Kinabukasan ay nakita ni Tessa ang papel at ibinigay sa asawa dahil nakapangalan sa kanya. Pasimple siyang lumabas at tinungo ang kubo ni Jacko nagulat pa ng wala na ito gayung napaka aga pa.
Hindi na niya muling nakita ang lalaki, kahit ng namatay ang asawa ilang buwan ang nakalipas ay wala din ito. Sobrang pangungulila ang naramdaman ni Tessa sa halos sabay sabay na pagkawala ng mga taong malalapit sa kaniya. Pero kailangan niyang ituloy ang buhay.
Ang mga ariarian na iniwan ni Jacko sa kanila ay ipina gawa sa isang kasama, samantalang ang tricycle naman ay pina upahan at nagbibigay nalang sa hapon ng boundery.
Ibinuhos ang oras sa pagpapalago sa sarili at wala sa plano ang muli pang mag asawa kaya kahit maraming binata at mga lalaking umaaligid sa kanya ay nanatiling sarado ang puso. Pumasok siya bilang isang kahera sa isang grocery sa kabayanan para hindi mainip kahit na sa gabi ay hindi maalis ang lungkot.
Hindi miminsan na inalala ang mga pinag daanan na sa huli ay babalik sa relasyong nagkaroon sa binatang bigla nalang nawala. Nabasa niya din ang sulat nito kay Ramon kaya kahit paano ay naintindihan niya ang lalaki. Ang hindi lang niya matanggap ay ang pagbabale wala nito sa kanya.
Kahit na depress ay hindi naman niya pinabayaan ang sarili, nagka edad pero hindi tumanda yun ang deskripsyon sa sarili, nanatili siyang maganda kahit tigang.
Pauwi na siya galing sa trabaho ng makita ang tricycle nila kaya sa halip ng sa iba sumakay ay sinabi nalang kay Nestor ang driver na ihatid siya at ibawas sa boundri, nakatakip ng panyo ang mukha nito kaya hindi niya masyadong nakita ang itsura.
Malayo na ang nabibiyahe nila ng mapansin na parang pumuti at tumangkad ata si Nestor, pati ang katawan nito ay parang lumaki din dahil patpatin lang ito.
Sinipat niya ang mukha pero nakatakip ngunit ng tingnan ang mata ay parang kilala niya.
Dahil sa pag ooserba niya sa driver ay hindi niya napansin na iba na pala ang daang tinatahak nila, alam niya ang daan pero hindi ito ang patungo sa bahay niya kundi sa bukid. Madilim din ang langit na tila nagbabanta ang malakas na ulan dahil na din sa lamig ng hangin.
“Nestor bakit dito mo dinala.” Mataas ang boses na sigaw niya.
Hindi kumibo ang lalaki sa halip ay binilisan pa ang pagmamaneho at walang pakialam kahit na nga rough road at mabato.
“Nestor itigil mo kung hindi tatalon ako!”
Tinignan lang siya ng driver at kinidatan. Dinukwang niya ang lalaki kaya na amoy ang pamilyar ng amoy na matagal na panahon ng hindi niya nalalanghap. Hinila ang takip sa mukha na sinubukan pang umilag ng lalaki pero nahawakan na niya ang tela.
“Jacko!”
“Yes my dear!”
Nabigla siya nang makita ang lalaki, hindi alam kung ano ang gagawin kung magagalit ba o matutuwa.
“Ihinto mo ang tricycle!”
Hindi naman nagdalawang salita ang babae at inihinto nito and tricyle, yun lang hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa narating na nila ang dulo ng kalsada.
Mabilis siyang bumaba at tinahak ang pabalik sa kalsadang pinagdaanan, ngunit mas mabilis ang lalaki. Sinambilat siya at kinarga na parang palay sa balikat ng walang kahirap hirap.
“Ibaba mo ko gago ka!”
Pinaghahampas nito ang likod ng lalaki, pero hindi maikaila sa sarili ang init na nararamdaman sa pagkakadikit ng kanilang mga katawan. Lalo at nakikita niya ang paggalaw ng malamang puwet ng lalaki pati ang amoy nito na humahalo sa hangin.
Alam niya kung saan patungo ang hakbang ng lalaki, sa kubo kung saan siya nito unang inangkin. Malayo pa ang lalakarin nila kaya ng nagsimulang pumatak ang ulan ay patakbo na ang hakbang ni Jackopero huli na rin dahil bumuhos ang malakas na ulan.
Basang basa na sila ng makarating sa kubo, sinipa ng lalaki ang pinto upang bumukas saka siya ibinaba sa papag. Nagulat siya dahil imbis na matigas na kawayan ay malambot na foam ang sumalo sa basang katawan.
Hinawi ang buhok na tumabing sa mukha at iniikot ang tingin sa paligid at nagulat sa ayos ng kubo, may ilaw na mukhang galing sa baterya, may kumot at unan na parang isang tahanan kahit namliit lang.
Pagtingin niya sa lalaki ay nakahubad na ito at isinampay ang basang damit sa isang upuan.
Mabilis na tumayo si Tessa at isang magkakasunod na sampal ang ibinigay sa lalaki, hindi mabilang hanggang sa mapagod nalang siya. Wala pagsalag or pag iwas ang lalaki, tinanggap lahat ng sampal at hampas niya.
Nang tumigil siya ay napasandal nalang sa hubad na dibdib ng lalaki, naramdaman nalang niya ang pagyakap nito sa kanya at ang paghagod ng kamay sa likod upang aluin siya sa sobrang pag iyak.
“Okay ka na ba?”
Napatitig siya sa guwapong mukha ng lalaki, ang namumulang pisngi dahil sa mga sampal at ang mapulang labi na kaytagal niyang namiss.
Wala sa loob na hinimas ang mukha ng binata, ang pisngi at ang mapulang labi. Iniangat ni Jacko ang baba ni Tessa at buong pagnanasang ginawaran ng mainit na halik.
Hindi tumutol si Tessa. Lumaban naman ng halik si Tessa upang iparamdam ang matinding pagka sabik sa lalaki, maraming katanungan sa kanyang isipan pero nais muna niyang isa isang tabi at hayaang lumaya ang damdamin.
“Ahhh I miss you Tessa! I miss you so much!”
…