Names, places, events and incidents similar to the story are purely products of the writer’s imagination.
——————–
——————–
Mataman akong nakatitig sa saradong pintuan ng simbahan. Sa pagkakatitig kong yun, damang dama ko ang malalakas na tibok ng aking puso. Anumang oras ay bubukas na ang dalawang pinto ng simbahang iyon.
Kanina pa ako nakatayo sa may bandang harapan ng simbahan, suot ang aking puting puting Barong Tagalog na may puting Camisa de Chino na pang loob ko na tenernuhan ng itim na slacks na sinadya ko pang ipatahi sa isa sa pinakasikat na designers ng Pilipinas. Ang itim ko namang sapatos ay sinadya ko pang bilhin sa Paris nung dumalaw ako sa aking ama para ibalita ang tungkol sa araw na ito.
Napakaespesyal ng araw iyon kaya dapat espesyal din ang aking isusuot.
Halos di ako mapakali sa mga oras na iyon. Punong puno ng mga taong imbitado ang simbahan pero pakiramdam ko ay mag-isa lamang akong nakatayo sa lugar na iyon.
Naalala ko tuloy ang una naming pagkikita ni Bernadette.
————————
Kasalukuyan akong naglalakad sa tabi ng kalsada ng biglang may isang humaharurot na sasakyan ang dumaan at eksaktong sa may lubak pa.
Ano pa ba ang aasahan?? Tumalsik ang pagkakadami daming putik sa aking light gray long sleeves at itim na slacks.
Pag minamalas nga naman. Nasira na nga ung car ko kaya kinailangan ko pang maglakad. Tutal malapit naman ang aking opisina at kako, exercise ko na din tapos dumagdag pa itong putik sa mga suot ko.
Tumigil ang sasakyan. Inispatan ko ito. May kalumaan na din pala pero kung makapagpatakbo akala mo hari ng kalsada. Napabuntong hininga na lang ako.
Lumabas ang isang babaeng naka-mini skirt ng kulay ube na ang pang itaas nito ay isang puting blusa. Napakasimple niyang tignan sa suot nitong 2-inch heels.
Tumigil ang pagsipat ko sa kanyang mahahabang legs. Mapuputi iyon at sobrang kinis na akala mo ay nakastocking.
Napakunot noo ako habang pataas ng pataas ang aking pagtingin. Pilit na ibinababa ng babae ang kanyang skirt na tipong nahihiya. Pero kung tutuusin, wala siyang dapat ikahiya sa mga mapuputi niyang binti na wala man lang mabanaag na kahit isang peklat.
Duniretso akong tumingin sa kanyang mukha. Di ko alam pero napangiti ako. Nakalimutan ko tuloy na punong puno ng putik ang aking mga suot.
Banaag ko sa mukha niya ang nerbyos at pag-aalala dahil sa nangyari. Kahit ganun pa man, mababakas mo pa rin sa mukha niya ang napakasimpleng kagandahan na hindi ka magsasawang titigan ng kahit na ilang oras.
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala ang babae. May mga sinasabi siya. Dinig na dinig ko ang malamyos niyang boses na may kasamang nginig pero walang rumirehistrong mga salita sa aking pandinig. Tila musika sa aking tenga ang bawat bitaw niya ng mga salitang hindi ko na iniintindi at hindi na matanggal ang mga ngiti ko sa aking mga labi.
Nagulat ako ng bigla niyang niyugyog ang aking braso.
“Sabi ko sir, I’m sorry.” sambit ng babae.
“Nagmamadali kasi ako sir kasi mali-late na ako sa interview ko. Maaga naman akong umalis sa bahay kaso biglang tumirik na naman ang aking sasakyan.” Patuloy niyang pagpapaliwanag.
Para akong tanga na nakatitig sa kanyang maninipis na labi. Parang ang sarap lamukusin ng halik. Ang makipot niyang mga labi na parang ang sarap ipasok ang aking dila doon at galugarin ang kasulok sulukan ng kanyang bibig.
“Sir, sakay na kayo. Ihatid ko na kayo. Nakakahiya naman po na ganyan ang itsura mo na naglalakad dahil sa pagmamadali ko.” Offer niya sa akin.
Ewan ko ba pero sa mga sandaling iyon, wala man lang akong maramdamang inis o galit sa babaeng ito. Nakangiti lang ako at pilit na hinahanap ang mga salitang gusto kong sambitin.
Isang kurap ng aking mga mata at lumabas sa aking bibig ang gusto kong sabihin. “It’s okay young lady. Diyan lang ako sa tapat kaya naglakad ako. Go on at baka ma-late ka pa.”
“Sure ka sir?” pag-aalala ng babae.
“100% sure.” At pinakawalan ko ang pinakamatamis kong mga ngiti.
Napangiti din ang babae. “Maraming salamat sir.” at dali dali siyang bumalik sa luma niyang sasakyan.
Feeling ko nasa alapaap ako sa mga sandaling iyon. Kahit nakasakay na at nakalayo na ang kotse ng babae ay patuloy pa din akong nakatingin doon hanggang humalo na ito sa ibang sasakyan.
Bumalik ako sa huwisyo. Tinignan ko ang aking suot. Natatawa ako sa aking itsura. Pero ganun talaga, may magagawa pa ba ako? Naglakad na lang ako papunta sa opisina.
Pagpasok pa lang, nagtataka na ang mga tao dahil sa itsura ko. Hindi ko naman magawang magalit sa kanila kasi nga kahit ako, natatawa sa itsura ko.
Lumapit si Edgar, ang isa sa mga employee kong matagal na ding nagtatrabaho sa akin. Para ko na din siyang tropa. Actually lahat naman sila. Hindi na sila iba sa akin. Mula noon pa ma’y pamilya na ang turing ko sa kanila at ganun din sila sa akin.
“Sir, anong nangyari sayo?”. Si Edgar.
Pilit kong ipinapaliwanag ang nangyari na hindi ko nababanggit ang anghel na nakita ko na siyang salarin sa nangyari.
Lumapit din si Irish. “Sir, naputikan ka na at lahat lahat pero bakit abot hanggang tenga ang ngiti mo?”.
Nagulat ako sa tanong niya. “Ah eh, ano kasi. Maganda lang talaga ang gising ko na kahit nasira ung sasakyan ko diyan sa may malapit at putik putik ako, hindi ito ang sisira ng araw ko. Kilala nyo naman ako diba? Hindi ako marunong magalit.”
“Weeeeh. Talaga lang ha sir.” Parang may ibang ibig sabihin si Margie na nakiusyoso na din sa kung anong nangyari sa akin.
“Bumalik na kayo sa mga trabaho nyo at magpapalit lang ako ng damit sa aking opisina.” Baling ko na lang sa kanila para makaiwas pa sa napakadami nilang tanong.
“Samahan na kita sir.” Si Benjie, ang aking bading na employee.
“Ikaw talaga Benjie. Magtrabaho ka na jan. Kaya ko sarili ko.” Di naman na lingid sa akin ang paghanga ni Benjie. Sinasakyan ko na lang din ang biro niya kung minsan.
Dire-diretso akong pumasok sa aking opisina. Buti na lang at lagi akong may nakatagong mga damit doon. Hinugot ko ang polo shirt na dark gray at jeans na kupasin na.
Hinubad ko ang aking mga sapatos. Pagkahubad, sinunod kong tanggalin ang aking long sleeves at slacks. Tanging boxer brief na lang ang natira. Hindi man ako kasing macho ng mga lalaking laman ng gym araw araw, masasabi kong may ipagmamalaki naman ako. Sino ba naman ang hindi mapapalingon kung kasing katawan ko si Jericho Rosales hahaha.
Tuluyan na akong nagbihis para makapagtrabaho na.
Lumipas ang apat na oras. Alas dose na pala. Kumalam ang sikmura ko. Gutom na ako. Ni hindi man lang ako nakapagmeryenda. Balak ko sanang magpaorder na lang pero mas pinili kong lumabas at punta sa may fastfood.
Lumabas ako ng opisina. Lahat ay kanya kanyang kain. Halos lahat ay magkakaharap. Pagkakita sa akin ay nag uunahan pa silang imbitahan akong makisalo pero sa ngayon, mas feel kong kumain sa labas.
Sa fastfood, pagkaorder ko, kumanan ako para humanap ng mauupuan. Puno na pala lahat ng lamesa. Pero napako ang tingin ko sa isang mesa sa may sulok.
Pamilyar sa akin ang buhok ng babaeng nakayukong kumakain. Kitang kita ko ang gana niyang kumain. Hindi ako maaaring magkamali. Siya ung babae kaninang umaga.
Dun ako dumiretso sa kanya. “Pwede bang makishare ng table?” tanong ko.
Napaangat ng tingin ang babae. Kita sa mukha niya ang pagkagulat.
“Sir!?… Okay lang po sir.” Halos mabulol na ang babae sa pagsagot.
“Pasensiya na po talaga kaninang umaga sir. Hindi ko po talaga sinasadya yun. Dahil lang po sa pagmamadali ko. Sorry po talaga…” Paliwanag niya habang inaalis ang shoulder bag niya sa mesa.
Napapangiti na naman ako ng di oras. Punong puno ng spaghetti ang bibig niya. “Iba ka ding babae ha. Wala kang pakialam sa ibang tao.” Bulong ko sa sarili ko habang nilalapag ang orders ko.
“Pang ilang sorry mo na yan ha? Di ba sinabi ko ng okay lang ako.” Nakaupo na ako sa may harap niya at inaayos ang orders ko.
Natawa ako sa order ko. Parehong pareho pala kami ng orders. Spaghetti, chicken at Coke. Nagsimula na akong kumain.
Hindi na namin namalayan ang oras…
Mag-ala una na pala. Nagpaalaman na kami sa isa’t isa. Ako, babalik sa opisina. Siya naman ay uuwi na. Nakuha daw siya sa inapplyan niya at magstart na daw siya next week.
Bernadette. Yun ang pangalan niya. Parang ang sarap lagi banggitin.
———–
Bumalik ako sa reyalidad. Nagsimula ng pumailanlang ang musikang nanggagaling sa instrumento sa loob.
Bumalik ang tingin ko sa pintuan ng simbahan. Lumangitngit iyon, hudyat na mabubuksan na iyon.
Unti unti na ngang bumukas ang mga pinto. Unang pumasok ang nakakasilaw na liwanag na nanggagaling sa labas.
Lahat ay napakatahimik maliban sa tunog ng musikang nanggagaling sa mga tumutugtog.
Kahit gaano pa kaliwanag sa labas nang tuluyan ng bumukas ang dalawang pinto, hindi nito naitago ang ganda ng babaeng nakatayo sa gitna ng pintuan.
Nakasuot ito ng puting puting wedding gown habang hawak hawak nito ang bouquet ng mga mapupulang rosas.
Nakalugay lamang si Bernadette. Nakatitig ako sa mukha niya. Ang ganda niya. Ang gandang nakita ko noon sa unang pagkakataon ay hindi nabago sa paglipas ng limang taon.
Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn’t speak
In that very moment
I found the one and
My life had found its missing piece
Nagsimulang kumanta ang wedding singer at pumailanlang ang napakaganda niyang boses.
Nakapako pa din ang lahat ng aming tingin kay Bernadette ng magsimula na itong maglakad sa aisle.
Napakaaliwalas ng kanyang mukha. Nakangiti ito at paminsang minsang tumitingin sa paligid para ibigay ang kanyang napakatamis na ngiti sa lahat ng dumalo sa araw na ito.
Habang nakatingin siya sa bandang kanan ng simbahan dahil andun ang kaniyang mga malalapit na kapamilya, napapikit ako. Kasabay nito ang muling pagbabalik ng nakaraan.
——————-
“Salamat sa dinner.” Si Bernadette pagkatapos ko siyang maihatid sa bahay nila. Katatapos lang naming kumain sa isang mamahaling restaurant. Ayaw ni Bernadette na dun kami kumain kasi nahihiya daw siya pero sadyang mapilit lang talaga ako.
Yun ang nagsimula ng lahat lahat sa amin. Lagi na kaming kumakain sa labas, nanonood ng sine. Kung may pagkakataon naman ay nakakapag out of town kami. Sa beach, sa mga amusement parks. Hanggang Ilocos, Baguio, Mountain Province, Batanes, Palawan, Cebu.
We valued each moment. Masaya ako na kasama ko siya at ramdam ko din na masaya siya sa mga ginagawa namin.
Sa sobrang enjoyment namin sa isa’t isa, hindi namin namalayan ang paglipas ng araw, ng linggo, ng buwan, ng taon. Pero ang pinakaimportante, masaya kaming dalawa.
Sa loob ng limang taon, nakilala ko na din ang pamilya niya. Aminado akong salat sila sa yaman pero nakita ko ang pagmamahalan nila. Kasama niya sa bahay ang nanay at tatay niya pati na ang bunsong kapatid niyang lalaki na nasa senior high school na din. Kada dalaw ko ay nagdadala ako ng pansit dahil yun ang paborito ng kanyang mga magulang. Minsan nga ay nagpapaluto pa ako kay Manang Inday ng pansit. Siya ung katulong namin sa bahay na mahigit tatlu…