Matanda na si Nanay, nasa 67 taong gulang na. Matagal ng namayapa si Tatay, grade 4 pa lang ako noong naaksidente siya, buhat noo’y si Nanay na ang nagtaguyod sa amin. Bunso ako sa apat na magkakapatid, yung dalawa kong ate ay nasipag-asawa at may sarili ng pamilya, kami na lang ni kuya Roy ang natira sa bahay at nag-aalaga kay Nanay.
*tok* *tok*
“Grace, gising ka na ba?” Mahinang tanong ni kuya Roy.
Hindi ako umimik, nanatili pa rin akong nakatitig sa kisame. Maya-maya pa ay na rinig ko ang mga hakbang ni kuya na papalayo mula sa kwarto ko. Sinipat ko ang orasan – 5:45 ng umaga.
Napagpasiyahan kong hintayin na lang mag ala-6 saka ako babangon para magsaing. Hindi ko na alam kung paano ko pa haharapin ang araw na ito. Ako’y 21 anyos pa lamang ngunit wala akong stable na trabaho dahil hindi pa man ako nakakadalawang linggo ay kailangan ko ng mag cash advance upang mabayaran ang mga taong pinagkaka-utangan namin. Isa sila sa mga dahilan kung bakit nawawalan na ako ng gana sa buhay ko. Malaman lang na may trabaho ako ay di na kami tatantanan, mga walang konsiderasyon.
Nakasimangot akong pumunta sa kusina, naabutan ko si kuya na umiinom ng kape. Mukhang malalim ang iniisip kaya medyo nagulat pa siya nung binuksan ko ang gripo.
“Gising ka na pala” sabi niya. Hindi pa rin ako umimiik.
“Bantayan mo muna si Nanay ngayon ha, maypupuntahan lang akong kaibigan. Mamayang gabi pa ang balik ko” bilin niya. Buntong hininga lang ang sagot ko sa sinabi niya.
Habang nagsasaing ako ng kanin ay napapansin kong balisa si kuya. Ano na naman kayang kagaguhan ang nagawa nito.
“Ano na namang ginawa mo kuya?”
“Si-sinangla ko yung bahay” pabulong na sinabi nito.
“Ano?! Kuya naman! Paano…” hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil alam kong ganoon kami ka gipit para magawa ni kuya yun.
“Huwag mo na lang sabihin kay Nanay, kaya nga ako pupunta mamaya sa kaibigan ko para humingi ng trabaho nabalitaan ko kasi mag talyer siya baka kailangan niya ng tao dun” sabi niya.
Muli akong nanahimik, kahit may sasabihin pa ako ay wala rin namang silbi, paalis na ako ng kusina ng muling magsalita si kuya….
“Siya nga pala Grace, Kay Mr. Santiago ko sinangla yung bahay natin at….”
Hinintay ko ang karugtong ng sasabihin ni kuya pero mukhang hinihintay niya rin akong magtanong sa kaniya.
“Tapos?” Tanong ko.
“Naghahanap siya ng kasambahay, nabanggit ko na sa ngayon wala kang trabaho.”
“Kasambahay?!” Pagalit kong tanong.
“Wag ka ng magalit Grace, nagdadalawang isip kasi si Mr. Santiago nung inoffer ko ang bahay natin, kaya naisip ko mas papanatag ang loob niya kapag may kolateral siya”
Nagulat ako sa sinabi ni kuya!
“Kuya anong pinagsasabi mo!!!” Halos pasigaw ko ng sabi. Mabilis na nakalapit si kuya sa akin.
“Wag kang maingay Grace. Ano ka ba, walang malisya yung sinabi ko. Ang ibig ko lang sabihin ay mas papanatag ang loob ni Mr. Santiago kong doon ka magtatrabaho. At least hindi siya mag iisip na hindi tayo makakabayad sa kaniya” pagpapaliwanag sa akin ni kuya.
Nag-aalinlangan pa rin ako. Sa totoo lang ayokong pumayag sa plano ni kuya. Pero naisip ko din na aabutin ako ng isa o dalawang linggo kung maghahanap ako ng ibang trabaho kaya kahit ayoko man ay pumayag na rin ako.
“Magbihis ka na at kailangan nasa bahay ka na ni Mr. Santiago ng alas 8:30 ng umaga” sabi ni kuya.
“Akala ko ba may pupuntahan ka?” Tanong ko.
“Mamaya na ako aalis pagka-uwi mo” sagot niya.
Pagkatapos ng sinabi niya ay umalis na ako sa kusina at nag tungo sa banyo para maligo. Bigla akong kinabahan, isa si Mr. Santiago sa pinakamayan sa lugar namin. Tatlong taon na siyang byudo, nasa 40’s pa ang ginoo. Matangkad, may hitsura, naka salamin, mayaman, strikto at masungit ang mukha. May mga ilan na nagsasabi na mabait naman daw ito pero ewan ko ba.
Tapos na akong maligo at nakapagbihis na rin. Nasabi na ni kuya kay Nanay na pupunta ako sa bahay ni Mr. Santiago upang mag-apply bilang isang kasambahay.
“Anak, okay ka lang ba? Kung ayaw mo naman ang trabaho doon ay wala namang problema sa amin yun ng kuya mo” pag-aalaa ni Nanay.
Nagkatinginan kami ni kuya.
Kung alam mo lang Nay.
“Okay lang po ako. Susubukan ko lang naman po, medyo mahirap na rin po kasing maghanap ng tra…