Bomba Atomika Sa Harap Ng Panganib 01

BAHAGI 1.1: Enhanced Atomika Bracelet

“Perfect ang sukat bagong Atomika bracelet.”

Tama ang sukat ng bracelet watch sa kaliwang pulso ni Mika. Eksakto din ang basa ng oras.

11:45 pm.

Mag isa lang si Mika sa Atomika Laboratories- isang hi tech lab na pag aari niya. Ilang gabi na siyang nagtatrabaho para mapa ayos ang bagong Atomika bracelet. Binasa ni Mika ang reading ng Atomika app sa laptop screen:

“Calibrating enhancements to Atomika bracelet: 30 mins remaining”

Nag switch muna si Mika sa browser sa laptop at nagbasa ng posts updates sa social media.

“Mysterious sexy superhero by name of Bomba Atomika has been busting criminal activities. Click to view CCTV footage of Bomba Atomika.”

Ngumiti si Mika. Ngayon, siguradong yayanig na ang mga mundo ng mga kriminal. Umimik siya sa sarili.

“Dapat mas discreet pa ako. Hindi puedeng makuhanan ako ng CCTV ng basta basta”

Biglang kumunot ang noo at bumulis ang tibok ng puso ni Mika sa isang post.

“Robbery gang leader Gino Laurel is confirmed to have escaped prison. Gino was the first criminal to be captured by Bomba Atomika. Gino is also wanted for sexual assaults.”

Nakaramdam ng takot at kaba si Mika. Kagat labi siya habang niyakap ang sarili. Pinilit niyang labanin ang pangangatog. Maya maya lang, ang takot at kaba kaba ay napalitan ng galit. Si Gino, muntik na niya ako ma-ako. Lintek! Ayoko nang isipin pa.

Bumitaw si Mika sa sariling yakap at sinulyapan ang picture frame na nakasabit sa pader. Si Ben, ang yumaon niyang asawa.

“Hindi masasayang ang sinumulan mo Ben. Itutuloy ko ang atomic research mo. Pangako ko sa yo.”

Lumingon din si Mika sa bracelet watch na nakatabi sa glass cabinet.

“Dito ako unang naging Bomba Atomika. Ireretiro ko na.”

Isang notification sa laptop ang tumawag sa atensyon ni Mika.

“Enhancements complete for new Atomika bracelet.”

“Ito lang ang kelangan ko.” Excited na tumabi si Mika at sumigaw ng…

“BOOOMMMBAAAA AAATTTOOOMMIIIKKKAAA!”

At sa isang iglap nagbago si Mika sa pagkatao ni Bomba Atomika.

“Yesssss! Perfect ang voice activation. Di ko na kelangan ng dagdag sigaw ng Bomba Na! Wala na akong pipindutin na green button! Ramdam ko ang dagdag lakas.”

Binasa ni Mika ang LED ng full bracelet na pumalit sa watch.

“Enhanced strength increased to 500%. Power duration: 24 hours.”

BAHAGI 1.2: Taser Gang!

Lumapit si Bomba Atomika sa radio receiver na nakaka pickup ng mahahagang radio transmissions. Kadalasan ay sa high frequency nagta transmit ang mga kriminal. Isang mensahe ang na intercept.

“Simula loading ng kontrabando sa Navotas pier 69. Magbibigay na lang kami ng updates from time to time.”

Navotas Pier 69, alam ko yan! Walang masyadong activity. Perfect sa mga illegal. Ani ni Bomba Atomika sa sarili.

At sa isang sulyap, makikita ang blur na anyo ni Bomba Atomika patungo sa Navotas Pier 69!

Samantala sa Navotas Pier 69…

Abalang abala si Bruno sa pag bantay ng loading sa truck. Kampante si Bruno na magiging maayos ang operation. Tahimik at walang abala sa paligid habang nasa kailaliman ng gabi.

Nagulat na lang si Bruno sa sigaw ng isang tauhan…

“Boss Bruno! May papalapit!”

Papalapit na si Bomba Atomika sa anyo ng isang mabilis na blur. Ilang sandali lang ay tumigil si Bomba Atomika sa harap nina Bruno at nang mga tauhan.

Hindi napigilan ng mga barako ang ngumanga at mahayok kay Bomba Atomika. Halos hubad ang katawan sa micro bikini na costume. Litaw ang ganda ng mukha kahit natatakpan ang mga mata ng round mask. Lumingon si Bomba Atomika sa LED ng kaliwang full cuff bracelet.

“Full strength capacity. Ready for action.”

Nag salita ang isang tauhan.

“Boss Bruno, ito yung si….”

“Ako si Bomba Atomika! Alam ko ang illegal niyong gawain! Kaya sumuko na kayo!”

Sumagot si Bruno, “Anong susuko? Baka ikaw ang sumuko sa amin! Ha ha ha! Titikman ka muna namin at ako ang mauuna!”

“Oo, titikman niyo ako! Titikman niyo at lakas at lupit ko! Simulan na natin!”

“O mga bata! Simulan na!”

Tatlong tauhan ang humarap kay Bomba Atomika. Sumenyas si Bruno sa lima pa at nagsibunot ng mga taser stick ang mga ito. Pumuwesto ang mga may hawak ng taser sa likuran ni Bomba Atomika. Sabay lumusob ang mga nasa harapan.

Isang suntok si Bomba Atomika ang nagpatapon ng malayo sa isang tauhan. Napatapon pa ang dalawa nang malayo sa lakas ng patama nang dalaga.

“Ha ha ha! Ramdam ko ang dagdag lakas!”

Inilagay ni Bomba Atomika ang mga kamay sa bewang at itinaas ang kaliwang kilay.

“Wala palang binatbat ang mga tauhan mo. Puede ko kayong patulugin ng mahimbing kung di kayo susuko!”

“Wag kang pasigurado! Di pa tapos ang laban!”, sagot ni Bruno sa pagmamayabang ni Bomba Atomika.

Apat pang tauhan ang humarap kay Bomba Atomika. Itinaas ng seksing dalaga ang mga kamao. Ngunit walang malay si Bomba Atomika sa peligro sa likuran. Tahimik na in-on ang limang nasa likod ang…