’y patungo ito sa kabilang bayan ng AltaVista, ang bayan kung saan nakatira ang lola ko.

Ngunit bakit dito naisipan ni Manong Dikto na dumaan?

Napansin ko ang paghinto ng sasakyan. Nagtatakang binalingan ko si Manong na pumapadyak.

“Bakit po tayo tumigil?”