Ang sarap ng kwentuhan namin habang patungo kami sa pila sa registrar.
Paatras ang aking paghakbang habang kausap ko sina Tim at Jebs nang biglang may mabangga ako sa aking likuran.
“Plak!”
Isang babae. Straight long black hair na nakalugay, makinis at maputi ang balat nito.
Sumambulat pala ang plastic envelope niya sa lapag matapos ko siyang mabangga nang hindi sinasadya.
Hindi ko napagmasdan ang mukha nito dahil nakayuko na siya nang siya’y aking lingunan.
“Oops! Sorry! Miss, hindi ko sinasadya!”
Parang hindi niya ako narinig sa aking paghingi ng paumanhin. At tila’y may binubulong siya sa kaniyang sarili.
Hindi ko siya gaano marinig kaya lalo pa akong lumapit. Humakbang ako hanggang sa mapansin niya na ako.
Yuyuko na sana ako pagkasabi ko ng,
“Miss, tulungan na kita.”
Sungitan ba naman niya ako.
“Ano pa’ng maitutulong mo? Tapos na akong magpulot nitong nahulog ko matapos mo akong banggain?”
Para akong na-hypnotize nang makita ko ang kaniyang malilintog na mga suso na nakasiwang sa kaniyang suot na blusa.
Ngunit nang kunin na ng kaniyang marikit na mukha ang atensyon ko, tila nagliwanag siya na parang isang anghel. Ganoon kasi ‘yung description sa Bible nang magpakita ang anghel kay Zacarias.
Opo, sa maniwala kayo’t sa hindi, nagbabasa po ako ng Bible.
At katulad din ni Zacarias, napipi ako.
I was stunned with the scintillating wonder in front of me. But not for long.
Binasag niya kasi nang sitahin niya ang mga mata ko. Tinakpan niya ang ibabaw ng kaniyang dibdib at sinabi…
“Teka nga? Saan ka ba nakatingin?”
Medyo nakalutang pa ako sa alapaap kaya parang wala sa wisyo ang sagot ko.
“Sa pakwan…”
“Ano?”
“…Ay este sa mga mata mo siyempre.”
Iba talaga ang taglay niyang kariktan. Agad akong nabighani. Maamo ang mukha niya at maputi. Kung iisipin, para siyang anak ng mayamang intsik. Tapos ang katawan niya, maihahanlintulad ko sa mga Japanese adult idols na napapanood ko.
Ngunit hindi ko naman masasabing out-of-my-league ang babaeng kaharap ko. Gwapo naman ako. Dapat maniwala lang sa sarili kahit ako na lang ang nagsasabi.
Kaya chance ko na para makilala siya.
“Nananadya ka ba, Mr…”
“James Curtis P. Bautista, and you are…?”
Lahad ko sa kaniya ang aking palad matapos kong magpakilala.
Kaso inisnab niya ito, sa halip…
“I am… now starting to hate you, Bastos ka!”
Sinigawan niya ako. Nang sinusugan pa ni Jebs ang sinabi ng magandang dilag, siniko ko ang kaniyang sikmura.
“Shut up! Jebs!”
Narinig namin ang shush ng registrar kaya huminahon ako ngunit ang mga kasama ko’y patuloy pa rin sa kanilang hagikhikan.
Mahina kong sinabi sa kanila sarcastically, “Gago, huwag niyo pigilan ang pagtawa baka dito pa kayo matae.”
Lalong nagpigil ang mga kasama ko kahit tawang tawa na sila sa nangyayari.
Nang umusog na si crush sa pila, umabante na rin ako kasunod niya.
Nang maihakbang ko na ang kaliwang black rubber shoe ko, doon ko nakita ang maliliit na litrato na nakalagay sa plastic sachet. Naapakan ko pala ito.
Pinagmasdan ko ang litrato, kay crush nga ito. Tapos naglabas lang ako ng isa mula sa sachet, yung passport size para mas makita ko pa siya nang lubos. Siyang siya nga at ang ganda niya rito. Parang bagong kuha palang niya ito kasi tugma ang suot niyang blouse at nakatungkab nga ang isa pa niyang butones. Shit, I’m having a boner. Pero siyempre, mas maganda pa rin siya sa harapan.
Kaya tinawag ko siya ulit.
“Psst! Miss…”
Inulit ko.
“Miss, psst!”
Parang nag-eenjoy na akong inisin si crush kaya tuloy lang ako sa pangungulit.
“Psst! Miss! Hoy ganda! Yoohoo!”
Naiinis man, hinarap na niya ako at dahil aware siya sa sita sa amin kanina ng registrar, hininaan niya lang ang boses sabay sabi sa akin…
“Ang gulo mo! Huwag mo na akong pansinin. I don’t wanna talk to strangers especially bastos.”
“Are you sure?”, tanong ko sa kaniya.
“Uh-huh!”, sambit niya sabay irap niya sa akin.
“Ikaw rin… maya-maya lang kakausapin mo rin ako.”
Tinaas pa niya ang kamay niya tapos binubuka niya pa ito na parang bibe. Talk to the hands daw pahiwatig niya.
Natutuwa lang ako kasi nadudungawan ko ang maputi niyang kili-kili sa loob ng kaniyang manggas. Ang kinis pa saka walang balahibo. Kaya sige pa, tuloy mo lang iyan. Hahaha!
Nagulat lang ako sa ginawa ni Timothy, simpleng manyakis din ‘eh! Sukat ba namang inamoy ang nakalugay na buhok ni crush. Kaya tinampal ko ang batok ni Tim sabay hiklat sa kaniyang kwelyo. Ginawan ko lang siya ng pabor dahil pinagtitinginan na siya ng nasa kabilang pila. Kapag nagkataon, kuyog ka, Tim.
“Aray! Bakit ba, Kurt?”
“Gago ka! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”
“Inaamoy ko lang buhok ni Miss beautiful.”
“Gago, ang creepy mo. Pagmasdan mo, nakatingin na sila sa iyo.”
Luminga nga si Tim sa kabilang pila at napagtanto niya na siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Base na rin sa naririnig kong bulong-bulungan ng mga marites.
“Ay sorry! Peace y’all!”, ani Timothy.
Kaya nanumbalik sa wala ang tensyon.
Matalim ang mga mata ni crush nang kami’y kaniyang lingunan. Mukhang napipikon na siya sa amin. Bago pa man niya makita na hawak ko ang maliit niyang litrato, agad ko itong itinago sa aking likuran sabay sipol.
Nang siya na ang kaharap ng registrar. Bumilang lang ako ng ilang saglit at heto na siya. Hindi na mapakali at magkamayaw sa kakahanap niya sa mga litrato.
“Kapag talagang minamalas ka, oh!”, inis niyang sambit kakahanap sa nawawala niyang mga litrato.
Sa mga sandaling iyon, parang naaalala ko sa kaniya ang Mommy ko. Ang taray ng dating niya, yung sungit niya ang pumukaw sa akin lalo na ang pasimpleng sulyap niya sabay irap.
Kahit hindi man niya ako kausapin, alam kong nagungusap ang mga mata niya at kilos niya na, kailangan niya ng tulong.
Naawa naman ako kaya pinakita ko na sa kaniya kung ano’ng hinahanap niya.
“Miss, ‘eto ba?”
“Saan?”
“Heto oh!”
Sabay pakita ko ng plastic sachet na hawak ko… sa ilalim ng sinturon ko.
“Bakit nasa iyo ‘yan? Below the belt na iyang ginagawa mo, bastos ka talaga!”
Nagulat ako dahil kukunin nga niya ang plastic sachet kung saan ko ‘to itinapat.
At doon na nagmano si manoy sa kaniyang kamao.
“Hmmpt!”
Medyo masakit ‘yung umpog ng kamao niya sa betlog ko. Siya ang naka-below-the-belt sa akin.
“Buti nga sa’yo. Dapat lang sa’yo ‘yan. Bastos ka kasi ‘eh!”
Nangilid ang mga luha sa aking mga mata dala ng aking pamimilipit.
Nilayo ko sa kaniya ang tangan kong plastic sachet at nagwika.
“Akala ko ba, you don’t talk to strangers?”
Hindi niya pinansin ang tanong ko, bagkus ay pilit pa niyang kinukuha ang plastic sachet kahit saan ko ito iilag ng kaniyang abot.
Hanggang sa naapakan niya ang sapatos ko. Nawalan siya nang balanse hanggang matalisod siya patungo sa aking dibdib.
Nakangudngod na ang pisngi niya sa aking dibdib. Doon tumibok nang mabilis ang puso ko.
Tumigil lang nang muli kaming sitahin ng registrar.
“Ano ba? Maghaharutan pa ba kayo? O hindi ko na tatanggapin ang enrolment niyo.”
Doon na nakiusap sa akin si crush.
“Please naman ‘oh! Utang na loob, pakibalik mo na naman.”
“Ano muna ang pangalan mo para hindi na tayo strangers?”
Tinapat niya sa akin ang pangalan niya mula sa blue card.
Binasa ko ito nang malakas para marinig din nina Tim at Jebs.
“Rebecca Alperez… nice to meet you.”
Lahad ko ulit ng aking kamay sa kaniya. This time, kinamayan niya na ako. Kahit dumampi lang ng ilang saglit ang mga palad niya, sa mga oras na iyon, bumagal ang takbo ng mundo ko.
Sabay pitas niya agad sa hawak kong plastic sachet. Patuloy lang ang talak niya na siya lang ang nakakarinig. Humingi ulit ako ng paumanhin subali’t hindi na naman niya ako pinapansin.
Agad siyang humarap sa registrar at doon inabot ang mga litrato.
“Heto na po ma’am. Sorry po kung natagalan. May epal kasi ‘eh!”
Inirapan na naman niya ako o kami.
Nang matapos na siya sa enrolment. Doon nagliwanag ang mukha niya nang magisnan kong ang ningning ng kaniyang ngiti.
Ngunit nabura iyon nang marinig niya muli ang tinig ko.
“Miss Rebecca Alperez. Ano’ng section mo? Okay na ba? Enrolled ka na?”
Ang bilis niyang maglakad papuntang hagdan hanggang sa makababa na siya.
Kahit wala na si Rebecca Alperez sa tinatanaw kong lugar ay hindi pa rin ako pumupuknat.
“Lakas nang tama mo kay Miss Beautiful ‘ah!”
Ngumiti lang ako sa kanila.
Pero sa akin,
“Hindi, …siya na siguro ang The One.”
Hanggang sa malaman kong magkaklase pala kami ni Alperez. Walang pagsidlan ang aking galak nang makita ko na siya mismo ang makakasama ko sa iisang section.
Kaso nga hindi na nawala kay Alperez ang unang bad impression niya sa akin na bastos at manyak daw ako. O sinasabi niya lang iyon upang lalo lang niyang ilayo ang sarili niya sa akin.
Kaya dinaan ko na lang sa pagsulat ko ng tula.
Magbuhat ng ika’y masilayan,
Buhat kong mundo’y biglang nabuhayan,
Binigyan mo ng kulay bunsod ng iyong ngiti,
Datapwa’t, hindi sa akin ang alay mong pagbati.Kabalintuan bang maituturing,
Kung sa’yo ako’y mahuhumaling,
‘Pagkat sa iyong kariktan, ako’y nabighani,
At ang tanging inaasam, ikaw lamang, binibini.Walang pagsidlan ang aking galak,
Kahit ako pa ang tampok sa iyong talak,
Namumutawi man sa buong silid ang hagikhik at halakhak,
Ang tinig mo’y ligaya sa aking dinig, siya kong tiyak.Binigyan mo ng tanglaw,
Ang gabi kong mapanglaw,
Liwanag man ay pumanaw,
Ikaw pa rin ang aking tanaw.Hindi maglalaho, hindi magbabago,
Habang tumatagal, lalong lumalago,
Ang pagnanais na maging bihag at iyong bilanggo,
Kahit pa ituring mo akong isang hangal at gago.
Inipit ko ito sa kaniyang kwadernong nakapatong sa armchair.
Nang bumalik sa kaniyang upuan, iisilid na sana niya ang kwaderno nang mabatid niya na may nakaipit sa ilalim nito.
“Aba? Tula ito ‘ah! At nakasulat pa sa scented stationary paper. Ang bango!”
Lihim lang akong nakamasid sa kaniya. Ang saya ko dahil na-appreciate niya iyong papel na ginamit ko. Sana pati tula ko, ikagiliw mo rin.
Iyon nga lang may pumapel na naman.
“Uy, Beck! Ano iyan? Love letter kay Ariel?”
“Ewan, Sasha. Nakaipit lang dito sa notebook ko. Si Ariel pumunta ng library habang break, hihiram daw ng libro sa humanity.”
“Pwede ko bang basahin?”
“Huh? Kung gusto mo, sige.”
Bakas ko sa mukha ni Beck ang pagkasuya niya sa kaklase naming si Sasha na intrimitida.
“Ang ganda pala ng penmanship ni Ariel? Gusto ko rin ng mga lalake na maganda magsulat. Swerte mo talaga kay Ariel.”
May maganda naman palang sinasabi itong si Sasha. Akala ko puro negative na lang about sa akin. Nakakatuwa rin pagkaaang-anga nito.
At binasa niya nga nang buong lakas ang sinulat kong tula para kay Alperez.
Doon na siya nagpahayag ng saloobin hinggil sa nabasang tula.
“Beck, parang hindi kay Ariel ito.”
“Huh? Paano mo nasabi?”
“Base sa tulang binigkas, nagpapahayag pala ito ng pagtangi sa’yo. Saka tila hindi mo raw ito pinapansin tulad ng sinabi nitong hindi para sa kaniya ang iyong pagbati.”
“Sino naman kaya yung hindi ko binabati rito?”
Biglang napatingin sa akin si Beck kaya tumayo na lang ako sa kinauupuan ko at inaya sina Tim at Jebs.
“Tara, sa tambayan muna tayo. Kain muna ako ng epalnada.”
Bwiset na Sasha ‘to panira ng diskarte.
Na siyang pasok naman ni Ariel sa classroom namin.
Nang makita ko na dumapo ang mga labi ni Ariel sa pisngi ni Beck. Napakuyom ako sa aking mga kamao. Nakadama ako ng pinaghalong selos at panghihinayang.
Maliwanag na ngayon sa akin, mukhang wala na akong pag-asa.
Hanggang sa nangyari na nga ang muling salpukan namin ni Beck sa mall.
Ang maswerte kong sapatos na naunang bininyagan ng apak ni Beck, nangyari ulit sa pangalawang pagkakataon.
Muli siyang nahulog sa harapan ko kaya agad ko siyang sinalo.
Dahil ang nais ko lang na sa akin lang siya mahuhulog.
Kapalit ng pangakong hindi siya babagsak habang salo ko siya nang buong giting.
Muling nabuhayan at tumayo… ang aking… pag-asa!
Hanggang sa heto na, nangyayari na nga!
Ikaapat na Kabanata – Ang Balkonahe
Umakyat na ako sa hagdan patungong silid upang iulat kay Bekbek ang notification sa cellphone ko. Dumating na kasi ang friend request ng Ate pinsan niya.
Nang makarating ako sa kwarto, nakita ko nang nagsusukat na ng damit si Bekbek at kinuha niya ito mula sa lumang aparador.
“Kurt, ano’ng bagay sa akin? Ang dami palang damit dito ng Mommy mo. Pinakialaman ko na tutal may basbas naman ni Tito Dar.”
Natigilan na ako at hindi ko na naalala ang dapat na sasabihin ko nang makita kong suot ni Bekbek ang dress ni Mommy Helena. Isa itong dark blue na floral dress na may string straps kaya lantad ang kinis at puti ng kaniyang dibdib at balikat. At ang laylayan nito ay hanggang ibabaw lang ng tuhod. Mas mahaba pa ang saya ng kaniyang school uniform.
Umikot siya paharap sa akin habang nasa bungad lang ako ng pintuan. Umangat pa ang laylayan nito gawa ng hangin na parang nais ni Beck na makita kong wala siyang suot na panty.
Kumabog nang husto ang aking dibdib hindi dahil litaw na litaw sa bestidang iyon ang kaniyang mga suso na parang p’wet ng sanggol, dahil naalala kong muli ang aking ina sa katauhan ni Bekbek.
“O, bakit ka nakangang…