Ben Sandobal: Batas Ng Kalibre Dose 3

Chapter 3: Tukso at Pagnanasa
By: Balderic

Nasa kalagitnaan ng trapiko si Ben at Nora sa NLEX. Habang naghihintay, nagpasya ang binata na magpatugtog ng musika at pinili nito ang classic rock.

Naalala ko noong highschool days ko, isa yan sa mga paborito kong banda.” Wika ni Nora.

“Classic na classic ma’am. Lumalabas po yung edad nyo ah hehe.”

“Ben, please. Sinasabi mo bang matanda na ako?”

“Haha hinde naman po. Kahit sa edad nyong yan eh nakakahumaling parin po ang ganda nyo.”

“Oh talaga? Yan ba ang tingin mo sakin Ben?”

“ah eh..napansin ko lang po ma’am.”

Parehong napangiti ang dalawa at nagkaroon ng maikling awkward silence.

“Nabanggit mo sakin dati na nag aaral ka pa bago ka umalis ng bansa. Anong kursong kinuha mo noon?”

“criminology po. Kaso di ko natapos. Wala kasing pera.”

“Wala ka bang planong tapusin ang kurso mo?”

“Wala na ho. Wala nang oras. Tsaka mas focus ko na ngayon ang pagtatrabaho.”

Umandar muli ang traffic. Isa isang umabante ang mga sasakyan.

I could help you with the finances kung interesado kapang mag aral.”

“Ay naku ma’am wag na ho. Hehehe nakakahiya naman sa inyo.”

“it’s okay. Nakikita ko naman sayo ang pagiging determinado mo eh. Sa tingin ko hinde masasayang sayo ang pera ko.”

Napadaan sa isang exit ang kotse at paakyat ang daan. Kumambyo si Ben at napatingin si Nora sa ibaba ng binata. Napansin nya ang naka bukol sa pantalon ni Ben.

“Eh ma’am, okay na ho ako sa trabaho ko. Malaki nang tulong ito sa amin ng tiyo ko.”

“Speaking of your tiyo, sya ba ang nagpalaki sayo?”

“Opo. Hinde na nga nakapag asawa si tiyo dahil doon eh hehehe.”

“Asan naman mga magulang mo?”

“ah eh, sabi ng tiyo ko namatay na daw. Doon pa sya sa probinsya namin nakatira.”

“Ganun ba. Maswerte sayo ang tiyo mo Ben. Mabait ka at masunurin.”

“Hehe.”

Napakamot si Ben sa singit nya. Akala nito ay hinde sya napapansin ni Nora pero napatitig muli ang ginang at nakumpirmang titi ni Ben ang malaking bumubukol sa gitna ng pantalon nito. Lihim na napakagat labi si Nora.

“Eh ma’am kayo ho. Bakit parang late na kayo nagka anak? Barely 18 palang si Heather ah. Late ba kayo nag asawa?”

“Ha? Um..hinde naman. May nauna kay Heather pero wala na sya ngayon.”

“Ah sorry po at napa alala ko sa inyo.”

“Wala yun iho.”

Nagpatuloy lang ang biyahe nila at medyo smooth na ang trapiko kesa sa huli.

———-

By: Balderic

Sa labas ng malaking mall sa Mandaluyong, nakatayo si Ashley at may hinihintay.

Ashley!” sigaw ng isang babae. Napatingin naman si Ashley at nakita nyang nagmamadaling lumalapit sa kanya si Yna.

Heeey!” bati ni Ashley.

Aba, mukhang blooming ka ngayon besh ah!” sagot naman ni Yna.

Ikaw ang blooming. Ikaw tong may boyfriend eh. Teka, asan na nga pala si Lucas?”

“Tulog, may pasok kasi kagabi hihihi. Mamayang hapon oa yun magigising. Kanina ka pa dito?”

“Hinde, kakarating ko lang.”

“Okay, let’s go nang makarami hihihi.”

Dahil sa pagbabagong ugali ni Yna, naging close na sila ni Ashley. Ipinakita ni Yna ang pagsisisi at pagpapakumbaba nya kaya madali nyang nakuha ang loob ng kaibigan. Simula noon ay madalas si Yna na ang palaging kasama ni Ashley.

Nagpasyang mamasyal ang dalawa. Magtatanghaling tapat ng makapasok sila sa mall. Marami nang tao sa loob. Unang pinasok ng dalawa ang mga clothing stores. Enjoy na enjoy sila habang namimili ng mga bagong damit.

“Hey Ash, matanong nga kita.”

“Sure, ano yun?”

“Alam kong si Jed lang ang naging boyfriend mo but I just wanna ask if may moment ba noon na malamig sayo si Jed?”

“Um, hinde naman. Bakit? May problema ba kayo ni Lucas?”

“Uh, I can’t say for sure eh. Pero kasi, napapansin kong ilang sya kay Dad. Tsaka kapag napag uusapan namin ang tungkol sa plan kong magtrabaho abroad, parang umiiwas sya sa topic.”

“Hays, baka naman nahihiya lang sya sa dad mo kasi nga may kaya kayo. And two, namimiss ka lang nun at baka ayaw nya talaga umalis ka. Pero bakit ka nga pala aalis eh may business kayo di ba?”

“I really want to do something for myself eh. Ayokong umasa nalang palagi kay Dad. Alam mo na, yung mag bukod-bukod din at bilhin ang mga bagay na galing sakin ang pera.”

“I can relate. Si dad nga gusto na doon ako sa hospital nila magwork eh.”

“So ano gagawin ko ngayon besh?”

“Bigyan nyo ng time pag usapan ang topics na yan. Kailangan maging open kayo sa isa’t-isa para maka iwas sa problema in the future.”

“I agree. Anyway, gusto mo mag lunch? Medyo gutom na ako eh. Hihihi.”

“Sure, tara.”

———-

By: Balderic

Naglalakad papasok sa isang malaking bodega si Leonard kasama ang alalay nyang si Bernie. Binati sila ng mga armadong bantay sa malaking pinto ng bodega. Pagpasok nila ay may mga nakatambak na mga sako ng bigas sa loob. May ilang truck lifts at mga platforms. Sa bandang dulo ng parehabang bodega ay nakatayo si Oscar kasama ang kanyang mga tauhan.

“Everything’s in order I see.” Wika ni Leonard.

“Leonard! Halika iho may ipapakita ako sayo.” Inakbayan ni Oscar ang binata at lumapit sila sa isang pinto na may maliit na bintana sa gitna na may harang na salamin.

“Anong meron dito?” tanong ni Leonard.

“Look for yourself.”

Sumilip sya at nakita ang isang payat na lalake na naka upo sa corner ng paresukat na kwarto. Nanginginig ang buong katawan nito.

“Is he high?”

“Haha yeah he is iho. But that’s not what I want you to witness.” Sumenyas si Oscar at may isang bumukas na hidden door sa isang bahagi ng kwarto. Pumasok ang dalawang mabangis na doberman.

Grrroowwwlll!!” galit na umatake ang mga aso sa lalake.

HRAAAAAAAHHHH!!!” Sinalubong ng lalake ang mga aso at kinagat sya ng isa sa braso. Hinawakan nya ang leeg nito at sa isang kamay ay binali. Kumagat naman ang isa pang aso sa batok ng lalake pero binuhat nya lang ito at hinampas sa pader.

SPPLLAATTT!!!” Wasak ang ulo at lasog lasog ang katawan ng aso.

“Whoa! What the hell!? Anong nangyayari?”

“That’s because of this.” Ipinakita ni Oscar ang isang maliit na ampule.

“Ano yan?”

“This my friend costs me twenty million pesos pero 20 liters. They call this Valkyria. It’s an experimental serum developed by some secret organization. This thing amplifies a person’s physical attributes up to ten folds. But anyone who could not handle it becomes erratic and crazy. But their strength, power and agility cannot be ignored. Nakukuha mo ba ang ibig kong sabihin iho? I will sell this in the black market for a higher price hehehe. Just imagine a battalion of soldiers powered by this thing. They would become the most unstoppable army the world will ever see.”

“Interesting pero hinde ito ang inorder ko sayo Oscar. Asan ang shipments ko?”

“Don’t worry, nandito na orders mo. At may information din ako sa mga taong gusto mong kontakin. Ang magkapatid na assassins na tinatawag nilang The Branded. Ano bang plano mong ipagawa sa kanila?”

“Maglilinis lang ako ng mga dagang nagkalat.”

“Leonard…Leonard…mukhang may dinidibdib ka iho. Pwede ko bang malaman kung ano ang bumabagabag sayo? Baka naman makatulong ako.”

“Personal ito para sakin Oscar. Nais kong pagbayarin ang mga taong sumira ng buhay ko. Ang mga taong nagdala sakin sa piitan.”

“A personal vendetta. Gusto ko yan. Sa tingin ko malaki nga ang maitutulong sayo ng magkapatid na Branded. Wag kang mag alala, ako mismo ang hahagilap sa kanila.”

“Salamat Oscar. Maaasahan ka talaga.”

“Sya nga pala, bukod sa shipments mo, alam mo bang may bagong trend na sa mga epektos sa merkado ngayon?”

“Oo alam ko. Naririnig kong may bagong klase nang droga na kumakalat ngayon. Ang mga nalulong ay sinasabi nilang mas naging agresibo, hinde lang sa krimen kundi sa paghahanap ng pera para maka bili ulit.”

“At ito ang sanhi ng pagbabago nila Leonard. Ang Valkyria. 0.0001 milligrams ang hinahalo sa kalahating kilo ng merchandise ko at ang bawat users ay mas nagagayak bumili. Sa ano mang uri ng paraan, gagawin nila ang lahat para makabili. More drive, more costumers. Mas mabilis ang kita Leonard hehehe.”

“Hinde ba mas napapadali ang pagkasira ng utak nila?”

“Haha why worry about them iho? They are nothing but money makers hehehe. Mas tumaas pa ang kinita ko this quarter by 30%! Can you believe that!? So anyway, gusto kong imbitahin ka para magjoin forces tayo sa bagong bukas. Hehehe. This is what partnership is all about!”

“Pag iisipan ko Oscar. Pag iisipan ko.”

“Boss…malakas ang kita ng drogang yan. May mga ekspertong nagsasabi na pareho lang daw ng epekto sa utak yan at ang ordinary nating droga. Ang pinagkaiba lang, mas mahal yan at mas gusto ng mga users na bumili kaagad.” Bulong ni Bernie. Tumango si Leonard.

“You know what? Why not?”

“That’s my boy! Hahahaha! Magaling Leonard! Magaling na desisyon!”

“So anong tawag nyo sa bagong merch na yan?”

“Ragnarok! Hahaha!”

“Hmm sounds badass.” Wika pa ni Leonard. Nakipag kamay sya kay Oscar.

ang current shipments mo ay e coconvert namin into Ragnarok, so I suggest you stay put for now. My experts will take care of the rest.”

“BLAG!” Biglang bumukas ang pinto at nakalabas ang adik.

“Boss! Ang adik tumatakas!” sigaw ng bantay na natumba matapos tamaan ng pinto.

Lumapit ang isang tauhan ni Oscar at tinutok ang baril sa adik pero bigla itong sinunggaban at kinagat sa leeg.

SHRRIIPP!!” “AAAAAAAHHH!!!” Bumagsak ang lalake habang sumisirit ang dugo nya sa leeg.

“patahimikin nyo!” utos ni Oscar.

Humarang si Bernie at lumapit sa adik. Tinignan sya nito. Puno ng dugo ang bibig nya.

“Eyaaaaaahhhh!!” sumugod ang adik.

Tinadyakan ni Bernie sa sikmura ang adik at binunutan ng baril saka tinutok sa dibdib nito.

“BLAM BLAM BLAM!!” Tatlong bala ang tumapos sa lalake. Pumalakpak si Leonard.

“Yan ang tao ko. Maaasahan! Hahaha!”

“Mukhang magaling nga yang bata mo Leonard. Alagaan mo yan.” Wika naman ni Oscar. Tumango sa kanya si Bernie.

———-

By: Balderic

10 pm

Patapos na si Tony sa kanyang duty, inaayos nya na lang ang mga gamit nya sa lamesa nang marinig nya ang pag r…