Michael: Eh Ate pano ka na?
May: Mike ano ka ba? Kaya ko pa naman mag trabaho.
Michael: I insist Ate. Hati na lang tayo.
Donna: Oo nga naman ate hindi naman namin magagastos lahat yan.
Michael: Ate mahalin mo naman sarili mo. Pamper your self. Kahit konti lang.
Tinanggap naman ni May ang alok ng kapatid at pinaghatian nila ang parte nito.
Michael: Pamper your self Ate May. You deserve it.
Napaluha si May sa sinabi ng kapatid at napayakap ito sa kanya.
May: Eh pano kayo? Ang kasal nyo?
Donna: simple lang naman ate. Consist of only close relatives and friends. Five tables lang magagamit. Basta bearer namin anak mo ha. Tapos Matron of Honor kita.
May: Oo naman. Magtatampo ako kung hindi kami kasama sa entourage. Hahaha
Michael: Pamper your self Ate. Kahit konti lang.
Sinunod naman ni May ang payo ng nakababatang kapatid. Sinubukan niya ang mga bagay bagay na hindi pa niya nasusubukan tulad ng magpa spa, mag high end salon, bumili ng ilang branded na damit, bag, alahas, relos, sapatos, at mag enrol sa isang sikat na culinary school. Mahirap din kasi na puro raket lang siya at walang steady income.
Isang taon ang nakalipas ay isa nang ganap na chef si May at lakas loob na magbukas ng sariling resto at catering service. Kahit baguhan pa lng siya sa industrya ay hindi naman siya nahuhuli sa mga beteranong kalaban. Abot kaya kasi ang presyo ng kanyang mga pagkain at masarap din siya magluto.
Sa private school pa rin nag aaral ang mga anak ni May na sila Brandon at Benedict. Hindi naman ipinagkait ni May ang dalawa kay Brent na nasa Bilibid matapos mabasahan ng sakdal. Lagi nila itong dinadalaw at ngayon lang na realize ni Brent ang mga kabaitan sa kanya ni May nung magkasama pa sila.
Malaki ang pinagbago ni May sa pananamit at pag aayos sa sarili pero hindi pa rin nagbabago ang kanyang pag uugali. Mabait pa rin siya at mapagpa kumbaba sa kapwa. Pamilya pa rin niya ang una niyang iniisip kesa sa kanyang sarili.
Masaya din namang naidaos ni Michael ang kasal nila ni Donna. Simpleng kasalan lang ito pero kakiba ang saya nilang mag asawa. Nakabili na rin sila ng simpleng house and lot sa isang subdivision gamit ang bigay na pera ni May. Maganda din ang takbo ng kanilang career at na promote naman si Michael bilang partner sa pinag tratrabahuhan niyang law firm. Ngayon ay plano na nilang magkaroon ng anak.
Naipaayos naman ng nanay nila May at Michael ang kanilang tahanan at hindi na niya problema ang pananalapi.
Kakaiba ang aura ni May ngayon at blooming na blooming siya. Isinantabi na muna niya ang personal na kaligayahan para sa kanyang mga anak pero hindi pa rin natitinag si Alex sa kanya. Nagkita sila sa isang mall habang kakatapos lang nilang mamili.
Alex: May? Kumusta?
May: Alex? Ok naman. Ikaw?
Habang nagkukumustahan ay bigla namang dumating ang nanay ni Alex na si Margarita o mas kilala sa palayaw na Margie. Ipinakilala naman niya agad ito kay May.
Alex: May mother ko nga pala. Ma she’s May.
Margie: Hi Iha. Kumusta ka na?
May: Mabuti naman po.
Margie: So ikaw pala yung madalas ikwento sa akin ni Alex.
…