By: Balderic
Life expectancy na mas mababa pa sa isang pusakal. Ganito ang buhay ng bawat myembro ng Death Squad. Pero dahil sa isang pangyayari, nasira ang lahat. Tinugis ang grupo ni Carding ng mga taong nakasama nila sa bawat misyon. Mga dating kasama nila sa militar. Tinugis silang parang aso. Subalit, dahil sa training nila ay hinde sila nahuhuli. Iisang bagay lamang ang naging mitsa ng kanilang buhay. Ang kanilang integridad at katapatan sa serbisyo. Sumuko sila at hinarap ang kasong nakahain sa kanila.
Subalit, sadyang malupit ang tadhana. Dahil isang elite shadow unit sila, ayaw ng mga nakakataas na mga heneral na lumabas ang issue at hinatulan sila ng death sentence via firing squad. Isa isa silang pinapila maliban kay Carding, ang lider ng grupo. Kritikal ang kanyang kasanayan at isa syang malaking asset para sa bansa. Tapat sa tungkulin at walang pamilyang naiwan. Sadyang inukit ang kanyang tadhana bilang isang mandirigma.
Dalawang oras bago isakatuparan ang hatol ay pinagbigyan si Carding na kausapin ang kanyang mga tauhan. Sa isang malaking silid ay pumasok si Carding, naka black military uniform pa ito. Naka uniform rin ang kanyang unit. Pagpasok nya sa silid ay tumayo kaagad ang mga kasamahan nya. Tahimik nyang tinignan ang kanyang mga tauhan na wala nang pag asa ang buhay.
“Hinde ko alam kung ano ang sasabihin ko sa inyo. Sinanay ko kayo, itinuring kong pamilya at nakipaglaban akong kasama kayo. Ang iisang bagay na hinde ko matanggap at dadalhin ko habang buhay ay ang malamang hinde ako makakasabay sa huling byahe ninyo.” Malungkot na wika ni Carding.
“Hinde ka namin sinisisi sir. Bilang myembro ng DS, tanggap na namin ang aming katapusan. Ang hinde lang namin tanggap ay mahahantong lang pala sa ganito ang lahat nang aming sakripisyo.” Sagot naman ng isang myembro ng DS.
“Tama sya sir, kaya kung ano mang nangyari, buo ang tiwala namin sayo. Walang misyon na hinde mo kami tinulungan, ikaw ang bukod tanging naging gabay namin at tagapagtanggol sa oras ng kagipitan. Ang nangyari dito ay labas na sa iyong kapangyarihan. Kaya kung mamarapatin nyo sir, may dalawa lang kaming kahilingan.” Wika naman ng tinyente ni Carding.
“Ano yun?”
Nagtitigan sandali ang mga myembro bago tumingin kay Carding.
“Bigyan mo kami ng hustisya sir, at wag na wag mo kaming kakalimutan.”
Napapikit si Carding. Hinde na nya malabanan ang mga luha sa kanyang mga mata. Hinde na rin maiwasan ng mga myembro nyang mapaiyak pero dahil dugong mandirigma, nilabanan nila ito.
“PARA SA BAYAN!” “HOOAAAAHH!!!” Sabay sabay nilang sigaw. Pumasok ang isang Kapitan at sinabing oras na ng kaparusahang kapital. Isa isang lumabas ang mga myembro ni Carding. Nagpahuli ang tinyente nya. Lumapit ito sa kanya.
“Sir, may huling kahilingan lang sana ako sayo. Pakisaup sir bantayan nyo ang anak ko. Sa ngayon ay binata na sya, at marami nang pangarap sa buhay. Gabayan nyo sya sir.” Ibinigay nito ang larawan ng anak at tinanggap naman ito ni Carding.
“Makaka-asa ka.”
“Paalam sir, sa susunod na paglalakbay.”
Ito ang huling mga salitang narinig ni Carding sa kanyang mga kasamahan. Isa isa itong humarap sa capital punishment na walang ni isang nakaka alam. Nabigyan man ng compensation ang kani-kanilang pamilyang iniwan, hindeng hinde nila malalaman ang buong katotohanang iilan lang ang hinde mangmang.
———-
Nakarating amg convoy ni Nico sa mansion ng ama nya. Sinalubong sya nito at ng nakababantang kapatid na si Lana. Niyakap kaagad ni Nico ang kapatid. Nakipagkamay naman ito sa ama.
“Dad nandito na ang hinahanap nyo.” Inilabas nila si Carding na may takip pa sa mukha. Tinanggal nila ito at nagkita rin sa wakas si Mayor Romano at Carding.
“So, ikaw pala ang tinatawag nilang si Carding. Well, I should have been impressed but you made a crucial mistake. You crossed my line boy. For now, ipaparito muna kita, we have much to talk about.”
“Maikli lang ang dapat nating pag usapan Mayor Romano.”
“Oh? At ano naman ang magiging usapan nating maikli?”
“Ang magsalita ang baril ko ng Bang at sumagot ka ng Argh.” Sabay ngiti ni Carding.
“BAM!” sinikmuraan bigla ni Nico si Carding. Tinignan naman nito ang binata.
“Masyado kang matapang iho, ingat ka, baka tigre na ang ginagalit mo.”
“Kung tigre ka, Diyos ako. Hehehehe.”
Inilayo si Carding ng mga tauhan ni Mayor. Ikinulong sya sa isang underground cell sa ilalim ng mansion.
Kinagabihan ay pinatawag sya ni Mayor Romano. Dinala si Carding sa main terrace ng second floor. Dito nya makaharap muli si Mayor, si Nico at katabi nito si Lana, at ang panghuli ay si Chief Agusan. Naka upo ang mga ito sa sofa habang nakatayo naman sa harapan nila si Carding.
“Take off his shirt.” Utos ni Mayor Romano. Hinubad ang black suit ni Carding at pinunit ang manipis nyang t shirt. Lumantad sa kanila ang matipunong katawan na halatang batak sa gyera. Napalunok ng laway si Lana nang makita ang makisig na katawan ng bihag.
“Very impressive body. Sige umikot ka. I want to see your back.” Sumunod naman si Carding at nakita nila ang mga tattoo nya sa likod at mga braso. Napakagat labi si Lana.
“Good! Maganda ang katawan mo Carding. You know, I always check the bodies of the men I want to recruit. Ayoko nang mukhang lampa. I want my men strong. As you can see, hinde basta basta ang pangangatawan ng mga tauhan ko. Matitibay!”
“Hinde kasing tibay ng inaakala mo mayor nang makilala nila ang mga tingga ng baril ko.”
Napangiti si Nico sa biro ni Carding. Halatang napikon ang ama nito.
“Well iba rin yun of course. But you know what I mean.”
“Wag ka nang magsayang ng laway Mayor. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin.”
“Straight to the point. I like that. Walang paligoy-ligoy. Sige, Carding gusto kong magtrabaho ka sakin bilang hitman. Sa dunong mo sa pakikipaglaban, napakalaki mong asset para sa akin at sa negosyo ko.”
“Ano naman ang makukuha kong kapalit?”
“Isang buhay na marangya. Mapagbigay akong tao sa mga taong mabait sa akin Carding. Pero malupit ako sa mga taong hinde marunong umintinde sa kagustuhan ko. Isang beses ko lang ito inaalok sa iyo iho. You have to choose wisely.”
“Gustuhin ko man ng buhay na marangya, may problema ako sa ibang bagay Mayor.”
“Tulad ng ano?”
“Una, masyado nang mahaba ang mga sungay ninyo.”
“Hahahaha!” biglang nagtawanan sina Nico at Chief Agusan habang napapa iling naman si Mayor Romano.
“Pangalawa, masyado na kayong maraming kasalanan sa bayang ito.”
“I guess kailangan nating mag take note mayor hahaha!” wika naman ni Chef Agusan.
“At ikatlo, masyado nyo akong minamaliit.”
“Napakatalas talaga ng dila mo Carding. Mayor, ipagpaumanhin mo pero kakailanganin ko munang dalhin itong gagong ito sa presinto nang maturuan ko ito ng leksyon.” Suhestyon ni Chief Agusan at lumapit ito kay Carding. May hawak pa itong tabacco at bigla nitong diniin sa kanang dibdib ni Carding. Subalit hinde nito ininda ang hapdi ng nagbabagang tabacco, bagkus ay tinitigan lang nito si Chief Agusan.
“Wag ka mag alala Chief Agusan, marami tayong panahon para magkakilala nang lubos. Sa ngayon, mag relax ka lang muna pero sinasabi ko sayo, matagal nang gawa ang balang maghahatid sayo sa impyerno.”
“Heh! Mga bata dalhin yan!”
Lumapit ang mga pulis ni Chief Agusan at hinila nila palabas si Carding. Nagpaalam naman si Chief Agusan kay Mayor Romano.
———-
By: Balderic
Sa loob naman ng kampo, dali-daling tumakbo ang isang sundalo sa kwarto ni Col Palumo. Kumatok ito at tila nagmamadali. Binuksan naman ito kaagad ng kakagising na Col.
“Oh bakit?”
“Sir, nahuli nina Mayor si Carding!”
“Ganun ba? Teka, asan ang sarhento natin sa signal?”
“Sir, nakarecord na ho sila. My verbal evidence na ho tayo sa mga kalakaran nina Chief Agusan at Mayor Romano.”
“Mukhang kumagat na sila sa patibong ni Carding. Hinde ko alam kung saan galing ang tapang ni Carding para magpahuli nang makakuha lang ng ebidensya laban kina Mayor Romano. Sige, ipa inform nyo kaagad ang Division, at nang makapag coordinate rin tayo sa PNP.”
“Pero paano si Carding sir? Hinde ba natin sya tutulungan?”
“Tulungan? Sa ngayon hinde alam ng mga tauhan ni Mayor Romano na isang leon ang nahuli nila. Hinde ko alam kung ano pang mga plano ni Carding pero sa tingin ko, kaya nya gampanan ang misyon nya.”
———-
Ipinasok sa isang police mobile si Carding. Pinuwesto sya sa bandang likod at napapagitnaan ng dalawa pang pulis. Sa likod naman nya ang dalawa pang sasakyan. Pinakahuli ang private car ni Chief Agusan. Abalang nag uusap ang driver at kasama nya sa front seat habang tahimik lang si Carding. May takip itong itim na sako sa ulo.
Pagkaliko sa isang kanto ng sasakyan ay biglang siniko ni Carding ang panga ng pulis sa kanan nya. Tulog ito sa lakas ng impact. Inipit naman nya ang nasa kaliwa nang sandalan nya ito. Nakatunog ang police sa front seat at bumunot ng baril pero sinalubong ang mukha nya ng tadyak mula kay Carding. Huminto ang sasakyan bigla. Nag back head butt si Carding sa police na sinasandalan nya at tinamaan ito sa ilong. Napasigaw ito sa sakit. Ang driver naman ay kasunod nitong sinakal gamit ang posas nya. Pumalag ito pero wala nang oras si Carding at tuluyan nitong dinurog ang lalamunan ng parak na ikinasawi nito. Hinugot ni Carding ang baril ng isang police.
“BLAM BLAM BLAM!!” Tatlong putok ang tumunog at napalabas sa sasakyan ang iba pang police sa kabilang kotse.
“Tignan nyo!” utos ni Chief Agusan. Kinuha nito ang service arm nya at lumabas ng kotse.
Dahan dahang lumapit ang tatlong pulis sa mobile car sa unahan. Madilim at hinde nila kita kung ano ang nangyayari sa loob.
“SKREEEEEEHH!!!!! VROOOOOOMM!!!” Biglang umatras ang kotse at napa dive pagilid ang tatlong pulis!
“KRASHH!!” Bumangga ito sa harapan ng ikalawang police mobile. Tumayo ang mga pulis at binuksan ang pinto ng naturang sasakyan pero mga bangkay lang ng mga kasama nila ang naroon.
“Nandito ako mga unggoy!!!” nakatayo sa kalsada si Carding sa unahan na ikinagulat ng mga pulis.
“BLAM BLAM BLAM BLAM BLAM!!!!” pinaputukan ni Carding ang mga parak gamit ang dalawang service arm na nakuha nya sa mga kasama nito. Mabilis nyang nadispatsya ang mga kurap na pulis.
“KRAKOOMM!!!” Kumulog sa kalangitan. At kasunod nito ang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang katawan ni Carding. Hubad ito at naka military pants lang na kulay itim at nakayapak. Ang posas naman ay nakasabit sa kaliwang kamay nya. Naglakad sya palapit sa mga sasakyan.
“Ang lakas ng loob mong lumaban Carding! Isang pagkakamali mong pagbabayaran mo ng buhay mo!” sigaw ni Chief Agusan.
“Walang karapatang magsalita ang tupa sa lobo Chief Agusan! Ihanda mo na ang sarili mo dahil maghahapunan ka ngayong gabi ng mga tingga ko!”
“BRAM BRAM BAKAM BRATATATATATATA!!!!!!” Sunod sunod na putok ng mga pulis. Pero wala silang tinamaan. Naglaho si Carding. Bigla itong lumapit sa gilid ng isang parak.
“Boo!” “Blam!” ginulat nito sabay binaril sa leeg ang pulis. Bumula ang bibig nito ng dugo. Hinablot ito ni Carding at ginamit na human shield. Tinadtad ito ng mga baril ng kanyang mga kasamahan at sumagot naman ng putok si Carding. Dalawa dito ang tinamaan sa dibdib at ulo. Naglaho muli si Carding at nagtago sa likod ng mobile car ang apat pang natitirang pulis. Sa puntong ito ay kinakabahan na ang mga pulis. Tila hinde tao ang kanilang nakakaenkwentro. Masyado itong maliksi at masyadong asintado.
Sinilip nila sa kaliwa’t kanan bahagi ng kotse pero wala si Carding. Dagdag pa sa hirap ng paghahanap ang malakas na ulan at madilim na paligid. Biglang lumiwanag ang gabi sa kulog at kidlat, at isang anino ang napansin nila mula sa itaas.
“KRAKOOMMM!!!!” Sa ibabaw ng sasakyan ay nakatayo si Carding. Nakatutok ang mga baril sa apat na pulis.
“AAAAAAHHH!!!!” “BLAM BLAM BLAM BLAM!!!!” Walang nagawa ang mga ito kundi ang tanggapin ang bawat balang tumagos sa mga ulo nila.
Tumalon pababa ng kotse si Carding at tanging si Chief Agusan na lamang ang natitira.
“Bibigyan kita ng pagkakataong lumaban Chief Agusan. Pero kapag nakalapit na ako sayo, sisingilin ko na ang buhay mo.”
“GRAAAAAHH!!!” Lumabas nang pinagtataguan si Chief Agusan.
“BLAM BLAM BLAM BLAM BLAM BLAM!!!!” Nagpaputok ito pero lahat ng bala ay nasalag ng mga bala ni Carding. Kumuha ng dalawang magazine si Carding at nagreload habang dahan dahang naglalakad palapit.
“HUWAG KANG LUMAPIT DEMONYO KAAAAA!!!!” “BLAM BLAM…