Birthday Cake

——
Doon lamang at natapos ang kanilang pag-uusap sa text. Ang isinunod kong basahin ay ang thread ng conversation ni Linda at Ronald.

——

Linda: Ano? Balita diyan babe?

Ronald: Papunta na siya diyan, babe. Nagmamadali pa ang siraulo.

Linda: Hihi, sigurado ‘yun babe. E alam mo namang malakas ang kamandag ko e. hihihi

Ronald: Hehe. Galingan mo, babe. Siguraduhin mong bagsak iyan hanggang umaga.

Linda: Ikaw rin, siguraduhin mong mabilis mong tapusin iyan. Huwag ka ring sasabit.

——-

Hinintakutan ako sa mga nabasa ko. A-anong plano? Gulong gulo ako. Masosolo? Ako? Ni Margie? At sinong Ronald ito? Mister ni Linda? Kung ganoon, bakit parang alam nitong lalaki na may mangyayari sa’min ng misis niya? At anong tatapusin? At huwag sasabit?

Ugghh ang daming tanong sa utak ko.

Nasa kalagitnaan ako nang malalim na pag-iisip nang mawala ang tunog ng lagaslas ng tubig mula sa banyo.

Tapos nang maligo si Linda.

Agad kong ibinalik ang phone mula sa kinalalagyan nito at bumalik ako sa dati kong pwesto sa kama. Muli akong nagtulog-tulugan.

Nakiramdam lang ako.

Mga ilang minuto lang at nakagayak na si Linda.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto, tapos ang pagsara nito.

Naghintay lang ako ng ilang minuto at saka bumangon. Nagbihis at lumabas ng kwarto.

Wala na si Linda.

Kahit gulong-gulo ako, pinilit kong huminahon. Masama ang kutob ko.
Pinagtagpi tagpi ko ang mga ideyang tumatakbo sa utak ko. Puro masamang ideya.

“Ohhh shoots! Si Ellen!”

Nagmamadali akong umalis at bumalik ng aming bahay.

——-

Mga ilang metro pa ako mula sa aming bahay nang makita ko ang tumpok ng tao sa paligid ng aming tahanan.

Nagkakagulo ang mga tao.

Agad kong tinakbo at nakarating sa bahay. hinawi ang mga tao at pumasok sa loob. Bukas ang pinto. Basag ang salamin ng bintana.

Humakbang pa ako papasok ng bahay.

Dito, nadatnan ko ang walang buhay na si Ellen. Naliligo sa dugo ang katawan. Nakababa ang salawal hanggang tuhod. Tadtad ng saksak ang buong katawan ng aking misis.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Natulala lang ako.

Mabigat ang loob.

Nanlalamig ang katawan.

Parang umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo.

Nandidilim ang aking paningin.

Umiiyak ang puso ko sa sakit na nadarama, ngunit ayaw bumagsak ng aking luha sa aking mga mata.

Hanggang sa marinig ko na lang ang tunog ng wang-wang ng mga pulis.

Kinakausap ako ng mga pulis ngunit hindi ko makuhang tumugon sa mga katanungan nila.

naririnig ko sila ngunit hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila.

Hanggang sa maalala ko ang anak ko.

“Si Junior!”

“Ang anak ko!”

“Nasaan ang anak ko?!”

Tumakbo ako’t hinanap ang anak kong si Junior. Hinanap ko sa buong bahay hanggang sa makita ko siya sa loob ng banyo.

Tulad ni Ellen, wala na rin itong buhay. Naliligo ang buong katawan sa sariling dugo. Nakahandusay sa sahig ng banyo. Basag ang ulo.

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa.

Dito, parang nag-flashback lahat ng pangyayari. lahat ng ginawa kong kasalanan. Ngayon lang nagsink in sa akin ang lahat.

Kung kailan huli na. Kung kailan nawala na sa akin ang lahat.

Ang sakit.

Parang hindi ko kaya.

—–

-FilipinoSexStories.Com
-BadJojoDotCom

“Sir. sir. Ok lang ba kayo?”

Isang tinig ng lalaki.

“Ugghhh. A-anong nangyari? Si-sino kayo?”

Bumangon ako.

“Nawalan kayo ng malay, sir. kasalukuyan na pong dinadala sa morgue ang mag-ina niyo. Magsasagawa rin po agad ng imbestigasyon.”

Paliwanag ng lalaki. Marahil ay isa ito sa mga pulis na rumesponde.

Akala ko, panaginip ang lahat. Totoo pala ang lahat.

Hiningian ako ng statement ng pulis upang makatulong sa kanilang imbestigasyon.

Inilahad ko ang lahat ng alam ko. Agad na nahuli si Margie, kinabukasan. Nakuha rin sa kanya ang phone niya at nakuha ang laman nito upang maging ebidensiya laban sa kanya.

Mga ilang araw lang din ay nahuli rin agad sila Linda at Ronald dahil kinontak nila si Margie upang maningil sa bayad sa kanilang serbisyo sa pag…

Pages: 1 2 3 4