Pasukan ng grade eleven, maingay ang lahat dahil first day ng class. Biglang tumahimik ng pumasok ang isa sa mga teachers nila, ito pala ang magiging adviser ng section . May kasama itong maputing lalaki na parang nakita na niya pero hindi matandaan kung saan. Medyo nerd tingnan dahil sa eye glasses pero guwapo, actually mukhang babae.
“Good morning class we have transferee and he will be in your class. Rom can you assist him to get along with the rest of your classmates.”
Diretsong sabi nito sa kanya dahil siya ang president last year ng class at inexpect na siya pa din ang president ngayon.
“Marvin lipat ka nalang dun sa tabi ni Nomer, dito na natin paupuin yung bagong transfer.”
Sumunod naman ang kinausap ng walang reklamo.
“Bro ano ang pangalan mo?”
“Caleb bro,” saka yumuko.
Biglang tingin naman si Rom ng marinig ang pangalang binanggit. Hinawakan sa baba at saka inalis ang salaming suot.
“Bro ikaw ba yun? Caleb na may ari ng sari-sari store sa may burgos?”
“Yeah” nahihiya pang sagot pero may ngiti na.
“Grabe ka bro! Hindi kita nakilala ah!”
Tumayo pa si Rom para yakapin ang bagong ka klase.
“Bro kumusta? Dito ka na ulit?” masayang masaya si Rom sa pagkikita ng dating kakilala.
“Oo, mag settle na din kasi sila Mommy at Daddy kaya nag transfer nako.”
“Ayus!”
Dahil wala pang teacher nila ay ipinakilala na ni Rom si Caleb sa mga classmates.
Buhat din ng araw na yun ay naging magkadikit na sila. Laging magkasama maging sa uwian ay sabay lumalabas ng school. Isinasabay sana ni Caleb si Rom lagi lang itong tumatangi at medyo magkalayo ang bahay. Sa Aduas siya samantalang sa Burgos naman si Caleb.
Puwede naman sana ay hindi naman ganun kalayo kung iikot ang service ni Caleb kaya lang ay nahihiya siya lalo na at squatter lang ang bahay nila. Saka nilalakad lang kasi niya kahit noon pa. Yung ibinibigay na allowance sa kanya ni Lolo Greg ay itinatabi nalang para pang emergency.
Ang Nanay naman niya ay sa bahay nalang din ay tumatanggap ng labahin, me sobra naman lagi sa support ni Lolo Greg kaya hindi na sila masyadong nahihirapan.
Sa gabi naman ay kinuha siya ni Kuya Arnold na mag assist sa pag tuturo ng Taekwonda bale MWF kaya okay na din. Me extra silang pera para sa mga bayarin sa school at hindi na nanghihingi pa sa sponsor.
Buhat din ng magkasakit ang nanay niya ay may maintenance na kaya gumagawa talaga siya ng paraan para kumita.
Minsan napapagod din pero pag nakikita ang ina ay nawawala na. Binabawi nalang niya sa lakas kumain at matulog talaga pag may time.
Friday nag sabi ang Kuya Arnold niya na walang training kaya maaga siyang makakauwi, yun nga lang wala din siyang kita.
Nag aayos na sila ng gamit ni Caleb ng tanungin siya ng kaibigan.
“Bro me pupuntahan ka ba ngayun?”
“Wala naman, na cancel kasi training naming ni Kuya Arnold kaya uwi na din makapag pahinga.”
“Sama ka samin, birthday kasi ni Papa me konting handaan.”
Since wala naman din siyang gagawin kaya sumama na din sa kaibigan. Hinintay lang nila ang sundo ni Caleb.
Nagulat pa si Rom ng makitang puro trabahante ang bisita, mga driver daw sa mga truck nila at saka ilang kaibigan siguro.
Maraming handa, masaya ang mga bisita. Hindi iyon ang inexpect niya, alam kasi niya na mayaman ang pamilya ni Caleb kaya akala niya ay mayayaman din ang bisita.
“Papa si Rom classmate ko, siya din yung kwento ko dati na kaibgan ko before tayo mag transfer sa Manila.”
“Yeah, I remember that. Sige kumain na kayo at baka gutom na ang kasama mo.”
Hinila na siya ni Caleb sa isang buffet na puno ng pagkain, parang nalula si Rom sa nakitang pagkain. Ang huling kain niya ay yung kaunting tanghalian, medyo tinipid niya ang baon dahil bawas nga ang kita this week.
Ang tiyan ata ay may sarili ding isip dahil na makita ang pagkain ay biglang tumunog, napatingin naman si Caleb sa kanya. Si Rom naman ay tumingin sa likod na kunwari ay hinahanap ang pinanggalingan ng tunog.
“Kain na tayo, mukhang me nag rerklamo na hahaha!”
Napakamot nalang ng ulo si Rom.
Nahihiya man ay sinamantala na para kumuha ng maraming pagkain, ng tiningnan niya si Caleb ay kakaunti lang ang laman ng plato kaya napatigil siya.
Nang mahalata naman ni Caleb na natigilan ang kaibigan ay mabilis na nilagyan ng iba pang pagkain ang plato.
Humanap ng bakanteng table at kumain.
“Bro pasensya ka na ha, gutom talaga ako eh. Konti lang kasi lunch ko kanina.” saka iniinom ang juice nadala ng waiter.
“Okay lang, marami pang food.”
Diretso lang sila sa pagkain, maya maya ay may lumapit na nag dalang cakes, salad at ilang sweets.
Napansin ni Rom na parang hindi nagalaw ni Caleb ang pagkain.
“Bro hindi ka ata nakakain?”
“Totoo kasi bro mahina talaga akong kumain, saka busog pako.”
“Ganun ba, sayang naman ang pagkain na kinuha mo.”
“Gusto mo ba?”
“Kung di mo na kakainin pede ko ba pa take out, uwi ko nalang sa nanay?”
“Sige, mamaya papabalot ko para mauwi mo.”
“Salamat!”
“Let’s go sa room ko, padala ko nalang itong mga ito.”
Tumayo na sila, iniwan saglit si Rom para kausapin ang isa sa mga waiters at nagbibigay ng instruction.
Maya maya pa ay umakyat na nga sila sa kwarto ni Caleb. Parang gustong mainggit ni Rom ng makitang kumpleto sa gamit ang kaklase. Me sariling TV pa sa loob.
“Bro upo ka muna, may kukunin lang ako.”
Manghang mangha pa din si Rom sa kwarto ni Caleb, pati ang kama parang ang sarap higaan.
Pagbalik ay may dalang isang paper bag, inabot sa kanya.
“Ano to bro?”
“Galing kasi sila Mama sa Hongkong last week, pasalubong sana magustuhan mo.”
Tuwang tuwa naman na binuksan ni Rom ang paper bag at nagulat dahil sa dami ng laman. Shirts, pants, may isang nike shoes at saka isang box na hindi niya alam kung ano.
“Bro ang dami naman nito?”
“Ayus lang para sayo talaga yan, buksan mo yung box dali.”
Mabilis na binuksan ang box. Isang G-shock na dark blue and red. Nanlaki ang mata sa tuwa.
“Look oh, were almost the same. Isuot mo na dali,” excited na utos ni Caleb.
Sinunod naman ni Rom ang sinabi ni Caleb.
Yumuko si Caleb at may kinuha sa ilalim ng kama na malaking kahon. Binuksan at inilabas ang isang bagong-bagong gitara.
“Ito ang paborito kong pasalubong nila hehehe. This is my baby.”
Nagsimulang kalabitin ang bawat kwerdas saka sinimulang tugtugin ang ‘More than Words’
“Bro magaling ka palang mag gitara, gusto ko din matuto nyan.”
“Konti pa lang ang alam ko, nag start pa lang din sa guitar lessons.”
“Ganun ba, pag magaling ka na ako naman ang turuan mo hehehe.”
“Sige ba.”
“Para fair, turuan naman kita ng Taekwondo hehehe.”
“Sige, ayus yan! Para di nako ma bully hahaha!”
“More than words is all you have to do to make it real, then you wouldn’t have to say that you love me ‘Cause I’d already know. What would you do if my heart was torn in two…”
Biglang tumigil si Caleb sa paggitara.
“Bro bakit?”
“Hanep pre, ang ganda ng boses mo!”
“Totoo ba? Di naman ako nagkakanta.”
“Oo brad, ganda ng boses mo!”
Itinuloy na nito ang pag gitara at si Rom naman ang kumakanta. Mag 7pm ng mag decide siya na umuwi na. Ayaw na sana niyang magpahatid at malapit lang naman pero nagpilit si Caleb. Sinabi nalang sa sarili na wala siyang dapat ikahiya, kahit noon pa naman ay alam nito na nangangalakal siya.
Marami din itong ipinabalot na pagkain para sa inay niya, iniisip nga niya kung paano ito itatabi at wala naman silang ref. Iinitin nalang niya ang mga ulam para hindi mapanis saka baka pede ipatago kila Lola Necy yung iba. Bibigyan nalang din niya ng cake.
Nahihiya man ay inaya pa din niyang bumaba si Caleb, nagulat pa siya ng bumaba nga ang kaibigan.
Inalalayan nalang niya ito kasama ang driver na may bitbit ng mga pinauwi sa kanya. Pag dating sa bahay ay hiyang hiya pa siya lalo at maliit lang ang inuupuhan nilang lugar.
“Nay! Nay!”
“Oh anak bat ngayun ka lang?”
“Me pinuntahan po ako Nay! Si Caleb nga po pala classmate ko,” Saka nagmano sa ina.
“Good evening po Nay, pasensya napo, birthday kasi ni Papa kaya po inaya ko si Rom sa bahay. Me konting handa.”
“Ganun ba, sa susunod anak mag papa-alam ka ha. Sabi kasi ni Kuya Arnold mo wala daw kayong training ngayun.”…