Bihag 09

Napasandas nalang siya sa pader at nakatingala kahit nakalabas pa din ang burat na nanatiling nakatirik. Ilang minuto din ang pinalipas bago maingat na lumabas ng bakuran at tunguhin ang daan pa-uwi sa bahay niya.

Kinabukasan ay tinupad ang pangako kay Heart, hinintay niya at niyayang kumain sa isang restaurant. Muli nilang binalikan ang kabataan nila, masayang inalala ang mga kakulitan at mga pinagdaan nila.

“You look so different!”

“Grabe ka naman Kuya, nag make up lang naman ako.”

“Ang ganda mo. I mean maganda ka na nuon pero mas maganda ka na ngayun.”

“Hahaha, naliligo na kasi ako araw-araw.”

“Hahahaha! Oo dati binubuhat pa kita papunta sa ilog para maligo lang!”

“Pano naman ang lamig lamig ng tubig.”

“Siguro andaming nanliligaw sayo.”

“Di ko sila pinapansin hihihi!”

“Oo, wag na wag mo silang papansinin.”

“Ahahaha, hindi pa ngayun Kuya. Pero ayoko namang tumandang dalaga.”

Para sinipa ang dibdib niya sa isiping magkakaroon ng boyfriend at mag aasawa ang babae, parang ayaw niyang makitang masaya ito sa iba.

“Wala kang BF?”

“Kaka break lang namin, masyadong possessive eh.”

Hindi niya alam kung bakit nalungkot siya sa isiping may nauna na sa kanya, pero alam naman niya nawala siyang karapatan at ang turing niya dati pa ay kapatid. Kapatid na pinag-nanasaan. Napatingin siya sa napakagandang mukha ng babae, parang napaka inosente pero smart pa din. Ng matuon ang mga mata sa labi nang dalaga ay ninais na siilin ng halik lalo na sa tuwing bubuka at magsasalita.

“Kuya Aethan nawala ka na.”

“Huh! Naalala ko lang nung bata pa tayo.”

Masaya ang usapan nila kaya hindi nila napansin ang oras, inihatid niya ang dalaga at saka muling nakipag kwentuhan sa ama nito. Pag uwi ay magaan ang pakiramdam at nanabik na muling makasama ang babae. Masyado siyang nalibang sa trabaho at sa pagkikitang muli nang mag-ama na halos araw-araw ay tinatawagan o di kaya ay dinadalaw.

Gusto sana niyang ilipat ang mga ito sa mas maganda at malaking bahay pero tumanggi kaya wala na siyang nagawa, ang pagbibigay naman ng sasakyan ay inalis na niya dahil mas gusto niya na sumusunod ito. Biglang nagbago ang tingin niya sa paligid, naging masigla at laging may saya.

“Heart, gusto nyong sumama sa San Vicente sa weekend? Dadalawin ko ang anak ko.”

“Wow, sige tanungin ko si Tatay. Sakto long weekend.”

Hindi naman tumanggi si Tatay Delphin, after ng work ni Heart sa banko ay sinundo na niya kaya bago dumilim ay nasa San Vicente na sila. Sa isang kwarto nalang sa baba niya ipinuwesto ang matanda habang magkatabi naman ang kwarto nila ni Heart. Tuwang tuwa ito sa apat na taong anak na si Cody, bibo at parang matagal ng kakilala ang babae.

“Lolo, daddy said that he grew with you.”

“Anak speak in tagalog.”

“Hmmm, mabait po ang daddy?”

“Oo naman, makulit lang.”

“Parang ako, sabi ni Yaya makulit daw ako.”

Natuwa din siya dahil matapos kumain ay ang anak pa ang nagyaya sa matanda para tumambay sa terrace at nakipagkwentuhan. Ipinagyabang ang mga laruan at ang mga drawing na siyang kinahihiligan nito.

Kinabukasan ay nagpunta sila sa Santa Rosa dahil may selebrasyon na sinamantala na din nila. Kinagabihan naman ay tumambay sa swimming pool para, nagpadala siya ng isang boteng red wine habang nag kwekwentuhan.

“Let’s swim.”

“Sige, mag change lang ako.”

“Wag na!” Sabay saboy ng tubig.

“Shiiit ang lamig!”

Para silang mga batang nag sabuyan ng tubig hanggang parehong basa na. Lihim na napamura si Heart ng hubarin ng binata ang sando nito at tumambad sa mga mata niya ang halos perpektong katawan ng itinuturing na kapatid. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang katawan ng lalaki at talagang iwan ang katawan ng dalawang lalaking naging boy friend niya.

Mas ikinabigla niya ay nang pati shorts ng lalaki ay alisin at hapit na boxer briefs ang natira bago nag dive sa tubig.

“Let’s go!”

“Gagi, magpapalit ako.”

“Wag na, just remove your shirt and shorts.”

Napatingin siya sa paligid dahil mukhang wala namang tao kaya ginaya nalang niya ang ginawa ng lalaki. Sabagay wala naman siyang dapat ikahiya bukod sa alam niyang maganda ang katawan niya ay pantay pa ang kulay.

Nakita niya na napanganga ang lalaki nang mahubad niya ang suot na tanging lace bikini at top lang ang natira, sinuyod nito ang buong katawan niya na parang pati ang natitirang suot ay gusto nitong hubarin nadin.

Agad na din siyang tumalon sa tubig dahil pakiramdam niya ay nalulusaw siya sa init nang pagnanasang nakikita sa mata ni Aethan, natutuwa siya pero nahihiya dahil nararamdaman din niya ang init ng katawan at natatakot na baka mali siya sa pag-aasume na gusto siya ng lalaki.

“Grabe ang lamig ng tubig.”

“Ang sarap nga eh,” pero ang mga mata ay nakatuon sa halos lumuwang dibdib ng dalaga.

“Langoy tayo tulad noon.”

“Ano prize nang mananalo.”

“Kailangan may Prize?”

“Oo naman.”

“Hmmmm ikaw na mag isip.”

“Kiss nalang!”

“Kuya!”

“Game!”

Agad na itong sumipa para lumangoy pero sinadya niyang bagalan para mauna ang babae.

“Ang bilis mo.”

“Hahaha, binagalan mo lang talaga.”

“Sige kunin mo na ang prize mo.”

“Oks lang kahit wala, baka sabihin mo naman feelingera ako.”

Kinorner niya ang dalaga, hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kanya para gawin ang isang bagay na gustong gusto niyang gawin pero pinipigil ang sarili dahil sa respeto sa ama nito. Ang alak ang gusto niyang sisihin, kahit na alam niyang kaya pang pigilan pero dinaig na ng pagnanasa.

“Your so beautiful Heart,” halos dumikit na ang mga labi nito sa babae.

Hindi naman umiwas si Heart sa paglapit ng labi ni Aethan, sa halip ay nanabik matikman ang labing matagal na niyang ninanais. Napapikit siya ng alam niyang lalapat na ang labi ng lalaki kaya bahagyang ibinuka pa upang tanggapin ng buo ang halik.

“Let’s go, medyo malamig na.”

Napalunok siya ng ilang beses lalo nang maramdamang lumangoy na ito palayo sa kanya. Napahinga nalang siya ng malalim bago sumunod dito na halos nasa dulo na din pala.

“Shit! Tulong!”

Naramdaman niya ang pamumulikat ng binti niya dahil siguro sa paglangoy kanina isama pa ang lamig ng tubig. Bago siya lumubog ay kitang kita pa niya ang lalaking ang dive sa tubig at mabilis na sinaklit ang katawan niya upang i-ahon sa gilid. Ngunit sa halip na ang sakit ng binti ang maramdaman ay ang init na ibinubuga ng katawan ni Aethan at ang matigas na kalamnan. Buhat buhat siya nito paakyat sahagdan at maingat na ibinaba sa isang bench.

“Are you okay?”

“Masakit ang binti ko.”

Ipinaton…