Batas Ng Bala

“SPAKK!” “UGHH!” Isang malakas na palo ng pistula ang narinig ng isang batang babae. Narinig nito ang daing ng ama matapos tumama ang bakal na hawakan ng baril sa sintido nito. Nanginginig na halos hinde makahinga ang batang babae habang nagtatago sa madilim na parte ng malaking cabinet ng silid ng mga magulang nya.

“Sinabi ko naman sayo, madali lang akong kausap. Ang gagawin mo lang ay ang sumunod! Pero ang tigas ng ulo mo!” Wika ito ng isang lalake na nasa labas ng bahay habang kaharap ang ama ng dalagita.

“Pakiusap…Mayor….ginagawa ko lang ang tungkulin ko….pakiusap wag nyo nang idamay ang pamilya ko…”

“Dapat inisip mo na yan noon pa. SIGE! HALUGHUGIN NYO ANG BAHAY AT ILABAS ANG PAMILYA NITONG GAGONG TO!”

“Maawa na kayo Mayor…maawa na kayo..” “BLAMMMM!!!”

Biglang nagising ang isang babae sa kanyang higaan. Nakasuot ito ng puti na coat. Umupo sya sa gilid ng maliit na higaan at kinapa ang noo. Tila masakit pa ang ulo nya. Tumayo ang babae at kumuha ng tubig at uminom ito ng pain killers. Napalingon sya sa pinto nang may kumatok.

“Sino yan?” tanong ng babae.

“Doc may pasyente ho kayo.” Sagot naman ng isang middle aged na babae.

“Sige Aleng Mameng susunod na ako.” Nag ayos ang dalagang doktora bago ito lumabas sa silid nya.

——

1993

Isang volunteer community doctor si Loren Mercado. Sa edad na 25 ay nagdesidido itong maglingkod bilang isang doktor sa bayan ng Sta Fe. Maganda at simple lang kung titignan si Loren, may katangkaran ito, unat ang itim nitong buhok na shoulder length at may hubog ng katawan na kurbadang kurbada. Mag tatatlong buwan pa lamang ito sa Sta. Fe pero sikat na ito sa buong bayan. Isang magandang doktora na nag gagamot nang walang bayad. At natural ring may iilan ang nabighani sa anking kagandahan nito.

Pumasok sa klinika si Richie “Goldenboy” Romero. Goldenboy ang bansag dito dahil sa mga mamahaling alahas na suot ng matipunong lalake. Naka porma ito ng puti na polo shirt na naka tuck in, maong at may bandolier sa bewang na may nakasabit na baril. Kanang kamay ito ni Mayor Romano. Nakatingin sa kanya ang ilang nakapilang mga pasyente habang naglalakad sya papalapit sa lamesa ni Doc Loren at abala sa pag nguya ng bubble gum.

“Good morning miss beautiful.” Pagbati nito sabay tanggal ng bubble gum at dinikit ito sa ilalim ng desk ni Loren. Napabuntong hininga si Loren.

“Pwede ba Richie wag mong sirain ang araw ko ngayon.”

“Alam mo, di ko talaga maintindihan eh kung bakit ang init ng dugo mo sakin. Hehe. Binata ako, dalaga ka. Gwapo ako, maganda ka. Mapera ako, mukhang may pera ka. Oh diba? Bagay na bagay. Walang mintis! Hehehe.”

“Richie, ang isa sa mga bagay na ayaw ko ay ang ikumpara ako sa isang unggoy.”

“HAHAHAHA!” Nagsitawanan ang ilang mga pasyente. Tinitigan naman ito ng masama ng lalake.

“Loreeen…baaaabe…wag kang ganyan. Nandito nga ako at dahan dahang nakikipag usap sayo. Hinde ako naparito para makipagtalo. Lalo na sa isang napakagandang binibining tulad mo hehe. Maswerte ka pa nga eh, ikaw lang ang nag iisang babaeng pinupuntahan ko eh samantalang ang dami daming babaeng naghahabol sakin hehe.”

Lumapit si Aleng Mameng kay Richie.

“Iho, hinde mo ba nakikitang nakaka isturbo ka sa trabaho ni doktora? Tignan mo nga ang haba ng pilang yan. Hinde ka naman siguro bobo ano, makiramdam ka naman sa mga tao rito. Kaya kung pwede lang, umalis ka na.” wika ng matanda. Ngumiti lang si Richie at dumukot ng yosi sa bulsa saka sinindihan ito at bumuga ng usok sa loob ng klinika.

“Ang kapal talaga ng mukha mo ano!? Hinde ka ba marunong umintinde!?” galit na tumayo si Loren at lumapit kay Richie. Inagaw nito ang yosi at itinapon sa labas ng klinika. Tumingin ito kay Richie at tinuro ang labas.

“Lumabas ka na Richie! Labas!” sigaw ni Loren.

“Hehe relax babe. Mas lalo kang gumaganda kapag nagtataray ka eh hehehe.” Napilitang lumabas si Richie. Sinubukan nitong hawakan ang maamong mukha ni Loren pero umiwas ang babae. Naglakad palabas si Richie at sumakay sa kotse nito.

“Grabe talaga ang kapal ng pagmumukha ng taong yun ano.” Wika naman ng dalagang nurse ni Loren.

“Hay naku, wag na nating bigyan ng oras na pag usapan ang asong yun Rita. Marami pa tayong gagawin.”

“Hihi okay doc.”

——

By: Balderic

Sa isang sakahan naman na malapit sa bayan ng Sta. Fe, nakaluhod ang matandang magsasaka sa harap ng anak ni Mayor Romano, na si Nico Romano. Napapalibutan ng mga tauhan nito ang matanda. Habang nasa loob naman ng bahay ang asawa ng magsasaka at nag iisang anak na dalaga.

“Manong, apat na buwan na kayong hinde nagbibigay ng kontribusyon! Apat na buwan! Puta, habang tumatagal mas lalong lalaki ang babayaran mo.”

“Paumanhin ho senyorito, pero talagang madalang ang kita ko sa pagsasaka lalo pa at sunod sunod ang tagtuyot nitong mga huling buwan. Pakiusap ho, bigyan nyo ako ng isa pang pagkakataon para makapag bigay ako.”

“Alam mo bang sinasayang mo ang oras ko dito? Dapat nasa maynila ako ngayon pero inutusan ako mismo ng daddy ko na pumunta rito at ipa remind sayo kung ano ang pagkukulang mo. Wala nang pagkakataon ang maibibigay namin sayo tanda. Bilang compensation, kukunin muna namin ang anak mo para maisipan mo kung gaano kami ka seryoso.” Sumenyas si Nico sa mga tauhan at nilapitan ng mga ito ang dalagita.

“Pa..pakiusap ho…wag po ang anak ko! Wag po! Maawa na kayo senyorito..gagawin ko naman po ang lahat para makapag bayad…”

“Kunin nyo yan!” utos muli ni Nico.

“Itaaayy!!! Tulungan nyo ako itaaaay!” sigaw naman ng dalagitang hinablot ng dalawang goons. Sa likod naman ni Nico ay dumating na rin si Richie at kakahithit palang nito ng shabu kaya sumisinghot pa ito na nakangisi.

“Bitawan nyo syaaaa!!! Maawa na kayo sa amin senyorito Nico!! Maawa na kayooo!” pakiusap naman ng ina ng dalagita. Sinubukan nitong agawin ang anak sa dalawang goons pero tinulak ito palayo ng isa pang tauhan ni Nico.

Pages: 1 2 3 4 5

Dont Post any No. in Comments Section

Your email address will not be published. Required fields are marked *