Beautiful Mistakes THREE

Pagpasok namin sa bahay nila Jaz ay walang tao, wala na ang mama niya bata pa lamang siya, ang papa naman niya ay nasa trabaho at gabi na ang uwi, ang mga kapatid naman niya ay may kanya-kanya nang buhay at siya na bunso ang naiwan kasama ng papa niya.

Pumasok muna siya sa kwarto niya upang magbihis at ako naman ay naiwan sa sala upang maupo muna sa sofa nila habang hinihintay siya. Maya-maya lamang ay lumabas na rin siya mula sa kwarto, nakasando at maikling shorts kaya naman napatitig ako sa kanya, maputi kasi siya kaya naman kitang kita ko ang kinis ng kanyang mga binti. Napabalik ako sa aking sarili nang ayain niya akong pumasok sa kwarto niya upang magpahinga dahil napagod din siya sa kalahating araw na event nila. Sumunod na lang din naman ako kahit medyo nahihiya dahil sa totoo lang ay hindi ko alam ang aking gagawin. First time ko lang na makasama ang isang babae na kaming dalawa lang sa iisang bahay. Baka nga yung sinabi ko sa kanyang hindi lang yakap ang gawin ko sa kanya ay kainin ko na lang din.
Humiga na siya sa kama niya at pinatabi ako sa kanya. Medyo malayo naman ang pagitan namin sa isa’t isa dahil sa nahihiya nga ako.
“Lumapit ka kaya dito, hindi naman kita kakainin”, ang natatawang saad ni Jaz dahil sa agwat namin. Noong mga panahong iyon ay hindi pa nasasakop ng kamunduhan ang isip ko kaya ang dating sa akin ng kanyang sinabi ay pabiro lamang.

Nag-adjust naman akong konti palapit sa kanya, nang maglapat ang mga braso namin ay tila napaso ako sa init ng katawan niya kahit malamig naman talaga dahil nagbabadya na rin ang ulan.
Nakahiga lang kami pareho, pinapakiramdaman ang bawat isa, walang nagsasalita, ang mabibigat na paghinga lamang ang naririnig sa bawat sulok ng kwarto niya hanggang sa bumuhos na nga ang ulan at ang lamig ay pumapasok na sa kanyang bintana.

Dahil na rin sa pagod at lamig na dala ng ulan, ay inantok na si Jaz kaya naman tumagilid na siya pakaliwa habang ako ay nasa kanyang kanan. Dahil sa nakaramdam na rin ako ng lamig ay hindi ko na rin napigilan at tumagilid na rin ako paharap sa likod niya. Nag-aalangan pa ako kung yayakap ako sa kanya pero hindi ko na talaga kinakaya ang lamig. “Jaz payakap ako ha”, ang nahihirapan kong pagkakasabi sa kanya. “Hmmm”, tugon niya bilang pagsang-ayon. Kaya naman nilakasan ko na ang loob ko at yumakap na ako sa kanya.

Ramdam na ramdam ko naman ang pagdampi ng init nga kanyang katawan sa aking balat. Dahil dito ay naibsan ang lamig na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung makakatulog ako sa lagay namin na iyon pero hinayaan ko na lang din na tangayin ako ng antok.
Minsan ay naalimpungatan ako dahil sa paggalaw niya, nariyang hihiga siyang muli o ‘di kaya’y paharap naman sakin habang nakayakap pa rin ako sa kanya. Pagharap niya sakin ay halos magkadikit na ang mga mukha namin, doon ko mas lalong napagmasdan ang kanyang mukha. Mukha talaga siyang anghel, maputi, maamo at tila isang sanggol na natutulog. Tinitigan ko pa siyang mabuti, sinamantala ko ang pagkakataon na himbing pa ang kanyang tulog. Mula sa kanyang mga kilay na may maninipis na hibla ng buhok, sa kanyang pilikmata, ang kanyang ilong, hanggang sa dumako ako sa kanyang labi. May katamtamang nipis lamang ito at pinkish ang kanyang mga labi. Natutukso na akong halikan ito, nakakagigil kasing tingnan, pero hindi ko pa kasi alam kung paano at iniisip ko rin na baka magalit si…