Batas Ng Bala

“Senyorito….maawa na po kayo sa amin…wag po ang nag iisa naming anak….senyorito Nico…” nakaluhod na kumapit ang matanda sa maputing slacks ni Nico.

“Tabi dyan!” sinipa nito sa mukha ang matanda at nabuwal ito. Samantalang pilit namang ipinapasok sa isang kotse ang dalagita. Tumakbo naman palapit sa dalagita ang ina nito upang labanan ang mga tauhan ni Nico.

“Bitawan nyo syaaaa!!!”

“BLAM!” Biglang binaril ni Richie ang ina ng dalagita at tinamaan ito sa dibdib.

“INAAAAAAYYYY!!!!” Walang labang naipasok sa kotse ang dalagita at humandusay na duguan ang ina nito sa lupa.

“Aaahhh!!! Bakeeeeett….!!???? Baket nyo kami ginaganito!?? Mga walang awa! Mga walang puso!!! Mga demonyo kayooooo!!! Mga hayoooopp!!!” Sigaw ng matanda habang yakap ang duguang asawa.

“At least ngayon, nabawasan na ang papalamunin nyo tanda. Kaya mag ipon na kayo ng pambayad hahahaha!” Wika naman ni Nico at iniwan ng mga ito ang matanda.

——

Sa bayan naman ng Sta. Fe, tahimik na nakatambay sa isang karinderya si Inspector Diego Remulla. Isang bagong nadestinong pulis sa Sta. Fe. Umiinom ito ng soft drinks habang pinapa ikot ikot ang engagement ring sa daliri nya. Sa gilid naman nya ay matakaw na kumakain ang kapareha nyang si Spo1 Gringo.

“Snatcheeeer!!! Saklolooooo!!!” Isang sigaw ng babae ang pumukaw ng atensyon ng dalawang pulis. Nakita nila ang isang binatang humahagibis palayo at may dalang side bag.

“Gringo habulin natin!” sigaw ni Diego.

“Ser, hayaan nyo na muna yan, hinde naman makakalayo yan.”

“Ano!? Nakakalimutan mo na ba ang tungkulin mo!? Inuutusan kitang habulin ang lalakeng yun!”

“Di pa ako tapos kumain sir.”

“Mamaya ka sakin.” Banta ni Diego at hinabol nito ang snatcher. Mabilis ring tumakbo si Diego at batang bata pa ito. Malapit na nitong mahabol ang snatcher nang bigla itong lumiko sa isang eskinita. Pumasok din si Diego pero bigo na itong makita ang lalake.

Kinausap ni Diego ang biktima na mag file ito ng complaint sa presinto. Lumapit naman si Spo1 Gringo na may toothpick pa sa bibig.

“Ano sir? Hinde nyo inabutan? Sabi na eh, mabilis masyado yun.”

“Maghanda ka na Gringo dahil hinde ko palalampasin ang katarantaduhan mo kanina. Direct insubordination ang ginawa mo. Tignan natin kung paano ka kumanta kay hepe pag balik natin sa station.”

“Sir, masyadong mainit dugo nyo. Hinay hinay lang, ang bata bata nyo pa sa serbisyo, baka bigla kayong magkasakit sa puso nyan. Ikakasal na panaman kayo sa susunod na buwan.”

Isa sa top cadets si Inspector Diego Remulla. Matagal na nitong pangarap na maging isang pulis at dahil sa pangarap na ito, hinde nya binigo ang pangakong magsisilbi ng matuwid para sa bayan.

Dahil sa insidenteng nakatakas ang snatcher, isinumbong ni Diego si Spo1 Gringo police chief nilang si Chief Teddy “Big Bear” Agusan. Isang matabang police chief ng Sta. Fe at matagal nang kaalyado ni mayor Romano. Ipinatawag nito si Diego sa opisina nya kasama si Spo1 Gringo upang mag usap at magka ayos.

“Gringo, totoo bang hinde mo tinulungan si Inspector Remulla kanina?” tanong ng hepe habang may hawak itong tabacco. Naka tayo naman sa harap nya ang dalawang pulis.

“Ah..oo sir. Nung mapansin ni sir Remulla yung suspect, nakalayo na sir tsaka paano ko naman yun mahahabol sir eh may rayuma na ako sa tuhod. Sya naman kasi sir ang mapilit na habulin yung tao. Pero sir, kilala ko na ho yung suspect. Nahuli na rin po yun nung isang taon sa pagnanakaw ng mga damit sa norte.”

“Ah oo naalala ko na. Naku, pasaway talaga ang batang yun. Oh Inspector Remulla, alam kong malakas ang prensipyo mo bilang isang pulis. Bago ka palang sa serbisyo kaya naiintindihan kita. Ika nga, kapag bago ka palang eh malakas talaga ang passion mo, parang bagong kasal hehe. Ganyan rin ako nung kabataan ko, diba Gringo?”

“Yes sir.”

“Sir, kung mamarapatin nyo, kulang ng disiplina ang mga pulis nyo. Matataba, relax at may kung ano anong dahilan para maka iwas sa trabaho. Hinde ito nababagay sa klase ng serbisyong isinumpa natin.” Sagot naman ni Diego.

“Inspector, wag ka masyadong magmayabang kung isa ka sa top ng PNPA. Alalahanin mo, ikaw ang bagong salta rito at kami ang matagal nang nasa serbisyo. Ayusin mo ang pananalita mo iho. Hinde ka magtatagal sa ganyang klaseng ugali. Ilugar mo ang sarili mo, maliwanag?”

“..yes sir…”

“Bueno, aalisin ko na muna sa field duty si Gringo para hinde na magreklamo sa rayuma nya. Gringo, tawagin mo yung isang Po natin dyan sa labas.”

“Yes sir!” nakangiting tinignan ni Gringo si Diego bago ito lumabas ng opisina.

“Sir wala man lang kayong gagawing aksyon kay Spo1 Gringo?” Angal naman ni Diego.

“Iho palampasin mo na yan. Wag mong idadaan sa init ng ulo. Pamilya tayo dito Inspector Remulla. Kailangang matibay ang samahan natin para wala tayong samaan ng loob. Okay ba?”

“..yes sir…”

“That’s good. Relax Diego, marami kapang matututunan rito. Dismissed.”

“Pasaway ba ang bago nating kadete sir?” wika naman ng isang opisyal na pumasok sa opisina ng hepe at kasama nito ang isang non commissioned officer. Sumaludo kaagad si Inspector Remulla.

“Haha wag ka mag alala Ramil, matututo rin itong bata natin.” Inabutan ng hepe ng tabacco si Senior Inspector Ramil Bandio. Ang pinagkakatiwalaang kamao ni Chief Agusan. Lumabas si Diego at hinde na pinansin si Senior Inspector Bandio.

“Pinatawag nyo raw ako sir? Anong atin?” tanong ni Ramil.

“Kinausap ako ng bata ni Mayor. Mukhang kulang raw yata ang biyaya ni Mr Tan nitong nakaraang linggo. Sinabihan nya akong ipa remind raw sa tsokwang yun kung sino ang tunay na bossing sa bayang ito.”

“Hehehe so gusto mong maglaro kami?” pabirong sagot ni Ramil.

“Ikaw na bahala Ramil. Ayusin mo na kaagad ang gusot na yan. Ayokong mababad ng sabon sa lunes habang may conference kami sa munisipyo.”

“No problem sir.”

“Ah sya nga pala, isama mo na rin si Inspector Remulla.”

“Di kaya masyado pang maaga para dyan sir? Paano kung bahag yun at magdesisyong kumanta?”

Tumingin ng matalas si Chief Agusan at bumuga ng usok.

“Mas maganda mas maaga nating malalaman ang kulay ng magiging kasama natin iho. Mahirap tumaya sa puti, yun pala’y pula ang lalabas.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5