Batang P. O. 3: Live Show (30)

Pagpasok ni Rom sa boarding house ay bahagyang nalungkot, masyado palang mababa ang tingin sa kanya ni Lyka. Sabagay ano ba talaga siya? Simula palang ay bayaran na ang tingin nito sa kanya.

Pagod siya sa biyahe, pero nakadagdag ang paghihiwalay nila ni Lyka. Inihiga ang pagal na katawan sa kama at hinayaang ipahinga ang isipan.

Ilang oras din siyang nakatulog, pag bangon ay saka lang niya naisip na i-charge ang cellphone. Sunodsunod ang message na narecive niya buhat kay Lyka.

Lyka: Pwede ba tayong mag usap?’

Lyka:Pasensya ka na, sobrang guilty ako.

Lyka: wag ka namang magalit sakin please.

Lyka: Rom please.

Lyka: Sorry na please.

Lyka: Grabe ka naman, hindi ako makakatulog.

Rom: Sige, saan?

Lyka: Sunduin kita, dala ka ng damit.

Rom: wag na huhubarin mo lang din naman.

Lyka: Bati na tayo?

Rom: Depende sa performance mo.

Lyka: Sige try ko.

Nagdala na siya ng damit at mukhang hindi siya papauwiin ng babae. Tingin din naman niya ay wala pa si Claire.

Bago mag 10pm ay dumating na ang sundo, akala niya ay sa isang hotel sila pupunta kaya nagulat pa dahil pumasok ang sasakyan sa isang kilala village na mostly ay mayayaman lang talaga ang nakatira. Tumapat sa isang malaking gate at automatic na bumukas ang gate.

“Bahay nyo?”

“Yeah.”

Gusto pa sana niyang mag comment pero pinigil nalang ang sarili, parang nanliit siya at lalong namagnify kung paano siya gustong bayaran ng babae kanina.

Tahimik lang siya hanggang makababa, ang bibit na bag ay kinuha ng isang katulong.

“Are you hungry?”

“Last kain ko yung sa eroplano.”

“Sige papa prepare lang ako.”

Tinawag ang isang sa mga katulong at sinabing mag prepare ng food at dalin sa garden.

“Kala ko okay na tayo, bakit ang tahimik mo?”

“Pagod lang.”

“Masyado ba kitang pinagod?”

Iiling-iling lang siya.

“Masakit pala kahit totoo.”

“What do you mean?”

“Tayo, kahit pala hindi yun ang intensyo ko dahil bayaran ako yun pa din ang lalabas.”

“Sorry if I offended you.”

“No, okay lang. Yun naman ang totoo eh. Tanggap ko na.”

“Iba ka Rom, iba dahil ikaw lang ang nakapagbigay ng ganitong pakiramdam sakin.”

“Bakit ilan na ba kami?”

“You don’t understand.”

“Sabagay mahirap talagang maintindihan ang paraan nyong mayayaman. Yo can get the man you want at anytime, any cost.”

“Maniniwala ka ba na ikaw lang since my college days?”

Tinitigan lang siya ng binata, kumikibot kibot ang labi na parang may gustong sabihin.

“I never had sex for more than 20 years Rom.”

Para ipakita ang pagtitiwala sa binata ay sinimulan nitong ikwento ang naranasan, iniwasan lang ang nangyari kay Rizelle. Kung paanong dahil sa experience ay natakot nang magmahal at nawalan ng ganasa sex.

“Bakit sakin? Bakit ako?”

“Hindi ko din alam, basta ang alam ko ay you waken my desires for sex.”

“It is not my choice to be a sex performer.”

Ito naman ang paliwanag kung bakit siya napasok sa live show kasama si Claire, kung paanong inoffer na maging partner nito.

“You love her?”

“I guess, hindi ko isasakripisyo ito kung hindi siguro. Ewan naguguluhan din ako.”

“Bakit?”

“Dahil satin.”

“Ano ba ang meron tayo?”

“Nakakatawa dahil hindi ko din alam.”

“Ano kayo ni Claire?”

“Sa ngayun ang alam ko lang ay mahalaga siya sakin. Yung pagmamahal siguro kailangan kong isipin mabuti.”

“Complicated.”

Nang dumating ang pagkain ay magana pa din silang kumain, pero halatang nagkakailangan. After dinner ay umakyat sila sa kwarto kasunod naman ang wine habang nagpapatunaw sila ng kinain.

Hindi niya alam kung paanong kikilos, ano ang step na gagawin para bumalik sila sa dati. Nauna siyang naligo inexpect niya na susunod ito sa kanya pero natapos na siya at lahat ay wala pa din ang binata. Paglabas niya ay nanonood ito ng TV.

“Yo can use the bathroom.”

Tumayo naman si Rom at tinungo ang toilet. Nalilito tuloy siya kung ano ang dapat gawin. After 15 minutes ay bumakas ang pinto.

“Can I borrow a towel?”

“It’s in the rack. Wait I will get it for you.”

Dahil nasa loob din ng bathroom ang rack kaya ang hubad na katawan ng lalaki ay bumungad sa kanya. Ilang beses na niya itong nakita pero parang laging una dahil sa paghanga.

Parang wala lang naman sa lalaki habang nakatayo at hinihintay na iabot niya ang tuwalya.

“Salamat!”

Nakaharap sa kanya at titig na titig habang pinupunasan ang katawan, gusto niyang gawin dito ang pagpunas pero nahiya siya.

Tumalikod nalang din siya at hinayaan ang binata. Naka tapis naman na ito ng lumabas at kumuha ng boxer shorts at sando. Muli itong bumalik sa panonood ng TV at balak ata siyang ignorahin. Kaya tumabi siya dito ay humilig sa balikat.

“Akala ko ba okay na tayo?”

“Sabi ko depende.”

“Depende saan?”

“Sa performance mo.”

“You mean?”

“Paligayahin mo ako.”