Because I Know U R The One – Part 10, 11 And 12

Ikasampung Kabanata – Ang Aftermath


Biyernes, alas otso ng umaga.

“Good morning, mahal ko!”

Unang bati ni Beck matapos sagutin ni Kurt ang tawag nito sa kaniyang cellphone.

“Nggh!”

“Kurt? Tulog ka pa?”

Muling tinanong ni Beck si Kurt nang mapansin nitong hindi kumikibo ang kausap.

“Kurt, nasa ospital ka pa?”

Wala pa rin tugon mula sa kausap.

“Kurt, kapag hindi ka sumagot, break na tayo.”

Sumagot si Kurt.

“E ‘di mag-break…”

“Ano?”

“Mag-breakfast na tayo, mahal kong reyna.”

“Akala ko makikipag break ka talaga? Baliin ko leeg mo d’yan.”

“Patingin ako ng boobs, Bekbek.”

“Aga-aga kalibugan agad? Ayoko, nandito si Ate katabi ko.”

“Patingin ako kung maganda si Ate mo.”

“Letse! Humahaba na usapan natin. Nasaan ka na ba?”

“Nandito na ako sa bahay. Si Tito naman ang nasa ospital.”

“Mabuti naman. ‘Yung blouse ko, labhan mo tapos samahan mo ako sa mall, paaayos ko ang mga uniform ko. Friday naman ngayon kaya bukas papatulong ako sa’yo sa mga gamit ko.”

“Yun lang ba?”

“Mamaya pagpasok natin, may sorpresa ako sa’yo, Kurt.”

“Sabihin mo na! Puro ka pasabik, Bekbek!”

“Sinisigawan mo ko?”

“Excited lang, Bekbek.”

“Basta kita tayo sa convenience store mamayang tanghali. Yung bilin ko, labhan mo ang damit ko.”

“Ngh!”

“…I love you, Kurt!”

“Oo na, sige na!”

“Anong oo na?”

“Lalabhan ko mamaya.”

“Yung I love you too ko?”

“Oo na nga…”

“Sige break na tayo~”

“…I love you too, Bekbek kong masarap.”

Nang i-off ni Beck ang tawag, inusisa ni Francine kung sino ang kausap niya.

“Ekang, si Kurt ba iyan? Pakausap nga!”

Pinagmasdan lang ni Beck ang Ate pinsan niya mula ulo hanggang paa.

Sando na kulay lavender lang kasi ang suot ni Francine at wala itong suot na bra at parang wala pa itong salawal dahil sa haba ng laylayan ng sando nito. Kaya naman, dungaw na dungaw ang malalaking suso ni Francine at kitang kita rin ang kaniyang tadyang at tagiliran.

Saka nito tinugunan ang tinuran ng nakatatandang pinsan at sinita ang hitsura.

“Kakausapin mo si Kurt na ganyan ang hitsura mo?”

“Anong mali sa hitsura ko? Maganda naman ako ‘ah!”

“Mukha kang mang-aagaw ng boyfriend. Hinala ko, wala ka pang panty.”

Inangat ni Francine ang laylayan ng kaniyang sando. At doon nga napagtanto ni Beck na wala ngang suot na panty si Francine.

“Sabi ko na nga ba ‘eh!”

“Bakit ba? Hindi naman kayo nag video call. May itatanong kasi ako tungkol sa sinabi mo kagabi. Mag-aalaga ka ng matanda? Paano ang studies mo?”

Natigilan si Beck at napaisip sa huling tanong sa kaniya ni Francine.

Hindi pa man nakakasagot si Beck ay may panibagong tanong ulit si Francine.

“At balak mo akong iwan dito? Akala ko ba’y magkasangga tayo dito? Partners in crime? Sino na lang ang tutulong sa akin sa online selling natin?”

Dito na sumagot at nagmungkahi si Beck.

“Ate, umupa na lang tayo malapit kina Kurt. Siyempre partners in crime pa rin tayo. Kaya ko nga sinasabi sa’yo mga plano ko dahil baka isipin mo, wala akong utang na loob magbuhat ng tulungan mo akong makatakas. Kung hindi dahil sa’yo baka kinasal na ako sa taong hindi ko mahal.”

“Lilipat na naman tayo, Ekang? Kung sa bagay, mahal na rin ang upa natin dito sa apartment. Pero kausapin muna natin sina Kurt.”

“Pwede naman, pero pakiusap naman, Ate Francine. Utang na loob, mag-panty ka naman!”

“Nagsalita ang nakapanty?!”

*********

Alas onse ng umaga.

Naglalakad na sa side walk si Kurt at nang malapit na siya sa convenience store, natanaw na niya agad sa loob si Beck suot ang hooded sweatshirt nito at unipormeng saya. Naka face mask at nakasaklob ang hood nito na nakaupo sa harap ng glass wall.

Kumaway agad si Beck nang makita siya.

Sumenyas naman si Kurt na inuumpog ang kamao sa pisngi at binubukol naman ang kabilang pisngi gamit ang dila niya.

Nakuha agad ni Beck ang pahiwatig ng senyas ni Kurt kaya tumugon si Beck ng ngarat na senyas sa kasintahan.

Natawa lang si Kurt hanggang pumasok na siya sa loob ng convenience store.

Nang makalapit si Kurt sa likod ng nakaupong si Beck binigyan niya ito ng yakap sabay dakma sa hinaharap ng nobya.

Ngiti naman ang sinagot ni Beck na nagpaubaya lang sa ginawang paglamas sa kaniya ni Kurt at uminom ng tubig mula sa bottled water.

May napansin si Kurt habang kinakapa ang dibdib ni Beck.

“Ang lambot nito, sarap lamasin… ah teka?! Wala ka bang brang suot, Bekbek? Saka school uniform hindi mo suot sa loob ng sweatshirt mo?”

“Wala. Hihihi! Makukusot lang kasi saka isa pa, naalala mo ‘yung sinabi mo sa akin na huwag ko nang suotin ang maluluwag kong mga uniporme dahil hindi bagay sa maganda kong katawan?”

“Sinabi ko ba iyon?”

“…Kaya sasamahan mo ko mamaya sa mall para pasikipan ang mga uniporme ko.”

Napakamot na lang ng ulo si Kurt at nang astang uupo siya sa tabi ng nobya ay siyang tayo naman ni Beck at nag-aya nang pumasok sa school.

“Tara na, Kurt. Huwag ka nang maupo d’yan.”

Hindi na sumayad sa stool ang p’wet ni Kurt kaya tumindig na rin si Kurt bilang pagtalima sa tinuran ni Beck.

“Sabi ko nga, Bekbek.”

Lumabas na nga sila ng convenience store hanggang makarating sa bungad ng paaralan.

Dahil Biyernes ngayon, lusot sa gwardiya ang ootd ni Beck. Basta’t nakasabit lang ang mga ID nila.

Ngunit hindi nakaligtas sa kanila ang mga mapagpunang mata ng mga nakapalibot na mag-aaral. Dinig pa nila ang mga usal ng mga ito.

“Sila ba iyon?”

“Sa LRT, iyong babae tugma ang uniporme niya sa atin.”

“Nagkabaliktad ‘ata. Yung lalake kasi doon ang nakajacket.”

Kumabog ang dibdib ni Beck at napakapit nang mahigpit sa kamay ni Kurt.

Gumanti rin ng higpit si Kurt. Nang magtama ang kanilang paningin. Ngumiti at kumindat lang si Kurt sa kaniya.

Pinanatag niya ang loob ng nobya.

“Naalala mo ang pangako ko? Heto na iyon. Magkasama natin itong haharapin, Bekbek.”

Biglang tumulo ang luha ni Beck sa sinabi ni Kurt na parang may kung anong kurot ito sa kaniyang puso.

Kaya napasandal na lang siya sa braso ni Kurt habang binabaybay nila ang pasilyo patungo sa silid-aralan.

*********

Sa klase ni Prof. Tony Rueda, ang guro nila sa algebra.

Namumutawi sa loob ng silid ang sari-saring ingay ng talak at bulungan ng klase habang ang isa sa kanila ay nagsusulat sa pisara gamit ang yeso.

“Tama na ang daldalan, magsulat na kayo.”, ani Prof.

Napansin ni Prof. Rueda sa harap nitong si Beck na nakasuot ng sweatshirt.

Pinuna ito ni Prof.

“Alperez, giniginaw ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo?”

Sumagot si Beck.

“Medyo, coach.”

Lumapit si Prof sa kaniya at sinalat ang kaniyang noo at leeg upang alamin kung may sinat ba ang dalaga.

Nabigla si Beck sa paghawak sa kaniya ni Rueda. Ngunit pinagkibit-balikat niya na lang ito at inisip na nag-aalala lang sa kaniya si coach.

“S-sir, ayos lang ako.”

“Medyo malamig ang pawis mo. Kaya ka ba absent kahapon?”

“Y-yes, coach.”

Pumisil sa balikat niya ang professor, yumuko ito at bumulong sa kaniya.

“Masarap ba ang trip niyo sa tren?”

“P-po?”

Lalo humigpit ang pagkakapisil ni Rueda sa kalamnan niya.

“Akala ko, mahinhin ka? Hindot ka rin pala.”

Nag-iba ang tingin ni Beck sa pinipitagang guro. Hindi niya inaasahan na kakausapin siya ni Prof Rueda na may mababang pagtingin sa kaniya. At batid niya na nagmula ang lahat ng ito sa iskandalong kinasangkutan nila ni Kurt.

Ngunit pinabulaanan na lang ito ni Beck at nagmaang-maangan.

“Wala po akong alam sa sinasabi niyo! Mawalang galang na po, pwede po bitiwan niyo ang balikat ko?”, sita ni Beck sa pisil ni Rueda na may pagtataas sa kaniyang boses.

Ngumiti lang si Rueda habang nakatingin kay Kurt.

Napakuyom ng kamao si Kurt na nakamasid lang sa inaasal ngayon ni Prof.

Patuloy pa rin si Rueda at lalong nilapit ang bibig nito sa tainga ni Beck.

“Halata sa itsura mo na malibog ka, Alperez. Kinakapa ko itong suot mo, mukhang wala kang panloob.”

Doon tumulo ang mga luha sa mata ni Beck.

Tatayo na sana si Kurt nang unahan siya ni Ariel na magbanta kay Prof. Rueda.

“Coach, dinig na dinig ko kayo. I-rereport ko kayo for sexual harassment.”

“Alhambra, minaliit mo ang klase ko dahil minor subject lang ako? Tignan natin kung makukuha mo pa ang pagiging dean’s lister mo.”

“Hindi ka patas, coach. Pinagbubuti ko po ang pag-aaral ko, tapos binigyan mo ako ng tres dahil sa character ko? Sino kaya sa atin ang may problema sa character?”

Hindi nagustuhan ni Rueda ang tono ni Ariel kaya sinigawan niya ito.

“Mag-drop out ka na sa subject ko, Alhambra!”

Tumayo si Sasha upang sabihin kay Prof. na,

“Ako rin, Prof. Rueda. Magda-drop out na rin.”

Tumayo kasunod ni Sasha si Kurt habang pinupunit ang papel.

Napuna ito ni Rueda.

“Ano iyang pinunit mo, Bautista?”

Sumagot si Kurt.

“Excuse letter ko sana para sa inyo. Kaso wala na ring saysay ito. Magda-drop out na rin ako.”

“Magda-drop out kayo sa subject ko?”

Sunod na tumayo sina Tim at Jebs.

“Hindi sa subject niyo kami magda-drop out…”, wika ni Tim.

“…Kung hindi sa inyo mismo, coach.”, susog ni Jebs.

Tumayo na rin si Beck at nagsalita rin.

“Tama si Ariel sa ginawa niyang pag-iwas niya sa akin sa inyo noon, Coach Tony. Hindi ko sukat akalain na pepersonalin niyo ang pagtanggi ko sa alok niyong maging muse niyo ako. Nang dahil lang sa ayaw namin sa gusto niyo?”

Huminto na rin sa pagsusulat sa pisara ang inutusan ni Prof sabay lapag ng kwaderno na pinagkokopyahan nito sa desk.

Napalingon si Rueda sa mag-aaral na naglapag ng kwaderno sa kaniyang desk nang marinig ang lagapak nito.

Nang luminga si Rueda sa kaniyang klase. Halos lahat ay tumayo at kinukunan pa siya gamit ang camera ng mga cellphones.

Kaya nagpasya nang umalis si Rueda sabay kuha sa kaniyang kwaderno at gamit sa ibabaw ng kaniyang upuan habang papaatras itong lumalabas ng silid na nag-iwan ng banta sa lahat.

“Hindi kayo ang magda-drop out sa akin, kayo ang ida-drop out ko!”

At tuluyan nang lumisan si Prof. Rueda.

Doon bumuhos ang mga luha sa mga mata ni Beck na kinuha naman ni Ariel ang pagkakataon upang yakapin ang dating nobya.

Lalong umingay ang klase dahil sa fiascong nangyari kanina.

Humigpit din ng yakap si Beck kay Ariel at lalo siyang humagulgol at humikbi.

Nang makita ni Kurt ang pagyakap ni Ariel kay Beck, agad siyang lumapit sa dalawa.

“Salamat, Ariel sa pagtatanggol mo kay Bekbek. Mula rito, ako na ang bahala sa kaniya.”

Nang makita ni Ariel na papalapit na si Kurt kay Beck ay kumalas siya agad ng yakap kay Beck sabay bigwas ng sapak sa mukha ni Kurt.

Napaliyad si Kurt sa pagtanggap nito ng suntok mula kay Ariel. Pumutok ang kaniyang nguso at nagdugo sanhi ng pagkakakagat sa sarili nitong labi.

Nagulat ang buong klase sa hindi inaasahang asal ni Ariel kay Kurt.

Galit na binulyawan ni Ariel si Kurt.

“Put my girlfriend’s name out of your fucking mouth! Saka bakit Bekbek ang tawag mo sa kaniya, bastos ka?”

Tinulak ni Beck si Ariel at agad na inakap si Kurt at sinabihan si Ariel.

“Bakit mo sinuntok si Kurt?”

Sumugod si Sasha sa kinaroroonan ni Ariel upang awatin ito ng yapos.

“Hindi ko maintindihan, bhe? Si Kurt ang dahilan kung bakit ka nasadlak sa ganitong sirkumstansya.”

Tumindig si Kurt at tumingin nang diretso sa mga mata ni Ariel at nagwika.

“Sige, palalagpasin ko ito, Ariel. Baka nga may mali akong ginawa o marahil bunsod lang ito ng iyong panibugho.”

Nagpanting ang tainga ni Ariel na lalong nagdulot ng pagkasuklam kay Kurt. Inulit ni Ariel ang huling salitang sinabi ni Kurt.

“Ano’ng sabi mo? Panibugho?”

Kumalas muli ng yakap si Ariel at ito naman ay mula kay Sasha. Sinugod niya ulit si Kurt habang pailing na sinusumbatan ito. Mas lumakas pa ang tono nito.

“Panibugho?! Ano naman ang kaiinggitan ko sa’yo lintik ka? Just who do you think you are anyway? Wala ka namang mabuting gagawin sa mahal ko. Sisirain mo lang ang buhay niya.”

Muling naglunsad ng pag-atake si Ariel.

Sa pangalawang pagkakataon, hindi na tumama ang suntok ni Ariel pagkayuko ni Kurt at dahil nawalan ng balanse si Ariel, sumubsob siya sa likod ni Kurt at nang tumindig na si Kurt, bumalibag at tumumba si Ariel sa mga upuan.

Lahat ng mga kaklase nila ay nakatunghay lang sa sigalot ng dalawa. May ilang pang patuloy pa rin na kinukunan gamit ng cellphone ang kaganapan sa loob ng classroom.

Sinampal ni Sasha si Kurt. Hindi iyon napaghandaan ni Kurt.

Pak!

“Huwag mong sasaktan ang honey ko!”

Na siyang sampal naman ni Beck kay Sasha.

Plaak!

“Huwag mong sinasampal ang boyfriend ko!”

Natigilan ang lahat sa rebelasyon ni Beck, saglit na tumahimik ang lahat.

Samantalang si Jebs naman ay siniko nang mahina sa tagiliran si Tim upang singilin ang premyo nito sa kanilang ginawang pustahan.

“Akin na ang panalo ko, Tim. Tama ako, sila na ni Kurt.”, ani Jebs kay Tim sabay abot ng limandaang piso sa kaniya. Napakamot na lang ng ulo si Tim at napailing.

Magsasalita sana si Kurt ngunit pinigilan siya ni Beck at muli itong nagsalita.

“Oo, tama ang narinig niyo! Boyfriend ko na si Kurt at proud ako na siya ang boyfriend ko! Dahil proud siya sa akin kung ano ako. Kung ano talaga ang gusto ko. Na walang sinuman sa inyo ang makakaintindi kung hindi siya lang. Malaya ako at panatag sa tuwing siya ang kasama ko. Kaya lubayan niyo na kami at hayaan na lang kaming mahalin ang isa’t-isa.”

Binaling naman ni Beck ang mga salita kay Sasha.

“Sasha, kung sakaling ikaw ang mamahalin ni Ariel, alam kong mahihigitan mo pa ako ng sobra sobra. Ikaw talaga ang gusto ko para kay Ariel dahil matagal ko nang alam na mahal mo siya.”

Naluha si Sasha at walang nang ibang nasambit kung hindi,

“Beck…”

At kay Ariel naman.

“…Ariel, hindi ako nagsisisi na minahal kita. Kaya salamat talaga sa lahat. Pinaramdam mo sa akin na isa akong katangi-tanging babae na dapat ingatan, igalang at alagaan. Subali’t anuman ang gawin ko, hindi ko talaga kayang tumbasan ang lahat ng pagmamahal mo. Kaya, patawad, Ariel.”

Pumalakpak si Jebs at Tim bilang suporta sa mga tinuran ni Beck. At gumaya na rin ang lahat at binigyan nila ng masigabong palakpakan sina Beck at Kurt.

Si Jebs din ang nagpasimuno ng kantang, “Uwian na!”, in the tune of “Here comes the bride!”

And they all sang it in unison.

Samantalang si Shane naman ay nag-ulat sa kanila na nakasilip lang sa pasilyo sa bungad ng pinto.

“Guys, parating na ang dean!”

Hinawakan ni Beck ang kamay ni Kurt sabay hila niya sa kaniyang nobyo palabas ng pinto at tumakbo patungo sa pasilyo at lumiko sa hagdanan hanggang sa hindi na sila matanaw.

Habang tinatayo naman ni Sasha si Ariel mula sa pagkakabagsak nito sa sahig.

Doon na rin nagkusa ang isang kaklaseng lalake upang alalayan din ng tayo si Ariel.

“Okay ka lang?”

Tumango lang si Ariel na pinipilit ibangon ang sarili mula sa pagkakalagapak nito.

“Honey, anong masakit sa iyo? Hatid kita sa clinic gusto mo?”

Napatingin si Ariel kay Sasha dahil sa sinambit nito at nagwika.

“Honey?”

“Oo, iyon ang tawagan na natin simula ngayon. Narinig ko kasi, bhe ang tawag mo kay Beck.”

Hindi maitago ni Ariel sa kaniyang mukha ang siphayo bunsod ng mga pahayag kanina ni Beck. Namumula ang kaniyang mukha at nangangalit ang kaniyang mga ngipin.

“This is utterly futile! Itutuloy pa ba natin, Sasha? Mukha kasing malabo na.”

“Huh? Umm… narinig mo naman ang sinabi ni Beck ‘di ba?”

“Alin du’n?”

“Na ako ang gusto niya para sa iyo. Alam ko kasi naguguluhan pa siya kaya ako muna ang bahala sa iyo, Hon, pati na rin kay Nesty.”

Nakaramdam ng kapanatagan si Ariel sa mga tinuran ni Sasha kasabay nu’n ang pagsilay niya sa maaliwalas na mukha ni Sasha. Doon huminahon si Ariel at nagpasalamat.

“Salamat. ‘Eh sino naman si Nesty?”

“Ang sikreto nating malupit, Hon. Kaya huwag ka nang magsalita. Pumunta na tayo sa clinic.”

Napatingin naman si Sasha kay Shane habang kausap niya si Ariel na angkla nito kasama rin ang kaklaseng lalake na umaalalay din kay Ariel.

Nakuha na agad ni Shane ang pahiwatig ni Sasha.

Humarap si Shane at sinalubong ang papalapit na dean sa kanilang silid-aralan.

Doon unang nagwika ang dean.

“Ano’ng nangyayari dito?”

“Sir, iniwan kasi kami ni Prof Rueda, kaya maingay ang klase namin.”, katuwiran ni Shane.

“Ikaw si…?”

“Sunshine Sena po. Ang secretary po ng section namin. Shane for short.”

“Hinahanap ko kasi sina Rebecca Alperez at James Curtis Bautista. May kailangan akong sabihin sa kanila.”

“Ano kasi? Sabihin ko na lang po na nagsadya po kayo rito pagbalik nila.”

“Sige, hija. Pakisabi mahalaga ang sasabihin ko. Tungkol kamo ito sa pananatili nila sa pamantasang ito. Alam mo naman ang opisina ko.”

“Makakarating po, Mr. Lopez.”

Nang makaalpas na ang dean. Lumapit sina Tim at Jebs kay Shane at nag-usisa. Nagsisunuran din ang iba upang makiusyoso.

“Shane, ano raw ang sabi ni dean?”, ani Tim.

“Maki-kick-out daw ba sina Kurt at Bekbek?”

Humarap si Shane sa dalawa nang masigurong wala na sa paningin niya ang dean.

“Hindi pwede ito, Jebs, Tim. Hanapin natin sina Kurt at Beck.”

At tuluyan nang iniwan nila Shane, Jebs at Tim ang classroom.

Ikalabing-Isang Kabanata – Ang Bulwagan

Patuloy pa rin sa paghakbang sina Beck at Kurt paakyat ng hagdan nang magtanong si Kurt sa nobya.

“Bekbek?”

“Ano Kurt? Dalian mo na…