“Oh manang, pauwi narin pala kayo. Kumusta po bentahan ng gulay?”
“Eto sir, ok naman at may pandagdag na sa pang gastos.”
“Nga pala manang anong taon na ba dapat si Wendy sa kolehiyo?”
“Nasa third year narin po sana sir kaso nagkataon na wala talagang pantustos ee.”
“My mga scholarships naman po siguro manang bat hindi niyo po siya pakuhanin ng makapag aral na siya ulit.”
“Mabigat kasi sir yung mga pang araw2 na gastusin at baon.”
“Kung sabagay po, maiba ako manang kumusta ang problema niyo?”
“Ayun sir, napag uusapan naman namin pero hindi ko pa natatanong kung my mga pantasya siya kumukuha pako ng lakas ng loob.”
Casual na pag uusap lamang ang nangyari hanggang sa makarating kami sa babaan saka kami naglakad at minabuti ko naring tulungan ito sa mga dala niya hanggang sa marating namin ang bahay nila.
“Wendy, pakitulungan naman ako sa pagpasok nito.”
“Akin na po inay, magandang hapon po sir.” sabay titig nito sakin na may kahulugan at para bang nagtatanong.
“Magandang hapon din naman. Oo nga pala meron ba kayong load, papaload sana ako.”
“Meron naman din sir, pasulat nalang ako ng number mo dito.” sabay abot ni Wendy ng notebook at ballpen.
Matapos maihatid si manang at makapagpa load ay saka ako umuwi ng bahay. At doon nadatnan ko sa Brenda na mukhang naghahanda dahil sa lakad.
“Mukhang may lakad aa, ang ganda natin ngayon.”
“Well, jan lang sa kalapit na barangay kuya mag didisco gusto mo sama ka ee.”
“Pwede ba, baka kasi maka abala ako sa side trip mo.”
“Hindi naman kuya, halika na maghanda kana.”
“Sige ligo lang ako saglit at medyo amoy araw na.”
Matapos maligo ay nagpaalam na kami ky manang Gemma.
“Nay, alis na kami ni kuya Brent.”
“Sige, mag ingat kayo at wag magpagabi masyado.”
“Doon na siguro kami matutulog sa kaibigan ko nay para di kana namin ma abala mamaya.”
“Mabuti pa nga, sige mag ingat kayo doon.”
Umalis na kami papuntang kabilang barangay at sinundo kami ng isa sa mga kaibigan ni Brenda. Dumiretso kami sa bahay nito, ang dami ding bisita dito lahat pero doon kami sumama sa mga kakilala at kaibigan din ni Brenda. Kumain muna kami ng hapunan habang ang iba naman ay nag uumpisa ng mag inuman.
“Ano ba meron dito ngayon Brends?”
“Piyesta dito kuya, mamaya punta tayo ng disco nila.”
“Dami mo ring kaibigan nuh.”
“Actually, ex bf ko yung may ari ng bahay na to ngayon ay may asawa na na close friend din namin noon.”
“Buti naman at hindi ka pinagseselosan.”
“Alam din naman kasi niya ang nakaraan namin at in good terms naman kami.”
“Wala dito ang bf mo ngayon?”
“Hindi na muna ako nakikipagrelasyon, mas gusto ko pang mag enjoy na muna. Hayaan mo papakilala kita sa kanila mamaya.”
Natapos na kaming kumain at lumipat sa mesa kung saan andun ang inuman. Ipinakilala nga ako ni Brenda sa circle of friends niya pati narin sa may ari ng bahay na si Caloy at ang asawa nitong si Kat. Nakilala ko rin ang iba pa na sina Mona, Gwen, at Kaye. Si Gwen ay kasama ang bf nitong si Troy, kasama naman ni Mona ang pinsan na si Earl at solo naman si Kaye.
Nag umpisa narin kaming mag inuman habang si Kat at Caloy ay abala sa pag asikaso sa ibang bisita. At home din naman kami at magkakalapit nga talaga siguro ang magkakaibigan. Nang lumalim ang gabi at nagsimula ang tugtugan ay nagpunta na kami sa lugar ng disco, kumuha kami ng lamesa at saka ipinagpatuloy ang aming inuman.
“Tara kuya, sayaw tayo at masaya na silang nagsisayawan.” yaya sakin ni Kaye.
“Hayaan mo na, dito na muna ako at medyo hindi ako sanay sa ganitong sayawan ee.”
“Kung ganun po ee, samahan na kita dito.”
“Ikaw a…