Batas Ng Bala 5

Ikalimang Yugto: Mga Pilak ni Hudas
By: Balderic

Bumisita si Col Rodel Palumo sa mansion ni Mayor Romano. Sakay ito ng kanyang private vehicle at may sumusunod na isang military jeepney. Pinagbuksan sila ng malaking gate at pumasok sila sa malawak na hardin. Huminto ang mga sasakyan sa harapan ng pinto at naroon si Mayor Romano at sinalubong ang mga bisita. Bumaba ang mga ito at nakipagkamay si Col Palumo kay Mayor.

“Mukhang biglaan ang pagbisita nyo Col. Anong maipaglilingkod ko?” naka ngiti si Mayor at may suot itong dark glasses.

Naparito ako Mayor upang makipagusap sa inyo patungkol sa kaguluhan sa plaza nitong nakaraang linggo. Pwede ba tayong mag usap?”

“Ah ganun ba. Sige pumasok kayo. Dun tayo sa likod para mas komportable tayo.”

Dumiretso sila sa likod ng mansion. Naabutan nilang nahsuswimming ang anak ni Mayor na si Lana at kasama ang ilang mayayamang mga kaibigan nitong mga babae. Nagseseksihan ang mga ito sa mga suot na bikini at nakadisplay ang mapuputi at makikinis nilang mga kutis.

Sa isang sala set katabi ng pool na upo si Col Palumo at sa tapat naman nya si Mayor pumwesto. Lumapit ang isang katulong at naglatag ng dalawang plato at isang bote ng vodka. May mga baso rin at isang bucket ng ice at dalawang plato ng ulam. Sumalo ng alak si Mayor at inilatag sa tapat ni Col Palumo.

“No, hinde ako iinom ngayon.”

“Okay Col, so anong gusto mong pag usapan natin? Nabanggit mo ang tungkol sa kaguluhan sa plaza.”

“Mayor, naging mainit ang high command sa amin nang dumating ang incident reports sa nangyari sa plaza. Masyadong maraming napatay na mga tao ang mga pulis at mga bodyguards mo. Mayor, bakit masyadong madugo ang komprontasyon mo sa mga nagrarally?”

“Didiretsohin na kita Col para maging malinaw sayo ang lahat. Ang grupong nanggulo sa plaza ay mga myembro ng rebeldeng oinamumunuan ni Sarate. Pinapauwi ko na ang mga yun pero ayaw nila makinig. At may nakita ang mga kapulisan ko na may mga dala silang mga armas na kinukubli lamang nila sa likod. Nagkaroon ng komprontasyon at duon na nagkaputukan. Alangan namang hahayaan ko silang manaig. Naroon ang unico hijo ko, at maraming mga nanonood na mga sibilyan. Mas maraming madadamay kung hinde na namin sila uunahan.”

“May human rights violations kang kailangang harapin mayor. Hinde mo ba ito naisip? Pwede kang pabagsakin dahil sa ginawa mo.”

“May dumating bang mga taga CHR? Wala di ba? Asan ang media? Wala rin. Malinis ang konsensya ko Col. Wag mong sabihin na pumunta kalang rito para lang ipamukha sakin ang mga paratang mong isa akong berdugo?”

“Bakit, hinde ba? Masyadong mainit ang mga usap usapan sa labas Mayor. Kung makikinig ka lang, baka makasagap ka ng balita.”

“Marami akong mata at tenga sa Sta. Fe Col Palumo. Binalaan na kita noon. Wag mong hintayin maubos pasensya ko sayo. Sundalo ka lang, politiko ako. Mas makapangyarihan ako at mas malawak ang impluwensya ko rito.”

Kinuha ni Col Palumo ang baso ng alak at nilagok nya ito at tumayo sya.

“Hinde mo ako kailangang takutin Mayor. Sundalo nga ako, at handa akong lumaban kung kinakailangan. Sige, aalis na ako. Magandang araw sayo.”

Lumapit si Lana sa ama nya at may hawak itong towel.

“May visitor ka pala Dad.”

“Yes iha. Pero paalis na rin si Col Palumo.” Kumandong kay Mayor Romano ang maganda nyang anak at niyakap naman sya ng ama. Hinde na kumibo si Col Palumo at umalis na ito.

Pagkalabas nila ng mansion ay napabuntong hininga si Col Palumo. Tumingin sa kanya ang tinyente nya.

“Sir, may info po tayo sa isang lalakeng nasa Sta. Fe na nanggulo noon sa bar. Tinatawag po sya ritong Carding. Kaso walang nakakakilala sa kanya at kung nasaan sya. Ayon sa aming nakalap na info, binabalak raw syang kunin nung mga nagrarally na sumama sa kanila pero umayaw daw.”

“Kung totoo mang sina Komander Sarate ang nasa likod ng lahat, malamang ay kakunchaba nila ang Carding na ito. Hanapin nyo at hulihin nyo. I want this man alive. Marami akong gustong malaman sa kanya.”

“Sa ngayon sir nagmamanman na ang mga intel units. So far wala pa silang naibibigay na mga bagong info mula sa bayan pero sa tingin ko mukhang magkakaroon ng gulo rito. Masyadong madugo ang nangyari sa plaza Sta. Fe. Imposibleng walang gawin ang mga armadong grupo dito.”

“E high alert mo ang mga bata tinyente. I want eyes and ears in or out of town.”

———-

By: Balderic

“Dad kelan ba tayo pupuntang maynila? Nababagot na ako rito eh. Gusto ko nang mag shop.” Wika ni Lana habang naka kandong parin ito sa daddy nya.

“Soon iha. May tatapusin lang akong business venture dito. Tsaka hinde ba may klase ka pa?”

“Eh dad ang boring naman ng teacher ko. Nakaka-antok lang, bobo pa mag english.”

“Don’t worry iha. Sa susunod na linggo luluwas tayo okay.”

“Promise?”

“Hehe oo naman, kelan pa ba ako di sumagot ng promise.”

“Yeheey!” Sa tuwa ni Lana ay hinalikan nya ang ama sa labi. Hinde naman ito pinalampas ni Mayor Romano at siniil nya ng halik ang magandang anak. Malapit ang dalawa simula pa nung bata si Lana at nang mawala ang ina nito, tanging si Mayor Romano na ang nagpalaki sa kanya at sa kuya nya.

“Dad naman masyado ka yatang hot ngayon hihi.”

“Eh syempre ang ganda ganda mo tignan ngayon lalo pa naka swimsuit ka.” Hinimas nito ang hita ni Lana. Tinitigan ni Lana ang mga kaibigan nyang busy sa usapan sa gilid ng pool.

“Balik muna ako dad sa friends ko ha.”

“Sure iha. Enjoy the day.”

Samantala, sa bahay naman ni Joselyn, maaga palang ay umalis na si Carding. Binilinan nito na huwag magpapakita ang dalawa sa publiko lalo pa at masyadong maselan ang sitwasyon. Subalit, lampas tanghali na at nagpasya si Doktora Magda aka Loren, na bumili ng makakakain sa labas dahil walang laman ang ref ni Joselyn. Nag dark glasses nalang ito at sinuot ang mga damit ni Joselyn.

Maingat itong pumunta sa may palengke upang makabili nang makita nito ang nurse nyang si Rita Amaro na may dalang mga gulay. Nilapitan nya ito kaagad.

“Rita, Rita!”

“Doc? Di kita nakilala kaagad.”

“Rita kamusta ka na?”

“Doc natatakot ako, di ko alam kung saan ako pupunta, may mga umaaligid sa bahay namin. Hinde ko alam kung sino pero ramdam kong minamanmanan ako.”

“I’m sorry Rita, nadamay ka pa. Dahil yan sakin. Kasalanan ko ito.”

“Hinde doc, tama ka naman eh. Masyado nang naging bulag sa kapangyarihan si Mayor Romano. Pero natatakot rin ako para sa kaligtasan ko at ng pamilya ko.”

“Rita, sayo ko lang sasabihin ito ha. Pero plano ko munang umalis rito. Magpakalayo-layo.”

“Doc pwede mo ba akong isama? Sa tingin ko kapag malayo ako rito, hinde na madadamay ang pamilya ko. Natatakot ako para sa nanay at tatay ko.”

“Sige…tutulungan kita. Sumama ka na sakin ngayon. Mamaya aalis na ako, kasama si Madonna.”

“Si Madonna? Yung prostitute?”

“Oo Rita. Tutulungan nya tayo. Kasama nya si Carding. Yung lalakeng kumalaban sa mga tauhan ni Capt Bandio. Sumama ka na sakin.”

“Sandali doc, babalik muna ako sa bahay. Kailangan ko dalhin mga gamit ko.”

“Oh sige, dun ka dumiretso sa bahay ni Madonna. Dun kami nagtatago. Mag iingat ka, wag kang papahalata.”

“Okay doc. Salamat.” Niyakap ni Loren ang nurse nya at naghiwalay sila nang landas.

———-

7:00 Pm sa harap ng Police Station

Isang mini jeep at isang semi truck ang huminto sa harap ng police station. Lulan ng mga ito ang grupo ni Komander Sarate. Mabilis ang pangyayari at pinaputukan nila ang gusali. Sabog sabog ang mga pader at butas butas ang mga kagamitan sa loob. Basag ang mga bintana at nagkalat ang mga papeles, dokumento at ilang mga gamit ng mga pulis.

“Obet! Lusubin nyo!” sigaw ni Sarate. Bumaba ang grupo ni Obet at lumapit ang mga ito. Samantala, patuloy parin ang pagpapaputok nina Sarate mula sa likod ng truck. Kapansin-pansing walang nanlalaban sa kanila at ni isang pulis ay wala silang nakikita.

Pumasok sa loob ang grupo ni Obet at nang hinde sila makita ni Sarate ay nagkaputukan na sa loob.

“Tulungan nyo! Pumasok kayo! Ang kabilang grupo maneuver kayo sa kanan! Bilisan nyo!” utos ni Sarate.

Humati sa dalawa pa ang pangkat ng mga rebelde. Dumaan sa kanan ang mga nasa jeep at ang mga personal namang mga tauhan ni Sarate ay sumunod sa kanya at tumakbo palapit sa harapan ng gusali.

BAGOOOMMMM!!!” Isang bomba ang sumabog kung saan nagmaneuver sa kanan ang mga tao ni Sarate. Napadapa sina Sarate sa lakas nang pagsabog. At mula sa likuran nila ay may nagpaputok sa kanila. Mga pulis ito na nakasuot sibilyan at pinaulanan nila ng bala sina Sarate. Marami kaagad ang nalagas sa mga kasamahan ng rebeldeng grupo. Maging si Sarate ay tinamaan sa tiyan, balikat at hita.

HAHAHA!!! Ano ka ngayon Sarate!?” boses ito ni Bandio at nasa itaas ito ng police station. Napalibutan si Sarate at ilang mga sugatan nyang mga kasama.

“Nakikita ko sa mga mata mo ang pagkagulat Sarate. Nagtataka ka kung bakit napaghandaan ko ang plano mong pag atake? Hahahaha! Napakalaki mong hangal!”

“Tarantado ka Bandio! Tarantado ka! Paano mo nagawa ito!?”

“Tanongin mo ang mga kasama mo Sarate. Yan ay kung tauhan mo ba talaga sila hahaha!”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Pasensya na Komander hehehe.” Lumabas si Obet mula sa police station kasama ang ilang malapit sa kanya na mga tauhan ni Sarate.

“Ikaw!? Bakit mo nagawa sakin ito Obet!? Itinuring kitang kapatid! Traydor ka!”

“Ikaw ang traydor Komander! Mga sundalo ang tunay nating kalaban! Binalaan kana ng grupo, wag mong babanggain si Mayor pero naging matigas ka! Hinde sa lahat ng oras ikaw ang nasusunod. Masyado kang naging kampante. Ni hinde mo manlang naramdaman ang mga taong umaayaw na sayo!”

“Hayop ka Obet! Tatandaan ko ang araw na ito! Pagbabayaran mo ito!”

“Wala ka sa posisyon para manakot Komander. Lalong lalo na sa sitwasyong ito.” Sumenyas si Obet at inilabas mula sa gusali si Salma, ang misis ni Sarate na buntis. Hawak ito sa leeg ng isang kasama ni Obet.

Salma!?”

“Ricardo! Tulungan mo ako!”

“Putang ina ka Obet! Pakawalan mo ang asawa ko! Labas sya sa gulong ito!”

“Labas? Bakit, ang mga pamilya ba namin labas rin ba? Ilang taon ka naming sinuportahan Komander, marami na sa amin ang nasira ang pamilya dahil sa pangako mong mailuluwas mo kami sa kahirapan pero nasaan tayo ngayon? Nandito parin sa putang inang impyernong ito! Kaya walang taong hinde ligtas Komander. Pamilya mo man o pamilya namin. Lahat damay damay na.”

” Obet!!! Binabalaan kita! Pakawalan mo ang asawa ko!”

“SPAAAKK!!” Pinalo si Sarate sa ulo ng isang pulis gamit ang batuta nito. Dumugo ang ulo ni Sarate at medyo nahilo ito. Napaluhod ito sa harapan ng gusali.

BLAM BLAM BLAM BLAM!!” Pinagbabaril ni Bandio ang mga buhay na mga tauhan ni Sarate at tanging ang Komander nalang ang natitirang buhay.

Tapos na ang pakikibaka mo Sarate. Sabihin mo na ang mga huling salita mo sa asawa mo bago ka magpaalam.” Wika ni Bandio. Tumingin si Sarate sa misis nya.

Wag kang mag alala Salma, ililigtas kita. Tatandaan mo yan, ililigtas kita.”

“Ows talaga?” sabat ni Obet at tinutukan nya ng baril sa ulo si Salma.

BLAM!” Isang bala ang tumapos sa buntis na misis ni Sarate. Hinde maka react ang Komander sa pangyayari. Bumagsak sa sahig ang misis nito.

SALMAAAAAAAAA!!!!!!”

“Sinayang mo lang ang oras mo Komander. Paalam.” Tinutok ni Obet ang baril nya kay Sarate.

BLAM BLAM BLAM BLAM BLAM BLAM!!!!!” Sunod sunod na putok ng handgun.

Bumagsak ang mga pulis na nakapalibot kay Sarate. Napatingin sina Obet mula sa kalsada at tumatakbo palapit si Carding.

PAPUTOKAN NYO!!”

“BRATATATATATATATATATATATAT!!!!!!” Umulan nang bala papunta kay Carding. Tumakbo si Carding papunta sa kanang bahagi habang sumusunod ang bala sa kanya. Pinaputukan nya rin sina Obet gamit ang isang handgun nya at napilitang magtago nina Obet sa loob ng gusali. Maging si Bandio ay nagulat sa pangyayari. Nahuli itong makareact.

Mula sa itaas ay pinaputukan nya rin si Carding pero nakapagtago ito sa isang garden na may semento. Nagreload ng handgun at bumunot ng smoke grenade. Hinagis nya ito sa harapan ng gusali at mabilis kumalat ang usok. Hinde nakita ng mga kalaban kung saan pumunta si Carding. Lingid sa kaalaman nila ay hinila na ni Carding si Sarate palayo sa gusali.

Anong..ginagawa mo rito…Carding?”

“Ano pa ba, edi tinutulungan ka. Wag ka nang umangal.”

Pinasandal ni Carding sa maiksing pader sa harapan ng police station si Sarate. Binigay nya ang handgun nya dito.

Dito ka lang, at huwag kang magtatapang-tapangang bumalik ulit doon.”

“Anong gagawin mo?”

“Maglilinis lang ako ng basura.”

Pumulot ng malaking bato si Carding at hinagis nya ito papunta sa nakabukas na pinto ng police station. Pagkapasok ng bato ay binaril nya ito at kumalat ang maliliit na bato sa loob. Tinamaan ang mga nakatagong kasama ni Obet pero nasugatan lang sila. Maliit na diversion lamang ito at hinde nila napansing nakapasok na si Carding. Gamit ang magnum nya ay pinasabog nya ang bungo ng tatlong nasa likod nang pinto.

Tumakbo si Obet papasok sa isang opisina sa bandang kaliwang bahagi ng gusali. Nagtago ito sa likod ng pader. Ang mga natitira nyang kasama ay nakatago sa ilalim ng mga desks sa main studio room ng gusali. May bumabang pulis sa hagdan at binaril ito ni Carding sa dibdib. Sinamantala ng isang tauhan ni Obet ang nangyari at lumabas sya sa desk para puntiryahin si Carding. Sinalubong nya ang bala ng magnum sa mata. Tumayo rin ang isa pang rebelde at binunot ang AK 47 nya. Pero biglang nag roll sa sahig si Carding palapit sa isang desk at sumilip ito sa gilid saka binaril ang kalaban. Tinamaan ito sa braso at nawalan ng balanse.

Wala na syang bala! Tadtarin nyo!” sigaw ni Obet.

Maliban sa sugatang isa, tumayo ang apat na natitirang mga tauhan ni Obet at pinaputukan si Carding na nakaupong nakatago sa isang desk.

PRAAK! BRATATATATAT!!!” Wasak ang desk na kahoy kung saan nagtatago si Carding pero hinde ito lumitaw.

Klash!” biglang nabasag ang isang coffee mug sa kabilang bahagi ng opisina at napalingon ang mga kalaban.

BLAM BLAM BLAM BLAM!!” Kasunod nito ang mga putok ng magnum ni Carding nang lumitaw sya sa katabing desk na pinuntirya kanina. Bumulagta ang mga rebelde.

Putang ina ka! Pakealamero ka!!!” galit na sigaw ni Obet. Sinipat nito si Carding pero hinde nya ito makita at tahimik lang.

Obet! Anong nangyayari!?” sigaw naman ni Bandio sa second floor at pilit sumisilip sa hagdan.

Kapitan tulungan mo ako rito! Mag isa lang sya!” sigaw naman ni Obet.

Wala ka nang kasama Obet! Simulan mo nang magdasal! Pero kahit tawagin mo pa lahat ng santo, walang ni isang makikinig sayo dahil si satanas ang susundo sayo!”