Batas Ng Bala

“Hihi yun nga Loren, ayoko mawalay dito kasi malingat lang ako sandali, ibang babae ang kakalikutin nito.”

“Oi magtigil ka ha. Anong pinagsasabi mo dyan hahaha!” pagtanggi pa ni Diego.

“Hahaha asus! Eh yung ex mo di mo ba kinalikot yun nung dumalaw sya bigla sa academy? Muntik ka pang matanggal dahil sa kalokohan mo.”

“Ha!? Totoo ba yan?” gulat naman ni Loren.

“Diyos ko ayan nanaman tayo.” Pa iling iling si Diego.

“Oo mare! Bumisita ang ex nya dun sa barracks nila. Buti nga nahuli agad ng bantay, kamuntik pang ma issue itong chonggong to.”

“May chonggo bang gwapo?”

“yabang!” parehong nagtawanan ang dalawang babae. Matapos uminom si Loren ay nagseryoso ang mukha nito.

“Pero Diego, di ka ba natatakot? I mean, hinde basta basta ang Sta. Fe. Maraming krimen ang nangyayari dito at napakataas ng corruption rate.” Tanong ni Loren.

“Kaya nga ako ipinadala dito Loren, kasi kompyansa ang Pnp na magagampanan ko ang tungkulin ko dito bilang isang alagad ng batas. At naniniwala akong kahit kelan ay hinde magwawagi ang kasamaan sa kabutihan.”

“Hmm basta mag iingat ka lang Diego. Maraming umaasang mababago mo ang bayang ito. Kabilang na ako dun.”

“Wag ka mag alala Loren. Malakas kaya ako kay Lord hehehe.”

“Nabalitaan kong pinatay raw ng tauhan ni Mayor ang asawa nung isang magsasaka sa labasan. Tapos dinukot pa ang anak nitong dalagita.” Wika naman ni Cathy.

“Oo nga eh, pero hinde pa bumibisita sa presinto ang biktima. Pinuntahan naman yun nina sir Bandio pero parang malabong gawan nila ng paraan yun.” Sagot naman ni Diego.

“Mag iingat ka dyan kay Senior Inspector Bandio, hinde maganda ang naririnig ko sa kanya.” Babala naman ni Loren.

“Masyado pang maaga para magkaharap kami Loren, pero darating din ang araw na susukatin ng araw kung sino sa amin ang may pinakamalaking anino.”

——

By: Balderic

Nag conduct ng raid ang mga tauhan ni Bandio kasama si Diego sa restaurant ng intsek na si Mr Tan. Sa likod na bodega ay tumambad ang ilang droga at shabu. Kinompiska ng mga parak ang lahat ng ebidensya at hinuli ang chinese national kasama ang mga tauhan nito. Patuloy sa paliwanag ang intsik pero hinde ito pinakinggan nina Diego. Isinakay nila ito sa police car upang madala na sa presinto.

Sa loob ng presinto ay mabilis na pinapasok si Mr Tan sa opisina ni Chief Agusan. Naghintay naman sa labas si Diego at Bandio.

“Bakit kailangan pang kausapin ni Hepe si Mr Tan? Hinde naman ito kasama sa procedure ah.” Tanong ni Diego.

“Diego, Diego…ako kinakabahan sayo eh. Relax, wag kang masyadong mainit. Alam namin ang ginagawa namin.”

Ilang minuto pa at lumabas si Mr Tan at Chief Agusan. Nakangiti ang intsik nang lumabas at wala na itong posas.

“Well Mr Tan, mabuti at nagkaka-intindihan na tayo.”

“Wala problema tsip, ako bahala sa enyo…di ko kakalimutan eto…” nakipag kamay si Mr Tan kay Chief Agusan at akmang paalis ito nang hinarang ito bigla ni Diego.

“At saan ka pupunta?” napatingin ang intsik kay Chief Agusan.

“Inspector Remulla, wag mong harangan si Mr Tan.” Utos ni Chief Agusan.

“Sir hindeng hinde ako papayag na makakalaya ang isang katulad nito! Napakarami naming ebidensya na nakuha sa bodega nya! Bakit nyo hahayaang makalaya itong taong to!?”

“Diego, masyadong mainitin ang ulo mo. Pwede bang tumahimik ka nalang at sumunod sa utos ng superior officer mo?” Wika naman ni Bandio.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5