Tinawagan ang ina na kung pede na siyang sumunod sa Lucena, natuwa naman ito at agad na sinabi kung paano siya makakapunta. Kinausap muna ni Rom ang Lola Necy niya upang ibilin ang bahay pati na din ang motor na iiwanan na niya.
Hinintay niya din ang Kuya Arnold niya para pormal na magpaalam, inalok pa siya na kung gusto ay sa kanya nalang ibenta ang motor.
Natuwa naman siya dahil iniisip niya din kung paano nga ang motor at least kilala pa din niya ang nakabili. Nagkasundo sila na idedeposito nalang sa account niya ang bayad para hindi niya na kailangang dalin pa.
Kinabukasan ng umaga ay tumungo na siya papuntang Lucena. Nalulungkot man ay okay na din. Babalik pa naman siguro siya para ayusin ang credentials niya at pati na din ang kwartong tinitirhan.
Kinakabahan man sa bagong tatahakin ay pilit nilalabanan, kasama naman niya ang kanyang ina. Pag dating sa bus station ay ang ina lang niya ang sumundo. Hinahanap niya ang asawa nito pero wala.
Hindi magkandatuto ang ina sa pagyakap at pag halik sa kanya. Parang napakatagal nilang hindi nagkita. Sabagay mahigit isang lingo din ata yun at ito na ang pinakamahabang panahon na magkahiwalay sila.
Tinitingnan niya ang ina, parang may kakaiba pero hindi niya makita kung ano.
Pagdating sa bahay kung saan sila nakatira ay duon nasagot kung ano. Dinatnan niyang lasing ang asawa nito. Mukhang mali ang desisyon nito sumama muli sa lalaki.
Matiim niya itong tiningnan.
“Anak okay lang tayo dito, mabait ang Tito Mario mo, nagbago na siya.”
“Nay!”
“Anak makikita mo bukas iba na siya kaysa nung bago ako umalis sa poder niya.”
Isang malalim na hinga nalang ang isinagot sa pagtatanggol sa lalaki.
“Anak dito ka muna sa sala habang inaayos pa yung kwarto sa likod ha. Hindi kasi namin alam na agad ka din makakasunod kaya kanina ko lang pinasimulan.”
“Nay wag mo akong intindihin ayos lang ako. Sanay naman akong sa folding bed lang.”
“Basta magkakaroon ka ng sarili mong kwarto.”
“Okay nay basta ang mahalaga magkasama tayo.”
“I love you anak!”
“Love you too Nay!”
Pinakain lang siya ng nanay niya at saka siya pinagpahinga. Tinulungan na din niyang ipasok ang asawa nito sa kwarto para magamit niya ang sofa sa pagtulog.
Magkatulong din silang nag luto kaya ng magising si Mario ay maayos na.
“Oh dumating ka na pala, Mye maghain ka na nga at nagugutom nako.”
Hindi na nakuhang sumagot ni Rom dahil naupo na ito para kumain. Halos walang usapan ng kumakain sila, hindi na din siya pinansin ng asawa ng ina.
Matapos mag hapunan ay bumalik na ulit ito sa kwarto at hindi na lumabas. Silang mag ina naman ay nagligpit lang ng kusina at konting kwentuhan bago nagpahinga.
Matagal na siyang naka higa ay hindi pa din makatulog. Iniisip ang mga pangyayari sa buhay niya. Pinili niyang lumayo sa kaibigan dahil alam niyang hindi niya ito matutulungan. Pinilit nalang din niyang intindihin kung bakit nito nagawa sa kanya ang pagsamantalahan.
Sino nga ba si Caleb, oo kilala niya ito bilang matalik na kaibigan pero hindi niya kilala ang pagkatao nito. Walang pagkakataon na pinakinggan niya ito o di kaya ay kinumusta. Masyado ba siyang naging makasarili para hindi makita kung anong klaseng tao ang kaibigan.
Nasa ganun siyang estado ng mag ring ang telepono niya. Si Caleb ang tumatawag, hinayaan lang niya at hindi pa siya handang kausapin ito.
Ilang beses din itong nag missed call bago nakatanggap ng message.
Caleb: Tol Sorry sa nagawa ko.
Caleb: Alam kong hindi na maibabalik ng sorry ko ang tiwala mo. Pero sana tol bigyan mo ako ng chance na magpaliwanag.
Caleb: Wag namang ganito tol.
Rom: Pinatawad na kita, bigyan mo lang ako ng enough time para maintindihan.
Caleb: Okay tol, sorry ulit.
Caleb: Pede ba akong tumawag sayo?
Rom: Wag na muna ngayun.
Caleb: Okay Tol, salamat.
Ibinaba na niya ang cellphone at wala ng munang balak na sumagot sa ano mang message ni Caleb.
Maraming gumugulo sa isip ni Rom hindi lang ang kaibigan, pati nadin ang namatay ng guro at ang sitwasyon niya sa bagong lugar. Alam niyang mahihirapan siya lalo at wala siyang pagkakakitaan ngayun. Hindi din niya alam kung ano ang plano ng nanay niya sa pag aaral niya.
Kahit naman may support sa kanya si Tatay Greg ay kailangan pa din nilang gumawa ng paraan.Hinayaan nalang muna ni Rom ang sitwasyon at pinilit makatulog.
“Hoy bata gising!”
Parang kakatulog lang niya ay ginigising na agad siya. Pupungas pungas na naupo siya ng makitang ang asawa ng ina ang gumigising sa kanya.
“Good Morning po Tito.”
“Bumangon ka na, sisimulan na yung kwarto sa labas kaya tumulong ka. Hindi ka hari dito naintindihan mo?”
Kahit kailan naman ay hindi siya umastang hari, sanay siya sa hirap kaya hindi siya dapat pagsalitaan nito.
Tumayo na din siya at niligpit ang kumot pati ang unan na ginamit. Pumunta lang sa banyo para magbawas, maghilamos at toothbrush. Paglabas niya ng banyo ay nakatayo at naghihintay si Mario.
“Wag babagal bagal ang kilos.”
“Nag hilamos lang ako Tito.”
“Sasagot ka pa, sige na at ng matapos agad yun hindi yung dito ka sa loob nakakalat.”
Malalim na hinga nalang ang binitiwan niya, hindi niya inaasahan na ganito ang pag trato sa kanya ng lalaki. Sumunod nalang siya dito sa labas para makita ang sinasabing gagawin. Meron naman palang gumagawa na dalawang lalaki, pero kahit naman siya lang ay kaya naman niyang gawin ang kwarto. Sa bahay nila nga sa Cabanatuan siya lang ang gumagawa.
Nagsimula na siyang tumulong kung ano ang pede niyang gawin. Maliit lang ang kwarto pero sinesemento naman. Kahapon pa pala sinimulan kaya medyo malaki na ang nagawa. Parang partition lang dahil meron na dating bubong. Nilagyan ng hallowblocks saka pinto at bintana. Okay na din at may kisame naman so hindi ganun kainit.
Magtatanghali na ng makita niya ang ina, may suot na apron at may dalang basket.
Sinalubong niya ito at kinuha ang dala na medyo mabigat pala.
“Nay saan ba kayo galing?”
“Anak sa palengke, di ko pala nasabi sayo na may tindahan tayo ng baboy dun na siyang pinagkaabalahan ko. Hanggang ganitong oras lang naman ako dun.”
Pawisan ang ina kaya kinuha ang hinubad ng shirt kanina at ito ang ipinamunas.
“Okay ka lang ba Nay?”
“Okay lang ako anak, sige magluluto lang ako ng tanghalian para makakain na tayo.”
Iniwan na siya ng ina para magluto siya naman ay bumalik sa pag gawa sa kwarto niya. Isinabay na nilang kumain ang mga trabahador, halos tapos na nung hapon ang kwarto kaya naman sinabihan niya na wag nalang bumalik kinabukasan. Siya nalang ang tatapos ng konting naiwan.
Sabado ay isinama siya ng nanay niya sa palengke para bumili ng gamit sa kwarto tulad ng kama with foam, electricfan at saka isang durabox na lalagyan niya ng gamit.
Pagdating sa bahay ay magkatulong silang mag ina na nag-ayos.
“Nay okay lang ba kay Tito Mario na andito ako?”
“Ah oo naman, Bakit?”
“Wala naman Nay, naisip ko lang.”
“Basta anak pakisamahan mo nalang para maging maayos ang lahat. Pasasaan ba at magiging palagay ka din sa kanya.”
“Oks nay, basta pag nahihirapan ka ha balik nalang tayo sa Cabanatuan.”
“Anak yun palang allowance mo mula kay father Greg ipapadala na sayo personal ha. Kaya mag oopenna tayo ng account mo.”
“Nay okay lang naman kahit na sa inyo dumaan eh.”
“Basta anak. Ayokong mag isip si Father Greg ng iba lalo at may asawa na ulit ako.”
“Kayo ang bahala Nay. Duon ko nalang din ipapadeposit yung bayad ng motor ko.”
“Sige, magpahinga ka muna para mamaya pag nag hapunan tayo.”
Umalis na ang ina samantalang nahiga naman si Rom matapos mag ayos ng gamit. Kinabukasan Lingo ay maaga siyang gumising, sinabayan ang gising ng ina upang sumama sa palengke.
“Nay tutulong ako sa tindahan habang bakasyon.”
“Anak wag na, dito ka nalang kaya ko naman yung tindahan.”
“Naiinip din kasi ako dito kaya gusto kong sumama.”
“Naku ikaw talaga, naalala ko tuloy yung pag kuha natin ng kalakal anak, ganyang ganyan ka din.”
“So pano, nakagayak nako!”
Naghihintay napala sa kanila ang isang kargador nila na siya ding driver ng kolong kolong.
Naging simula ito ng bagong buhay ni Rom, tuwing umaga ay katulong siyang humahakot ng baboy naibebenta nila, minsan ay siya ang nagbubuhat ng dala ng mga parokyanong maraming binibili para sa mga canteen or restaurants.
Naging kapansin pansin din ang biglang pag dami ng namimili sa kanila lalo mga babae at bading.
Natuwa naman ang Nanay niya dahil minsan ay nakikipag kulitan sa mga parokyano.
“Hoy Tonyo baka naman tumaas ang cholesterol mo nyan at araw araw kang baboy ang ulam.”
Minsan ay biro ni Mye sa isang bading na halos araw araw bumibili sa kanila kahit minsan ay 1/4 lang na giniling.
“Mommy its Tonnete not Tonyo okay.”
“Hala kailan pa nagbago ang pangalan mo?”
“Kahapon lang at mababago ulit pag pinakasalan na ako ng ni Baby Rom ko.”
Natawa ang mga nakikinig sa sagot ng bading sabay ba naman kasing pisil sa pisngi ng binata
“Hoy Tonyo mag tigil ka nga at baka mamaya ay ipagbawal ko ang pag pasok mo sa palengkeng ito ha!”
Marami pang ganun na senaryo sa tindahan nila, sabi nga ng iba paano daw nagkaanak si Mylene ng ganung ka guawapo samantalang simple lang siya at malayo din ang itsura kay Mario.
Lingid sa kanila ay nandun lang pala sa paligid si Mario, nagpupuyos dahil sa nakikita. Para tuloy bumalik sa kanya ang panahon kung saan ay iniputan siya ng asawa sa ulo.
Nagkaroon na din siya ng mga kaibigan sa Lucena mga ka age niya na madalas na nakakasama sabasketball at minsan sa pag gimik.
Isa sa pinaka malapit na kaibigan niya ay si Sam, madalas niya itong nakakasama sa basketball. Ito rin ang naging dahilan para mapalapit sa mga kapatid nitong babae. Si Lhynne at Thine.
Hindi rin nakaligtas sa paningin…