Kagagaling lang nila sa isang family affair ni Aethan dahil overnight kaya bago niya ihatid ang dalaga ay umuwi muna sila para sorpresahin ito sa isang planong pag-hingi sa kamay ng dalaga sa ama nito. Ngunit pagbaba palang nila ay mas nasurpresa siya sa dinatnan na naghihintay sa kanya sa labas palang ng flat.
“Mr. Aethan Clarkson or Isagani!”
“Yes officer! Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?”
“Ini-imbitahan ka namin sa presinto para magpaliwanag sa kasong isinampa laban sa inyo sa pag-gahasa at pagpatay kay Mrs. Zoila Cheng!”
Napatingin siya kay Heart na parang gustong ipaliwanag ang sarili, pero parang panatag naman ito.
“Wala akong kinalaman dito,” pagtanggi niya.
“Pwede nyong tawagan ang abogado nyo at manahimik dahil kahit anong sabihin nyo ay maaring gamitin laban sa inyo. Sa ngayun po Mr.Clarkson ay kailangan nyong sumama sa amin sa presinto. “
Bago sila ma posasan ay nakatawag na siya sa kapatid na si Rom at sa abogado para sabihin ang sitwasyon niya. Pilit niyang ipinaliwanag kay Heart na wala talaga siyang kinalam.
“I believe you!”
Bago pa siya isakay at dalin sa presinto, hindi naman niya kina-ilangang matulog sa kulungan dahil maaga siyang dinakip at agad nakarating ang abogado nila. Ngunit ang isa sa mga bagay na akala niyang natakasan niya ay nagbalik dahil kina-ilangang litisin ang kaso.
Unang araw ng pagdinig ay kabado siya kahit na nga inasure siya ng abogado na malakas ang laban nila,katabi niya ang ama at ang kasintahan habang ang kabilang partido ay wala pa.
Lahat sila ay napalingon sa pintuan nang bumukas at pumasok si Mr. Cheng kasama ang abogado nito na hindi niya mamaring malakimutan ang mukha. Ang babaeng unang minahal, si Amyah!
Titig na titig ito sa kanya na may galit at tapang, ngunit sa mata niya ay ang malaking katanungan at pagbalik ng isang damdaming pamilyar sa kanya. Halos hindi niya hiniwalayan ng tingin ang babae hanggang makarating sa pwesto ng mga ito, samantalang siya ay nilagpasan na para harapin ang kliyentenito.
“All Rise!”
Wala ng pumapasok sa isipan niya kung hindi ang napakalakas na presensya ng dating kasintahan at kung paano siya nilitis upang ipagdiinan ang kasalanang hindi niya ginawa.
“Imuulit ko ang tanong sa nasasakdal! May relasyon ba kayo ng biktima?”
“Anong relasyon ba ang tinutukoy mo? Katulad ba ng relasyong mayroon tayo noon?”
“Objection your Honor! Tanging oo o hindi lamang ang sagot sa aking tanong.”
“Pakisagot ang tanong Mr. Clarkson.”
“Wala po your honor!”
Ipinagiitan ng babae na may relasyong sekswal sila kaya nagpanting ang tainga niya.
“Kaya nga nililinaw ko kung anong relasyon ang sinasabi mo, yung sex ba o yung may kasamang pagmamahal.”
Sa pagkakatitig niya sa babae ay nakita niya ang pagkalito dito, nakita niya ang parehong tingin naibinibigay nito sa kanya noon.
“Dahil kung sex lang oo mayroon at mayroon din sa iba pa, pero ang pagmamahal ay sa isang tao lang ako mayroon… noon.”
Parang tumahimik ang lahat, maging ang matapang na abogada ay nawalan na ng tanong pa kaya nadismiss ang unang hearing at na schedule matapos ang isang buwan. Paglabas nila sa korte ay tahimik lang siya pero mas ikinagulat niya ang pagiging tahimik ni Heart, nuon lang niya na-alala ang naging tagpo sa korte na alam niyang dinamdam ng babae.
Ng kausapin niya ang dalaga ay bigla nalang itong umiyak at hiniling na hayaan muna siya para makapag-isip. Dahil din siguro akupado siya ng kaso at aminado din na apektado siya ni Amyah kaya hinayaan nalang din ang babae. Pinagpahinga din muna siya ng ama sa trabaho para ang atensyon ay sakorte at kung paanong maka abswelto sa kinasangkutang gulo.
Ng sumunod na hearing ay hindi na sumama si Heart na inintindi nalang niya, ang ama ay naduon muli at kasama ang kapatid na si Rom. Naging mas mainit ang pag-uusig sa kanya hanggang dumating sa partena kailangan patunayan na hindi niya ginalaw si Mrs. Cheng.
“Your honor, I would like request the court for the semen sample from the accused.”
“There will no problem with me your honor, I am very willing to give sperm sample only if…”
Una ay hindi na niya pinatapos pa ang abogada sa sinasabi nito at hindi din niya tinapos ang kundisyon niya.
“… If?”
“Kung ikaw ang kukuha nang sample pa sure na sakin galing at hindi malalagay sa compromise ang evidence.”
Sabay kindat sa babae na ikinapula ng mukha nito.
“Objection your honor.”
Naging magulo ang husgado dahil sa sagot niya, pati ang abogado niya ay kakamot-kamot ng ulo. Pag upo niya ay kinastigo siya ng panel pero cool lang siya lalo na nga at nakita niya na masyadong apektado ang babae sa sinabi niya. Sino nga ba naman ang hindi maapektuhan?
Nakita nalang niya na may bumolong sa kapatid niya at saka nag okay ito sa abogado nila kaya tumayo ito upang iharap ang isang testigo na di niya masyadong alam kung paano nakuha ng kapatid. Siguro dahil na din sa nature ng trabaho nito kaya maraming koneksyon. Hindi din niya kilala ang testigo at ng simulan ang paglilitis ay umamin ito na siya ay isa sa apat na lalaking inutsan ni Mr. Cheng para gahasain at patayin ang asawa nito.
Lahat ng sinabi ng testigo ay tugma sa pangyayari, kung ano ang koneksyon sa intsik at kung paanong ang tatlong kasama niya ay patay na lahat maliban sa kanya na nakapagtago pero alam na ang buhay ay nasa bingit pa din nang kamatayan kaya pinili nalang na lumantad para sa kaligtasan na din.
Ipinig-utos ng korte na kuhanan ng sperm sample, ang mga ebidensya na maaring magpatunay na ito nga ay may kinalaman sa pagkamatay ni Mrs. Cheng. Nag ajourn ang paglilitis, masaya ang lahat lalo na siya dahil alam niyang mapapatunayan na wala talaga siyang kasalanan.
Palabas na sila ng makaramdam siya nag pangangailangang mag bawas ng ihi kaya nagpaalam siya sand…