Rey: Oo tito! Charlyn po.
Gardo: Yung dati mo pang sinasabi?
Rey: Opo tito, hehe!
Gardo: Aba! Eh napakaganda naman pala talaga eh oh.. Kaya naman pala dinaan daanan mo lang ang lahat ng ibang babaeng inuwi mo. Haha.. Hik!
Rey: Tito lasing ka na! Hahaha.. Huwag kang magsimula..
Sabay balik ang tingin ni Gardo kay Cha..
Gardo: Aba, eh totoo naman! Hik.. Alam mo Cha, itong si Rey.. Paborito ko tong pamangkin. Mana sa akin, gwapo na.. Gwapo pa! Ahahahahaha..
Cha: Ay! Ehehe.. Eeh.. Nga po eh..
Si Rey naman ang namutla ngayon.
Gardo: Napakalambing naman pala ng boses nitong si Cha, Mukhang maamo pa! Teka muna, ilang taon ka na iho?
Rey: Kaka19 ko lang tito..
Gardo: Ikaw Charlyn, ilang taon ka na?
Cha: Ah.. 19 din po!
Gardo: 19? Sigurado ka? Sa itsura mong yan? Hik.. Patingin nga ng ID?
Rey: Tito naman.. Huwag..
Gardo: Hindi! Tingnan mo naman Rey! Halos kalahati mo lang siya sa tangkad, tapos kung makapagsalita at kumilos eh parang hindi pa siya nagdadalaga.. Patingin ng ID..
Napatingin na lang si Cha kay Rey na hiyang hiya na sa ginagawa ng tito niyang lasing. Pero tingin na lang din sa mata ang naibalik niya kay Cha na ang ibig sabihin ay “Sige na, ipakita mo na para maniwala na at matapos na..”
Naglabas ng isang ID si Charlyn at inaabot sa tito ni Rey.
Tinignan ni Gardo ang ID at para bang pulis na binabasa lang ng pabulong ang lahat ng nakikita niya sa ID. Charlyn Manlangit Velasco.. Hmm.. Taon.. At halata ng dalawa na nakatingin na si Gardo sa birthday ni Cha sa ID.. At ibinalik na ni Gardo ang ID kay Cha.
Gardo: 19 nga! Hahaha.. Hik.. Pasensya na, wala kasi sa itsura! Kung tumayo ka kasi para ka lang 16, tapos nung nagsalita ka, para kang katorse lang.
Cha: Hehe, ganito na lang po talaga boses ko tito, matinis at mahangin nga daw po.
Gardo: Sige, naninigurado lang na nasa tama na kayong edad para mag ligawan. Mahirap na, akala ko naman nangbibiktima na ng bata tong si Rey eh. Eh ayaw ko naman magaya sa akin ito.
Cha: Ay hehe!
Gardo: Henry!! Henry!! Pahingi ng dalawa.. Ay tatlohin mo na, dalhin mo dito yung baso ko!
May lumapit pa na isang lalaki at may dala itong tatlong baso..
Gardo: Oh! Oh dito din kay Cha!
Cha: Ay! Hala po! Hindi po ako nainom tito..
Gardo: Sige na iha! Minsan lang naman! Hik..
Nagkatinginan si Rey at si Cha na para..
Rey: Ako na lang shot ng kanya tito!
Gardo: Hindi naman pwede yun! Hik.. Nasa binyagan eh ayaw magsaya?
Sinenyasan na lang ni Rey si Cha na pagbigyan ang tito.. Wala na lang nagawa si Cha!
Rey: Teka lang Cha!
At umalis si Rey saglit at bumalik din naman kaagad ng may dala pang isang baso..
Rey: Ayan! Magcoke ka after mung inumin yan..
Cha: Eh? Ano mangyayari?
Gardo: Ganyan ka kaagad kaalaga ng pamangkin ko! Malamang alam mong pangit ang lasa ng alak kaya ayaw mo. Pagkainom mo ng alak, inumin mo kaagad yung coke.. Chaser ang tawag diyan! Gagawin mo yan kada inom mo para mawala ang pangit ng lasa at humina man lang ang tama ng alak sa utak mo.. Sige na! Ngayon ka lang ba talaga makakatikim ng alak Cha?
Cha: Eh.. O.. Opo tito eh!
Gardo: Hala sige, pagbigyan.. Hik! Masanay ka rin iha.. Osige, kampay!!
Nagbanggan ng mga baso ang dalawang lalaki, ginagaya na lang ni Cha ang kung ano man ang ginagawa ng dalawa.. Habang nilagok na kaagad ng dalawang lalaki ang mga shot nila, si Cha naman ay napatitig sa loob ng baso na kanyang iinuman. Naamoy niya kasi ang tapang ng alak na dadaan sa lalamunan niya.. Napansin na niyang siya na lang ang hinihintay ng dalawang lalaki at..
Cha: Ulk.. Ulk.. (Nasamid)
Rey: Oh! Yung coke Cha!
Nangasim pa ang mukha ni Cha bago niya naalala ang softdrinks na hawak niya.. Sabay ininom niya rin ito.. At naubos pa nga!
Cha: Oho!! Ohk.. Eh..?
Maluha luha si Cha dahil sa alak na ininum niya..
Gardo: Kampay sa magiging pag ibig niyong dalawa.. Hik!
Cha: Ha.. Eh! Ohk.. Hala po.. (Namutla kasabay ni Rey)
Halos may apat na oras na pala ang nakakalipas dahil maya’t mayang sumisilip si Cha sa cp niya at mag alas otso na pala. Kahit ayaw ni Cha, maya’t maya na rin siyang napapainom dahil pinagbibigyan na lang niya at ni Rey ang tito ni Rey na lasing na. Pagkatapos kasi ng unang pagpapakilala ni Rey sa tito niya kanina kasabay ng kauna unahang inom niya sa buhay, inaya na lang sila nito na doon na pumwesto sa mesa nila.. Hindi na nila natanggihan ang matanda at sumama na nga lang kung saan niya unang nasilayan si Rey kaninang hapon lang.
Dito na sila pumirme at nagpatuloy ng ligawan nila. Hindi na nga namalayan ni Cha na ang konti na pala ng mga bisita at halos mangilan ngilan na lang ang mga hindi kamag anak nila Rey at Ernie. Isa na lang siya sa mga tatlo o apat na namumukhaan niyang mga bisita. Kanina pa rin niya hinahanap si Dina pero hindi lang talaga siya makahanap ng tsempo. Nakikita lang niya kasi si Dina na palakad lakad at parang napakaraming inaasikaso.. Hanggang sa..
Dina: Musta na kayo diyan? Hoy Rey, baka naman nilalasing mo na si Cha ah, medyo namumutla na oh! Hindi marunong uminom yan!
Napatayo na lang si Rey at mahinang nagsalita..
Rey: Uy hindi ah! Hindi ako, si tito kasi..
At nakahanap na si Charlyn ng pagkakataon makatakas..
Cha: Hik.. Uy Dinaaah! Paihi ulit..
Dina: Ay! Alam mo naman kung nasaan ang ihian namin.. Rey baka gusto mo na lang samahan! Yihee.. Hahahahahaha
At maglalakad na sana sila..
Gardo: Oh! Saan.. Hik! Saan na kayo pupunta?
Rey: iihi lang siya tito..
Gardo: Aah.. Akala ko naman may gagawin na kayo eh.. Hehehehehe.. Sige! Bumalik kayo dito ha!
Nailang na naman si Cha dahil sa narinig niya.. Dahil sa nangyari nga sa kaniya. Pero hindi na siya halos makapag pakita ng kahit anong reaksyon dahil pagkatayo niya sa upuan, bumigat at bigla ng lumala ang pagkahilo niya. Napansin pa ito ni Rey dahil parang tutumba na siya. At dito siya unang nahawakan ni Rey sa kamay.
Rey: Oh, oh!
Cha: Ay.. Hik.. Sorry, hehe!
Dina: Nako Rey ginawa mo kay Cha? Lika na nga!
Rey: Si titio nga, hindi ako!
At ng nakalakad na sila ng konti..
Cha: Oo dina, hindi si Rey! Si tito..
Dina: Uuy.. Kinilig ako! Hahahaha, dinedepensahan mo na si Rey ngayon ah! Hahahahaha..
Cha: Eeeh.. Kasi totoo naman! Hahahaha.. (Kinikilig)
Naibabawan ng hangin ang kalooban ni Cha dahil nakatakas siya.. Hindi naman si Rey ang gusto niyang takasan, yung tito ni Rey dahil sa kakapainom sa kanya. Bakit nga naman niya tatakbuhan si Rey.. Eh nahuhulog na siya dito..
Nakaihi na si Charlyn at..
Dina: Oh Cha! Kaya pa?
Cha: Hik.. O.. Oo..
Dina: Ganito, kapag hindi mo na kaya, dito ka na matulog. Please huwag kang mahiyang pumasok sa kwarto namin, kilala kita eh! Hahahahaha
Rey: Hindi, kapag gusto niya umuwi, ihatid ko na lang siya Ate Dina!
Dina: Hoy isa ka pa! Tignan mo nga mukha mo, pulang pula ka na rin sa alak.. Kapag isinemplang mo na naman yung motor ni tito lagot ka na naman! Magpapasikat ka lang kay Cha eh!
Rey: Ate Dina naman, isang beses pa lang naman ako sumemplang, hindi pa ako lasing noon! May bato lang ako nagulungan..
Dina: Oh sa bagay! O sige.. Ganito, pag hindi kaya, huwag pilitin.. Pag kaya pa, siguraduhin mo Rey na mahahatid mo si Cha sa kanila mismo ha! Kasi nagliligpit na kami nila mama at malapit ko ng palitan si Ernie!
Cha: Eh? Palitan? Oo nga pala, asan na si Ernie?
Dina: Naandoon, tulog na kanina pa! Sabi ko mag alaga eh! Natulog ba naman? Buti na lang nakatulog din si Farah! Hayop.. Haha!
Cha: Aah..
Dina: Pag nagising na kasi yan si Farah, ako naman papalit sa kanya magbantay! Buhay may pamilya nga naman Cha ano? Haha!
Cha: Hehe..
Dina: Kapag hindi na ko nakalabas ng kwarto, kumatok o pumasok na lang kayo sa loob ha? Rey! Kaya mo bang alagaan tong si Cha?
Rey: Oo naman..
Dina: Si Cha na yan ha! Hindi yung kung sino sino lang dyan!
Rey: Uy Gago ka Ate Dina! Hahaha..
Dina: Hahaha! Oh, iwan ko na muna kayo ha!
At nagyakapan at nag beso beso na ang dalawang babae bago bumalik si Dina sa kusina..
At dito unang nagkatinginan sa mata ang dalawa..
Rey: Uhm.. Halika.. Doon muna tayo.. Bago tayo bumalik doon kina tito..
Cha: Eh? Saan?
May itinurong puno si Rey sa napakalawak na bakuran ng bahay.. Madilim pero hindi siya tumangging sumama. Hindi na iniisip ni Cha na gagawin din sa kanya ni Rey ang ginawa sa kanya ni.. Daboy! Si Daboy, palaboy.. Si Rey nakapag aral man lang at naging kaeskwela pa nga niya, mabait na mayabang ang dating.. At gwapo! At nakapag desisyon na siya.. Crush na nga niya si Rey!
Nakarating na sila sa puno na may katabing isang bulok na sofa.. Ganito naman sa kanila sa Romblon. At dahil nga probinsya, tahimik, malawak.. Mapuno. At dito, hindi siya takot sa gabi dahil tiga dito siya, hindi tulad sa Maynila..
Rey: Mahihintay mo ba ako dito? Saglit lang.. May kukunin lang ako dun sa mesa nila tito..
Cha: Ha? Oh.. Hik.. Sige..
At iniwan muna siya ni Rey..
Tinignan niya ang paligid niya, madilim.. Mapuno.. Malamig ang hangin. Nakakarinig pa siya ng kuliglig at ng kung ano ano pang insekto dahil napaka tahimik sa kanila, isa lang ang medyo kinaiinisan niya. Ang videoke nila tito Gardo! Sanay naman siya sa ganitong ingay, pero dahil puro lasing na nga ang mga kumakanta, hindi na siya natut…