By: Balderic
Bumalik si Sarate sa kuta nya sa kabundukan. Dito, sinalubong sya ng kanyang asawang buntis ng anim na buwan.
“Mabuti at nakabalik ka na.” niyakap nito si Sarate.
“Syempre naman Salma, kamusta kayo rito?”
“Maayos naman ang pangkat. Tahimik. Pero nabalitaan ko ang nangyari sa bahay nyo. Ang sabi rito mga sundalo raw ang umatake?”
“Hinde Salam. Mga tauhan ni Chief Agusan ang umatake.”
“Ha? Pero bakit?”
“MAKINIG KAYO! TAWAGIN NYO ANG MGA PINUNO NG MGA HANAY NYO AT PUMUNTA SILA SA KUBOL KO. MAY PAG UUSAPAN KAMI!” Utos ni Sarate at kaagad ay sumunod ang mga tauhan nya. Bakas sa mukha ni Salma ang pag-aalala pero niyakap syang muli ni Sarate bago pa ito pumunta sa kubol.
Ilang minuto pa at nagtipon-tipon na ang mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Sarate.
“Alam kong nabalitaan na ninyo ang nangyari sa akin sa aking pamamahay. Ang mga tauhan ni Ramil Bandio ang syang nagpaputok at walang awang pinaslang ang aking ina at kapatid. Hindeng hinde ko sila mapapatawad sa kanilang ginawa at babawian natin sila!”
“Pero Commander, bakit kayo inatake ng mga parak?”
“May isang lalakeng nagngangalang Carding ang napadayo sa bayan ng Sta. Fe. Ito ang taong nagpadala sa ilang mga pulis sa ospital. Siya ang pakay nina Ramil at nagkataong nasa bahay ko si Carding bilang panauhin at nadamay lamang ang pamilya ko.”
“Ibig sabihin, dapat nating patayin ang Carding na ito, pinuno.” Wika naman ni Obet.
“Sa ngayon ay hinde sya ang problema natin. Si Bandio ang puno’t dulo ng gulo. Naniniwala akong sua lamang ang nagpalaki ng kaguluhan ngayon sa bayan ng Sta. Fe. Kaya sa kanya natin ibabagsak ang kaparusahan ng samahan.”
“Eh paano ang mga sundalo? Paano kung makatunog sila sa hangarin natin? Hinde ba mas marapat na sila ang atakihin natin lalo pa at nalagasan sila ng mga tao noong huling operasyon natin?” tanong ni Obet.
“Hinde mo ba narinig ang sinabi ko? Si Bandio ang uunahin natin at hinde tayo titigil hanggang hinde nagpapantay ang mga paa nya.”
“Pinuno, alam kong nagdadalamhati kapa sa pagkamatay ng nanay at kapatid mo, maging kami ay nagdadalamhati rin. Pero sa tingin ko, mas marapat na unahin muna natin ang mga sundalo. Mas mahina na ang pangkat nila ngayon. May mga bago tayong armas, sa kanila natin ito gagamitin.” Paliwanag ni Obet.
“Tama si Obet, Commander. At mahirap kalaban si Inspector Bandio. Bata ni mayor yun. Mahirap kalabanin ang taong nagsusupply sa atin ng kagamitan.” Wika pa ng isang pinuno ng lupon.
“Sumunod kayo sa mga utos ko. Sa susunod na linggo, aatakihin natin ang estasyon ng pulisya at gusto kong hulihin ninyo si Ramil Bandio. Maliwanag?”
“Maliwanag Commander.” Isa isang nagsilabasan ang mga tauhan ni Sarate. Naiwan si Obet at lumapit sa pinuno nya.
“Sigurado ka ba dito?” tanong nito kay Sarate. Mabigat ang dibdib ng pinuno nya, hinde man ito palakibo, ramdam nya ang dinadaanang hirap.
“Sinimulan nila ito Obet. Ako ang tatapos. Matagal ko na ring gustong tanggalin sa landas ko ang Ramil na yun. Hinde maganda ang naririnig ko sa kanya. Isa syang tiwaling opisyal na walang ginawa kundi ang abusuhin ang kapwa.”
“Kung ano man ang iutos mo Pinuno, nasa likod mo lang ako.”
“Mabuti kung ganun.”
Ilang oras ang nakalipas at kalagitnaan na ng gabi. Sa isang madilim na sulok ng kanilang kampo ay nag tipon ang malalapit na kasama ni Obet.
“Mukhang masyado nang naging bulag sa galit ang pinuno. Sa tingin ko, kapag tinuloy nya ang plano nyang ito, marami sa atin ang malalagas. Pakatatandaan nyo, malakas sina Bandio kay Mayor. Samantalang tayo ay binabayaran pa natin sya sa mga armas na nakukuha natin. Hinde ito magiging mabuti para sa ating samahan. Magiging mitsa na ito ng ating katapusan.” Paliwanag ng isang kaibigan ni Obet.
“Obet, anong gagawin natin?”
“Sa tingin ko, mas makabubuti kung itutuloy ni Sarate ang plano nya.” Sagot naman ni Obet.
“Ha? At bakit naman? Di ba sinabi ko na sa inyo na delikado ngang banggain ang pulisya.”
“Mas malaki ang chansang mawawala na sa landas ko si Sarate kung makikipaglaban sya sa mga pulis.”
“Hehehe andyan ka nanaman sa mga plano mo eh. Mag iingat ka, baka may makarinig sayo rito.”
“Kapag wala na si Sarate, wala naring makakapigil sa aking pagiging pinuno ng kilusan. Nang dahil sa Carding na iyan, mukhang mapapadali ang mga plano ko.”
“So anong iniisip mo ngayon?”
“Kailangan kong masabihan si Kapitan Bandio sa plano ni Sarate. Nang sa ganun ay makapaghanda sila at masusurpresa nila si Sarate.”
“Hehehe, ayos yang plano mo Obet. Sige, ako nang bababa mamaya, basta siguraduhin mo lang na wala sa atin ang mamalasin kapag nagkataon.”
“Akong bahala sa inyo.”
Matapos ang kanilang sekretong usapan ay naghiwa-hiwalay na ang grupo. Naglakad papunta sa kubo nya si Obet pero nadaanan nya ang bahay ni Sarate at nakita nya sa loob ng kubol ay nasa loob pa nito si Salma, nagsusulat ito sa ilalim ng liwanag ng kandila. Lumapit si Obet at tinignan ang kagandahan ni Salma. Nakasuot lang ito ng daster pero makinis parin tignan at kahit pa buntis ito ay hinde nabawasan ang alindog ng misis ni Sarate.
“Kahit pala sa liwanag ng kandila eh napakaganda mo parin Salma hehehe.”
“Tigilan mo nga ako Obet, baka marinig ka ng asawa ko, malilintikan ka talaga.”
“Naku, mantika kung matulog yun hehehe. Bakit gising ka pa? Naiinitan ka ba sa loob?”
“May sinusulat lang ako para sa mga magulang ko sa amin. Pwede ba, lubayan mo na ako at nakakaisturbo ka lang eh.”
“Hehehe palabiro ka talaga. Alam ko namang nag eenjoy kang makasama ako eh. Napapansin ko mga titig mo sa akin eh. Lalo na kung tayong dalawa lang hehehe.”
“Pwede ba Obet, tigilan mo nang pag iilusyon mo. Gamitin mo nalang yang kalokohan mo sa mga babae mo at layuan mo na ako. Isa pa, gigisingin ko na si Ricardo.”
“Hehe okay sige. Ingat ka lang, hinde sa lahat ng oras eh nariyan asawa mo hehehehe.”
———-
Sa paguutos ni Chief Agusan, kumalat ang mga kapulisan sa bayan ng Sta. Fe upang mahanap lamang ang lalakeng si Carding. May artist sketch ang mga ito at ipinaskil sa iba’t ibang lugar. Ang ilan namang mobile units ay pumasok sa mga kabahayan, mga establisyemento at mga gusali upang maghalughog at magtanong. Halo halong galit at takot ang naramdaman ng mga mamayan dahil sa mapang-abusong mga kilos ng mga pulis sa kanila. Ilan pa sa mga ito ay nasaktan na dahil sa hinde pagsunod sa anumang kagustuhan ng mga pulis.
Ang nagmando sa mga ito ay si Senior Insp Ramil Bandio na syang pinaka malupit sa lahat. May isang ginang itong sinampal dahil hinde sumagot ng naaayon sa kanyang kagustuhan. Matapang ito at walang pakealam sa privacy ng sino man. Pinatawag nila ang mga brgy Captains, mga kagawad at ilang mga public servants para maipasabing dapat isumbong nila kaagad kapag nakita nila si Carding. Sinabi ni Bandio na isang pusakal si Carding at ilan nang mga pulis ang napatay nito.
Lingid sa kaalaman ng mga ito, marami na sa mga mamamayan ang nagkikimkim lamang ng galit nila. Isa na rito ang magsasakang ama ng dalagang ginahasa ni Mayor. Lihim itong sumama sa isang pagpupulong ng mga mamamayan ng Sta. Fe. Nagkaharap ang mga ito sa likod ng Health Center na ipinasara ni Richie. Gabi ang napili nilang panahon para magpulong.
“Dapat matigil na ang kahayupang ginagawa ni Mayor sa atin. Tama na ang kanyang pang aabuso at walang awang pag patay sa iilan sa ating wala namang ginawang masama.” Wika ng isang negosyante. Tumango at sumang-ayon naman ang lahat.
“ginahasa ni Mayor ang anak ko, at pinatay na parang aso ang asawa ko dahil hinde ako nakabigay sa kanila ng pera. Matagal kong tiniis ang sakit na kanilang idinulot sa akin. Pero tama na, handa akong lumaban para matapos na ang kahayupan ni Mayor Romano.” Dagdag naman ng magsasaka.
“Kailangan nating mag alsa. Ipakita natin kay Mayor na hinde tayo natatakot sa kanya. Tayo ang nagluklok sa kanya sa pwesto at tayo rin ang dapat magtanggal sa kanya.” Sagot naman ng isa.
“Pero anong gagawin natin? Paano kung pagpapatayin rin tayo? Nabalitaan nyo naman an ginawa sa bagong pulis hinde ba? Pinapatay sya kaagad.”
“Hinde lingid sa lahat na ang mga kasamahan nya mismo sa pulisya ang nagpatumba sa kanya. Narinig ko ang usap-usapan sa labas. Grupo raw nina Pipino at Gringo ang tumira kay tinyente Remulla.” Wika naman ni Mang Domeng na sumama rin sa pagtitipon.
“Hayop talaga ang mga yun. Buti nga sa kanila at pinagbabaril sila nung Carding. Teka, bakit hinde nalang natin hanapin yung lalakeng iyon at humingi tayo ng tulong sa kanya. Bayaran natin kung kinakailangan. Ano sa tingin nyo?”
“pwede pwede!”
“Teka, may nakaka-alam ba kung nasaan sya?” napakamot ang ilan. Dito tumayo si Doc Loren na isa sa mga nagplano ng pagtitipon.
“Mahirap pagtiwalaan ang taong hinde pa natin nakikilala. Malaking panganib ang kakaharapin natin kapag malaman ni Mayor ang mga plano natin. Hinde pa tayo handa. Mag ipon pa tayo ng sapat na lakas at pwersa.” Paliwanag ni Loren.
“Hinde nyo ba nakikita? Masyado nang malalim at malaki ang sugat na idinulot ni Mayor sa amin. Palibhasa, hinde ka taga rito kaya mo lang nasasabi iyan doktora.” Sabat naman ng isa.
“Tumahimik ka! Hinde mo alam ang pinagsasabi mo! Isa si doktora sa mga handang lumaban para sa mga taga Sta. Fe! Nakita ko kung paano nya kinalaban ang tauhan ni Mayor bago pa ipinasara ang center. Wag nyong mamaliitin si doktora.” Pagtatanggol naman ni Mang Domeng.
“Sa ngayon, mas makabubuti kung magplano tayo ng rally. Iparamdam natin kay Mayor ang ating galit at pagkadismaya sa kanyang serbisyo.”
“Tama yan! Sige sasali ako dyan!” sang ayon naman ang isa. Tumango ang karamihan.
“Wag kayong pabigla-bigla ng desisyon. Pag isipan nyo muna ito.” Pakiusap pa ni Loren pero bingi ang karamihan. Sawa na sila sa ilang taong pagtitiis kay Mayor.
“Walang masama kung ipapakita namin kay mayor ang aming hinaing sa kanya.”
“Pero sa tingin ko ay makabubuting mahanap natin ang lalakeng nag ngangalang Carding.”
“Pero may nakaka alam ba kung saan sya mahahanap?”
“Magtatanong-tanong ako. Susubukan kong hanapin sya.” Wika ng isa.
“Ako rin, tutulong ako sa paghahanap.”
“Alam ko kung nasaan sya.” Wika ni Loren. Napatingin ang lahat sa kanya.
“Nasaan sya doktora?”
“Hinde ko maaaring sabihin pero pwede kong isama ang isa sa inyo. Mas maganda kung ang representative nyo.”
“Sige, ako nalang ang sasama sayo doktora.” Lumapit ang isang matanda na syang nagplano ng meeting.
———-
By: Balderic
Nang gabing iyon, sinamahan ni Loren ang matandang representative ng grupo ng mga taong bayang ayaw kay mayor. Nagulat si Carding at Madonna nang makita ang dalawa sa pinto.
“Doktora, anong ginagawa nyo rito?” Tanong ni Madonna.
“Gusto lang naming makausap si Carding.” Sagot naman nito. Napatingin si Madonna kay Carding.
Nagpakilala ang matanda at ang pangalan nito ay si Mang Andres. Ipinaliwanag nito kay Carding ang kanilang mga hinaing. Ikinuwento nito ang lahat ng kanyang nalalaman at ang mga pang aabuso ni Mayor Romano. Tahimik na nakikinig si Carding habang may hawak itong sigarilyo.
“Nakikiusap ako sayo Carding, humihingi kami ng tulong mo. Naniniwala kaming, malaki ang magagawa mo upang tumigil na ang pang aabuso ni Mayor Romano sa bayan ng Sta. Fe.” Wika ni Mang Andres. Napatingin sya sandali kay Loren at kay Madonna. Bumuga ng usok si Carding.
“Anong gusto mong gawin ko, patayin si Mayor Romano?” diretsahan nitong tanong.
“Ah eh, hinde naman sa ganun Carding. Ang sa amin lang ay sana may taong makakapag tanggol sa amin kung sakaling saktan kami ng mga tauhan ni Mayor.”
“Alam nyo bang maraming tauhan si Mayor? Kasama na dito ang kapulisan at mga rebelde. Sa tingin ko ay hinde uubrang proteksyon ang iisang tao. Ang nag iisang kasagutan sa inyong problema ay ang mamatay si Mayor.” Sagot naman ni Carding.
“Kung ganun, kaya mo bang gawin yun? Kaya mo bang patayin si Mayor?” tanong naman ni Loren na tila interesado sa solusyon ni Carding.
Tumayo si Carding mula sa inuupuan nito sa sala. Naglakad ito papunta sa may pinto at sumandal sa pader.
“Hinde. Masyadong maraming bata si Mayor.”
“Kung pera lang ang solusyon, handa kaming magbayad Carding.” Tumayo na rin si Loren. Lumapit ito kay Carding.
“Handa akong magbayad Carding. Kahit anong hilingin mo.” Hinawakan nito ang kamay ni Carding at nagkatinginan silang dalawa. Gumulong naman ang mga mata ni Madonna at umiling-iling.
“Masyadong malaki ang hinihiling mo Doktora. Baka kaposin ka ng bayad.”
“Mang Andres, tayo na. Wala tayong mapapala rito.” Dismayado si Loren. Binuksan nito ang pinto at lumabas si Mang Andres. Tinignan muli ni Loren si Carding.
“Buong akala ko, isa ka sa mga taong kayang ipagtanggol ang naaapi at ipakita ang tunay na hustisya. Yun pala, isa kalang ring duwag na nagtatago sa bahay ng isang babae.” Tinignan nito si Madonna sandali at lumabas na ng bahay. Sinara ni Madonna ang pinto. Napa buntong hininga si Carding.
“Akala ko ba walang makaka alam na naririto ako?”
“Hinde ko inexpect na paparito si Doktora. Pasensya ka na Carding. Pero wag kang mag alala, sa isang linggo, aalis na tayo rito. Naka handa na ako ng pera at gamit.”
———-
Bigong umalis sina Loren at Mang Andres. Dahil dito, napagkasunduan na lamang ng grupo nilang simulan ang pag aalsa laban kay Mayor Romano. Tatlong araw na paghahanda ang ginawa ng grupo at sa ika apat na araw ng umaga ay nagsimulang mag marcha ang mga ito papunta sa munisipyo.
“ALISIN SI MAYOR!” “KAMI AY SAWA NA!” “WAG MATAKOT!” “ALISIN SI MAYOR!” Paulit-ulit na sigaw ng halos tatlong daang mga tao ng Sta. Fe. May mga hawak silang mga placards at tarpaulin na may mga nakasulat na sawa na sila sa pagmamalabis ni Mayor sa kanyang kapangyarihan.
“Mayor Mayor! May mga nagrarally papunta rito!” sigaw ng isang tauhan na pumasok sa opisina ni Mayor.
“Harangin nyo! Tawagan nyo si Agusan, wag nyong palalapitin sa munisipyo ang mga yan!” utos naman kaagad ni Romano.
Ilang metro ang layo mula sa town plaza, humarang kaagad ang mga sasakyan ng mga pulis. Naglagay ang mga ito ng barricades at pinigila ang mga nagrarally. Huminto ang grupo ni Mang Andres. Natatanaw na nila ang municipal building. Patuloy ang pagsisigaw nila. Humarap sa kanila si Bandio na may hawak na megaphone.
“Magsiuwian na kayo! Wala kayong mapapala sa pinag gagawa nyo!” wika nito.
“Wag mong pagtakpan ang amo mo Bandio! Ilabas nyo si Mayor! Sya ang kailangan namin! Ilabas mo sya!” sagot naman ni Mang Andres.
“Mas mabuti pang umuwi na kayo at magtrabaho nang walang masasaktan sa inyo!”
“Hinde kami natatakot sa inyo! Sobra na ang pang aabuso nyo sa amin! Ilang taon kaming nagtiis pero walang pagbabago sa bayang ito!”
“Ginahasa ni Mayor ang anak ko at pinapatay ang asawa ko! Mga wala kayong puso! Mga demonyo kayo!” sigaw naman ng matandang magsasaka.
Patuloy ang sigaw ng mga tao. Walang paghinto ang mga ito. Dahil hinde makalapit, sa mismong lugar nalang nila ginawa ang programa nila. Maraming mga tao rin ang nanood sa kanila. Bawat speaker ay sinabi ang mga hinaing nila at problema ng bayan na hinde malutas-lutas.
Alas dos na ng hapon at hinde na makatiis si Mayor Romano kaya lumabas ito ng gusali upang harapin ang mga ralliyista. Nagsigawan kaagad ang mga tao nang makita si Mayor.
“Mamamatay tao!” “Magnanakaw!” ilan sa mga sigaw na bumati kay Mayor. Nilapitan nito si Bandio.
“Anong nangyayari dito? Akala ko ba na contain mo na ang sitwasyon Bandio? Bakit nandito parin ang mga yan?”
“Masyadong matigas Mayor. Tsaka wala naman silang plano na lumapit pa sa munisipyo.”
“Kahit na. I want these people out of my sight! May golf pa ako mamayang a…