Blackmailed 20 (Si Classmate)

Linggo ng gabi nang magkausap kami ni Ninong. Linggo ng gabi ng ibigay nya ang aking first task at mayroon akong isang linggo para isakatuparan ito kung hindi ay ipopost nya ang video sa sa internet. Labag man sa loob ko ay pumayag ako.

LUNES

Pumasok ako sa eskwela as asual suot ang aking uniporme na blouse at skirt. Walang bago sa araw na iyon. Full ang schedule ko pag Lunes. Pero habang nakikinig ng lectures ay lumilipad ang isip ko kakaisip paano ba isasakatuparan ang unang task sa akin. Umikot ang aking mata sa kabuuan ng klase. Sa halos singkwentang estudyante sa loob ng hall, halos kalahati dito ay lalake (yung iba lalake din ang gusto). Napabuntong hininga ako. Paano nga ba?

“Uy Grace, ang layo ng tingin mo ah..”

Si Ellen, isa sa mga naging close friend ko mula nung first semester. Masayahin ito kaya nagclick kami agad. Cute ang mukha nito at medyo curvy pero bagay naman. Kasalukuyan akong nakaupo sa hallway bench at nakatingin sa college garden, though wala naman talaga doon ang isip ko. Nginitian ko ito.

“Haha! Oo eh.. nakapagreview ka na ba para sa “surprise test” natin?”

May prof kasi kami na kilala sa campus sa pagbbigay ng surprise test kaya lagi kaming handa pag iyon na ang klase.

“Ahhh.. hindi masyado. Hirap eh. Hehe. “ sagot naman nito.

Sakto naman na dumaan ang isa pa naming kaklase na si June. Tinawag ito ni Ellen at tinanong ng kaparehong tanong. Medyo paranoid kasi sa grade si Ellen kaya laging stressed sa pag aaral.

Isa pang mabuting mag aaral nman itong si June. Yung tipong genius type. Nakasalamin, matangkad, at medyo payat. Loner ito kaya walang masyadong kaclose.

Habang nakikipag usap ito kay Ellen ay napansin ko na madalas ang pagsulyap nito kung saan ako naroon. Sa normal na pagkakataon ay wala lang sa akin iyon at di bibigyan ng pansin. Pero dahil na din siguro di maalis sa isip ko ang unang task sa akin ng Ninong ay naging mas mapagmatyag ako. Panay pa din ang tingin nito sa akin at nang huling mapasulyap ito ay nagkatinginan kami sa mata at nginitian ko ito. Bigla itong nagbawi ng tingin at sa wari ko ay namula ang mukha. Napaangat ang kilay, mabilis na may namuong ideya sa utak ko.

Tumayo ako at lumapit sa dalawa. Kunwari ay interesado din ako sa topic (Math kasi, and I hate Math). Ewan ko kung bakit that time, ramdam ko ang tensyon ni June. Na-thrill naman ako at lalong kinausap ito at hinimok na itutor kami. In the end, pumayag ito na turuan kami. Sa Tambayan kami nagpunta. Kung saan may mga umpok ng estudyante din na nag aaral.

Sa round table kami pumuwesto kung saan ay umupo kami ni Ellen sa magkabilang gilid nito. Gwapo pala ito pag natitigan. Para itong pinapayat na Jericho Rosales plus yung malakas makagenius na eyeglasses. Sinasadya kong tagalan ang titig dito hanggang sa mapansin nya ako. Sinadya ko naman dahil nag eenjoy ako sa reaction nya. Ilang sandali pa ay may gitla na ng pawis ang noo nito at nauutal sa pagsasalita. Napangiti ako sa sarili. Bago natapos ang tutorial sesson , na sa totoo lang ay di ko pa din gaano nagets (dahil wala doon ang focus ko),ay kinuha ko ang number nito para in case may “tanong” pa ako at nagpaalam din na iaadd ko ito sa facebook.

“Oi ikaw Grace ha. Natrauma na ata sayo si June..”

Siniko pa ako ni Ellen pagkatapos sabihin yun. Naglalakad kami kasalukuyan papunta sa klase. Si June ay mabilis na nauna sa amin na parang may hinahabol.

“Ha? Anong natrauma?”

Maang kong sagot.

“Alam mo naman na crush ka nung tao. Tapos kanina kung makatitig ka parang pinag aaralan mo buong mukha nya. Narattle na tuloy. Hahaha!”

Ahh. So may crush pala sa akin ang nerdy naming kaklase…

Kinagabihan..

Hi! Thanks pala sa pagtutor samin ni Ellen kanina. Mas madami ako naisagot.

Bungad na chat ko dito sa facebook nang mapansin ko na inaccept na nya ako.

Ah. Wala iyon. Basta pag may gusto kayong itanong, andito lang naman ako..

Madami pa kaming napag usapan nang gabing iyon pero tipid lang ito kung sumagot. Parang bumaba tuloy ang confidence ko na may crush nga ito sa akin.

MARTES

Kinabukasan, PE class. Ang activity namin ay contemporary dance. Kelangan namin magpresent ng iba’t ibang klase ng sayaw para sa finals namin at habang magaa pa ay kelangan na namin bumuo ng grupo. Sakto na nakasama sa grupo ko si June. Nang magmeet kami para mag usap at magpair up ay nagvolunteer akong maging partner ito. Pansin kong nagulat ito at natense nanaman pero patay-malisya ako.

Nagsimula ang practices. Ballroom. Kailangan namin maghawak kamay at kailangan nyang hawakan ang baywang ko. Sa tangkad ni June ay lampas balikat lamang nya ako. Malambot ang nanginig at malamig nitong mga palad nang hawakan ako. Ako naman ay natutuwang pinisil ang mga iyon habang nagsasayaw kami. Napatingin ito sa akin at ako naman ay tumingala sa kanya sabay ngiti. Nang ilapit ko pa dito ang aking katawan ay tila ito napahinto at nanigas.

“Wag kang manigas dyan. Ienjoy mo lang..”

Di ko alam san ko kinuha ang lakas ng loob para sabihin iyon at lalo pang idinikit ang katawan para mayapos nito. Busy ang lahat at nasa gilid kami kaya hindi kami napapansin ng iba. Tumingla ako para makita ang reaskyon nito. Titig na titig ito sa mukha ko.

Nang gabing iyon ay ito ang naunang magmessage sa akin.

Pasensya ka na sa PE class ha. Di ko kasi alam paano magrereact..

Walang anuman iyon. I enjoyed it. Sana we could do it nang tayo lang dalawa..

Kung saan ulit ako kumuha ng lakas ng loob para sa sinabi ko ay di ko alam.

MIYERKULES

Medyo nag iba ang aura ni June nang araw na iyon. Parang naging masaya ito at halatang may kumpiyansa. Habang kausap nito ang mga kaibigan ay panay ang tingin nito at ngiti sa gawi namin ni Ellen.

“Oi mukhang inspired si Mr. Nerdy.”

Bulong sa akin ni Ellen. Di naman ako nagreact pero ngumiti din nang matamis sa lalake nang magtama ang aming mga mata.

Cancelled ang huling klase namin nang araw na iyon. Palabas ako ng pinto ng room ng habulin ako ni June.

“Grace!”

Nginitian ko ito.

“Ayain sana kitang kumain eh. Tutal wala naman klase..”

“Oh sure. Walang problema..”

Sang ayon ko naman dito. Mukhang may development, sa loob-loob ko.

Sa isang maliit pero cozy na kainan ako dinala nito. May mangilan-ngilan ding mga estudyante ang naroroon. Sa dulo kami umupo. Habang kumakain ay panay ang titig nito sa akin na ginantihan ko din naman ng malagkit na titig at matatamis…