Breadwinner

“Karen, yung kapatid mo nga pala, may babayaran sa school nila. Sa katapusan daw ang deadline..”

Si Nanay ang nasa kabilang linya. Nagtext ito kanina at sabi ay tumawag daw ako. Kakikita ko lang ng text nya at yun nga, nang break time ko ay dali-dali akong tumawag dito.

“Sige po, Ma. Gawan ko po ng paraan..”

Ako nga pala si Karen. Kakagraduate ko lang ng high school. Andito ako ngayon sa Pasig para magtrabaho. Di na kasi ako kaya pag aralin ng mga magulang ko kaya naisipan kong lumuwas ng Maynila mula sa Pangasinan para makatulong sa kanila at ngayon ay nakikituloy ako sa bahay ng aking Tita dito sa Barangay Pineda.

Wala pang dalawang buwan akong nasa Maynila. Halos isang buwan din akong naghanap ng trabaho at ngayon ay mag iisang buwan pa lamang sa trabaho ko bilang isang car salesperson. Mabuti na lamang at natanggap ako kahit pa high school graduate lamang ako.

“Karen, may customer..”

Si sir Manny. Ang aming branch manager. Ito din ang nag interview sa akin para sa trabahong iyon.

Dahil alam kong kelangan ng pleasing personality ay nag ayos akong mabuti nang araw na iyon. Nagsuot ako ng puting polo blouse at skirt na lampas tuhod at humapit sa aking malapad na balakang. Dahil likas na makinis ang aking mga hita ay di ko na kinailangang magsuot ng leg hose. Pinartneran ko iyon ng itim na heeled shoes. Naglagay din ako ng make up.

5’6 nga pala ang height ko. Maliit ang aking mukha at may mabibilog na mga mata. Maliit na matangos ang aking ilong at makipot din ang aking mga labi. Nasa tamang sukat ang aking katawan. 34-24-36. Madaming nagsasabi sa probinsya na maganda daw ako. Minana ko ang aking kulay sa aking ina na kahit na sa probinsya naglalagi ay may maputi at makinis na balat. Minana ko din dito ang aking maamong mukha. Sa Tatay ko naman minana ang aking height.

Nang pumasok ako sa opisina nito para sa interview ay tila nagulat ito. Di lang kasi ako ang aplikante na andoon nang araw na iyon. Marahil ay pagod na ito at di inaasahan ang pagpasok ko. Ini-scan nito ang aking resume.

“So galing ka pa sa probinsya?”

“Yes, sir..”

“Eh di namimiss mo ang boyfriend mo doon?”

“Sir wala po akong boyfriend..”

“Never ka pang nagkaboyfriend?”

“Opo sir.”

Ilang tanong pa ang itinanong sa akin ni sir Manny bago ako nito pinalabas at ilang oras pagkatapos ng interview ay nakatanggap ako ng text na nagsasabing natanggap daw ako sa trabaho at pinababalik ako kinabukasan. Masayang-masaya ako na sa wakas ay may trabaho na din ako.

Pagkatapos harapin ang customer na nag inquire ay bumalik ako sa opisina. Tatlo lamang kaming nasa shop nang araw na iyon. Ang iba ay may mga mineet na customer. At dahil tanghali at malamang ay walang customer na dadaan ay minabuti kong harapin ang mga sales reports na binigay na trabaho sa akin.

“Mukhang busy ka ah..”

Bati sa akin ni sir Manny pagpasok sa opisina. Nakaharap ako sa computer at nakaopen ang excel file sa screen.

“Eh medyo po. Kelangan ko daw po ‘tong tapusin ngayon, sabi ni Mam..”

Si Mam Trina ang supervisor namin.

Napaigtad ako nang maramdaman ang kamay ni sir sa aking mga balikat.

“Hmmm…masipag ka talaga, Karen..Keep it up..”

Bago pa ako makatanggi ay nagsimulang masahehin ni sir ang aking mga balikat.

Habang sige ang lalakeng boss sa pagmasahe ay tumatakbo ang aking isip. Papalag ba ako? Mukhang wala naman malisya sa ginagawa nito. Siguro naman ay walang masamang ibig sabihin ang ginagawa ng boss…

Hinayaan ko na lamang si boss sa ginagawa nitong pagmasahe. Di naman nagtagal ay tumigil ito. Nakahinga ako nang maluwag at ipinagpatuloy ang trabaho.

Nang hapong iyon, bago umuwi ay nagyayang lumabas si sir Manny.

“Guys, tara sa Metrowalk. Maganda ang sales natin this month. My treat..”

Mabilis naman pumayag ang iba ko pang kasama. Dahil libre naman ay sumama na din ako. Kung kanya-kanyang bayad kasi ay wala akong pera na ipangs-share. Sumakay kami sa sasakyan ng boss at dumirestso sa lugar.

First time ko makarating sa Metrowalk. Dahil bago pa lamang sa Maynila ay hangang hanga ako ganda ng lugar. Pumasok kami sa isang KTV lounge Mabilis na nag orderan ang aking mga kasama pagpasok. Ang iba naman ay mabilis na nagsipili ng kanta at nagsimulang magvideoke.

First time ko sa KTV lounge. At dahil bago pa din sa trabaho ay inoobserbahan ko lamang ang mga kasama ko.

“Oh.. pampatanggal ng kaba..first time mo magKTV noh?”

Si sir Manny ulet. Hawak nito ang isang bote ng San Miguel Beer at inabot sa akin.

Nahihiyang inabot ko iyon.

“Eh opo, sir..”

Ngumisi ito.

“Wag kang mag alala. Di lang ito ang unang beses na makakarating ka sa ganitong lugar at sa madami pa. Remember, nasa Maynila ka na.”

Masaya ang naging takbo ng gabi. Magaan kasama ang mga kasama ko sa trabaho. Di nagtagal ay naging at ease na din ako at nakisali sa kanilang kantahan at sayawan.

Habang gumagabi ay di ko namalayan na nakailang bote na din pala ako ng alak. Nang mag uwian ay nagprisinta ang si sir Manny na ihatid ako sa aking tinutuluyan.

“Ako na ang maghatid dito sa baby natin. Baka mamaya ay di pa makarating sa kanila..”

Alalay ako ng aking boss habang naglalakad. Grabe. Di pa ako nalasing nang ganito. Umiinom naman ako pero di ako nagpapakalasing. Nasobrahan ata ako sa beer.

Nang makasakay sa sasakyan ay nagsimulang tila umikot ang aking paningin. Buti na lang at si sir Manny ang kasama ko. Di ko maimagine kung nagtaxi ako pauwi na ganoon ang hitsura.

Suot ko pa din ang aming uniform. Skirt iyon at polo shirt. Sa sobrang kalasingan ay di ko na alintana ang aking hitsura. Naramdaman ko na lamang si sir nang istrap nito ang seatbelt sa aking katawan.

Itinanong lang nito saan ako nakatira at pagkatapos ay pinaandar na ang sasakyan. Di ko na namalayan nang paandarin nito ang sasakyan.

“Karen…”

Marahang tapik sa mukha ang nagpagising sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at mabilis na napaunat nang upo nang maalalang nasa sasakyan nga pala ako ng boss.

“Ay sir..andito na po ba tayo?”

“Di ko alam san ka dadalhin eh. Kaya itinigil ko muna dito.”

Tumingin ako sa labas. Hindi ko alam kung nasaan kami pera may mangilan-ngilang sasakyan ang dumaraan.

“Pasensya na po kayo sir. Di ko pala nasabi sa inyo yung exact address. Teka po. Hanapin ko dito sa bag ko.”

Di ko pa din kasi masyadong kabisado ang address ng Tita. Lagi kasi akong nagjjeep pauwi.

“Okay lang. Pababa ka ng lasing bago ka umuwi at baka mapagalitan ka pa..”

Bakas ang concern sa mukha ng boss. Oo nga naman. Baka kung ano pa ang marinig nya sa tiyahin kung uuwi sya ng lasing. Muli nitong pinaandar ang sasakyan.

Nang makapagpark ay bumaba kami ng sasakyan.

“Sir, nasan po tayo?”

“Dito tayo malapit sa Rizal. Malapit lang din naman ito sa tinitirahan mo. “

Nakaparada ang sasakyan sa isang tahimik na lugar. Kita sa harapan ang city lights. Ang ganda pagmasdan ng maliliit na ilaw. Di pa din ako makapaniwala na nasa siyudad ako at doon na nagttrabaho. Kailan lamang ay pangarap lamang nya ang makapagtrabaho sa Maynila.

Nang ipatong ng kasama ang kanyang mga kamay sa aking mga balikat at bahagya na lamang akong nagulat. Muli ay marahan nitong minasahe ang parteng iyon.

“Ang ganda naman dito, sir. Thank you ha—“

Nilingon ko ang kasama nang

“Umpphhhh..”

Siniil ng halik ni sir ang aking mga labi.

Nanigas ang aking katawan. Pakiramdam ko ay nawala ang aking pagkalasing. Heto ngayon ako kasama ang mata…