Binalot niya ang sarili sa sarong saka lumapit dito, naka slacks na ang lalaki kahit na nakita pa niya ang brief at panty niya na nakasampay sa isang bato kasama ang longsleeves ng lalaki.
Tumabi siya kay Aethan at walang paalam na kumakap na hinayaan lang nito. Ramdam niya ang init nang katawan na binata pero hindi siya nito nilingon at nanatiling naka tingin lang sa apoy.
“Hindi na kita pwedeng mahalin.”
“Aethan!”
“Kahit nuong una pa lang alam natin na hindi pwede, lalo na ngayun.”
Napa-isip siya sa sinasabi ng binata, nakaramdam ng lungkot dahil sa nangyari sa kanila ay parang umaasa siya kahit kaunti lang na maari silang magkaroon ng tagong relasyon.
“May asawa ka na, may fiance na ako. Magulo ang pamilya natin at kahit kailan ay hindi ako titigilan ng tatay mo kaya hindi pwedeng mahalin kita.”
Duon tuluyang pumatak ang luha niya na dumaloy sa balikat ng binata, bakit sobrang sakit! Bakit parang gusto niyang umasa na hihilingin ni Aethan na iwan niya ang asawa at sila nalang ang magsama. Na ang nagyari sa kanila ngayun ay isang pagbibigay lamang sa init nang katawan at hindi na kailan man madurugtungan pa.
“May paraan pero hindi tama, mas lalong gugulo at mas maraming masasaktan. Mas okay na na tayo nalang ang masaktan Amyah, mas okay na tayo nalang ang mahirapan dahil tayo ang mali.”
Hindi niya alam pero lalo siyang humahanga sa lalaki, sa mga sinasabi nito at kung paano ito mag-isip. Bakit ba hindi niya ito hinintay, bakit ba hindi niya inilaban sa ama niya, bakit ba nagduda siya sa pagmamahal nito sa kanya noon dahil alam naman niyang sa mga sinabi nito ay siya ang mas ini-intindi dahil sa ama at asawa.
Siguro kung hindi naging masama ang pakikitungo ng ama sa binatang katabi ay walang magiging problema, alam din niya na ito ay kasama sa may kinalaman sa pagkamatay ni Mrs. Cheng na utos ng asawang intsik.
“Mahal na mahal kita Aethan!”
Tik tilaok!
“Mag-uumaga na, kailangan na nating lumakad.”
Kinailangan pa niyang alisin ang kamay ng babae dahil nanatili itong nakayakap sa katawan niya. Tumayo na siya para kunin ang isinampay na brief. Walang ng itinago sa babae ng alising ang slacks at isuot ang panloob kasunod ang lonsleeves na halos punit-punit na. Inayos na din ang mga gamit at hindi na tiningnan pa ang babae habang nag bibihis dahil ayaw na niyang matukso pa na muli itong angkinin. Katunayan ang pagkagising muli nang pagkalalaki kaya matapos ilagay sa bag lahat ay tumalikod na ito paharap sa talon ng tubig.
Ng maramdaman na niya si Amyah na palapit ay siya na ang naunang nanggilid para makalabas ng kweba, madilim pa din sa paligid kaya sinanay muna nila ang mga mata bago nagsimulang maglakad. Ilang metro palang ang nalalakbay nila ay narinig na nila ang sunod sunod na putok di kalayuan sa lugar nila.
“Shit mukhang nasundan tayo.”
“SHhhhhh!”
Hinila niya ang lalaki sa likod ng malaking puno para itago, pinakiramdaman ang putukan dahil hindi sila ang target ng mga ito. Ibig sabihin ay may naglalaban dahil kung sila ay malamang may mga humahaging na bala sa kanila. Dahil sa kaba ay panti ang pintig nang puso niya ay naririnig lalo na at alam niyang palapit ng palapit ang putok ng baril sa kinaroroonan nila.
“Aethan palapit na sila!”
Inilapit niya ang daliri sa labi nito habang nakikiramdam sa mga papalapit sa pwesto nila, alam niya nahindi sila ang target ng engkwentro pero hindi sila pwedeng lumantad.
“Tang ina may tama na si Carding!”
“Oo nga, si Ka Mando di ko nakita.”
“Nauna na satin kanina kaya andito lang yun.”
“Tang ina kasing Gani yan, ang daming napahamak.”
Nagkatinginan sila ni Amyah, ano kaya ang nangyari at maraming napahamak at bakit siya ang sinisising mga ito. Lalong lumakas ang kaluskos na tingin niya ay ilang dipa lang ang layo sa kanila, hinatak niya ang babae para yakapin ng mahigpit saka isiniksik ang katawan sa ugat ng malaking puno.
“Tang ina ayan ang mga military!”
Sunod-suno ang putok nang baril at sa pagkakataong ito ay tumatama na sa puno, tingin niya ay nasalikod nila ang mga taga kilusan at sa harap naman ang mga sundalo. Halos nakadagan na siya kay Amyah para maprotektahan ito, ang mga tinatamaan balat ng puno ay sa kanya nalalaglag.
Nagtakbuhan palayo ang mga kasama nila sa kilusan, hinabol ito ng mga military kaya naman agad siyang tumayo para magpakita sa mga ito kahit na alam niyang delikado.
“Aethan!”
“Titan!”
Nabuhayan siya ng loob nang marinig ang pinsan na agad din nawala dahil sa sigaw nito.
“AETHAN!”
“Tarantadu ka! Wala ka ng kawala ngayung hayup ka!”
“Ka Mando!”
“Gago ka, dahil sayo nagka loko-loko ang kilusan hayup ka!”
“Wala akong kasalanan sayo! Ikaw ang malaki ang atraso sakin!”
“Pakawalan mo na siya, sumuko ka nalang para matapos na to.”
“Gago ka ba? Mamatay akong lumalaban at sisiguruaduhin kong kasama ang mokong na to.”
Naramdaman niya ang pagdikit nang bakal sa sentido niya, kung kikilos siya ay siguradong tepok siya kaya nag-iisip mabuti kung paanong makawala sa lalaki. Di pa siya nakaka bwelo ng isang putok ang narinig. Napasigaw si Ka Mando, sinundan niya ng tingin ang pinanggalingan ng putok, buhat ito sa babaeng kasama niya kanina.
Tulala sa ginawa sa ama, laglag ang mga balikat dahil kailangan niyang itama ang mga mali nito sa lalaking pinakamamahal. Lalapitan na sana niya ito ng isang babae pa ang tumakbo para yakapin siya.
“Heart!”
Hindi makapaniwala kung bakit ito nasa gubat? Ano ang nangyayari at ang mga sundalo. Saktong pagyakap niya sa dalaga ng makitang nakatutok ang baril ni Ka Mando sa babae kaya mabilis na ibiniling upang sapuhin ang bala. Tatlong magkakasunod na putok ang narinig niya pero isa lang ang naramdamang tumama sa katawan at isang katawan ang tumama sa likod niya.
“Amyah!”
Sunod sunod na putok ang ibinalik ng mga sundalo sa nakahandusay na si Ka Mando, kahit may tama sa tagiliran ay hinarap niya ang babaeng sumalo ng dalawang bala na sana ay sa kanya din tatama. Duguan at dilat ang mga mata na maging ang gilid ng bibig ay nilalabasan din ng dugo.
“Tol kami na diyan.”
Hinila siya ni Titan para bigyan ng first aid ang babae, ayaw bitawan ang kamay niya na lalong humuhigpit habang pilit binibigyan ng lunas ng mga sundalo ang sugatang babae.
“Sir delikado ang tama nyo, kailangan mapatigil ang dugo.”
“Unahin nyo na siya, kaya ko to.”
“Sir maramin ng dugo ang nawawala sa inyo.”
“Tol kami na bahala dito, kailangang maibaba na kayong dalawa.”
Hinayaan nalang niya ang mga ito dahil nakakaramdam na din siya ng panghihina, napakapit siya sa kamay ni Heart ng ihiga siya sa stretcher.
“Sweetheart si Amyah, tulungan mo si Amyah.”
“Yes Sweetheart, maayos din ang lahat.”
Unti-unti ng nagdilim ang paningin niya hanggang nawalan na ng malay at tanging tunog nalang ng chopper ang huling narinig.
Nakatitig si Heart sa pagbaba ng kabaong, hawak sa isang kamay si Allen habang sa isang kamay naman si Cody. Tahimik lang ang dalawang bata, walang kamuwang muwang sa nangyayari.
Ng mailapag na ay binigyan niya ng rosas para ilagay sa ibabaw ng kabaong.
“Okay lang Allen, I don’t have mom also.”
“Pero may Daddy ka!”
“Ako din ang daddy mo.”
“Paano po?”
“Paglaki mo, ma-iintidihan mo din.”
“Basta were brothers.”
“And siya na ang bago nyong mommy.”
“Okay lang po ba?”
“Oo naman, lalo na at ang guguwapo nyo.”
“Siyempre mana sakin.”
Hindi na nakuhang kumontra pa nang dalaga dahil hinapit na siya ng binata para bigyan ng isang mainit na halik.
“MABUHAY ANG BAGONG KASAL!”
Sigaw ng mga guests nila ng maghiwalay ang mga lab isa harap ng simbahan. Titig na titig siya sa asawa niya, gustong maluha dahil sa sayang nag-uumapaw dahil hindi niya sukat akalain na dadating siya sa ganitong senaryo. Ang mga kapatid niya ay nakapaligid sa kanya habang ang ama naman ay nakatayo lang sa likod.
Ang tiyuhing gobernador ay katabi ng daddy samantalang ang dalawang anak ay nagkukulitan kasama ang mga flower girls nila. Sa Reception ay engrande din ang ayos na daig pa ang isang royal family ang ikinasal.
“Tol salamat sa pag ligtas!”
“Wag ka sakin magpasalamat kungdi sa asawa mo. Di namin malalaman ang kuta nila kung hindi dahil kay Heart.”
“Kaya nga, pero still salamat pa din.”
“Huling misyon ko yun bilang sundalo, sayang nga lang di na nailigtas si…