Batang P. O. 3- Live Show (2)

Limang taon na ito at nasa kinder, minsang sinundo niya ay nagulat pa siya dahil hindi na nito suot ang uniporme sa halip ay naka sando at shorts nalang.

“Anak bat ganyan ang suot mo?”

Tahimik lang ito, hindi kumikibo.

“Anak may problema ba sa school?”

“Kasi po sabi nila ang Nanay ko daw ay basurera, niloloko nila ako kahapon pa kasi daw nakita nila kayo dun sa isang kanto na nagkakalkal ng basura,” mahabang sagot sa kanya.

Nalungkot siya sa sinabi ng anak, siguro ay ikinahihiya siya kaya nagpalit ng damit.

“Ano ang sagot mo anak?”

“Sabi ko, basurero din ako kaya ngayon sasamahan kita para hindi ako mag mukhang sinungaling. Tara na Nay! Hanap na tayo ng basura dali.”

Niyakap niya ng mahigpit ang anak sa ginawa. Akala niya ay ikakahiya siya nito, hindi pala.

“Anak sigurado ka ba? Baka tawanan ka ng mga classmates mo?”

“Siguradong sigurado nay!” binuksan ang bag at inilabas ang isang cap na saka siya ulit hinalikan.

Ito na ata ang isa sa pinakamasayang pangangalakal niya, nila pala.

Nakasakay ang anak habang kumakanta kanta. Minsan ay papalit sa kanya kahit na saglit lang sa pagpedal.

Isang beses ay may nadaan silang maliit na tindahan. Huminto sila sandali ng tumakbo si Rom para katukin ang tindahan. Isang bading pala ang tindero. Medyo masungit pa ito dahil naaba ata sa ginagawa pero ng makita si Rom ay biglang ngumiti at nag pa cute.

“Miss beautiful baka may mga bote ka diyan na basyo bigay mo nalang sakin please.” kitang kita niyang pag papacute ng anak sa bakla.

Nilapitan naman niya at humingi ng paumanhin.

“Pasensya ka na ha, nagbakasakali lang siguro ang anak ko.”

“Naku okay lang po, ang cute cute ng anak nyo. Pede ko po ba siyang hintayin pag laki ako namagpaparal sa kanya,” biro ng bading.

“Bote nga di maibigay pampaaral pa kaya?” pabulong na sabi ng anak.

“Ano yon baby boy?”

“Wala sabi ko baka me mga bote at kahon ka sa akin nalang.”

“Kala ko kung ano he, sige bibigay ko basta pa kiss.”

“Okay kiss lang pala eh!”

“Anak, wag na pate. Aalis na kami, salamat nalang!”

“Naku nay biro lang naman, ang bata bata pa nito baka ma kulong ako hihihi. Pag laki mo nalang ha. Me utang ka sakin!”

Inilabas na ng bakla ang napakaraming basyo ng bote at karton. Halos mapuno na ang biskleta nila kaya ilang lugar nalang ang dinaanan at umuwi na.

Medyo malaki ang kinita nila kaya naisipan niyang dumaan sa isang fastfood na matagal ng gustong kainan ni Rom. Minsan na kasi itong nakakain ng imbitahan sila ng anak ni Nanay Nesy ang nag birthday ang apo.

Kahit na marusing ang anak ay kakikitaan pa din ng kakaibang ka guwapuhan at karisma. Gusto sana nitong mag laro sa palaruan ng mga bata kaya lang ay mukhang hindi siya papayagan.

“Anak gusto mo bang mag laro duon?” matapos kumain ay tanong niya dito.

“Opo Nay.”

“Sige sandali lang ha, itatanong ko kung puwede ka.”

Iniwan niya ang anak. Noon naman nakita ni Rom na may nag aaway na bata. Itinulak ng isang lalaki ang isang payat na bata. Ayaw niya na may nakikitang inaapi kaya tumayo siya at inawat. Sa pag awat ay naitulak ang batang lalaki samantalang itinayo ang batang payat.

Nasaktan siguro ang batang lalaki kaya umiiyak na tumakbo ito. Pagbalik ay kasama ang isang lalake na mukhang tatay nito.

“It’s him!”

Itinuro siya ng lalaki, kita sa itsura nito na mayaman pati ang kasama ay maganda din ang suot samantalang siya ay naka tsinelas lang at luma pa ang suot.

Matagal na natigilan ang lalake, nakatitig sa maamong mukha niya.

Hindi makapaniwala sa nakikita, alam niya kung sino ang kamukha nito. Nag kaanak naba si Nathan pero Bakit gusgusin ata ang bata.

“Rom, ano ba ang ginawa mo anak?”

“Wala po nay, kasi po itong isang bata itinulak yung payat na bata para makapag duyan siya.”

“Sir, pasensya na po kayo, mabait na bata po itong anak ko.”

“Matteo is it true?”

“Papa, I didn’t pushed him. He pushed me first!”

Nakita nila na tumakbo na ang payat na batang lalaki mukhang may pagka pilyo talaga.

“Pasensya na po talaga, kakausapin ko nalang ang anak ko. Anak mag sorry ka na sige na.”

“Sorry” nakayukong sabi ni Rom.

“O Matteo nag sorry na siya sayo, what would you say son?”

” I forgive you!”

“Sige po sir aalis na kami, anak halika na yung bisekleta natin baka mawala.”

Tumalikod na ang mga ito at dumiretso sa bisekletang gamit. Inakap pa ng babae ang anak saka hinalikan sa noo.

Hindi niya pinagalitan ang bata dahil alam niyang hindi ito gagawa ng isang bagay na mali. Siguro nga ay nakita lang na may naaragabyado kaya tumulong.

Tahimik lang si Rom nakaupo sa loob ng sidecar, malungkot.

“Anak bakit malungkot ka ata? Iniisip mo pa din ba yung kanina?”

“Opo, pero hindi yung sa mga bata. Iniisip ko lang bakit sila may tatay ako wala, bakit sila may magagandang damit ako wala.”

Naawa sa anak, alam niyang siya ang may mali pero hindi niya kailanman pagsisihan na ipinag buntis ang bata.

“Anak, wag ka nang malungkot ha. Isipin mo nalang na gift ka sa akin ni Lord. Kasi kung wala ka mag-isa lang si nanay, walang magpapasaya. Walang magbibigay ng tubig pag dumating sa bahay, walang magpupunas ng pawis at walang kakanta sakin diba.”

Dahil sa sinabi ay nakita niyang nagliwanag ang mukah ng aanak.

“Basta anak mag aral kang mabuti para pag me trabaho ka na lagi na tayong kakain sa magagandang kainan. Bibili na tayo ng magagandang damit mo.”

Sakto malapit na sila sa bahay kaya nakipag palit ito sa kanya sa pag pedal.

Natigilan si Rom ng sunod sunod na umubo ang nanay niya.

Dinukwang niya ang tubig at inaabot sa ina.

“Nay madalas kang ubuhin? Bili tayo ng gamut mo mamaya.”

“Naku anak wala ito, nasasamid lang ako.”

Hinagod hagod pa nito ang likod ng ina.

Nakita pa nila si Aling Necy na nasa harap ng tindahan. Huminto sila para mag mano si Rom.

Hindi na din sila nagtagal at kailangan pa niyang i-review si Rom sa mga lessons nito.

Naging regular na kasama na ni Mylene si Rom, nakita ng bata kung gaano kahirap ang ginagawa ng ina.

Dalawang taon na din nila ginagawa, nasa grade 1 na kaya hindi na niya nasasamahan ang ina sa pagkalalakal.

Napansin din niya na malaki ang ipinayat ng Nanay. Mas madalas na din itong inuubo, pinipilit niyang mag patingin sa health center pero lagi itong tumatanggi.

Isang sabado ng umaga ng hindi nakabangon ang ina, nang lapitan ay inaapoy ito ng lagnat at saka dinadalahit ng ubo.

Mabilis na kumuha siya ng tubig, tumakbo papunta sa tindahan ng lola Necy niya at bumili ng gamot pati na rin ng instant mami na nilalagyan lang ng tubig na mainit na hiningi na din sa matanda.

Pabalik ay pinakain ang ina saka pinainom ng gamut. Sinabihan na wag na munang tumayo at mag pahinga. Dahil kinakailangang maghanap ng kalakal kaya iniwan muna ang ina at nangakong babalik bago mananghali. Nag ikot lang si Rom hangang umabot sa gawing palengke.

Paliko na siya sa isang eskinita ng may narinig siya boses.

“Maawa na kayo, wag!”

Napalingon siya at nakita ang tatlong bata na nakapaikot sa isang bata din. Nagtatawanan pa habang ang isa ay sumisipa.

Ang pinaka ayaw niya ay yung may binubully kaya mabilis na ibinalik ang biskleta.

“Hoy tigilan nyo na yan, nag iisa tatlo kayo!”

Sabay sabay na lumingon sa kanya ang mga nang bubully.

“Bakit ikaw kakasa ka ba?” yung pinaka malaki na palagay niya ay lider ng grupo.

Medyo natakot siya dahil mas malalaki ito sa kanya. Buti nalang at ang isa sa mga anak ni Lola Necy ay Boxing trainor kaya natuturuan siya minsan isang lingo kapalit ng paglilinis ng kotse nito, me bayad pa siya.

Bumaba na siya sa bisekleta, lumapit sa tatlo na hamak na mas malaki kaysa sa kanya.

“Ang tapang mo e bubwit ka pa!”

Hahawakan sana siya sa ulo ng hilahin niya ang kamay at pinalipit sa likod. Isang malakas na tadyak ang ibinigay sa likod kaya subsob sa gilid ng kalsada.

Sumugod ang dalawang kasama nito na mabilis naman niyang sinalubong ng sapak sa punong tainga at tadyak sa tiyan. Ilang palitan pa ng suntok bago nagtakbuhan ang mga batang bully palayo.

Itinayo ang batang pinagtulungan.

“Okay ka lang ba?”

Nakatingin lang sa kanyang ang batang tsinito, maputi at halatang may lahing Chinese. Payat lang kaya siguro pinagtulungan.

Guwapo din ang bata, mukha nga lang lampa.

“Rom pala, saan ka nakatira hahatid na kita. Baka balikan ka pa nung mga gagong yun.”

“I’m Caleb, thank you pala,” mahinang bigkas ng lalaki.

“Wala yun, next time lumaban ka kasi pag hindi ka lumaban lagi ka nilang I bubully.”

Sumakay na si Rom sa bisekleta pero nakatayo lang si Caleb.