“Wow! Sige siguradong masaya yun.”
“May Gawad Parangal si Tito Gab kaya attend tayo. I already ask someone to get you an evening gown.”
“Kailangan pa ba yun.”
“Oo naman, para na din tayong aatend ng PROM.”
“Grabe naman, na excite tuloy ako.”
Hapon na ng ihatid siya sa bahay nila, halos sa kwarto lang naman ng binata sila namalagi kaya pagdating sa bahay ay pagod na pagod sa halos maghapon at magdamang na pag-kantot ni Aethan sa kanya.
Pauwi na ang lalaki pero malalim pa din ang iniisip niya, sa buong maghapon at magdamag na kasama ang kasintahan ay satisfied siya pero ng maghiwalay sila ay pumasok sa isipan ang dating nobya. Kahit na nga may pakakasalan na siya ay parang may responsibilidad parin sa babae para ipaliwanag ang sarili at magkaroon ng closure ang relasyon nila.
Sabado ng gabi, naghihintay siya sa pagbaba ni Heart para sa gabi ng parangal, all black suit at black inner long sleeves din na may metallic gray ng tie ang suot niya. Di na niya kailangang tingnan ang sariling paulit ulit sa salamin dahil lapat na lapat ito sa maskuladong katawan. Napa-angat ang tingin niya ng maramdamang may pababa sa hagdan. Kusang umawang ang labi ng makita ang napakagandang babae sa gitna ng hagdan, hapit din sa katawan nito ang bloody red gown.
Sa dami ng nakasama na niya ay iba ang ganda ni Heart, ito ang gandang alam niyang kai-iingitan ng mga lalaking makakasalamuha nila. Agad siyang tumayo para salubungin ang babae at isang halik sa pisngi ang iginawad.
“Parang ayaw ko ng umatend sa parangal, gusto nalang ikulong sa kwarto at magdamag na lahian.”
“Hoy lalaki! Ngayun lang ako gumayak ng ganito kaya wag mo akong anuhin.”
“Bakit pag ba inano kita ngayun ano gagawin mo?”
“Sweetheart naman eh.”
“Lagot ka sakin later, magdamag kitang aanuhin.”
“Okay Fine, so lets go!”
“Saan? Sa Parangal or sa kwarto?”
Hinawakan niya ang babae sa baywang pero hindi napigilang ang sariling pisilin ang naka umbok napuwet na dalaga bago naglakad patungo sa sasakyan nila.
Hindi siya nagkamali, halos lahat ng kalalakihan sa Gabi nang parangal ay nakatuon ang pansin sa kasama niya at ang mga kababaihan naman ay makikita ang inggit. Marami din ang nakipag-usap sa kanila at nagkaroon din siya ng pagkakataon para ipakilala ito sa mga kapatid. Mag aalas otso na ng simulang ang programa, inuna ang ilang raffle bago ang pagpaparangal sa ilang natatanging mamayan ng San Vicente. Ang huling parte ay ang speech ng Gobernador.
Pagtayong pagtayo ang tiyuhin niya ay masigabong palakpakan at sigawan ang umugong sa buong bulwagan na napalitan ng takot dahil sa sunod-sunod na putok ng baril sa ibat ibang lugar nanggagaling. Natigilan si Aethan dahil hindi mula sa isang pelikula ang nakikita niya kundi isang nakaraan na bumalik sa isipang mahigit dalawampung taon na ang lumipas. Takbuhan ng mga tao, sigawan ng mga security detail at umu-ugong sa tainga niya ang sigaw ng tiyuhin.
“Si Aethan! Hanapin nyo si Aethan!”
Nakatayo siya sa gitna ng kaguluhan, walang lakas para umiwas at wala sa isipan ang kaligtasan. Kung hindi pa niya nakita ang kasintahan na hinatak ng isang security ng Gobernador ay hindi siya magbabalik sa kasalukuyan. Bago pa siya nakakilos ay isang bangag na ang tumama sa batok niya, sigaw nalang ni Heart ang narinig hanggang tuluyang mawalan nang malay.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal nawalan ng malay, nagising siya na nakapiring ang mga mata at nakagapos ang kamay pati paa. May pasak din ang bibig niya kaya kahit anong sigaw ay hanggang
lalamunan lang. Ramdam niya na nasa sasakyan siya pero walang idea kung nasaan na. Sinubukan nalang niyang kalagin ang pagkakatali pero mahigpit kaya kahit anong pilit niya ay walang silbi hanggang huminto ang sasakyan.
Nagkunwari nalang siyang tulog para pakiramdaman ang gagawin ng mga ito, nalaman niya na nasa trunk siya dahil sa pagbukas. Hinila siya na parang sako at ibinagsak sa lupa na walang paki-alam kung masaktan siya. Akala siguro ay tulog siya kaya namang sinabuyan siya ng tubig bago tinanggal ang piring sa mata.
“Gising mahal na Prinsipe! Naghihintay na si Satanas sayo!”
Nasilaw pa siya sa araw, ibig sabihin ay ganoon sila katagal nag biyahe. Iniikot niya ang paningin dahil pamilyar siya sa lugar kung saan siya dinala ng mga kumidnap sa kanya. Hindi siya maaring magkamali, dito din siya dinala nung unang kinidnap siya pitong taon palang siya nuon. Kinaladkad siya papasok ng bahay, ilang taon din buhat ng huli siyang mapunta dito.
“Welcome back Gani!”
“Ka Mando! Ano ang kailangan mo!”
“Bwahahaha! Ano ang kailangan ko? Marami! Marami kang utang sa akin, Marami kang utang sa kilusan!”
“Wala akong utang sa inyo! Kayo ang maraming nagawang kasalanan sa akin na dapat siningil ko pero hinayaan ko nalang!”
“Yan ang napala mo gago ka! Sana siningil mo kami nuon para hindi mo maranasan ang mala impiernong buhay sa kamay ko!”
Napatingin siya sa paligid, kilala niya ang ilan sa mga ito dahil matagal na nakasama pero dalawang tao ang hinahanap niya na wala dito.
“Sige itali yan sa puno at maya maya aalis na tayo. Baka masundan tayo dito.”
Ila…