I was doing fine in my little world
Oh baby, please don’t get me wrong
‘Cause I’m not complaining
But you see, you got my mind spinning
Pilit pinipigilan tumulo ang luha ni Megan sa kantang naririnig mula sa banda nasa ministage kung saan siya nag-iinom. May isang tao lamang siyang naaalala. Isang taong hindi nya akalain kanyang mamahalin pagkatapos ng ilang taon na hindi binuksan ang puso. Ilang taon na pilit binuo ang sarili ngunit sa huli’y mawawasak rin lang ng ganung kadali.
“Megan?! Kamusta?”
Hindi nya namalayan na tinabihan na sya ng kanyang dating matalik na kaibigan. Si Jerold, kaklase nya mula Highschool hanggang college. Nasira lamang ang pagkakaibigan nila ng magtapat ito ng nararamdaman sa kanya bago ito mangibang bansa.
“Okay lang. Hehe. Ikaw, kamusta? Kakauwi mo lang?”
“Oo. Nung isang araw lang. Pinapapunta ka nga ni mama sa amin.”
“Si tita talaga. Hindi na makamoveon sa atin.”
“So bakit ka nga ba mag-isang nag-iinom? May problema ka ano?”
Tuluyan na ngang tumulo ang luha ni Megan. Eto ang namiss nya sa pagkakaibigan nila. Kilalang kilala sya neto. Tinginan lang nila ay alam na alam na kung anong mali sa kanya.
Muli na namang pumasok sa isipan nya ang pilit nyang kinakalimutan sa pamamagitan ng alak.
“Sorry. Tigilan na naten.”
Apat na salita na sumira sa puso na kanyang binuksan sa taong hindi nya aakalaing mamahalin. Hindi naman sya naghahahanap. Kuntento na sya sa pagiging rich tita/ninang.
Ngunit may isang lalake siyang nakilala. Akala nya noon ay magiging kaibigan lamang hanggang sa hindi nya namalayan na umiikot na pala sa lalaki ang kanyang mundo. Hindi nya pa naman napapabayaan ang kanyang trabaho ngunit hindi kumpleto ang kanyang araw kung hindi sila neto nakakapag-usap. Akala nya eto na ang lalaking para sa kanya. Nakikita nya na kasi ang future nya kasama ito. Anumang version ng future ay ito ang naiisip nyang kasama ngunit mali pala siya. Nagawa netong putulin ang relasyon meron sila sa apat na salita lamang.
“Tangina, ang sakit. Alam mo ang lahat ng pinagdaanan ko. Hanggang kelan ba ako masasaktan?”
“Shhhh….. tahan na…… Tama na. Wala kang kasalanan.”
“Sobrang sakit na…. Gusto ko namang sumaya. Gusto ko namang mahalin rin ako ng taong mahal ko.”
Patuloy lang sa pag inom ang magkaibigan. Nagpakalango sa alak hanggang hindi na makalakad ng ayos si Megan.
“Meg, tara na. Hatid na kita.”
“Hmmmm…”
“Ayan, iinom inom hindi naman pala kaya.”
Hinatid na nga ni Jerold ang kaibigan sa bahay dere-deretso hanggang kwarto neto. Nakatira ito mag-isa sa dating bahay ng magulang simula ng kunin ng bunso nila ang kanyang mga magulang upang don manirahan sa Switzerland.
Inihiga nya na eto sa kama. Humanap ng tuwalyang maliit sa damitan at kumuha ng planggana upang punasan ang kaibigan. Ngunit dali dali itong bumangon, tumakbo sa CR at doon sumuka.
“Uhhhhhk”
Inipon ni Jerold ang buhok ng kaibigan at hinagod ang likod neto. Natatawa na lang ang lalake. Naaalala nya ang dating sila noong college pa sila.
“ayan, ayan .. iinom inom pa.”
“Alis, liligo ako. Uwi ka na.”
“Kape? Gusto mo? Pakape na rin ako”
“Bahala ka.”
Nang makapagtimpla, tumambay sa islang counter ng kusina si Jerold at inaantay bumaba ang kaibigan.
Napalalim ng pag-iisip ang lalake. Hindi nya namalayan na lumapit sa kanya si Meg. Hulmang hulma sa suot na loose shirt ang katawan at ang susong tayong tayo ng kaibigan. Halatang walang suot na anuman sa likod ng tshirt.
“Make love to me, Rold. Make me feel Im worthy.”
Napatayo sa gulat si Jerold kaya’t pilit inaabot ni Megan ang labi. Nagtatatalon na sya subalit sa tangkad neto ay dumadampi na lang ang labi nya sa leeg, panga at baba.
“Meg, no! Stop! Lasing ka pa.”
“Hindi nga ako lasing.”
“Aysh, ang kulit”
Hinawakan ng lalake sa magkabilang braso at tumungo habang tinitigan maigi ang kaibigan. Parang nakausap ng bata.
“…