“Anak okay ka lang ba?” Sabi ni Nanay sabay abot sa akin ng isang tasang tsaa.
“Okay lang naman ako Nay, iniisip ko lang po kayo. Isang beses lang po sa isang linggo ako makakauwi dito sa bahay.”
“Anak okay lang ako. Tsaka andiyan naman ang kuya Roy mo. Huwag ka na masyadong mag-isip ha.”
Ngiti lang ang tanging tugon ko sa sinabi sa akin ni Nanay. Sa totoo lang kampante naman ako na iwan siya kay kuya, loloko-loko lang yun pero alam kong babantayan niya ng mabuti ito.
Pagkatapos kong uminom ng tsaa ay hinugasan ko ang tasa at umakyat na sa aking kwarto. Naihanda ko na ang aking mga gamit dahil bukas na bukas din ay magsisimula na ako sa aking bagong trabaho. Ang sabi ni Aling Dora ay umuwi na daw kasi noong nakaraang linggo ang isang katulong sa probinsiya nito kaya mas mabuti raw na magsimula ako agad.
Nakahiga na ako sa aking kama at pinikit ko na ang aking mga mata. Biglang lumitaw sa aking isipan ang napakagwapong mukha ng aking amo. Hindi ko namalayan ay nakangiti na pala ako at unti-unti ako ay nakatulog.
Nagising ako sa aking alarm clock, sinipat ko ang aking orasan – 5:00 am. Tinupi at inayos ko ang aking higaan bago bumaba sa kusina upang mag saing at magluto ng ulam. Pagpasok ko sa kusina ay naka-upo na si kuya Roy doon at umiinom na ng kape.
“Magpapacheck-up kami ni Nanay ngayon.” Bungad nito sa akin.
“Oh sige kuya. Balitaan mo na lamang ako sa kondisiyon ni Nanay kuya at kung may ireresetang gamot sa kaniya ay bilhin mo na rin” bilin ko sa kaniya.
“Oo, ako na ang bahala huwag kang mag-aalala.”
Saktong 6:30 ng matapos kong ayusin ang aking sarili at handa ng umalis ng bahay. Pag daan ko sa sala ay nakita ko si Nanay na naka-upo at parang hinihintay ako. Alam kong malungkot siya dahil ito ang unang beses na hindi ako sa bahay matutulog araw-araw.
“Nakahanda na ba ang mga gamit mo anak?” Tanong ni Nanay
“Opo nay, handa na po. Aalis na rin po ako kailangan ko po kasing maging maaga bilin sa akin ng mayor doma ni Mr. Santiago”
“Sige anak at baka ma late ka na. Basta pag ayaw mo na doon ay umuwi ka na dito sa bahay ha” sabi ni Nanay habang nakayakap sa akin.
“Opo nay.”
Nasa labas na ako ng bahay ng amo ko at pagka-pindot ko ng door bell ay agad na bumukas ang pinto. Pumasok ako at bumungad sa akin si Aling Dora. Binati ko ang matanda ngunit hindi ito umimik, hindi na rin ako nagsalita.
Hindi kami sa main door pumasok, doon kami dumaan kung saan naka park ang sasakyan na itim ni Mr. Santiago. Pag pasok namin sa maliit na pinto ay diretso na pala iyon sa maids quarter.
“Ito ang iyong magiging kwarto” sabi ni Aling Dora pagkabukas niya ng pinto.
Malaki ang kwartong iyon kompara sa kwarto ko, may liguan at toilet na rin ito sa loob. Kulay puti ang bed sheet at pillow case, may kabinet, may isang lamesa at isang upuan sa sulok. Nilagay ko ang dala-dala kong bag sa gilid ng aking kama. Habang si Aling Dora naman ay may kinukuha sa loob ng kabinet.
“Ito ang magiging uniporme mo, magbihis ka na at hihintayin kita sa labas.” Pagkatapos ay lumabas na nga ito.
Nagulat ako sa aking nakita, ang suot kasi na uniporme ni Aling Dora ay yung parang scrub uniform na baby blue ang kulay habang yung ibinigay niya sa akin ay kulay itim na damit na above the knee ang cut, may kwelyo at apron na kulay puti, sa tabi nito ay isang manipis na stocking na kulay itim at sa gilid ng kabinet ay nakita ko ang isang maitim na sapatos. Nag-aalinlangan man ay sinuot ko pa rin ang mga ito buti na lang at sakto lang sa akin ang damit at sapatos. Pagkatapos kong mag bihis ay lumabas ako agad ng kwarto ko. Pinagmasdan ako ni Aling Dora mula ulo hanggang paa.
“Itali mo yang buhok mo” sabay talikod sa akin at nagsimulang maglakad.
“O-opo” sabi ko habang dali-dali kong tinali ang aking buhok at sumunod sa kaniya.
Sa kusina ako dinala ni Aling Dora.
“Marunong ka bang magsaing?”
“Opo”
“Ang gusto ni Sir Miguel ay yung hindi masyadong lata yung kanina pagka-luto”
Ahhh, Miguel pala ang pangalan ni Mr. Santiago…. Miguel Santiago
“Nakikinig ka ba?” Pang-iinterupt ni Aling Dora sa akin.
“O-opo Aling Dora”
“Huwag mo ring kalimutan na orange juice ang iniinom ni Sir Miguel pag umaga at gatas sa gabi”
“Opo”
“Oh dalhin mo na yang isang basong juice at kanina pa yan inaantay ni Sir” utos ng matanda sa akin.
“Ah….