Because I Know U R The One – Part 3

Ikatlong Kabanata – Kuwentuhan Sa Banyo

Balik-Tanaw

Kapwa kaming nasa banyo ni Ate Francine, makikiihi daw siya habang ako naman ay naliligo na nakalingid ang shower curtain.

Madalas kong kinukuwento sa kaniyang ang mga kaganapan ko sa eskwela. Si Ate Francine lang kasi ang tanging pamilya ko dito sa Maynila. At siya lamang din ang nakakausap ko nang ganito, yung ‘anything under the sun’, kasama na pati kahalayan niya na walang abog niya ring kinukwento sa akin.

“Bwiset talaga ang Bautista na iyon! Parang kulang sa pansin, ay hindi pala, kulang talaga sa pansin!”

“Wew! Pero panay ang sambit mo sa Bautista na iyon. Mas madalas mo pa siyang mabanggit kesa kay Ariel. Sinagot mo na ba?”

“Hindi naman nanliligaw ‘yung Bautista. Lagi lang siyang papampam!”

“Hindi si Bautista mo ang tinutukoy ko. Si Ariel, what’s the score?”

“I don’t know, Ate. Ariel? Sobrang nice naman siya kaso I’m not sure…”

“Why naman? Ideal man naman si Ariel. I guess it won’t hurt if you’d give it a shot!”

“K- Hurt?”

“Yep? Ano’ng me’ron sa hurt?”

“Wala! May naalala lang ako.”

“Are you going to change the subject, Ekang? Tinatanong kita about kay Ariel kung ano na?”

“That’s the reason kung bakit nag-aalangan ako. Iyon pinipilit mo akong sumagot kaagad. Iyong igigiit ang gusto mo kahit labag sa loob ko.”

“Kakaibang hugot iyan ‘ah! Saan naman nanggagaling iyan?”

“Nakikita ko kasi kay Ariel ang ugali ni tatay. Kanina kasi sa school doon sa sports gym, PE namin sa swimming, nandoon si Coach Rueda. Tinatanong ako kung gusto ko raw maging muse ng basketball team nila…”

Sa Sports Gym Ng School Sa May Swimming Hall

“Heto iyong sinasabi ko sa inyo, si Miss Rebecca Alperez. Ang gagawin nating muse para sa intercollegiate basketball championship. Baka maging swerte natin si Miss Alperez at ganahan naman kayong ipanalo ang kampiyonato ngayong taon.”

Pakilala sa akin ni Coach Rueda sa kaniyang mga varsity players. Isa isa silang nakipagkamay sa akin at nakipagkilala.

Hindi ko naman matandaan ang mga pangalan nila dahil masyado silang marami mga walo siguro. Saka isa pa, hindi naman lahat sila nakatingin sa maganda kong mukha. Nakabihis na kasi ako ng one-piece swimsuit na dark blue. Kaya sabog ang mga mata nila sa aking namimintog na mga dibdib lalo na sa aking maputing singit.

Tapos iba ang hawak nila sa kamay ko na may pisil pa at humahaplos pa ang hinlalaki sa likod ng aking kamay na para bang ninanamnam ang malambot kong kamay.

Muli nagtanong sa akin si Coach.

“Marunong ka bang sumayaw?”

“Opo, sa probinsiya namin, majorette po ako.”

“Ayos naman pala. Hindi ba naka-skirt ka n’un? Madalas ka bang naka cycling, shorts o panty lang?”

“Kailangan ko po bang sagutin iyan, Coach Rueda?”

“Tony na lang o Sir Tony, kahit ano. Hindi naman, curious lang. Gagawin kasi kitang cheerleader since marunong ka palang sumayaw.”

Hanggang may nagbalabal ng tuwalya sa balikat ko.

“Good morning, Coach. Magsimula na daw po klase namin. Pag-iisipan na lang ni Beck ang proposal niyo.”, sabat ni Ariel.

Hindi na hinintay ni Ariel ang tugon ni Coach at agad niya akong tinalikod sa kanila at inakay patungo sa lugar kung saan nandoon ang mga gamit at pinagbihisan namin.

“Ariel, bakit mo naman sininghalan si Coach? Prof natin sa minor subject iyon.”

“Hindi ka ba nakakahalata? Minamanyak ka na?”

“Nag-uusap lang kami.”

“Nakita ko yung pisil nila sa kamay mo. Kulang na lang doon ka na halayin.”

“Advance ka naman mag-isip, Ariel!”

“Basta, huwag mo na silang kausapin.”

“Hindi pa nga kita sinasagot kung pagsabihan mo ako parang nobya mo na ako.”

“Gusto ko lang ilagay ka sa maayos. Pasasalamatan mo rin ako at sasabihin mo tama naman pala ako.”

“Whatever!”

Nilihis ko ang tuwalya sa pagkakatapis nito sa katawan ko at agad akong tumalon sa swimming pool.

“Weeeehhh!”

Nadinig ko pa ang tinuran sa akin ni Ariel.

“Para ka talagang bata!”

Kaya pinatulan ko ang sinabi niya.

“Ikaw naman parang lolo, Tandang Ariel!”

Natawa lang siya sa pang-aasar ko.

Winasiwas ko ang tubig mula sa pool patungo sa kaniya. Doon na rin siya naghubad ng pantalon at naiwan sa kaniya ang red and black na swimming trunks at top niyang rash guard. Saka siya lumundag sa pool in fetal position.

“Splaasshh!”

Naghampasan kami ng tubig at nagtawanan ni Ariel. Pati ibang kaklase namin nakisali na rin.

Hanggang dumating na si Prof Espirito, ang PE swimming instructor namin.

“Are you having fun guys? First day natin so i-enjoy niyo lang. Mamaya magkakaroon tayo ng competition among all of you. For fun’s sake lang. Alamin ko lang kung sino ang pwedeng maging varsity sa inyo sa swim sports. Freestyle, breaststroke, butterfly at backstroke ang gagawin natin. So get yourselves ready!”

Habang nagbibigay pa ng instructions sa amin si Prof Espirito, bigla na lang lumabas mula sa kawalan ang mortal enemy ko.

“Sa breaststroke, may idea na ako kung sino ang panalo. ‘Di ba, Miss Alperez?”

Dinig na dinig ng buong hall ang boses ni Kurt na mala-megaphone. Sabayan pa ng kakatwa niyang entrada at paglalakad na parang kengkoy. Kasama pa niya ang dalawang kampon ng kamanyakan.

Mukhang galing naman sila sa shower room dahil basa na ang mga buhok nila.

Tawanan ang lahat hindi dahil sa catcall niya sa akin. Sinita kasi siya ng prof namin about sa suot niya.

“Alam mo, late ka na nga tapos ganiyan pa ang suot mo, Mr…?”

“Bautista po. Bakit sir? Hindi ba pwede ang suot ko?”

“Brief pa ‘ata ng tatay mo iyan. Nagmukha nang shorts mo sa laki at lawlaw. Maluwag pa ang garter niyan parang bacon na.”

“Ahahaha! Wakokok!”

“Eh sir. Talaga bang hindi pwede ito? Naiwan ko kasi sa bahay ang swimming trunks ko.”

Tinuro ni Sir Espirito ang nakapaskil sa pader. At malakas niyang binigkas ito.

“No trunks, no swimming.”

“Ang patakaran ko. No trunks? Considered as absent.”, dagdag pa ni Prof Espirito.

“May mabibilhan ba ng trunks dito sir?”

“Wala! Pero pwede kang magrenta sa akin. P100.”

“Renta? Baka naman nasuot mo na lahat iyan?”

“Sige, absent!”

“Teka naman, sir. Joke only! Pili ako.”

Nilatag naman ni Prof ang mga trunks sa kaniyang bag. Mukhang prepared si Prof at alam niya na may estudyante siyang hindi nagdadala ng trunks.

“Sir, parang wala akong mapili ‘eh. May iba ka pa?”

“Me’ron pero kapag ito naisuot mo sa harap ng klase mo, uno ang markang ibibigay ko sa iyo. Tapos 50 pesos na lang singil ko.”

Tumango lang si Kurt.

Nagtawanan ang lahat dahil may ganoon palang trunks? Itim na pantyhose lang na mukhang cycling. Kapag sinuot iyan ni Kurt pihadong babakat ang bukol niya at makikita ng lahat dahil see through din ito.

“Hindi ba ako magkakabuni niyan? Parang sa hostess pa galing iyang trunks na iyan. Trunks ba talaga iyan?”, hindi makapaniwalang mga tanong ni Kurt.

Mangiyak-ngiyak na ako sa kakatawa lalo kapag naisip kong isusuot ni Kurt ang trunks na magta traydor sa kaniyang kaselanan.

Nang makabawi ako ng paghinga mula sa kakatawa. Kinantyawan ko si Kurt.

“Bautista, absent! Hahaha! Akala ko ba’y matapang ka? Trunks lang ng hostess, umaatras ka na?”

Nawala ang ngiti sa aking labi nang makita kong iyong trunks mismo na iyon ang kinuha niya.

“P50 lang ito saka uno? Good deal!”

Patuloy pa rin ang tawanan ng lahat samantalang ako parang nalugi. Umaasa kasi ako na sa pagkakataong ito, titiklop si Kurt.

Pinagmamasdan ko rin si Prof Espirito. Panay ang dungaw niya sa singit ng brief ni Kurt na tila ba’y may hinihintay siyang lumabas mula roon.

Bakla nga pala si Prof Espirito kaya pala ganoon na lang ang ngiti niya nang mapapayag niya si Kurt na magsuot n’un. Panalo pa rin pala ako. At lalo pa akong nanabik sa mga susunod pang mangyayari.

Nag-abang talaga ang lahat habang hinihintay si Kurt ibihis ang pantyhose slash cycling slash see through trunks na inarkila niya.

At lumabas na nga si Kurt! Noong una, nagtawanan pa ang lahat subali’t nang maglakad na siya na parang model sa catwalk, ayoko man aminin pero… napanganga ako sa lakas ng dating niya. He has a good physique. Lean body, buffed arms, firm thighs, maalsang peck muscle, mala-kobrang palikpik at six-pack abs na pak na pak!

I don’t wanna mention it pero kapansin-pansin talaga ang naghuhumindig niyang pagkalalake. Mayabang din ‘eh dahil hindi niya nagawa man lang na takpan ito kahit malaya naman ang mga braso niya na gawin iyon.

Tanging mga kaibigan lang niyang si Timothy at Jebs ang pumapalakpak at pumupuri sa kaniya.

“Iba ka talaga lodi! Isa kang tunay na bastos!”, sigaw ni Jebs.

Iniangat pa niya ang mga braso niya at bumayubay na parang si Jake Cuenca. Feel na feel naman ng gago.

Samantalang may narinig ako kay Shane na may paghanga sa kaniyang sinambit.

“Ang hot pala niya!”

Na siyang inalmahan naman ni Sasha.

“Ano’ng sabi mo, Shane? Hot si Kurt?”

Pinabulaanan ito ni Shane.

“Did I say hot? I mean, not! Totally hate him!”

“Parang narinig ko na iyan?”, wika ni Sasha.

“Ikr!”, sambit ni Shane.

Napansin ko rin si Sir Espirito na kinukunan niya ng video sa kaniyang cellphone habang papalapit si Kurt sa pool.

At siyempre hindi rin nakaligtas ang abang-lingkod niyo sa puna ni Kurt.

“Ba’t nakanganga ka, Alperez? Gusto mo ba?”

Natigilan ako at hindi ko namalayan ang bibig na nakatanga lang hanggang sa ito’y mapuna nga ni Kurt.

“Huh? Sino’ng nakanganga? Wala akong pake sa’yo, unggoy! T’se! D’yan ka na nga!”

Sabay langoy patungo kay Ariel matapos kong iwan doon sina Sasha at Shane. Sumunod rin ng layo sina Sasha at Shane kay Kurt sabay sabi ni Sasha,

“Dumistansiya na nga tayo baka madikitan tayo ng dikya.”

“Hoy! Sinong dikya? May dumikit nga rito, hindi ko alam kung sino sa inyo.”

Ngumiti lang si Shane. Parang alam ko na kung sino ang humawak sa dick niya kaya bahagya akong napangiti.

“Malamang hindi ako. Eww na lang sa’yo, Kurt!”, sabi ni Sasha sabay tungo niya sa lugar namin ni Ariel.

Lumublob pa si Sasha hanggang umahon siya sa tapat ni Ariel at gumilid siya sa kanan ni Ariel na nakabayubay sa tabi habang ako naman ang nasa kaliwa ni Ariel.

“Beck, napakabastos talaga ni Kurt. Halos maghubad na siya rito sa pool. Buti pa itong si Ariel napakaresponsable. Ang swerte mo kay Ariel, Beck.”

Ngumiti na lang ako kay Sasha pero napapansin ko ang malagkit nitong tingin kay Ariel. May iba akong nararamdaman sa babaeng ito. Though, mukha naman siyang friendly.

Isa pang mga gago ring kasama ni Kurt. Talagang fan na fan sila ng unggoy. Biruin mo, lulubog sa pool tapos hihigop ng tubig saka ibubuga tapos sasalsalin nila ang mga leeg nila na para talagang mga burat.

Hindi naman sila ginaya ni Kurt, bagkus, sinita pa niya ang mga ito.

“Anong sa tingin niyo ginagawa niyo?”

“Mga titi kaming nagdyadyakol.”, sagot ni Timothy.

“Ah! Akala ko mga titi kayong umiihi gaya ng ginagawa ko ngayon.”

Kapwa nagbugahan ang dalawa sa isa’t-isa.

“Pfft! Tangina mo, Kurt! Hayop ka!”, mura ni Jebs.

“Bakit? Ako ba may gawa niyan sa inyo?”

Tawanan lang sila. Ang saya-saya nilang magto-tropa.

Hindi tulad nitong si Ariel na hindi palakibo. Parang naiinip.

“After 10 mins. mag-start na tayo. Ilan kayo? 24 ang nasa attendance ko. 8 lanes ang Olympic-size pool. Lahat ba kayo marunong lumangoy? Taas ang hindi marunong.”

Hindi na ako nagulat dahil halos lahat ng babae kabilang ako ang nagtaas ng kamay. Bigla pa ang tingin ni Kurt sa aking kili-kili pagtaas ko. Kaya medyo pinikit ko ang braso ko habang nakataas pa rin ang kamay ko sabay irap ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin sabay nag-read my lips. Basa ko sa mga labi niya ang salitang “amputi!”, o may iba pa bang laman ang bigkas niyang walang boses?

“Sino naman dito ang marunong lumangoy ng 4 strokes?”

Siyam lang ang naglakas-loob na magtaas ng kamay. Walo ang lalake kabilang sina Kurt, Timothy, Jebs at Ariel. Hindi ko rin inaasahan na ang tanging babae na makakasama ay si Sasha.

“Alperez? Ayaw mong lumangoy? I’m sure naman lulutang ka dahil may salbabida ka naman.”

“Haha! Funny!” Sarcastic kong sambit kay Kurt.

“Bro, huwag naman sana bastos.”

“Joke only. Biro ko lang kay classmate yun.”

“Well, hindi mo ko kabiruan!”, singhal ni Ariel.

“Hindi naman ikaw ang binibiro ko. Wala nga akong panahon sa’yo kaya huwag mo na akong pansinin.”

“Eh sobra na ang kabastusan mo, bro ‘eh!”

“Huwag mo kong tawaging bro. Hindi tayo magkapatid. Don’t insinuate it that we’re as cool as dudes!”

Nagkaroon na nga ng bangayan sa pagitan nina Kurt at Ariel. Kaya nanghimasok na si Prof sa sigalot ng dalawa.

“Really? Dito niyo talaga ibubuhos ang mga galit niyo? Gusto niyong malaman kung sino ang magaling sa inyo? Tutal pareho kayo nagtaasan ng kamay, alamin natin kung sino ang magaling sa inyo.”

Unang tinanong ni Prof si Kurt.

“Ikaw, Bautista? Kakasa ka ba?”

“G!”

“Ano’ng G?”

“Go! Game!”

Sunod naman si Ariel.

“Ikaw naman…?”

“Alhambra po. Para sa G.”

“Ano’ng G naman iyan?”

“Grades!”

“Akala ko para sa girl.”

Kantyawan na naman ang buong klase.

“Ayyyyiiieee!” “Uyyy!”

May pumaswit pa.

“Wit! Wit!”

At tawanan.

“Hahahaha!”

“Hindi pa tayo nagsisimula, kinikilig na ako. Sige pumwesto na kayo, Bautista at Alhambra. After nila, yung pito naman. Tapos basic tayo sa hindi pa marunong lumangoy.”

Umahon na ang dalawa at pumuwesto sa starting platform.

Dahil nga sa suot na see-through trunk ni Kurt. Halos lahat ng babae kahit inis sa kaniya ay nakatanghod lang sa kaniyang shaft. Lalo yung ulo nito na parang gusto nang wasakin ang net. Shit, bakit pati ako, nakatanghod na rin? I can’t help staring at it no matter how much I tried harder to resist. Saka yung p’wet niya malaman din lalo ng tumuwad na siya at dungaw na dungaw ang mga kaklase kong babae at bakla pati si Sir Espirito, umiilalim pa ng tingin sa puwitan ni Kurt.

Gusto ko sana sumali sa kantyawan kaso si Ariel nahalata kong nakatingin sa akin.

“On your mark… May timer ako so, complete the 4 strokes as fast as you can… Ready… Set… Go!”

Pagkapompiyang niya bilang hudyat, halos sabay na tumalon sina Ariel at Kurt sa tubig. Nagulat ako sa dive ni Kurt dahil tumusok siya sa tubig na may mahinang ripple.

Ambilis ni Kurt sa ilalim ng tubig. Hindi pa niya pinapagaspas ang kaniyang mga braso. Saka pa niya isinagawa ang freestyle nang bahagya siyang makaahon.

Si Ariel naman na kumpleto sa swimming gear, cap, goggles, trunks at rash guard. Talagang iisipin mo na swimmer siya o sa porma lang.

Halatang napasubo si Ariel sa hamon. Dahil sa kakapusang-palad, hindi natapos ni Ariel ang 4 strokes na hinihingi ni Prof Espirito. Habang si Kurt naman, nagawa niya ang lahat kahit see-through trunks lang ang suot niya.

Napapalakpak ako dala ng paghanga. Agad napatingin si Ariel sa akin habang bumabalik siya sa starting platform.

Kaya kunwari’y na kay Ariel ang cheer ko.

“Ang galing mo, Ariel. Hindi na bale, panalo ka naman sa puso ko.”

Sinabi ko na lang para hindi na tumindi ang tensyon. Kabisado ko si Ariel, may ugali yun na kapag hindi siya nanalo sa isang bagay, hahanapan pa niya ito ng panibagong hamon kung saan siya lalamang.

Doon nakuha ni Kurt ang paghanga ng lahat. Kung bakit naging popular siya sa klase namin.

Pero siyempre you cannot please everybody.

Nang malaman ng natitirang pito kung gaano kahirap ang ginawang 4 strokes ni Kurt. Lahat sila, umayaw na.

“Bautista!”

Tawag ni Prof kay Kurt.

“Po?”

“Gusto kitang i-train as varsity. Makakakuha ka ng allowance at support provided ng university. Malaki ang potential ng school kapag ikaw ang ipambabato namin.”

“Wala po ako’ng trunks.”

“Department ko na ang bahala sa grooming mo.”

“G!”