Because I Know U R The One

A Love To Lust: Story of Bekbek And Kurt

Panimula: Mga Unang Araw

Sino nga ba ang magsasabing magiging nobya ako ng isang katulad ni Kurt? Maging ako man ay hindi makapaniwala. Paano ba naman, in my honest opinion, hindi siya ideal man na pinapantasya at pinapangarap ng ibang mga babae.

Bastos!

Manyak!

Malibog!

At aaminin ko, hindi maganda ang unang araw nang makita ko si Kurt sa campus.

“Napanood niyo ba ‘yung Tarzan X? Classic ‘yun the best. Lupit ni Jane d’un. Payat pero tayong tayo ‘yung suso. N’ung una sinisilip lang ni Tarzan ‘yung katawan ni Jane habang nakahandusay siya sa lusak pero nung magising yung babae at nakita niya ang titi ni Tarzan gatambakol, hindi siya makapaniwala bagkus ay sinukat pa niya sa mukha niya.”

“Tangina ka, Kurt! Wala kang pinipiling lugar. Mukhang late na tayo sa registration. Ang haba na ng pila.”

“Tiwala lang sa sarili, Timothy! Masyado kayong kabado na maubusan. Kahit anong kurso naman pwede naman mag shift kung hindi mo bet ‘yung una mong choice.”

“Ganyan talaga kapag man of Kurture. Ano? Doon na lang tayo sa criminology, kaunti lang nakapila.”

“Sino ba naman ako para pigilan ko pangarap mong maging pulis, Jebs? Basta ako pass ako d’yan. Mass Comm na lang kukunin ko parang kay Tito.”

“Kung saan ka, Kurt. Siyempre doon kami, kups!”

Dinig na dinig ang kwentuhan ng tatlo habang ako naman ay nakapila at aligaga sa kahahanap ng form-137 at doon din sa plastic envelop ko nilagay ang mga ID pictures ko.

“Huwag mong sabihin na hindi kita nadala, naku, baka hindi ako maka-enrol nito… Ayun! Salamat naman.”, kausap ang aking sarili.

Nang biglang may bumunggo sa likod ko dahilan para mabitiwan ko ang hawak kong plastic envelop at dahil nakabukas ito, sumambulat ang laman nitong mga kinakailangan kong requirements para sa enrolment.

Agad akong bumaba ng upo at yumuko upang pulutin ang nabitiwan kong envelop at mga papeles sa takot na liparin ito ng hangin.

Buti na lang at naging maagap ako subali’t pakiramdam ko may nawawala sa loob ng aking envelop.

Biglang dumilim sa lugar ko at may humakbang sa harapan ko tanaw ang kaniyang itim na rubber shoes. Tumingala ako at saktong nakatapat pa ang harapang bukol niya sa mukha ko.

Saka pa siya nag-alok ng tulong sa akin.

“Miss, tulungan na kita.”

“Ano’ng itutulong mo? Tapos ko nang pulutin ang nalaglag ko.”

Napansin kong nakadungaw siya sa loob ng blusa ko. Nakakalas pala ang isang butones ko sa ibabaw.

“Teka nga, saan ka nakatingin?”

“Sa pakwan ay este siyempre sa mata mo.”

Kasabay ng kaniyang mga tinuran ang bungisngis ng dalawa pa niyang amuyong.

Naging conscious tuloy ako at napahawak sa aking dibdib.

“Nananadya ka ba para mapansin kita, Mr…?”

“Bautista, James Curtis P. Bautista. And you are?”

“I am… starting to hate you, Bastos ka!”

“Ohh! Bautista Bastos ka. Magka-rhyme ‘ah! Nice one, Miss…”

“Shut up, Jebs!”, supalpal ni Bautista sa sabat ng kaniyang kasama.

“Shhh! Quiet!”, sita naman ng registrar sa amin.

Hininaan ko ang boses ko at sinabi sa kaniya na, “Stop talking to me now. I don’t talk to strangers especially bastos.”

Ngiti lang ang sinagot sa akin ng mokong at sa halip, hindi na sila umalis kasunod ko.

Hanggang sa ako na ang nasa harap ng glass window. Kaya daglian akong tumalikod sa tatlo upang asikasuhin na ang pakay ko.

Panay pa rin ang harutan nila sa likod. Nandoon pa iyong parang inaamoy amoy ang nakalugay kong buhok.

Lumingon ako saglit at tinaliman sila ng tingin. Nagpatay-malisya lang ang tatlong unggoy. Pasipol sipol pa ‘yung Bautista, kabanas!

Mula sa awang nito, binigay ko na ang lahat, requirements at matrikula maliban sa hinihinging 1×1 at passport size photo ko.

Hinalughog ko na ang loob ng envelop subali’t wala roon ang mga ID pictures ko na nakalagay sa maliit na plastic sachet.

Yumuko ako sa pag-asang nandoon pa rin sa sahig ang nawawala kong maliliit na litrato.

Hanggang sa makita ko itong kinakalembang ni Bautista.

“Bakit nasa iyo ‘yan? Akin na iyan. Hindi ako nakikipagbiruan.”

“Bakit ngayon kinakausap mo ako? Akala ko ba’y you don’t talk to strangers?”

“Akin na sabi ‘eh!”

Panay ang ilag niya rito sa tuwing hahagipin ito ng aking kamay.

“Pakilala ka muna para hindi na tayo strangers. Saka ko ibabalik ito sa’yo.”

Napabuntong-hininga na lang ako sabay tapat ko sa mukha niya ang aking registration blue card.

Binasa niya pa ito nang malakas. Nakakairita talaga.

“Rebecca Alperez. Sorry sa kanina. Hindi ko sinasadya na ma-fall ako sa’yo.”

“Ewan!? Ang haharot niyo kasi ‘eh!”

“Friends?”, sabay abot ng kamay niya upang kamayan ko.

Para matapos na lang at kahit naiinis pa rin ako, nakipagkamay na lang ako.

Ngunit hindi natigil ang kahalayan niya sa akin. Matapos niyang hawakan ang kamay ko, sukat ba naman samyuhin ang kamay niya na may patirik pa sa mata at may ngiting akala mong tumama ng jackpot.

Nang makuha ko na sa kaniya ang mga pictures ko, inikot ko na lang ang mga mata ko dala ng pagkasuya sa kanila sabay abot sa registrar.

Doon na ako nakahinga nang maluwag ng makuha ko na ang numero ng section ko. Ibig sabihin, enrolled na ako. At dali-dali akong umalis upang iwan ang tatlong ungas.

Nang muli kong bilangin ang ID pictures ko, kulang ito ng isang passport size photo. At alam ko na kung bakit nawawala ang isa.

“Bwiset ka talaga, James Curtis P. Bautista! Isinusumpa ko, ikaw ang huling tao na magugustuhan ko!”

Sumapit ang unang araw ng klase.

Nagulat ako nang makita ko si Ariel na nakaupo malapit sa desk ng professor. Inaaya niya akong tumabi sa kaniya.

“Halika, Beh! Dito ka umupo sa tabi ko, ni-reserve ko talaga ito para sa iyo.”

“Huh? Bakit ka nandito, Ariel? Saka anong beh? Tayo na ba?”

“Sabi ko, Beck. Baka mali lang ang dinig mo.”

Tarantado rin ‘tong si Ariel. Gagawin ba niya akong bingi o engot?

“Nagpalipat ako ng section kasi ayoko sa pang-umaga.”, paliwanag niya.

“Pwede pala iyon? ‘Yung totoo? Dahil sa akin ano?”, assume ko.

“Kasama na iyon para mabantayan na rin kita.”

“Ikaw talaga! Ang cute mo, Ariel!”

Maya-maya pa’y biglang may pumasok sa pinto na parang megaphone sa lakas ng boses.

“Kumusta mga mofos?”

“Ayan na pala si Kurt my man!”

“Saan tayo pupuwesto?”

“Sa likod para madaling makapagkopyahan.”

“Ulol! Mag-aral kayong mabuti, huwag niyong iasa sa akin mga grades niyo.”

“Hahaha! Siyempre joke lang.”

OMG! Bakit kaklase ko rin ang tatlo? Parang gusto ko na rin magpalipat ng section.

Nagtakip ako ng mukha upang hindi nila ako mapansin. Hanggang sa dumating na rin ang prof namin.

Sinimulan niya na ang pagtse-check ng attendance.

Adis, Criselda Mae

“Present!”

Alhambra, Ariel

“Present, Ma’am!”

Alperez, Rebecca

“Sexy!”

“Yummy!”

Kahit nasa oras na ng klase, panay pa rin ang catcall nila sa akin. At patuloy lang ang hagikhikan nila sa dulo.

“Sino iyon?”, kunot-noong tanong ng prof namin.

Lumingon kaming lahat sa kanilang tatlo. Nakuha pang kumaway sa akin ni Bautista at ngumiti kagaya noong ngiti niya sa akin sa registrar. Ngiting wagi.

Inirapan ko siya at muling tumingin sa harap.

“Kayong tatlo ba ang nagsabi ng sexy at yummy?”

Tumayo ang tatlo at tumango lang bilang tugon sa prof.

“Remain standing. Itutuloy ko lang ang attendance…”

Aquinas, Antonio

“Present!”

Baquiran, Baron

“Present po!”

Bautista, James Curtis

“Pervert!”

“Babae naman ngayon?”

Dahil malapit lang kami ni Ariel sa desk ni ma’am, halata na niya na sa akin galing ang tinig.

Napapikit ako na napalukot ang aking mukha. Hindi ko mapigil ang hindi gumanti sa pang-iinis nila sa akin. At hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit.

Tawanan ang lahat maliban kay Ariel na mukhang nagtaka sa ginawa ko.

“Stand up! Ikaw si…”

“Rebecca Alperez po.”

“So, ikaw ang sinabihan ng sexy at yummy? Totoong maganda ka at may pangangatawan. Mukhang may namumuong love team dito.”

Kantyawan at hiyawan ang lahat ng mga kaklase ko.

“Uyyy!” “Ayyyyiiieee!”

May iba naman na sinusugan pa ang sinambit ko.

“Pervert Bautista!”

“Hahaha!”

“Keep quiet! Hindi na kayo mga high school! Tumayo kayong lahat!”

Tumalima naman ang lahat.

“Gagawin na nating in alphabetically order ang seating arrangements ninyo.”

Ganoon nga ang nangyari subali’t parang hindi rin naiba sa amin ni Ariel dahil magkasunod ang apelyido namin na parehong nagsisimula sa letrang A.

Pero yung Bautista, sa front row din napunta at nahiwalay din siya sa dalawa niyang barkada.

At yung kumag ay tila lalo pang natuwa sa nangyari. Dahil magkahilera na kami datapwa’t nasa kabilang panig siya, tanaw na tanaw na niya ako at ganoon na rin ako sa mukha niyang nakakasuya. Nakuha pang kumindat sa akin nang mahuli niya akong nakatitig sa kaniya.

Kaya umiwas ako ng tingin at tumalikod.

Ngunit bakit hindi ko mapigilang ngumiti matapos niya akong kindatan? Ngayon ko lang napagtanto na gwapo pala siya.

Nawi-weirdo-han na ako sa aking sarili. Ambilis ng kabog ng puso ko. Ginayuma ba ako ng gagong ito?

This is wrong. Ngunit yung feeling na wala siyang ibang pinag-iinitan at nakikita kung hindi ako, na parang walang ibang tao sa paligid niya kung hindi ako lang.

That’s the kind of attention ang hinahanap ko sa isang guy. Ngunit, bakit siya pa? Bakit wala iyon kay Ariel?

Nagbalik-tanaw lang ako at simula pa pala noong una kaming nagkakilala sa registrar, nasa likod ko na siya. Unang araw sa klase, nasa likod ko pa rin siya.

Nang ma-realize kong hindi si Ariel ang para sa akin, nagkabanggaan kami ni Kurt sa mall.

Nakita ko ang lakas at kahinaan niya noong nabagansya kami, dahil sa kalandian ko kaya kami napahamak, subali’t sa huli, hinarap niya ang pinakamatindi niyang takot at naging matapang para sa kapakanan ko.

Kaya Kurt, sa’yo na talaga ako at ikaw na talaga…

Because I Know You Are The One

#BIKURT1

Unang Kabanata – Unang Umaga Bilang Nobya

“Anuman ang kahihinatnan nito, magkasama natin itong haharapin, Bekbek.”

Isang pangakong masarap baunin hanggang sa huli.

Ngunit hindi ako sigurado hanggang kailan namin paninindigan ito. Kaya, tulad ng nakasanayan ko kay Kurt, hindi ko muna sineryoso ang sinabi n…