Batang P. O. 3: Live Show (20)

Nabuo ang planong iwan na ang Lucena, ay makipag sapalaran sa Maynila. Ayaw na din niya bumalik sa Cabanatuan at alam niyang hindi na din siya matatahimik dito sa dami ng pangyayari.

Bumangon siya at inayos ang lahat ng maari niyang dalin, dala ang perang nakuha kay Ariel at ang pinagbentahan ng motor pati na din ang naipon niya sa allowance na ibinibigay ni Lolo Greg. Hindi man sigurado kung hanggang saan ito aabot ay isusugal na niya.

Bago magising ang ina ay nakaalis na. Binali ang sim card ng cellphone at binura lahat ng contact para hindi na siya matuksong sumagot o tumawag.

Maliwanag na ng makarating sa Maynila, kumain lang siya ng breakfast sa isang fastfood bago naghanap ng kwarto na pwedeng upahan. Nakarating siya sa Sampalok, may isang bahay na ginawang paupahan. Walong kwarto lahat samantalang pagpasok mo naman ay parlor ng isang bading na duon din nakatira.

Anim na kwarto ang may umu-upa samantalang ang dalawa sa dulo ay bakante pero open for transient daw or short-time. Hindi na niya pinakialaman.

Maganda ang bahay, mura pa kaya kinuha na niya ang isang maliit na kuwarto. May single bed, isang cabinet, maliit na lamesa at isang upuan. Kailangan lang niyang bumili ng unan, bedsheet at kumot. Ibinaba lang ang gamit at pumuta na sa Isetan.

Namili lang ng lahat ng kailangan at bumalik na sa inuupahan. Tiningnan din kung okay na ang credentials niya para maka enroll for college. Criminology ang kukunin niya dahil gusto niyang maging pulis. Yung iba ay babalikan nalang niya dahil alam niyang kailangan.

Alam niyang hahanapin siya ng ina, pero sa gulo ng isip at buhay niya sa ngayun ay ayaw na muna niyang madamay ang Nanay niya. Maging kay Lolo Greg ay hindi na din niya ipinaalam, kung puputulin nito ang sustento sa pag aaral niya ay ayus lang. Hahanap siya ng paraan para mabuhay.

Hiniling nalang niya wag itigil ni Lolo Greg ang support para hindi siya masyadong magipit.

Buti nalang ang nakahabol pa siya sa isang kilalang eskwelahan kahit medyo late na siya. Isinunod nalang niya ang paghahanap muna ng part time job na agad namang napasok sa isang kilalang malaking fast food chain.

Pasok sa umaga at duty naman sa gabi. Sanay naman na siya sa ganitong buhay kahit nung nasa Cabanatuan pa siya, yun nga lang masyadong mabilis ang takbo ng buhay sa Maynila.

Mag iisang buwan na siya nang napansin niya na parang hindi lang trancient o upahan ang dalawang kwarto sa dulo. Madalas kasi ay hindi lang dalawa ang taong napapansin niyang pumapasok. Karaniwa ay grupo na ibat iba, maliban isa isang babae at lalaki na tingin din niya ay umuupa sa bahay.

Isang hapon na off niya sa trabaho, maulan din kaya bumili nalang siya ng mainit na sabaw para i-uwi sabahay. Iniwan nalang muna ang pagkain sa common kitchen saka umakyat para magbihis. Balak sana niyang sa mess hall ng upahan kumain.

Nagsisimula palang siyang kumain ng pumasok sa kusina ang babaeng madalas na pumapasok sa dulong kwarto. Inexpect na kasama ang lalaki ngunit wala.

“Hi!”

“Ah Hi!”

“Bago ka dito?”

“Oo, almost one month palang.”

“Ahh, matagal na din pala. Bakit ngayun lang kita nakita?”

“Working student, aral sa umaga tapos trabaho sa gabi.”

“Wow ang sipag naman.”

“Kailangan eh.”

“Claire nga pala.”

“Rom.” Saka niya inabot ang kamay ng babae.

“Saan ang School mo?”

“UE.”

“Pareho tayo. HRM ako.”

“Criminology.”

“Wow future Criminal hihihi.”

“Grabe ka. Kain.”

“Hmmm. Bibili palang ako eh.”

“Madami naman to, if di ka maselan.”

“Hihih, di naman.”

Tumayo na si Rom at kumuha ng plato at kutsara.

“Kaya lang di ko nagamitan ng serving spoon.”

“Hmmm okay lang cute ka naman eh.”

“Bolera.”

Lihim naman niyang tinitigan ang babae. Tingin niya ay matanda ito ng ilang taon sa kanya, pero mukha itong manyika. Ang ganda ng mata, ng ilong at ng labi. Pansin din niya ang malaking hinaharap nito base sa suot na sleevless na pang-itaas.

“Ikaw nakikita na kita dati pa, kasama mo yung guy.”

“Ah si Paul, X ko. Umuwi na ng probinsya. Ayaw na daw dito sa Maynila.”

“Bakit naman, hindi ba siya nag aaral?”

“Hindi, nag tratrabaho kaya lang ayaw na din.”

“Ahhh.”

“Ilang taon ka na Rom?”…